The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
March 1, 2020

TARGET: FIGHT CORRUPTION!

“When you have the opportunity to serve people in government, you use that time – that temporary time in you life, to really offer and benefit others na supilin mo ang kasamaan!”

Ang krusada kontra katiwalian ni Commissoner Greco Belgica, ating sundan. Ako si Pareng Rey Langit.

Ang personalidad sa likod ng giyera kontra droga, ating kilalanin. Ako naman ang inyong kasangga JR Langit.

Ang mga istoryang tulad nito na aming ibinabahagi ay napapanood sa aming Programang pang telebisyon na Kasangga Mo Ang Langit. Sumasainyo tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit ay napapanood sa buong mundo sa pamamagitan ng FB Live.

HOW TO FIGHT CORRUPTION

Ibinahagi sa “Kasangga Mo Ang Langit” tandem Rey at JR ang mensaheng ito ni PACC Commissioner Greco Belgica

“Ito po lahat ng pinapangarap ko po noon, hindi lang pangarap yung mga pinaglalaban ko noon, mga kinakasuhan, I was given the opportunity to really investigate and apply the law. Dalawang bagay lang po yan, number one, remove corrupt officials, file cases, arrest them at number 2 is change corrupt system.”

Isa sa mga pagbabagong nais maipatupad ng Pangulong Rodrigo Duterte ng maupo bilang Pangulo ang masugpo ang katiwalian sa pamahalaan. Ito rin ang matagal nang Pangarap na mangyari sa bansa ni Commissioner Greco Antonious Beda Belgica. Sa katunayan, si Commissioner Belgica ang nasa likod ng petisyon nuon sa Korte Suprema laban sa itinuturing na simbolo ng katiwalian sa gobyerno – ang Pork Barrel Fund.

UNCONSTITUTIONAL

Maituturing na katuparan ng pangarap ni Commissioner Belgica nang ideklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang Pork barrel ng mga mambabatas.

Yun din ang nakikita ko nung maliit ako andaming mahihirap sa Pilipinas andaming pulubi pano tutulungan sabi nga ng papa ko kung kailangan maging leader ka leader ng bansa so 2013 I filed against the Pork barrel system na DAP, pumutok nga yung Napoles issue and alam nati yung PDAP yung Pork Barrel yun ang koruption na pinagkokorupt ng mga congressman, mga senador yung porkbarrel system ng gobyerno. So we file sa supreme court yung mga case na yun, Belica Rulling 140 unanymous , for the love of country and alam ko na korupsyon ang nag papahirap sa buhay ng tao and I was doing it in and out of the office and for more than a decade tuloy lang po yung adbokasy pong yan and then when president Duterte came he appointed me commissioner of the PACC.

RED TAPE

Sa pag uutos ni pangulong Duterte na pabilisin ang lahat ng proseso ng transaction sa gobyerno 3 days for simple transactions. 7 days for complex transaction and 20 days for highly technical transactions in that way yung ating mga negosayant, yung tao na nag aaply ng permit ay mabilis na mapoproseso and if government offices and employee failed to do accordingly they can be charge.

Mahigpit ang direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na matanggal ang Red tape sa mga transaksyon sa pamahalaan dahil ugat ito ng maraming katiwalian. Kung nais mo nga naman na mapadali ang transaksyon mo sa gobyerno, hindi ka mangingiming maglagay na lang o pumatol sa mga fixer.

KATARUNGAN DESK

Yung mga frontline agencies ng gobyerno lahat nilalagyan namin ng katarungan desk gumagawa po kami ng app na ipamimigay po namin ng libre so with that mabilis na kakarating sa amin ang mga inpormmasyon at naaadress namin yung pwede naming I address and hopefully and by 2022 nka set up na lahat, mataas na mataas na ang informasyon na nakukuha ng gobyerno para i-address ang mga isyu na nag papa hirap sa mga tao and we know if that happens marami pong gagaan ang buhay maraming negosyo, kya lang ho ngayon talamak pa ang korupsyon hindi natin ma zezerto yan dahil habang may tao may korupsyon. What we can do is to put up system na mapag susumbungan.

Inihalimbawa ni Greco ang sistema sa Naia kung saan nabunyag ang Pastillas Scheme na kinasasangkutan ng mga tauhan ng Bureau of Immigration.

PASTILLAS AT IBA PA

Comm Greco: Matagal na pong kaso yan in-fact una kong nahuling kaso was related to that sa NAIA, mga jewelries, same system sinusundo tapos may parte yung mga sumusundo labing tatlo pong opisyal ang ah nakasuhan ang nasibak po sa operation po naming iyon. Tapos last year yung labing walong bureau of Immigrations officials naman, amin din pong sinibak at kinasuhan dahil sa extorsion and then ngayon ito na naman na nahuli sila sa Pastillas Scheme so totoo po yun and marami ng sinibak ang pangulo ngayon but then there is really a structural defect and systemic defect sa airport kaya nangyayari yan dahil ang isang problema dyan yung overlapping of authorities, no one is really in charge,. may customs and police may NBI, may BI, so pwedeng pwedeng mag turuuan.

Maliban sa pagsasampa ng kaso laban sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan….Target ni Commissioner Belgica na makapagtatag ng isang Sistema na hindi kayang paikutan ng government officials kahit na tapos na halimbawa ang termino ng pangulong Rodrigo Duterte.

CARRY-ON

Umaasa si Commissioner Belgica na sinuman ang sumunod sa administrasyon ni Pangulong Duterte pagkatapos ng 2022 ay susundan ang kanilang mga nasimulan, sa laban kontra katiwalian.

“ang plano ko lang po is to raise up new leaders will come after us and to put up systems and places to allow ordinary people like us na pagwala na ko sa kapangyarihan na mag karoon ng lugar na ma reredress maaadress ang kanilang concerns sa corruption pang aapi, mga pangangailangan nila ang pangarap ko na lang po is to build a strong justice system you know by teaching, advocating and seeing right now in my position in the circle that I can that I am allowed to do para yung mga may lugar na ang mga tao pag kasilay inaapi may mga pangangailangan, ah iniipit merong mapuntahan maparusahan yung mga criminal yung mga corrupt mga druglord diba para mag karoon ng takot ang mga masasamang tao sa batas maging ma maalwan ang ating buhay kasi pag kamay katarungan may pag asenso. Ngayon po nag tatayo kami ng mga katarungan desk at Katarungan centers all over the Philippines.

FAITH IN GOD

Lumaki sa pamilyang matibay ang pananampalataya sa Diyos.

Comm Greco: tinuruan kami ng father ko na manampalataya sa Panginoong Diyos so hindi kami mahilig sa pera , hindi mahilig sa barkada, you know yung hindi kami perpekto no, syempre nung kabataan ko marami tayong mga pagkakamaling ginawa, mga taong nasaktan, pero gawin mo yung tama lalong lalo na sa mga mahihirap at inaapi,. sa pag sunod sa Mahal na Diyos yun mahalaga po samin, yung value na inilagay sa puso ko at isip ko ng aking ama yung we do this not we do what we do not for political purposes but to give God glory and praise and to live accord to live a life according to His will, dahil ang gusto ng Diyos lumalaya ang tao sa kahirapan so Diyos ang susupil sa kasamaan at ang korupsyon ay included.

Krusada para kay Commissioner Belgica ang kanyang laban kontra katiwalian. Sa katunayan, bente kwatro oras syang kumikilos upang mangalap ng mga impormasyon kontra sa mga hinihinala nilang tiwali sa pamahalaan.

24/7 JOB

Comm Greco: I hold lot of meetings especially with law enforcement agency and I organize mga mata natin and while I talk to you now about corruption, kasi we need lot of intelegence so ang isa sa ating ginagawa po yung humihingi tayo ng tulong sa mga private sectors sa mga tao na nakakaalam sa loob, study and to give us informations ganun po and then we set up entrapment operations. We build up cases and then we meet with our legal team to introduce and formulate mga proposals na pwede nating ibigay sa pangulo at sa commission para irekomenda sa Pangulo ang mga pagbabago, so they in day out po yun 24 hrs a day po ang trahbaho namin ang,. tumatawad lang ako ng sabado para makapag pahinga pero Sunday to Friday tuloy tuloy lang po yun tuloy tuloy lang po ang trabaho.

Dahil sa kanyang adbokasiya kontra katiwalian, hindi maiiwasan na makatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay si Commissioner Greco.

JR Langit: Hindi po ba kayo nangangamba para sa buhay ninyo. Halimbawa baka balikan kayo ng mga taong kinasuhan at tinangal ninyo?

FEAR NO EVIL

Comm Greco: Ah ang buhay kasi natin nasa Panginoon, they can do to me what they want diba and basta ako kung oras ko na oras ko na, kung oras nila oras na rin nila diba. Pero ako naman po wala naman akong tinaniman ng ebidensya or pinaplantahan. Ako po talaga sakin yung korupsyon lang dahil because of corruption humihirap ang buhay ng tao kung wala ka naman ginawang masama wala ka namang magiging problema sakin habang nandito ko gagawin ko yung makakaya ko, habang nandyan si pangulong Duterte at si senator Bong Go gagawin po namin yung pinangako namin sa tao. Pagwala na ko edi bahala na sila sa buhay nila.

Sa kabila ng pagiging abala nya sa trabaho, nagagawa ring isingit ni Greco ang paglalaro ng paborito nyang sport,ang basketball.

JR Langit: Ano po ba ang paborito niyong Sport, Malamang basketball ?

Comm Greco: Tama ka JR, habang kaya pang maglaro, especially now the time, im turning 42 so the body is different, it has to be more discipline sa pagkain and yung exercise mo, yung katawan mo kasi yung recovery is slower hindi mo na magawa yung gingawa mo noon so kailangang mag practice otherwise pag napasubo tayo ng laro sakit ng katawan natin.

NOT GETTING ANY YOUNGER

JR Langit: Kung sabagay sabi nga,. we are not getting any younger. Nag aral din po ba kayo ng martial arts ?

Comm Greco: Yes I am. I became NCR champion, tsaka club champion namin, I was I think 17 sa Shotokan and then I played Taekwondo, Aikido boxing and playing MMA right now yan hinahalo halo ko po yun firing, basketball, MMA.

JR Langit: Siyempre ang larong Basketball ay hindi nawawala.

Comm Greco: Tulad ng ginagawa natin JR, pag may chance we play basketball, tayo nila senator Bong Go. Yung team natin, Malacanang team malaking tulong sa ating katawan at nakaka wala ng stress, siyempre we play with friends.

JR Langit: At pag weekend buti naman at may time din kayong mag- firing.

Comm Greco: Oo, pag nagkakaroon ng pag kakataon tulad ngayon,. nagpa-firing tyo, you know I practice, of course mahalaga kasi yung practice,. madalas dry firing ako every day and then pag nag kakaron ng pag kakataon practice. So you don’t lose the skill.

Hindi kinakalimutan ni Greco ang mag praktis ng pag baril dahil mahalagang bahagi ito ng kanyang seguridad bilang Commissioner ng PACC.

MUST WATCH!

Inyo itong mapapanood sa aming Programang pang-telebisyon Kasangga Mo Ang Langit at Biyaheng Langit. Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television nang father-and-son tandem, ako si Pareng Rey at Kasangga-JR LANGIT na simulcast, sabayang napapanood sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox at FB Live worldwide.

SUMMATION

Ito ang laban kontra katiwalian ni Greco,. Ang katiwalian ay mistulang anay na sumisira sa pamahalaan. Lumaki sa pamilyang matibay ang pananampalataya sa Diyos si Comm Greco. Hindi man sila Perpektong pamilya, nagtutulungan sila upang ibangon ang isa’t isa at itama ang kanilang mga pagkakamali.

Tuloy tuloy dapat ang pagbabantay at hindi dapat tumitigil sa paglaban sa corruption dahil lamang sa pagpapalit ng administrasyon. Kaya naman ang paglaban dito ay isang krusada na karapat dapat ng ating suporta.

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial