The Philippines' First All-Opinion Website

December 2, 2019

TUBIG AY BUHAY

“Isa sa pinaka pangangailangan ng tao ang tubig. Ang sabi nga nila mawalan ka na ng kuryente, wag lang ng supply ng tubig. Pero, maaari rin itong magdala ng disgrasya sa ating kalusugan kung maruming tubig naman ang papasok sa ating katawan.”

Gaano kahalaga ang tubig na nag bibigay ng buhay sa tao. Ano ang naging papel ng Tubig sa buhay ng mag asawang dating ordinaryong empleyado…ngayon ay Big time nang negosyante…ating alamin. Ako si Pareng Rey Langit Matagal nang kasabihan, “kahit hindi kumain basta may tubig pwede ng mabuhay.” Tara nang matuto kung paano ang tamang diskarte sa negosyo . Ako naman ang inyong Kasangga, JR Langit

SUCCESS STORY

Ang iba’t ibang istorya na ating ibinabahagi sa inyo ay napanood sa aming Programang pang telebisyong Kasangga Mo Ang Langit. Sumasainyo tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit Kinapanayam namin si Engr Grace Cristobal ang President and CEO ng Alka Viva Waters.

“Ang Alka is ion, at ang Viva ay buhay so ang pinaka importaente dun yung tubig na nag bibigay ng buhay sa tao, sabi ko nga palagi kahit hindi kami kumain diba basta may tubig pwede tayong mabuhay.”

JR Langit: Bakit itong water business ang naisipan ninyo na itayong negosyo?

Engr. Grace: Water business, actually talagang pangarap ko yang water refilling station. Nag sisimula palang kaming mag asawa pangarap ko ng mag karoon ng water refilling station. Ang iniisip namin pag sinabi mo kasing water refiling station mahal, na baka mahal lalo na kung franchising. Unang una magbabayad ka ng franchise fee and at the same time hindi lang one time payment yun diba? Usually may mga royalty fee, same time may mga percentage na bababyaran sa company.
So sabi ko sa kanya hindi natin kaya, kasi ang mahal mahal ng water refilling station. Sabi ko mag negosyo na lang tayo ng iba muna, yung kaya natin, ganun yung katwiran ko. Kung ano lang yung hawak namin na pera yun lang yung pag kasyahin namin, ayoko kasi yumapos ng isang bagay na hindi ko kayang hawakan. Kumbaga naging prinsipyo ko na sa buhay, sabi ko mag start muna tayo ng ibang negosyo, so humantong na nagkaroon kami ng ibang negosyo pero hindi kasi naging mapalad sa amin yung negosyo na hinawakan namin.

JR Langit: Pero sa Tubig pa rin kayo na uwi.

Engr. Grace: Sa awa ng Diyos, siguro sabi niya sakin time naman na bigyan kita ng pagkakataon, ang naisip ko nga nun kumota na ko dun sa lahat ng problema na dinanas ko, lalong lalo na sa pisikal na kalagayan ko so yun natuloy din yung water refilling station.

STRUGGLE!

Napilitang magbitiw sa trabaho si Grace nang ma diagnose itong may sakit sa puso. Bagamat parehong Engineers ang mag asawa, ang kanilang specialty ay electronics and Communications Engineering na malayo sa kailangan para sa pagpapatakbo ng water refilling station. Nagsimula ang mag asawang Cristobal sa kanilang water refilling station na silang dalawa lamang. Sila sa Management, Technical, Sales at maging sa delivery ng tubig.

Engr. Grace: Alam mo sa totoo lang ang husband ko ang nag dedeliver nun, kahit yung kotse namin ang gamit na lalagyan noon, talagang bagsak yung likod ng kotse kasi nga 20 containers lang ang kasya don, syempre mabigat yung kada container. Bagsak na yung likod, pero wala pa kaming pan deliver. Yung time na yun talagang overwhelm kami. Doon na nga pumasok sa aming isip na paano kaya kung tao naman yung mag tayo ng mga refilling Stations.

JR Langit: Naging malaking challenge pala sa inyo ang inyong pagsisimula.

Engr. Grace: Struggle talaga ang umpisa namin, nag offer kami ng tubig sa isang restaurant, alam mo ba kung ano unang unang tinanong? ang Pangalan ng water station namin. Basic instinct, bakit tinantanong yung pangalan, kasi kung kilala na, kung sikat na usually ang sinabi mapagkakatiwalaan, something like that. Pero kami malakas ang loob na sinabi ko Alka Viva, tapos alam mo ba sagot sakin nung head ng commissary. hindi namin kilala yang Alka viva na yan. Sabi ko.. bkit po hindi ninyo subukan muna, para atleast makilala ninyo. Binigyan ko din sila ng magandang presyo, yun yung laging tinitignan kung mag kano, ung kaya mo bang tapatan or babaan yung inoofer sa kanya ng currently na nag dedeliver. So binabaan namin kami na nag dedeliver sa knila hanggang sa dumami. Alam mo ba na 6 restaurants kami na ang nagdedeliver ng w300 containers, every other day yun, so hanggang sa hindi na namin kayang mag deliver.

SHARED SUCCESS

Pagdating sa kanilang produktong tubig….pinahahalagahan ng Alka Viva hindi lamang ang kalidad ng linis kundi ang bentahe ng kanilang produktong tubig sa kanilang customers.

JR Langit: Meron bang klase ang filtration system na naiiba po sa Alka Viva?

Engr. Grace: Actually sa mga nag iinstall makapag po-provide sila ng purified, mineral tsaka alkaline so depende na lang. kasi were using the machine. Machine process po tayo pag dating sa alkaline ionizer so yun ang kadalasan, kasi yung iba tinatawag tayo ng natural alkaline di tyo gumagamit ng Chemical base so ang kagandahan lang samin is more on machine process po tayo, hindi po tayo gumagamit ng mga chemical base.

Sa ngayon, ay mas malawak na ang Alka Viva Waters. Hindi na lamang sila nagbebenta ng tubig kundi bumubuo o nag i-install na ng water refilling stations sa ibat ibang bahagi ng bansa.

“Ang programa po ni Alka Viva na mabigyan po sila ng negosyo. talagang masaya ako lalo na po halos raw araw marami pong kliyent na pumupunta rito nag iinquire. Kasi curious sila. Sino ba si Alka Viva. bakit ba andaming nag papainstall sa kanila ng water refilling station. Sa totoo lang po, masasabi ko pong successful kasi ang pag iisip po naming mag asawa lagi pong positive.”

TRADE SECRET

Sa halagang dalawampung libong pisong puhunan, maaari nang magkaruon ng water station sa tulong na rin ng alka viva waters.

JR Langit: Sa twenty thousand lang mayroon na kyong Refilling Station?

Engr. Grace: Kung kocomputin mo nga, bibili ka halimbawa ng tangke mag kano na P16,000 then how much yung matitira na lang P4,000 di ba, actually parang bigay tulong na lang sa gustong mag karoon ng negosyo. Kasi po kami pong mag asawa ay kuntento npo kung ano po yung mayroon kami. Pero dahil meron mga empleydo na umaasa samin, kailanagn po namin mag strive. Marami na po kaming na tutulungan, so dun lang po sa halaga is parang tulong na po namin na para makapag simula sila at the same time mabigyan po ng knowledge, ng idea kung papaano ang isang tao ay umunlad. Importante yung abilidad natin and at the same time yung good management.

Mula sa iisang water station, nasa mahigit anim na libo (6,000) nang water refilling stations ang naitatag ng Alka Viva waters sa ibat ibang panig ng bansa. At meron na rin sila sa ibang bansa kung saan malaking tulong ang malinis na tubig.

REACHING OUT

JR Langit: Meron rin po kayo sa ibang bansa?

Engr. Grace: Meron na rin po tayo, like sa Papua New Gueni, tsaka sa Australia po, nka pag patayo na po tayo ng water refilling station.

Maliban sa tulong na pang negosyo…pinakalayunin rin ng Alka Viva waters na makapagdala ng malinis na tubig sa mga komunidad na wala pang linya ng tubig.

JR Langit: Ginawa na ninyong Advocacy ang pagtulong sa pamamagitan ng tubig.

Engr. Grace: Oo, advocacy na namin ang makatulong hindi lang po dun sa mga may kakayanang magnegosyo, importante po samin makatulong din sa walang wala po. Ang nalinyahan namin ay treatment ng water, so ngayon para ma reach out po namin yung mahihirap. Ibinibigay po namin sa kanila sa paglalagay ng water filtration, tinatawag po nating water refilling station para atleast kahit papano makainom din po sila ng malinis na tubig. Actually may mga lugar pa rin pala dito sa metro manila na wala pa pong linya ng tubig. Tulad po ng mga informal settlers, hindi pa po nabibigyan ng linya so ang tendency kumukuha sila ng tubig sa balon o sa parang spring dun sila kumukuha, pero ngayon kasi since na paka populated na ntin and congested na rin, hindi na makakasigurado na safe yung water nila. Mayroon po kaming documentary na lugar na direct na umiinom ang mga tao, kahit yung mga bata.

Mabusisi ang Alka Viva Waters sa pagtatayo ng water refilling station. Ito ay dahil nais nilang matiyak ang kalidad ng kanilang produktong tubig. Kaya naman isa sa tinitignan nila sa lugar kung saan ilalagay ang water station at ang source ng tubig.

JR Langit: Kapag ganoon ang situwasyon, tine-test ba ninyo ang tubig?

Engr. Grace: Sensitive po kami when it comes sa ganung klase ng source of water. Meron kaming ginagawang test, tinetest po namin kung applicable po ba sya dun sa tinatawag nating mineral system. Ang ginawa po natin na proseso dun ay series of filtration. Importante dadaan ito sa ultra violent, upang patayin yung mikrobyo.

SUMMATION

Sa pagnenegosyo, wala nang tatalo sa pagsisikap,sakripisyo at tyaga para maabot ang tagumpay. Samahan pa natin yan ng tiwala sa ating kakayahan, lakas ng loob at Pananalig sa Diyos. Maliban sa mga komunidad, isa pang sector na target na matulungan ngayon ng mag-asawang Engeneers Grace at Louie ay ang mga OFW’s na makapagnegosyo upang hindi na malayo sa kanilang pamilya. Isa sa ipinagmamalaki ng Alka Viva Waters ang malinis na estilo ng pagnenegosyo. Walang paninira o pagkukumpara sa mga kakumpetensya sa negosyo.

At higit sa lahat, ang sikreto ng tagumpay ng Alka Viva waters ay ang kanilang adbokasiya na ibahagi sa kanilang kapwa tao ang sikreto ng kanilang tagumpay.

Motto ng water refilling station na Alka Viva. “Change The Way You Feel About Water!”

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit. Ang father-and-son tandem namin, ako na si Pareng REY at Kasangga JR LANGIT ay mapapanood na sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox

Hanggang sa susunod na kuwentuhan natin siguradong hindi tayo mauubusan ng kwentong Pinoy, sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino. Minsan pa ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pakikipaglakbay sa aming Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit.

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial