The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
January 20, 2020

PAALAM 2019. INSPIRASYONG PANG 2020!

“Dalawang buwan kami sa ospital. Hindi ko po alam kung saan kami kukuha nang pambayad. Hindi ko alam kung saan kami mang hihingi. Hindi ko alam sang bulsa ako dudukot. Hindi ko alam kung saan ako mag hahanap. Yung bill namin nasa kulang-kulang sa P135,000,00 eh wala po akong ganun halaga.”

Mga madamdaming kwento na nagbigay ng inspirasyon at pagasa, ating balikan. Ako po si Pareng Rey Mga istoryang inyong kinagiliwan nitong 2019 tampok sa isang taon ng Kasangga mo ang Langit. Ako naman ang inyong Kasangga, JR Langit.

Ang mga istoryang tulad nito na aming ibinabahagi at napapanood sa aming Programang pang telebisyon na Kasangga Mo Ang Langit. Sumasainyo tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel. Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit ay napapanood sa buong mundo sa pamamagitan ng facebook live.

Si Prince Thyrone Roa sa ating Miracle story episode at ang ating Warrior na cancer patient na si John Paul. Mga batang may dengue naman ang naging sentro ng ating gift giving sa ngalan ng ating kasanggang si Reyster Langit.

MIRACLE STORY!

Thyrone, the Miracle Baby

Maituturing na miracle baby si Prince Thyrone Roa. Anim na buwan at dalawang linggo lamang sya sa sinapupunan ng kanyang ina at isang kilo lamang ang kanyang timbang nang sya ay ipanganak. Dahil sa pre mature baby, masyadong lapitin ng impeksyon si Prince. Sa katunayan, hindi lamang mi-minsan na muntik na syang bawian ng buhay.

Sa pakikipanayam ni JR Langit kay Jenelyn Roa, Ina ni Prince.

Jenelyn: Kita ko po yung mga doctor nakapalibot sa kanya ni rerevived po sya… sa awa ng Diyos naging ok naman na po sya, tapos after nung pumasok na po sya, after one hour ni-revived na po sya ulit nung nandun na po sya ulit tinaningan sya talagang as in 0-0 na po yung monitor niya buong katawan niya na ngigitim natapos ayaw niyang mag response kahit anong gawin ng doctor. Tapos umiyak na po ako ng umiyak… at sumisigaw ako ng… “baby laban, laban, laban Baby!” tapos nagulat sya. Sabi nga ng Doctor sige mommy ituloy mo lang yan kasi nakakaytulong sa kanya yan. Sabi ng doctor “miracle baby siya talaga!”

Dalawang buwan namalagi sa Malasakit center ng Pasay General Hospital ang sina Jenelyn at ang anak na si Prince Thyrone dahil sa dami ng kumplikasyon ng sanggol. Hindi kataka taka na umabot sa halos dalawandaang libong piso ang kanilang bill sa ospital. Dalawang buwan kami sa ospital at diko po alam na papalabasin na kmi, hindi ko po alam kung saan kami kukuha ,hindi ko alam kung saan kami mang hihingi hindi ko alam sang bulsa ako dudukot hindi ko alam kung saan ako mag hahanap…nung tignan ko yung bill namin nasa kulang kulang 135,000,00 eh wala po akong ganun halaga.

Nalaman ko po yung Go malasakit, sabi ko ay salamat naman kasi nakikita ko po palagi sya, kasi nga subscriber ako ni senator bong go at tsaka na kikita ko yung programa nila nakikita ko yung Go Malasakit, kaya dito natugunan ang aming seryosong Problema.

LEUKEMIA ANG KAY JOHN PAUL

Hindi madali ang pinagdaanan ng pamilya ni John Paul. Maliban sa hirap ng kalooban, problema rin ang malaking gastos ng pagpapagamot.

JR Langit: During po sa mga treatments na pinag daanan niya at tsaka pinag daannan din ng inyong pamilya, may times po ba na gusto na ninyong sumuko?

Mom: Actually sir yung word na pag suko wala, kasi pag nandun ka sa sitwasyon na yun hindi mo kasi sya isusuko. Siya mismo… sasabihin niya “mama kaya natin to bawal umiyak sa harapan ko” sabi ko nga kung sya hindi nga umiiyak, tapos sa eagerness sya pa po yung nang gigising sakin… “mama may Chemo ako.” Mas lalo na ngayong once a month na lang sya mas na-mememorized niya yung chemo sched niya kay sasakin. Sabihin mo lang sa kanya kung kailan ang next schedule nya, siya na ang mag papaalala syo noong ganitong schedule at date sasabihin niya…..”mama bukas na yung chemo ko.” Ganun po sya palagi.

Kya paano po ako susuko na kung sya mismo lumalaban, alam niyo meron po yung time nakita niya ako tahimik lang ako, pag tahimik kasi ako alam niya na may pinoproblema ako…. alam mo ba anong sabi niya?

“Mama, kaya natin yan gagawan natin yan ng paraan di ba ? Sisipain ko yang leukemia na yan para mawala.”

Hindi nag iisa ang pamilya nina John Paul sa pakikipaglaban sa Leukemia. Sa bawat baitang ng kanilang pakikipaglaban ay Kasangga nila si Senador Bong Go dito.

 

PANGANIB NA DULOT NG LAMOK

JR Langit: May malaking pitak sa puso ng Kasangga mo ang Langit ang mga sakit na dala ng mga lamok. Ang inyong lingkod ay minsan na ring tinamaan ng Dengue at nalagay sa pelligro ang kalagayan. Samantala, hindi naman lingid sa lahat na Malaria na sanhi rin ng kagat ng lamok ang ikinamatay ng ating kasanggang si Reyster.

Naging sentro ng aming gift giving ang mga batang pasyente ng San Lazaro Hospital. Ayon kasi sa mga doctor, mga bata ang karaniwang tinatamaan ng dengue. Hindi simpleng mga laruan ang ipinamigay ni Angelique sa mga batang pasyente ng San Lazaro Hospital. Ito ay mga laruan na sampung taong kinolekta ng kanyang namayapang ina.

Angelique: So itong collection ko, collection ng mom ko is “Bennie Babies” from the US they are all collector items, kaya sya na ka box na ganito na special box para idesplay sa bahay at its not something that you play with talaga. But they were special kind that we collect, that we keep for our house and its sentimental kasi its something that my mom has done over the course of ten years bago sya nag past away so for me its a way talaga to remember her and to pass on her legacy of collecting Bennie babies and natutuwa din ako para they have something to remember us by and then she lives on in that giving the Bennie babies away so yun and then this is just something that I like to look at parang i have something for myself din to always remember my mom by and then this are all the collections probably more than 50 na bennie babies, the whole collection, the collection that we have that I gave to the dengue victims.

NEGOSYONG MAY ADVOKASIYA


Saksi rin ang Taong 2019 sa partnership ng Kasangga Mo Ang Langit sa ilang kumpanya na mayroong adbokasiya. Tulad na lamang ng ating partnership sa Alkaviva waters at Baby Company.

Alkaviva Waters: Ang negosyong may advokasiya. Malaking biyaya ang dinala ng AlkaViva Waters sa mag asawang Engineers Louie at Grace Cristobal. Kaya naman nais nilang i-share ang biyayang ito sa ating mga kababayan na nais magkaruon ng negosyo.

Sa halagang dalawampung libong pisong puhunan, maaari nang magkaruon ng water station sa tulong na rin ng alka viva waters.

“Kung cocomputin mo nga lang kunwari bibili ka lang ng tangke magkano? P16,000 then how much yung matitira na lang 4,000 diba? Ibig sabihin po parang bigay tulong na lang sa gustong mag karoon ng negosyo. “

Eng. Grace: Kasi po kami pong mag asawa ay kuntento napo kung ano po yung kami, pero as long as meron po kong mga empleydo na umaasa syo kailanagn po natin kumbaga talagang mag strive di ba, na mag benta and at the same time maraming ma install, maraming refilling station and as well as marami po kaming na tutulungan, so dun lang po sa halaga is parang tulong na po, na para makapag simula sila. And at the same time mabigyan ng knowlgde and idea kung papano ang isang tao hindi po kinakailangan maging malaki yung pera or maging mayaman tayo para mag karoon ng negosyo, so pinaka importante is yung abilidad natin and at the same time yung good management ng isang may-ari ng negosyo.”

PUBLIC SERVICE FOR BABIES

Apatnapung mga magulang ng mga batang may sakit ang napaligaya ng Kasangga mo ang Langit Foundation katuwang ang Baby Company. Mga pasyente ng Pasay General Hospital at Ospital ng Paranaque ang nabiyayaan ng strollers para sa mga batang may karamdaman. Inilunsad ng Baby company ang proyektong ito nuong taong 2018, at taong 2019 napili nilang maging kasangga sa kanilang adbokasiya ang Kasangga mo ang Langit foundation.

Shai Javero: Bali nakipag collaborate kami sa Kasangga mo ang Langit Foundation kasi kilala naman natin si sir Rey Langit and yung credibility niya pag dating sa public service. So ito yung gusto namin, kumbaga yung network ng mga community na nasasakupan niya or yung mga kakilala niya alam namin nayung mga… Strollers ayun yung mga nangangailangan kasi sila yung magiging priority talaga ng foundation.

CONJOINED TWINS STORY

Pagasa at pananalig ang simbolo ng kanilang mga pangalan dahil nasa sinapupunan pa lamang sila ay alam na ng kanilang mga magulang ang malaking pagsubok na kanilang haharapin sa paglabas nila sa mundong ito. Sila sina Hope at Faith, ang kambal na ipinanganak na magkadikit o tinatawag na conjoined twins.

Doc: Ito si Hope at ito naman si Faith, gising na gising na sila today.

JR Langit: Pareho silang babae?

Doc: Oo both girls

Rey Langit: Wala pa si Charity parating palang —

Doc: Ito po yung connected sa machine helping the other twin.

Rey Langit: Sino po sa kanila ang weak at sino po yung masigla?

Doc: Siya po, Until we are able to remove this hindi po sila ma- seseparate.

JR Langit: Malikot ho yung mga kamay nila kaya po ba may nakakabit na ganyan sa kanilang kamay?
Doc: Oo, kaya naka gapos… they have been occupying this room since birth, 10 month old na sila today.

JR Langit: Hindi na pala nakaka uwi ang magulang nila?

Doc: Never, dito sila pinanganak at mananatili na muna sila dito. Mayroon kaming high risk center, actually di naman ganun ka dikit na dikit yung kanilang katawan, gawa lang nang skin ang attachment nila.

Rey Langit: Doctora, lahat po ng organs complete and they have their own?

Doc: They have their own.

Rey Langit: Ah Ok, so wala naman palang common, kasi ang pinaka difficult thing yon common organ na nagsi share sila tulad ng ibang cases ng conjoined twins. Mayroon kaming natulungan noon yung Lastimosa conjoined twins, Y-Baby kung tawagin namin dahil magka dugtong ang katawan, common ang kanilang katawan, ulo at leeg lang ang hiwalay at mga paa kaya hindi sila napag hiwalay.

Doc: Opo, sila naman ay walang common

JR Langit: Kaya pwedeng pwede mong iseparate talaga.

Kung dati ay sa Taiwan ang pinakamalapit na bansa para pa operahan ang katulad nina Hope at Faith, Malaki na ang iniunlad ng mga hospital dito sa Pilipinas tulad ng PCMC para mag opera ng conjoined twins.

BUILDING AND SUSTAINING RELATIONSHIPS

Naging tampok sa Kasangga mo ang Langit nitong 2019 ang mga biyahe ng Pangulong Rodrigo Duterte. Kabilang dito ang ika limang beses nyang pagbisita sa China mula nang mahalal bilang Pangulo at ang kanyang pagbabalik sa Russia. Ayon kay Philippine ambassador to China Jose Santa Romana sa ginawa nating exclusive na pakikipanayam sa kanya.

“Napakaganda ng ginawa ng Pangulong Rodrigo Duterte dahil inayos muna nya ang pundasyon ng pagkakaibigan ng dalawang bansa bago binuksan ang isang kontrobersyal na usapin.”

Amba Santa Romana: Sa ngayon kasi ang relasyon ng Pilipinas sa tsina ay masasabi mong may dalawang bahagi, sa isang banda nandun yung kung saan hindi tayo nag kakasundo, na sa tingin natin pag aari natin yung kalayaan Island group. Sa tingin naman ng tsina bahagi yan ng Spratlies na inaangkin nila. Sa tingin natin atin ang Scarborouh Panatag Shoul, sa tingin ng Tsina kanila. Yon sa arbitral award din sa tingin natin ito ay isang malaking bahagi ng International Law at major legal victory for us that we uphold. Sa tingin ng tsina dahil hindi sila na kilahok dito, hindi nila kikilanin to at hindi sila susunod dito. So yun ang hindi natin pagkakaintindihan… pero hindi naman iyon ang kabuuan ng ating relasyon meron yung mga larangan na wala tayong pinag aawayan, tulad ng trade, investment, culture, science and technology, in other words hindi dahil hindi tayo nag kakasundo ay hindi na tayo pwedeng mag kalakalan, na hindi na tayo pwedeng magka roon ng tourism, mga tourista galing sa China. Pagka pinag halo mo yan minsan nag kakagulo. Yun ang nangyari dati kaya ang ginawa ng presidente pag hiwalayin muna natin, dito matagal na usapan kasi yung hindi pag kakasunduan, yung hidwaan natin, pero madaming naapektuhan na larangan na pwede naman tayong mag kasundo.

FROM RUSSIA WITH LOVE

Ang bilateral meeting ng Pangulo at ni Russian President Vladimir Putin ang naging highlight ng limang araw na pagbisita ng Pangulong Duterte sa Russia. Pina igting ng dalawang lider ang kooperasyon sa larangan ng security and defense, paglaban sa terorismo at violent extremism.

“Naging maganda po ang kanilang usapan, nung unang araw po ay si Prime minister Medvedev at yung pangalawang araw naman po ay nag karoon ng Bilateral with President Putin kaya magiging mas malapit yung relasyon ng Pilipinas at ng Russia, lalong lalo na po sa usapang defense at security at alam niyo isa po sa tumulong kaagad sa giyera sa Marawi ay ang bansang Russia at ang bansang China. Nag pasalamat po muli si Pangulong Duterte sa supporta na binigay nila sa ating bansa at pangalawa mas lalo pa nating napalapit ang relasyon ng Russia sa ating bansa.”

DEPARTMENT OF OVERSEAS FILIPINOS

Sa aming pag tunggo sa Bansang Russia, kinapanayam ng Kasangga team si Sen Bong Go, ganito ang napag usapan nila ni Kasangga-JR Langit kaugnay ng ilan nating mga OFW na nagka problema roon.

Sen. Bong Go: Hindi lang meetings ang pinunta namin dito sa Russia, hindi lang po yung valdai forum, unang una ay gusto pong bisitahin ng ating mahal na pangulo ang atin mga kababayan dito sa Russia, mga Pilipino na nag tatrabaho po rito sa russia at alam niyo hindi na babayaran ang lungkot. Mahirap mapalayo sa ating mga pamilya mas nanaisin po nilang magtrabaho na lang po dun sa ating bansa, ngunit kailangn nilang maghanapbuhay at mag trabaho dito upang kumita at kami naman po mag iiwan manlang kami ng kunting ngiti sa ating mga kabababyan at makipag kamustahan. At isa nga po sa ating isinusulong, one of my ten priority bills ifiled in the senate itong department of overseas filipinos para po sa ating mga ofw. Para sa ating mga kababayan upang merong isang departamentong nakatuon, na katutok sa kanila sa lahat ng kanilang mga pangangailangan, tulad po ngayon marami pong lumalapit sa atin dito gustong umuwi, may Problem, mayroong nangangailangan ng advice, legal, health, so kung meron tayong department of OFW yun na po ang kanilang lalapitang departmento. Isang departamento na yun na po ang makikipag coordinate po sa lahat ng ahensya ng gobyerno para mapabilis kaagad yung tulong mula sa gobyerno para sa kanila.

ABIDING FILIPINO CITIZENS

Exclusive naming nakapanayam si Philippine Ambassador to China na si Amba. Jose Chito Santa Romana.

Amba Santa Romana: Ang mga Pilipino dito generally Speaking law abiding, ang problerma nga ang Chinese, because of the rise of China economically. The middle class family, the elite families they are willing to pay double the price, the whole salary sa Hongkong to get anong gusto nila. Naiingit sila sa mga Chinese na nasa Hongkong, natututong mag English kasi yung katulong marunong mag English at gusto nila ganun din mag karoon sila para maturuan ang mga anak nila at mag alaga ng kanilang pamilya.

Rey Langit: Ano ang need nila ngayon mula sa atin?

Amba Santa Romana: English teachers meron mga nag hahanap sa China and they have an agreement, they want to hire 2,000 Filipino teachers who can teach English at the Chinese Universities starting this year. Kailangan lang of course merong college degree, merong board exam, certification, merong experience of two years or more and they offer free housing, free board and lodging with attractive salaries.

ALSO FACEBOOK LIVE

Inyo itong napanood sa aming Programang pang-telebisyon Kasangga Mo Ang Langit, tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel. Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit.

Ito ang Father and Son tandem, ako si Pareng Rey at Kasangga-JR Langit na simulcast o sabayang napapanood sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox

SUMMATION

Ilan lamang yan sa mga kwentong tagos sa puso ng Kasangga mo ang Langit. Sari Saring Kwento ang inihatid sa inyong Kasangga mo ang Langit nitong 2019. Kumurot sa ating puso at pumukaw ng damdamin ang ating mga kwento.

Nawa’y muli nyo kaming samahan sa aming mga darating pang mga challenges at kung paano ang mga ito makapag bibigay ng insperasyon sa marami pa nating mga kababayan na dumaranas ng kahalintulad na pag subok sa buhay. Asahan nyo na mas magaganda at makabuluhang kwento pa ang aming ibabahagi sa inyo sa taong ito na 2020!

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial