The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
March 22, 2020

PANDEMIC NA YUMANIG SA DAIGDIG!

Muling nag flashback sa aming ala-ala ang ginawa coverage ng Kasangga Team sa 911 sa America na kinasawi ng daan daang mamayan sa pag sabog ng eroplano at pag collapse ng twin towers sa New York na yumanig sa mundo.

Ang mga istoryang tulad nito na aming ibinabahagi at napapanood sa aming Programang pang telebisyon na Kasangga Mo Ang Langit. Sumasainyo tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit ay napapanood sa buong mundo sa pamamagitan ng FB live.

Rey Langit: Mga kababayan, ang COVID-19 ay walang pinipili. Mayaman kaman o mahirap, kilala o ordinaryong tao, walang kinikilalang partido political o kultura. Ang lahat ay posibleng tamaan, at pag-tumama ay matindi. Walang pinipiling lahi o bansa, lahat ay posibleng maging biktima.

Kaya ito tinawag na pandemic, dahil buong mundo ay dinamay niya. Hindi mahalaga kung alin-aling bansa ang tinatamaan o bakit tinamaan, ang mahalaga ay kung paano tayo maka-tutugon sa kanyang pananalasa.

Araw araw ay libo libo ang kanyang tinatamaan at nagkaka sakit sa buong mundo. Tulad nalamang sa siyudad ng Wuhan.

Araw araw ay nadaragdagan ang mga isinusugod sa ospital sa ibang bansa. Ngunit taliwas sa Wuhan, ngayon ay unti unti nang nababakate ang mga kama sa ospital ng China. Ang tanong, paano nangyari ito? Bagamat lumabas na ito sa mga balita hindi pa rin maiaalis na mag-tanong ang marami.

Ayon sa report ng WHO, ang isang taong infected ay maaari niyang ikalat ang virus sa average na 2.6 katao. At makalipas ng sampung (10) generations of transmission o paglipat nito sa ibang tao, sa loob lamang ng lima hangang anim na araw libo ang maaaring maawahan.

Ang ginawa ng China ay e-break ang cycle sa pamamagitan ng human intervention o kanilang ginawang pag kilos. Sa tinawag na “extreme draconian and aggressive” na kanilang pagkilos, na tinawag naman nating “Enhanced Community Quarantine” sa ating bansa.

Hindi maiaalis na mayroon pa rin tanong, na hindi ba ito violation of individual rights?

Ang pagbalanse sa individual rights at public safety ay hindi nawawala, laging naririyan na dapat maunawaan.

JR Langit: Kung naalala natin ang naganap na 911 sa America na kinasawi ng daan daang mamayan sa pag sabog ng eroplano at pag collapse ng Twin Towers sa New York.

Ang lahat ng mga airport sa buong mundo ay nag higpit, naunawaan ito ng mga travelers dahil sa kabutihan at kapakanan ng higit na nakararaming mamamayan, Ano man ang iyong lahi.

Ang sakripisyong ginawa ng China sa history ay hindi mapapasubalian. Pinatigil ang mga factories, Public transport at pananatili ng tao sa kani-kanilang tahanan. Ito rin ngayon ang pinatutupad sa ating bansa ng pamahalaan, na nararapat lamang.

Sa kanilang ginawang pag ihigpit sa China na-flattened ang curve, at naiwasan ang mga karagdagang kamatayan pa ng kanilang mamamayan. Nabawasan ang mga sinusugod sa Ospital at nabawasan rin ang stress ng mga doktor, nurses at medical workers.

Ito rin ang inaasahang gagawing pag kilos ng ibang mga bansa tulad ng America, Italya sa Europa at bansa sa gitnang silangan o Middle East. Ang new coronavirus ay nilalabanan ng bawat bansa, gamit ang kani-kanilang methods o kaparaanan sa pamamagitan ng trial and error.

ang quarantine at lock down ay sadyang napakahirap sa mamamayan, anong mang lahi o nationality, ngunit dapat lamang, dapat nating tangapin para sa kapakanan ng ating mamamayan. Ang ginawa ng mga mamamayan sa Wuhan ay maituturing exceptional.

Marami tayong mga OFW na nanatili sa Wuhan, nabalitaan natin ang kanilang pag tutulungan at katapangan. Ang tibay na manatiling naka kulong sa kanilang mga tinitirhan nang Araw-araw, linggo at Buwan ay isang kabayanihan.

Tulad sa atin ang ipinakikitang kagalingan ng ating mga front liners, medical practioners kahit walang masakyan, nag pupumilit pa rin na makarating sa mga Ospital. Ang ating kapulisan at sundalo sa mga boarders at check point, hindi nag papatinag sa mga maiinit na ulong motorista.

Sundin natin ang ating Gubyerno, na ang hangad ay para sa ating ikabubuti.

Tayo ay pare parehong tao, buhay ang pangunahing pinangangalagaan. Maaaring ang pinag kaiba lamang ay katayuan sa buhay, may mayaman, nakakariwasa, may pangkaraniwan, mahirap at marami sa atin ang isang “kaig-isang-tuka.”

Rey Langit: Ang kinahaharap nating global pandemic, ay hindi lamang challenge sa iilan. Kung ano man ang ating nadarama. Ito rin ang nadarama ng buong mundo. Marami nang bansa ang nag buwis ng buhay ng kanilang mamamayan.

Ang pagkilos natin upang labanan ang salot na ito ay idaan sa kahinahunan. “We should all move ahead with humility,” lahat ng mabigat na disisyon ay laging may kapalit.

Ang laban na ito ay laban ng lahat. Maging matatag lamang tayo. Tulad ng kasabihan, “Desperate times ask desperate measures.” Ito’y panahon ng pag subok sa ating katatagan. At kung may panimula ay may katapusan.

Ang pagkakaisa ng bawat Filipino ay kailangan sa panahong ito, kapit bisig nating lalabanan ang pandemic na ito, samahan natin ng panalagin. Pag may pag kakaisa ay may magandang resulta.

Rey & JR Langit: At lagi ninyong tandaan, sa ano mang laban, Kasangga Mo Ang Langit!

MUST WATCH!

Inyo itong mapapanood sa aming Programang pang-telebisyon Kasangga Mo Ang Langit at Biyaheng Langit. Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television nang Father and Son tandem, ako si Pareng Rey at Kasangga-JR Langit na simulcast, sabayang napapanood sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television – Channel 2
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox at FB Live worldwide.
Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial