The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
November 11, 2019

PADAYON NA MODERNISASYON

Lt. General Rozzano Briguez, ang Commanding General ng Philippine Airforce.

“PAF PADAYON post…. it is a verb pwede na rin sigurong noon, but it is a verb. It is really a call to excellence. A call for reform and a call to transform, so ganun po ang pinaka basic ng thought about padayon. So yung lahat ng plinano natin noong 1995 hindi lang tayo na tuloy kasi walang pera ang gobyerno noon. Patuloy lang tayo, padayon lang tayo.”

Naging moderator ang inyong lingkod ng UP-UP Pilipinas Forum. Exclusive nating nakapanayam dito si Lt. General Rozzano Briguez, Commanding General ng Philippine Airforce. Ito po si Pareng Rey Langit.

Ibinida ni General Briguez kung nasaan na tayo pagdating sa modernisasyon ng Airforce. Ako naman ang inyong Kasangga JR Langit.

BATTLE CRY

Padayon na halaw sa kanilang salita sa Bisaya ang naging battle cry ni General Briguez nang maupo itong commanding general ng airforce. Nangangahulugan ito ng tuloy-tuloy o pagpapatuloy sa pag-usad.

“A call to action, it is to continue on, to press on. Ang dati na nating ginagawa walang magic, kung sinong uupo walang magic, kung sino ang namumuno talagang it is just to continue on, to press on, kung ano yung nagagawa na, na achieved dati talagang tuloy-tuloy lang po tayo . Kaya yan yon tatlong derivative words ang nakukuha natin sa word na padayon, so ang isa is dayunon, to make it happen. Kasi para sa akin sometimes na internalize na natin ang ningas-kugon, so pag hindi natin dayunon ang isang bagay na to make it happen, talagang hirap. Ningas-kugon nga, magiging ano na tayo, bukas na yan, bukas na yan. Manyana habit tayo. So ang pangalawa is Dayon, we want to let everybody come in dayon, dayon kamo come in. Take a rest kung weary kayo and then continue on with the other activities na gagawin natin parang a sense of community which revolves around. Sa pangatlo natin is kadayon. Kadayon is more than just sa mga Bisaya more than just kauban o kasama, parang Kasangga Mo Ang Langit. Sa tagalog Kadayon is more embedded sa root ng culture natin, it is a differ… it has a differ meaning na pag sinabing kadayon, let’s face the challenges together.”

MEANINGFUL P-A-F

Para kay General Briguez, lahat ng tao at bagay na bumubuo sa Airforce ay mahalaga. Ibig sabihin, kung magiging modern ang mga kagamitan, kailangang modern rin ang mga hahawak o gagamit nito.

Gen. Briguez: Kasi meron din kaming perform, let us press on to perform and then achieve significant reforms and then focus on our transformation, kaya PAF like Philipine Air Force…. P Press on to perform ang P, then ang A – Achieve significant reforms ang pinakahalaga, at ang F – ay Focus. Sa amin ay meron tayong tatlong A, na pinopokus ang unang A is really Airmen kasi para sa akin wala talagang mangyayayri kahit puro gamit pa na puro bago pa ang gamit na.. makakamtam or makukuha ng Philippine Air Force without yung talagang proper men the rightly trained men na kukuha makukuha namin, so sa pinaka tuktok yan ang aming A – Airmen. Pangalawa is Aircraft because of by our by our blood talaga, because we have to depend on the Philippine skies we were the bearers of Hope kailangan talaga meron kaming Air craft sense of being natin ang Aircraft and Pangatlo related dun sa dalawang Air Bases, kasi ito yung kung saan ang mga airmen natin pinakamahalaga sa atin saan sya talagang ide-develop, saan sya talagang magkaroon ng ability area at saan yung mga air craft natin na ide-develop natin para nandudoon yung aircraft. So, meron tayong aircraft meron tayong airmen at meron tayong air bases but the most important of this all is airmen.

KING ABDULLAH OF JORDAN

Kakambal ng 1.5 Billion pesos na halaga ng FA-50 ng Philippine airforce ang world class na training ng mga tauhan nito. At sa susunod na taon, parating na ang Attack Cobra helicopter na pangako ni King Abdullah ng Jordan.

Rey Langit: Kaugnay nang commitment ni King Abdullah ng Jordan, na napag usapan sa ating pag bisita sa Russia, I understand naging puspusan ang training ng ating mga pilot para dito?

Gen. Briguez: Opo, katunayan tapos na po yung kanilang basic training para mailipad nila yung eroplano, apat po silang nag tatarain… ngayon yung dalawa po babablik na dito in preparation po sa delivery ng Cobra helicopter early next year. Ang dalawa po na pilot ay maiiwan dahil meron pa po yang progression after, para mailipad mo ang eroplano, para maging pilot ka meron test pilot at meron pa instructor Pilot. Test Pilot para maayos ang eroplano kung merong aayusin at instructor Pilot para padami nang padami pa ang succeeding pilot natin na ite-train so halos patapos na po ang kanilang training mag e-extend lang po yung dalawa ulit hanggang December and then by first quarter of next year po sabay na po sila dadalhin na po dito sa Pilipinas. Hindi ko lang po alam kung anong month, basta it will be early next year kung itataon ata kung anong merong activity meron dito si King Abdullah po sa Pilipinas.

TEDIOUS TRAINING

Ayon kay LT General Briguez, upang makamit ang full potential ng modernisasyon ng Airforce, kailangan ay padayon o tuloy-tuloy rin ang paghubog sa mga tauhan nito upang maging magagaling na piloto dahil inaabot ng sampung taon ang tamang training para sa mga ito.

Rey Langit: So nangangahulugan po na ang training hindi basta virtual o simulation ito, kung hindi actual at physical na training.

Gen. Briguez: Actual po napakahirap po ng simulation, lalo na po kung bago hindi pa po pwede yun. Pag bago ang eroplano pwedeng academic muna and then simulation pero dapat may actual talaga lalo na po cobra yan, attack helicopter yan na medyo bago talaga sa atin.

Bahagi rin ng modernisasyon ng airforce ang pagsasantabi na sa paggamit sa mga luma nang modelo ng sasakyang panghimpapawid tulad ng OV10.

SUPER TUCANO

Gen. Briguez: Eventually within 5 to 10 years time papalitan na po yan and this time po nag tatransition na tayo sa other fix wing po ang ibig sabihin po natin dito, hindi po yung helicopter fix wing na attak po sya, attack planes.

Rey Langit: Ito po ba yon Super Tucano?

Gen. Briguez: Yes, yan po ang super Tucano para lang po siyang pang palit ng eventual ng ating OV10 .

Rey Langit: Yan po’y bahagi na rin ng ating modernisation?

Gen. Briguez: Bahagi pa rin po ng ating modernisation tama po sir Rey.

Rey Langit: Ano po CG ang pinaka latest up date sa ating modernization program?

Gen. Briguez: Yung super Tucano po ah halos tapos na rin ang delivery niya. First quarter ng next year kung hindi po ako nag kakamali, kasi sometimes nagbabago bago po kasi depende sa handling, depende sa transportation availability but sinasabi nila first quarter of next year ide-deliver yan. February yung estimate as of now, but again nagpu-plus and minus two weeks yan but February ang dating ng anim na Super Tucano po binili yan natin galing Brazil.

DEPENDABLE C-130

Rey Langit: Syempre , hindi puwedeng isa isantabi sa modernisasyon ang Kasangga ng Airforce sa himpapawid sa tuwing mayroong kalamidad, ang mga C-130 planes.

Gen. Briguez: Hindi lang po ang ating mga kasundaluhan ang gumagamit diyan , ah sa panahon po ng kalamidad wag naman po sanan…. pero we have to accept na talagang ang Pilipinas ay isa sa mga calamities stricken country. Natural Calamity in the entire world siguro nasa top ten tayo, easily nasa top ten kailangan po natin na meron niyan kaya talagang kami we put premium also sa ating mga transport planes so meron tayong C130, meron tayong C295, meron tayong C2 12, ang C130 natin hanggang 110 ang pwedeng isakay diyan . Sa C2 95 , 48 ang ating naisasakay…. at meron pa rin tayong Nomad plane hanggang 12 ang sinasakay natin. Ngayon lahat po yan ay ginagawa po natin ng paraan talaga na maging ready sila sa panahon ng kalamidad, lalo na sa panahon ng pangagailangan o sakuna.

HUEY HELICOPTER

JR Langit: Maging ang tinatawag nang vintage o mga lumang eropolano ng Airforce ay mayroong puwang sa modernisasyon.

Gen. Briguez: Donation, kung napansin niyo po this year binigyan po tayo ng mga spares part ng Huey helicopter galing Japan and meron po tayong na rerestore doon, ang ibig sabihin po ng narerestore na ay hindi na po sila lumipad for the past one month or two month and then na rerestore po natin and back to operational nakadalawa na po tayo, dahil sa tulong ng other country specifically Japan and then tuloy-tuloy po kasi meron na namang dumating na parts na bago, nag rerestore na naman po tayo ng another 3 , another 3 kailang na kailanagn po natin to sa field, so OV10 at po Huey yan po ay maliban sa talagang pang araw araw nating mine-maintain na kasama naman talaga sa maintenance and Operating expenses natin, so sa lahat ng 154 na eroplanong ginagamit natin minemaintain naman natin yan araw araw pero every now and then merong malaking tulong at malaking procurement. Malaking tulong ang ating mga allies para bigyan tayo ng mga ganyang supporta and we are very much happy to accept them. Hininto na po nila ang kanilang mga Huey helicopter pero bago pa po yung mga parts. Hindi pa po nagagamit na talagang binigay nila sa atin.

WORLD CLASS

JR Langit: Ipinagmamalaki ng Philippine Airforce ang kalidad ng kanilang mga piloto at maintenance na talaga namang pang world Class.

Gen Briguez: Yung tinatawag vintage, medyo relative po yan kasi po ang ating mga piloto at ating mga mechanics really one of the best in the world at kung mapapansin niyo po meron pa po kayong inililipad ngayon na 1959 na eroplano.

JR Langit: Yes… Alright !

Gen. Briguez: 1959 ah, ganyan din po katitindi at kagagaling ang ating maintenance personnel at hindi rin po namin isasaalang alang… hindi po namin ilalagay sa kompromiso ang buhay ng ating mga piloto kasi po ang Airmen ang pinaka tuktok ng ating tatlong A, so pag alam namin na hindi pwedeng ilipad hindi talaga po namin ililipad, kasi po mahigpit naman po yung safety culture ng Philipine Air Force ho.

JR Langit: Tiniyak ni LT. General Briguez na magiging padayon ang modernisasyon ng Airforce kahit pa magretiro na sya sa puwesto. At pagsapit ng panahong yun, may bago siyang misyon para sa kanyang sarili.

ADVOCACY AFTER RETIREMENT

Gen. Briguez: Pagdating ng retirement ko, pupunta ako sa mga universities, sasabihin sa mga bata kung gano kahalaga talaga ganoo kahalaga ang mainstream governance lalo na seryoso ang ating gobyerno na maayos natin ang kapayapaan ang ating progress dito sa ating bansa. Para sa akin kailangan mag join tayo ng Philipine Air Force, kaya po namin yan ginagawa ay para na rin sa ating mga mahal sa buhay at future generation.

Lets start within our own families, yung reform program hindi lang po yan papunta sa mga schools natin, have control of our families have control to our children tell them whats right, show to them what’s right sometimes you don’t need to talk sometimes you just need them to look at you as their inspirations. As fathers as tito or as lolo kung may apo na. Pag-retire ko I will volunteer kahit in three months time, I will volunteer my services to the boy scouts, kasi diyan ako nang galing at saka sa ROTC kasi diyan din talaga ako hinubog bago ako naging official ng Philippine Army.

PADAYON PO TAYO !!!

SUMMATION

Ang Up Up PILIPINAS FORUM ay inorganisa ni Col. Gerry Zamudio ng PAF, ito ay umiikot sa iba’t ibang dako ng Pilipinas upang ibahagi ang adbokasiya para sa kapayapaan at kaunlaran ng ating Bayan.

Sa nakalipas na Up Up Pilipinas Forum sa Villamor Airbase ay tinalakay namin ang modernisasyon ng ating Philippine AirForce. Sa pamamagitan ng aming Guest na si Lt. General Rozzano Briguez Commanding General ng PAF ibinahagi niya sa amin ang tunay na hangarin ng PAF modernization program, kung anong kapakinabangan mayroon ito para sa ating mamamayan at para sa Bayan.

Sinamahan kami ng ating mga kasamahan sa media mula sa iba’t ibang networks, mula sa mainstream broadcast (radio & TV ) at print media. At ng ating Kasanggang JR Langit ng HIP TV Inc.

Ang ganitong forum at talakayan ay napakahalagang behikulo upang marating ang ating mga kababayan, lalo na ang mga nasa liblib na kanayunan.

Kay Col. Gerry Zamudio at sampu ng kanyang working staff, KUDOS. Ipagpatuloy ninyo ang inyong Mission at makabuluhang … “UP UP PILIPINAS” PADAYON TAYO !!! Ang iba’t ibang istorya na ating ibinabahagi sa inyo ay napanood sa aming Programang pang telebisyong KASANGGA MO ANG Langit… Napapanood tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit.

Ang Father and Son tandem namin, ako na si Pareng Rey at Kasangga-JR Langit ay mapapanood na sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox

Hanggang sa susunod na kuwentuhan natin siguradong hindi tayo mauubusan ng kwentong Pinoy, sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino. Minsan pa ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pakikipaglakbay sa aming Biyaheng Langit at KASANGGA MO ANG Langit.

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial