The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
July 7, 2019

PADAYON PAF

Ang Partnership natin sa Philippine Air Force ay way back, nagsimula pa in the early years ng aking career bilang bata pang mamahayag o broadcast journalist.

Ang PAF ay naging material upang kami ay makawala sa pagkaka hostage sa amin ng mga armadong NPA nang kami ay magsakatuparan ng election coverage sa Tarlac taong November 11, 1969. Kasama ko ang nasawing si Danny Hernandez, kami ay bahagi ng unang batch ng ABS-CBN Radyo Patrol, kami ang 1st generation na nasabak sa mga mapanganib na media coverages.

LAHAR RESCUE

Nang maganap ang Mount Pinatubo eruption noong June 1991 (described to be the second-largest volcanic eruption on Earth) habang isinasakatuparan ko ang broadcast coverage na yon para sa aming Tv Show na “Action 9” sa RPN 9 ang isa sa mga tulay ay nag collapsed. Sakay kami ng Huey Helicopter nang Phil. Air Force, piloto namin ay si Lt. Antonio Francisco na ngayon ay isa nang Colonel, sinagip namin sa isang daring rescue operation si Dra. David mula sa rampaging and steaming lahar nang mahulog sila sa nag collapse na tulay kasama ang kanyang husband na si Judge David ng San Fernando Pampanga.

Na survived ni Dra. David ang traumatic experience na yon. Makalipas nang retrieval mula sa lahar inilipad namin siya kaagad sa Ospital sa Camp Olivas Pampanga, bagamat hindi na na-survived ni Judge David ang incident na yon, isa siya sa mga casualties.

GRENADE LAUNCHER FIRING

Sa Santo Tomas, Batangas habang isinasakatuparan namin ang isang media event kami ay pinaputukan ng grenade launcher ng pangkat ni Ka-Hector Mabilangan, NPA ng Southern Command. Ang Philippine Air Force ang umagapay sa amin upang bugawin ang mga NPA. Kasama ko noon sina Vice President Joseph “Erap” Estrada at Ping Lacson na hepe nang PAOCTF sa pag-exhume ng body ni BIR Director Matic, na biktima ng kidnapping.

Hindi ko rin malilimutan ang Sipadan kidnapping incident noong April 2000, kasama ko si dating AFP Chief of Staff Deomedio Villanueva sa Helicopter nang paputukan kami ng pangkat ng Abu Sayaff, sa galing nang Piloto ng PAF ay mabilis kaming nakaligtas sa tiyak na kapahamakan. Ang PAF sa maraming pagkakataon sa aking Career bilang broadcast journalist ay naging kaagapay na natin sa maraming mga challenges.

JOURNEY NG KASANGGA

Kakakaibang experience na aming sinuong kasama ang ating Kasangga na si JR LANGIT noong May 2018, nang aming tahakin ang karagatan ng Benham Rise na ngayon ay kilala na sa tawag na Philippine Rise. Ang makasaysayang “takeover ng Benham Rise” ang underwater plateau na nasa layong 250 km east ng northern coastline ng Dinapigue, Isabela ang diklaradong bahagi ng ating continental shelf.

Mula sa Villamor Air base, Pasay City kaagapay ang PAF, lulan kami ng C130 ay lumipad sa Casiguran, Aurora sa Central Luzon. At sakay Navy boat inihatid kami sa dambuhalang barkong BRP DAVAO DEL SUR (LD602).

Hindi naging hadlang ang ano mang unos o sama ng panahon sa Pacific Ocean. Hindi rin nakapigil sa amin ang ang interest at claim ng ibang kalapit na bansa sa Banham Rise. Hindi kami iniwanan, patuloy na sinubaybayan ng Phil. Air Force hangang mag landing sa helipad ng Barko ang PAF Presidential Helicopter lulan ang Pangulong Rodrigo Duterte.

CONTINUED JOURNEY

Ngayon ka-isa kami sa KBP Metro Manila Chapter ng Phil. Air Force sa adhikain na pag susulong ng Pang- Kapayapaan at Pang-Kaunlaran sa ating Bayan, sa “UP UP PILIPINAS!”

Sangalan ng HIP TV Inc. at KASANGGA Mo Ang Langit team sa pangunguna ni JR LANGIT, ang aming taos pusong pasasalamat sa pinagkaloob na pagkilala sa 72th PAF Anniversary Stakeholder’s Awards Night – July 2019 na ginanap sa Villamor Air Base sa Pasay City. Sa recognition na pinag kaloob sa amin, sa pangunguna ng kanilang Commanding General na si Lieutenant General Rozzano Briguez at PAF Col. Gerry Zamudio.

Ang temang “Peace and Prosperity” na nakapaloob sa aming dinaluhang Up Up Pampanga, Up Up Cebu, Up Up Zamboanga (among others) ay kapakinabangan hindi lamang ng iilan nating mamamayan kung hindi sa pang kalahatan, pati na sa kabataan at kanilang kinabukasan na siyang magpapatuloy sa pamamahala at pag-ugit ng ating Bayan.

Let’s move forward, UP UP!

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial