The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
March 9, 2020

YERO, PAKO, SEMENTO

“Wasak ang mga bahay. Nakalulunos. Kung meron mang mga buo pang bahay ay halos giba na rin ang mga ito sa kapal ng abo na nasa bubungan ng mga bahay.”

Walong linggo makalipas ang pagsabog ng Bulkang Taal, kumustahin natin ang mga naging biktima sa Barangay Buso-buso Laurel Batangas. Ako si Pareng Rey Langit.

Makibahagi sa ginawang gift giving ng LANGIT Foundation kasama ang ating mga partners sa barangay buso buso. Ako naman ang inyong Kasangga, JR Langit.

Ang mga istoryang tulad nito na aming ibinabahagi ay napapanood sa aming programang pang telebisyon na Kasangga Mo Ang Langit. Sumasainyo tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit ay napapanood sa buong mundo sa pamamagitan ng fb live.

Matapos ang pag a-alburuto ng bulkang Taal, mga patay na isda ang tumambad sa paligid ng lawa. Isang nakapanlulumong tanawin dahil ang pangunahing hanapbuhay ng mga mamamayan duon ay pangingisda.

AN APPEAL FOR HELP

Sa pakikipanayam ni Kasangga JR Langit sa Mangingisda na si Rudy Reposa:

JR Langit: Sa mga nangasirang fishcages ano uri ng isda ang nahuhuli ninyo dito?

Rudy Reposa: Tilapia po

JR Langit: Uhm, tilapia, mahirap po bang alagaan at gaanong puhunan ang kinakailangan dito?

Rudy Reposa: Depende po sa dami at sa laki ng fishpen. Umaabot po ng kulang kulang isang taon para kumita, kumporme po sa presyo ng ani.

JR Langit: Gano katagal po bgo mag harvest, ilang beses sa isang taon ang harvesting?

Rudy Reposa: Kumporme po sa pag laki ng isda meron po kasing mabagal lumaki lalo po ngayon, pag taglamig mabagal lumaki.

JR Langit: Makalipas po ng pag aalboroto ng Taal, sa damage na inabot ng inyong mga fishpen meron po ba kayong gustong ipanawagan, inyong mensahe sa mga kababayan natin.

Rudy Reposa: Yun pong tulong lang po dito sa amin na kawawa naman po yon kabuhayan namin, nangasira ang mga fishpen. Karamihan wasak yung bahay.. at tsaka hindi pa po makakilos kasi ito ay naka lock down pa dito. Nakaka balik lang po sila dito dahil may window hours po sila dito pag hapon wala ng tao.

Ang Barangay Buso-buso ang napili ng Kasangga mo ang Langit foundation at partners na tulungan ngayon dahil hindi pa lubos na nakababalik sa kanilang normal na buhay ang mga mamamayan rito.

COMMITMENT TO ADVOCACY

Rey Langit: Hindi naman kaila sa inyo na ang objective po namin aside po dun sa pag alalay, pagtulong pag papaabot po ng aming helping hand ay inaalam din namin ang sitwasyon ninyo para po makarating din sa iba, mai-broadcast po namin, maipalabas sa radyo at telebisyon sa aming Programa. Ito po ay bahagi na ng aming commitment at adbokasya sangalan ng public service.

Alam namin na ang ganitong mga pagdamay ay makapag bibigay sa kanila ng lakas ng loob upang harapin ang mga challenges sa buhay.

Ganito naman ang naibahagi sa kanila ng ating Kasangga-JR Langit, “ay salamat sa Diyos at bumaba na po yung alert level ng bulkang Taal at naririto na po tayong lahat sama sama ngayon, kagaya po ng nabangit ng father ko po na si Rey Langit naririto po kami hindi lang po para magbigay ng tulong kundi para rin po alamin namin kung ano po ang inyung kalalagayan dito po sa Laurel Batangas. Yun pong aming foundation ay nasimulan po ng aking kapatid na si Reyster Langit ng siyay na bubuhay pa. Hayaan po ninyong ishare ko sa inyo yung kanya pong ang binitawang salita, na tumatak po sa aming puso. Ito po yung kanyang parating binabanggit. “I have seen the value of Helping others but the most rewarding part of my job as a broadcaster is not exposing the wrong doings of others but the smile and acknowledgement we get from peoples whos lives we have touch and change in some wonderful way.” At ito po ang aming ipinag papatuloy.

HEAVILY DAMAGED

Isa ang barangay Buso-buso sa bayan ng Laurel Batangas sa mga lubhang nasalanta ng pagputok ng bulkang Taal. Isa rin ito sa mga lugar na unang na-lockdown dahil sa pinsala at panganib na dala nuon ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Sa aming pakikipanayam kay Brgy Chairman Lea Agojo Sanggalang, “ang iba po ay bumabalik na, ang iba po na naman po ay hindi pa dahil karamihan po sa mga tahanan ng atin pong mga kabaranggay ay nasira po kaya po wala pa rin po silang mauuwian na tahanan.

JR Langit: Ano naman po yung mga karaniwang idinudulog nila?

Brgy Chairman: Ang kalimitan po na idinudulog ng aking mga kabaranggay humihingi po sila ng tulong pinansyal o kahit po sana mga YERO, PAKO, SEMENTO o hollow blocks para po maipagawa at muling maitayo ang kanilang mga bahay.

Maging ang mga puno at halaman ng naturang barangay ay nabalot rin ng abo at putik, puro putik ang nakatabon. Sa kalsada ay halos 12 inches ang kapal.

LIVELIHOOD PROBLEM

Brgy Chairman: Sa ngayon po wala na po kaming hanap buhay dahil kalimitan po ng mga isda na inaalagaan po nila sa fish cages ay nasira po yung mga net, kaya po yung mga isda ay na kaalpas.

JR Langit: Nalulungkot po Kami sa aming nakikita ngayon.

Brgy Chairman: Opo naging abo na po ang buong paligid.

JR Langit: Para na ngang mistulang desert ang buong paligid. Imbis na green, naging kulay Abo.

Sa dalawampu’t isang barangay sa bayan ng Laurel sa Batangas…pinaka apektado ng pagsabog ng bulkan ang barangay buso buso kayat hirap na bumangon ang mga mamamayan dito.

Bagamat pinipilit ngayong nakakabalik sa pangingisda ang mga tga barangay buso-buso. Gayunman, hindi ito magiging madali dahil muli silang magsisimula sa wala.

INSPIRATIONAL WORDS OF WISDOM

Ganito naman ang naging pahayag ng aming partner sa ating LANGIT Foundation na si ginoong James Kumar, “Ang pagtulong po na yan ay responsibilidad natin sa bayan at sa mga kababayan natin. Dapat po nating isa isip na sila ay nangangailangan ngayon ng tulong natin, gamitan po natin ng Puso. Hindi kinakailangang maging mayaman upang makatulong. Mahirap kaman kung gusto mong tumulong Ito po ay magagawa ninyo.”

Muli naming nakasama sa pamamahagi ng tulong ang ating kasanggang si James Kumar na nagsama ng mga kabilang sa Indian Community.

James Kumar: Actually, unang una nag papasalamat nga ako ulit sa Panginoon at kung hindi dahil sa inyo hindi rin ako nakarating sa baranggay na ito. Pangalawa na paka sarap sa pakiramdam yung makatulong sa kapwa. Mas mahigit pa siguro yan sa magsimba ka.

JR Langit: Papaano naman ninyo na-enganyo yung Indian community na sumama din sa Kasangga mo ang Langit Foundation na mamigay ng tulong?

James Kumar: Well nakita nila last time na nag punta po tayo sa mga nasunugan sa Maynila. Before pa marami namang ginagawang mga charity work ang grupo, so kinausap nila ako ano ba yung… san ba yung next na gagawin niyo, sabi ko kakausapin ko sila sir Rey Langit.. ah pupunta tayo ng Batangas ulit para mag medical mission tsaka mag bigay ng sanitary kit. So sabi nila sige bka pwede kaming maging part ng foundation niyo at gusto rin naming makatulong, dati na nakikita na nila sa facebook ang pag tulong ninyo.

HELPING HANDS

Samantala ang naging pahayag naman ng aming Partner na si Eng. Grace Cristobal ng AlkaViva Water:

“Kaya lagi kong sinasabi na ang tubig ay buhay, ang tubig din ang nag bigay ng magandang buhay kay Alkaviva so gnun din po ang gusto kong ishare sa inyo, Para sa mga kababayan nating Batangueno, mag kasama po kami nila sir Rey Langit at Bro Jr Langit. Dahil sa nangasira ang inyong bahay, wala kyong matuluyan sa ngayon….walang kabuhayan. Galing po sa puso ito, sa amin sa alkaviva marami na rin kaming natulungan na magkaroon ng negosyo. Kahit na simpleng tao lang , na talagang mas nangangailangan bibigyan namin kyo ng panimula ninyong pang kabuhayan like Water Refilling Station na mapagkukunan ninyo ng malinis na tubig at panimula ng bagong kabuhayan. Negosyo para po sa inyo, hindi lang dun sa community na nsasakupan ninyo kyo pwede mag benta ng tubig, mineral bottled water mula sa Water Refilling Station pwede kyong magbenta ng tubig outside the Community, magiging malaking tulong ito sa inyo. Malaki ang panga ngailangan natin sa tubig na maiinom, sabi nga kahit na lumampas kana sa pangkain huwag lang mawala ang tubig na maiinom, mapawi lang yung uhaw. Pwede po nating bisitahin ang ating web page or facebook page ng Alkaviva,  Globe -0917 836 6194 Smart – 0947 997 6438 Sun – 0932 847 9675

MUST WATCH!

Inyo itong mapapanood sa aming Programang pang-telebisyon Kasangga Mo Ang Langit at Biyaheng Langit. Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television nang Father and Son tandem, ako si Pareng Rey at Kasangga-JR Langit na simulcast, sabayang napapanood sa mga sumusunod:

RJdigiTV via cable and satellite Television Cablelink – Channel 2

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox at FB Live worldwide.

ACKNOWLEDGEMENT

Ganito ang naging mensahe ng Pangulo ng Association of Barangay Captains (ABC) ng Laurel Batangas na si President Sylvia Austria.

ABC President: Kaya dito po namin kayo dinala at kami po mismo ng aking anak na si Aaron ay tumawag at nag-text po sa inyo upang makarating kay sir Rey Langit ang malungkot na situwasyon dito sa Laurel. Malaking bagay ang inyong tulong na ibinahaging ito sa aming mga kababayan. Mula po sa aming mga kababayan, mula po sa aming Puso, at mula sa aming pamilya ng dating Vice Mayor Austria, ng aking mga anak, kami po ay lubos na nag papasalamat sa tulong na ibinahagi ninyo, hinding hindi po namin ito malilimutan kailan man, maraming salamat po.

SUMMATION

Bagamat naibaba na sa alert level 2 ang Bulkang Taal, maraming residente ang may agam agam sa kanilang pagbangon lalo na ang mga naiwan pa sa evacuation centers dahil wala na silang bahay na babalikan.

Ano mang biyaya mayroon tayo sa ngayon ito ay higit ninyong mapapa halagahan kung mababahaginan natin sila ng kahit munting tulong at makita ninyo ang kalunos lunos na sinapit ng ating mga kababayan sa buso buso Laurel Batangas.

Ano man ang ating naibahagi sa kanila, ay kanilang taos pusong pinasalamatan. Sa totoo lang napakasarap ng pakiramdam kapag nakakatulong sa ating mga kababayan.

Sa ngayon ay kailangang kailangan ng ating mga kababayan sa brgy buso buso ang YERO, PAKO, SEMENTO, ngunit higit sa materyal na bagay ang presensya ng mga grupo na gustong makatulong ay malaking bagay para sa morale ng ating mga kababayan.

Nagiging mas matatag at mas matibay ang ating mga kababayang dumaan sa matinding pagsubok kapag alam nilang marami silang mga Kasangga na maaasahan.

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial