The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
April 28, 2019

TIME IS OF THE ESSENCE!

Pag asa sa likod ng kapansanan:

“Dapat tanggapin mo sa sarili mo na puwede ka. May limitasyon ka. Kapag di mo yun natanggap di ka mabubuhay. Kahit sa mga manonood hindi naman kailangan yung awa, ang kailangan namin pang unawa at oportunidad.”

Ang episode nating ito ay napanood sa ating Programang pang telebisyon, na “KASANGGA MO ANG LANGIT” na inyong palagiang sinusubaybayan tuwing Biyernes ng gabi ng alas diyes y medya (10:30pm) sa PTV4.

INTERNATIONAL DAY OF RECOGNITION

Deklarado ang Disyembre a tres kada taon bilang International Day of Persons with Disabilities dito sa Pilipinas. Sa ilalim rin ng Magna Carta for disabled persons, binuo ang national Council on disability affairs na syang mangangasiwa sa pagpapatupad ng batas. Kasama na rito ang pagtiyak na maibibigay sa mga PWD ang mga benepisyong naaayon para sa kanila.

“Sa mga magulang natin, pag aralin yung mga anak nyong pwd dahil sa totoo lang po malayo na rin yung narating natin because of social media kasi pag marunong ka ngayon sa social media pwede kana magtrabaho.”

Alamin ang kwento ni Mang Arturo, ang Pangulo ng nagtitindang may kapansanan sa Quiapo Maynila. Ako si Pareng Rey Langit. Iba’t-ibang religious items sa Quiapo kung para saan ang gamit, ating alamin. Ako naman ang inyong Kasangga, JR Langit.

Marami sa atin ang malimit magreklamo dahil sa hirap na maghanapbuhay. Pero sa kabilang dako, marami tayong kababayan na sa kabila ng kanilang kapansanan ay patuloy na nagsisikap para sa ikagaganda ng kanilang buhay. Kabilang dito si Mang Arturo Quiroz, Pangulo ng Kasamahang Kapatiran sa hanap buhay, isang organisasyon ng mga PWD o Persons with disability na nagtitinda sa simbahan ng Quiapo Maynila.

Tatlumpung taon na ring nagtitinda sa Quiapo Church si Mang Arturo. Minana pa nya ang pagtitinda sa kanyang ina. Pero ang kakaiba kay Mang Arturo, nagtapos sya ng kursong Business Administration sa MLQ University.

NOT ACCESSIBLE TO PWD

Mang Arturo: Sabi ko kailangan ang kunin kong kurso pagdating ng kolehiyo yung hindi ako magtratrabaho, dahil bukod pa po sa mga instraktor yung transportation sector isa pa po sa problema naming mga PWD yan diba kasi po yung mga sasakyan hindi po siya accessible sa PWD. Hindi po ako against dun fair discount ng mga PWD pero tanggapin po natin yung katotohanan na wala na mang PWD sasakay na walang pamasahe, ang problema po may pamasahe kaman ayaw ka namang isakay kasi walang tamang sakayan para sa mga PWD. Nagiging problema pa po samin yung discount e pagdating sa mga short route po, specially sa taxi , sa jeepney kasi ayaw kaming isakay e unang-una abala bubuhatin mo pa yung wheelchair mo, yung mga gadgets ng PWD so kakain siya ng maraming oras. Alam mo naman yung mga driver mahirap din yun naghahabol ng kita pangalawa pa yung mga traffic sign natin, yung daanan hindi rin po siya accessible para sa mga pwd, yun po yung naging mindset ko kaya pag nag negosyo ka hawak mo yung oras mo diba? Kung ano yung komportableng oras , kung rush pwede ka sa bahay mag negosyo nalang.

PREMATURE BABY

Isa si Mang Arturo sa mga premature baby at tinamaan ng Polio nuong sanggol pa lamang sya. Pero hindi naging sagabal sa kanya ang kanyang kapansanan. Nasa highschool pa lamang pagnenegosyo na ang target ni Mang Arturo.

Mang Arturo: hanggat anjan yung pang unawa. Unawain ninyo kami, pangalawa sa pamilya, ang unang kaaway yung pamilya mo kasi dalawang klase yan either ikahiya ka ng pamilya mo o maging over protective yon. Sabagay hindi na po siya nangyayare bihira na po sa malalayong probinsya nalang na yung mga anak ng pwd hindi pinag aaral tinatago kinahihiya pero at least po sa paglilibot ko po sa mga forum unti unti na pong nabubuksan yung kaisipan ng magulang na may anak na pwd. Pangalawa po ang pinaka kawawa sector ng pwd yung mga deaf kasi hindi kagaya ng blind, ortho, muted bigyan mo lang yan ng radyo, bigyan mo lang yan ng tv pwede na yan mag salita. Yung mga deaf po naaabuso na hindi pa natin alam, kasi unang una kulang tayo ng… lack of sign language interpreter sa mga tv diba bihira yung ganun. Importante po yun sa deaf because of communication, pangalawa iilan lang ba yung nakaka alam nung sign language, mag aral ka sa deaf school kamahal ng bayad diba, so yun po sila po yung pinaka abusong sector sa hanay ng may kapansanan.

LOW COMPLIANCE

Sa kabila kasi anya ng napakarami nang batas para sa mga PWD ay halos hindi naman ito kayang ipatupad ng mga ahensya ng pamahalaan.

JR Langit: Bakit nasabi ninyo na hindi naman kayang ipatupad lahat ng ahensiya ng pamahalan?

Mang Arturo: Sa Ortho kasi, pagdating po sa transportation diba ayaw po silang isakay kaya po ang nakikinabang lang po sa mga sa mga discount sa sasakyan sa eroplano barko yung mayayamang pwd. Ang kailangan po namin livelihood assistance, pangalawa job security pano natin hahabulin yan kung tawag tayo ng tawag ng atensyon ng private sector tumanggap ng qualified PWD employee eyung mismong government hindi nag aacept ng PWD employee. For example sa mga government agency na pwede naman yung pwd ay bihira ka diyan makakita ng mga pwd nagtratrabaho e ang required sa batas atleast 5% or full enforcement ng government should qualify pwd e pero wala akong nakikita ganon, hanggang salita lang po.

Kabilang sa mga benepisyo para sa mga PWD ang dalawampung porsyentong discount sa mga restaurants, sinehan at iba pa….sa gamot, transportasyon at iba pang serbisyo.

ASSERT YOURSELF

Isinusulong ni Mang Arturo na mabiyayaan ng edukasyon ang mga PWD na puede nilang magamit para sa kanilang paghahanapbuhay. Hindi anya dole out ang kelangan ng mga katulad nyang PWD kundi oportunidad upang patunayan ang kanilang kakayahan.

Mang Arturo: Kasi dito sa bansa natin implementasyon ay kulang, saka kailangan talaga matibay ka kasi kahit yung government agency na alam yung karapatan mo pero kung wala kang kibo hindi na kikilos, sasabihin pa sayo lack of funds.
Totoo naman po yun, kaya ang yung ncda-national Council on disability affairs, yung ahensyang nangangalaga para kapakanan ng may kapansanan wala naman silang police power puro recommendatory lang sila sa lahat ng agencies. Sa dswd sa kapulisan ang problema po kapag hindi po naka angkla yung programa ng local government dun sa pwd hindi po masusustain yung programa ng ncda para sa pwd kasi kailangan naka angkla siya sa local government so pag di po yun ginawa ng local government ayun ang problema hindi siya makaka create ng isang pangkabuhayan sa pwd kasi wala siyang programa eh hindi niya kasi alam kung ilan na yung…. sa totoo lang I have no accurate figures, tancha ko nasa more than 10 million na yung mga pwd dito.

LOOKING BUT NOT SEEING

Sana po mag karoon ng accurate barangay profiling para malaman natin kung ilan ba talaga yun yung population ng pwd sa isang barangay para mabigyan sila ng akmang trabaho dun sa community hindi na siya lalayo dun sa kanyang tirahan para hindi na siya mahirapan, kasi pano tayo e-aaccept ng private company unang una sir aminin natin to ikaw parehas tayo, mas qualified ako kukunin na kita kasi mag dedevelop pa ako, dedevelop ko pa yung area ko para maging accessible sakin, pangalawa su-survey ko yung production capacity kasi mamaya umulan matraffic hindi kagad makakarating yun yung mga pwd na kinakaharap namin na dapat naming tanggapin so dapat mulat yung gobyerno diyan. Hindi lang kasi sa totoo lang maraming government agency tinitignan lang nila, kaya nga may kasabihan e hindi lahat ng nakikita ng mata ay totoo e diba dapat titignan mo rin yung internal na problema mas malalim yun pag gumawa ka ng batas mag karoon ka ng malalim na pag aaral hindi lang titignan mo.

Sa grupo nina Mang Arturo, sila sila ang nagtutulungan upang magkaruon ng kabuhayan. Tulad na lamang ng paninda nilang religious items na mismong sila o kanilang ka-pamilya ang gumagawa.

RELIGIOUS ARTICLES

Samantala ating alamin ang mga panindang religious items ni Mang Arturo at kung saan mabisa ang mga ito.

JR Langit: Nabanggit niyo po mang Arturo halos lahat nitong paninda niyo dito ay gawa po ng pwd.

Mang Arturo : yang rosary mga ganyan….

JR Langit: San po nanggagaling yung mga materyales?

Mang Arturo : Binibili namin sa divisoria, yun nga po dapat yan halimbawa nakapag create kayo ng trabaho para sa pwd, dapat may market kayo. Kasi maraming graduate ng pwd mga wala namang trabaho, e kasi mali e diba, pag aaralin mo pagkagraduate niyan wala namang trabaho babalik yan diba, kaya ang gusto ko home base, livelihood para sa kanila.

Meron rin namang mangilan ngilang negosyante na sadyang kumukuha ng PWD bilang empleyado.

JR Langit: Meron din kaming mga na feature nung nakaraan ano naman sila gumagawa ng bag, pero yung mga hinahire ng employer puro mga PWD nag hahand made ng mga bag.

DISCRIMINATION

Mang Arturo : Si Don Pedro dati yung may ari ng happy tooth paste di yan tumatanggap ng PWD na trabahador,
minsan na sama sya sa meeting… sabi ko kunin mo yung mga deaf kasi focus sila ang deaf kasi parang kabayo yan focus talaga yan kaya mas creative sila.

Kabilang sa mga paninda ni Mang Arturo ay mga medalyon na dinadasalan muna ng latin kapag nabili.

Mang Arturo: Pag ikaw may ganito talaga hindi mo dapat ipag bili, pinapamahagi ito ng libre

JR Langit: San po galing itong librong to? Ano pong tawag dito ?

Mang Arturo: Sa ano to eh, di ko na matandaan pina retro ko na lang to kasi yung original nito itim na libro.

JR Langit: Itim na libro po ?

Mang Arturo: Yung cover nito itim talaga ang kulay nito.

JR Langit: Latin po sya, na puro po sya Panalangin ?

Mang Arturo : Puro sa Diyos ito, iba iba kasi ito, kagaya nito …..

JR Langit: Kung para san niyo gagamitin let’s say humihingi po kayo ng saklolo sa Panginoon ng tungkol sa pera, halimbawa may problema ka sa pera?

May mga medalyon para sa problema sa Pera, mayroon rin na para sa negosyo at meron ding pangontra sa kulam.

JR Langit: Yan, para saan naman ang isang ito ho?

RELIGIOUS BELIEFS

Mang Arturo: Ito, sa kulam naman ito.

JR Langit: Saint benedict

Mang Arturo: Sa kulam naman ito

JR Langit: Pangontra sa kulam?

Mang Arturo: Pag magpapagawa ka ng bahay yung mga poste ibabaon sa bahay pito pito para hindi pamahayan ng masamang spiritu. Yung ikabubuti ng tao nasa kamay nila kagaya nito yung anghel ayan oh kung anong linggo, kaya lang yung tao yung karunungang binigay sa kanya ginagamit sa masama, ayan oh may explanation dito.

JR Langit: Yan ho para saan naman, itong dasal na yan?

Mang Arturo: Yung mundo para sa sunog.

JR Langit: Panalangin para sa sumasampalataya, Ama namin…..

Hindi biro ang hirap na dinaranas ng mga kababayan nating PWD, magkaruon lang ng disenteng pamumuhay. Hindi limos at awa ang kanilang kailangan kundi tulong na makapagpapanatili sa kanilang dignidad.

SUMMATION

Bahagi ito ng pagharap sa mga hamon ng buhay. Tunay na kahanga hanga at dapat tularan ang mga katulad ni Mang Arturo na hindi alintana ang kapansanan upang i-angat hindi lamang ang kanyang buhay kundi ang buhay ng kanyang mga kapwa PWD.

Ngayong panahon ng pagalingan sa Pulitika, magandang pag aralang mabuti ng mga tumatakbong Senador ang mensahe ni Mang Arturo. Sa larangan ng legislation o pag gawa ng batas napakahalaga na malaman ang mga detalye, daing, panga ngailangan at nasa-isipan ng ating mga may kapansanan, PWD. Hindi lang yon nakikita ng mga mata ng mambabatas from a distance o yung natatanaw, dahil napakarami pala ng dapat ikunsidera sa paggawa mo ng batas upang pakinabangan ng totohanan ng ating mga may kapansanan ang batas na gagawin.

Sinsero man at maganda ang hangarin ng batas kung hindi naman pakikinabangan, wala rin. Parang nag aksaya ka lang ng panahon.

Remember, time is of the essence!

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial