The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
October 6, 2013

Pacquiao Bounces Back

INVITATION

Naanyayahan kaming saksihan ang ensayo ng first and only eight-division world champion na si Congressman Manny Pacquiao.

Nadatnan ng aming team si Manny na nakapag-umpisa na sa kanyang training nitong nakalipas na Martes sa MP Towers Gym sa may Sampaloc, Manila.

RHYTHMIC SOUNDS     

Inoorasan siya gamit ang eye catcher na speedball. Ang tinuturo ng speedball ay hand-eye coordination, speed at shoulder balancing.

Ang pagsuntok mula kaliwang kamao, nilipat sa kanan, hanggang dalawang kamay na nagpabilis lalo sa speed ng ball, nakagagawa ng kakaibang rhythmic sounds dulot ng build up sa bilis ng bola.

MULTI-TASKING

Siyempre hindi mawawala ang jumping rope na bahagi ng kanyang conditioning program. Skipping rope ang tawag ng iba na nakaka-enhance ng agility o pagkilos, coordination, bilis, footwork, at endurance.

Ang kamangha-mangha dito, habang focused siya sa skipping rope at speedball ay nagagawa pa niyang makipag kwentuhan sa mga kaibigang bumibisita tulad nina sports columnist Recah Trinidad at ex-Governor Manny Pinon.

Manny-Pacquiao-001

BREAK TIME

Makalipas nang kanyang ensayo, isang mabilis na shower, bago nagyaya ng isang late lunch. Inihain ang kanyang paboritong tinolang manok.

Hindi nasimulan agad ang pagkain dahil sa mga paglalahad ni Manny nang mga verses na hango sa bibliya na kanyang binibigayan ng interpretasyon.

BIBLE VERSE

Narito ang bahagi ng exclusive na pakikipanayam namin ni Kasanggang JR Langit kay Manny Pacquiao.

PACQUIAO:  Lahat ng tao nag-iisip kung paano umasenso sa buhay, kung paano sumagana yung buhay. Pero hindi natin alam ay kung paano. Kasi habang hindi natin binabasa yung Bible hindi natin alam kung anong gagawin.

Like in Joshua 1:8: “Keep this book on the law always on your lips and meditate on it day and night so that you will be careful to do everything written in it, then you will become prosperous and successful.”

Kung intindihin nating mabuti, hindi lang binabasa. Ibig sabihin panatilihin daw natin ang word of God sa bibig natin araw gabi. So meditating is memorizing the verses para maging maingat tayo na hindi tayo basta-basta makagawa ng mga kasalanan. Then we become prosperous and successful.

SUCCESS AND PROSPERITY

REY: Pinaguusapan natin ang prosperity at success. Maraming taong gustong sumunod sa yapak na iyong tinahak. Paano mo ngayon nairerelate ito sa iyong career lalo na sa boxing?

PACQUIAO: Sa boxing naman syempre dito ako, kumbaga sa tagalog, hinubog ng Panginoon na makilala hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Dito ako binigyan ng karangalan, ipinakilala and then para magamit at makapag-share sa mga tao ng kanyang banal na salita.

Sa boxing, I authorize Him to hit me and He authorizes me to hit Him in that particular event.

PROVIDENTIAL

REY: Medyo tutukan natin, Manny, yung tungkol sa upcoming event sa November 24 na laban mo kay Brandon Rios.  Sabi nila mayroong mabibigat na punches mula kay Rios na dapat pag-ingatan. But, of course, yung ibang mga boxing analyst tulad nila Recah Trinidad at Gov. Manny Pinon sabi sa bilis mo ay mahihirapan itong si Rios, any reaction to that?

PACQUIAO: Mahirap kasing magsabi ng tapos, Pareng Rey. I have to do my best in training, make sure I am in 100 percent condition the night of the fight so in that night I can give a good fight. I mean, yung blessing, yung panalo nasa kamay ng Panginoon yan. So Siya lang ang tanging nakakaalam. Pero of course I wish positive and I believe na He’s behind me.

AFRICAN CHAMPION

REY: Makaka-spar mo raw itong sinasabing Ghana’s undefeated IBF Continental Africa welterweight champion at crowned IBF International king na si Fredrick Lawson (21-0, 19 KOs)

PACQUIAO: Oo makaka-sparring ko siya. Titingnan ko rin kasi kinukuha ko rin siyang magpromote sa MP promotions ko.

MARQUEZ – 5th FIGHT

REY:  Yung unang laban nyo ni Marquez, nagkaroon ng controversial na draw. Ang sumunod na 2nd and 3rd na laban nanalo ka sa kanya at yung pang-apat ang victory niya. Ano ang chances ng 5th fight?

PACQUIAO: May chance pa naman hangga’t hindi pa sya nagreretiro at hindi pa ako nagreretiro. Malaki pa ang posibilidad na magkaroon ng another fight pero hindi natin alam, wala pang kasiguraduhan.

To be continued…

 

Photo credit: The Guardian

Photo used under the Fair Use Exemption of the IP Code.

 

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial