The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
February 10, 2020

MANAKAWAN KANA RAW NG ILANG BESES, HUWAG LANG MASUNUGAN!

“Masama ang loob ng mga residenteng nasunugan sa may-ari ng bahay na pinagmulan ng sunog dahil hindi umano ito ang unang beses na sa kanila nagmula ang panganib, na ngayon ay sumiklab na muli ang sunog na tumulok sa maraming kabahayan.”

Samahan ninyo kami sa pamamahagi ng tulong sa mga nasunugan sa Lico st. Tondo, Maynila. Ako si Pareng Rey Langit Ang maagap na pagresponde sa pangangailangan ng mga kababayan nating nawalan ng tahanan, ating sundan. Ako naman ang inyong Kasangga JR Langit. Ang mga istoryang tulad nito na aming ibinabahagi at napapanood sa aming Programang pang telebisyon na Kasangga Mo Ang Langit. Sumasainyo tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit ay napapanood sa buong mundo sa pamamagitan ng facebook live.

FORTUITOUS EVENT

Madaling araw nang gisingin ng lagablab ng apoy ang mga residente ng Lico St. Sa laki ng apoy, inabot ng Task force Delta ang alarma ng sunog na naapula lamang matapos ang mahigit sa tatlo at kalahating oras.

Sa ginawang pakikipanayam ng Kasangga team sa pangunguna ni JR Langit kay Chairman Lucito Lozano II ng Lico Tondo, Maynila:

Chairman Lozano II: Gusto ko pong magpasalamat sa ating presidente Duterte na una pong nag padala ng mga tulong sa amin, sa ating mayor, vice mayor, congressman at sa mga konsehal po. At sa ating kaibigan po na si sir Rey Langit po Maraming salamat po sa inyo at hindi niyo po kami na kalimutan.

JR Langit: Mukhang tupok na tupok po Chairman ang buong paligid.

Chairman Lozano II: Tupok po, tupok na tupok po, ang estimated natin ay nasa 1290 structures po.

JR Langit: Ang mga naninirahan po ba rito mostly ay informal settlers?

Chairman Lozano II: Squatters area po.

KASANGGA SUPPORT

Magka-Kasangga sa pagtulong! Kasama ng Kasangga Mo Ang Langit Foundation Inc. ang bago nating kasangga sa pagtulong na si Ginoong James Kumar, namahagi kami ng groceries, mineral water, mga toothpaste at toothbrush, mga medical kits at iba pa. At pagdating ni Senator Go, financial assistance naman ang sinagot niya at pati ang mga school supplies ng mga estudyante para sa mga nasunugan.

James Kumar: sariling initiative ko po, tapos kinuwento ko sa aming mga kabababyan (Indian community) sa aming organisation, natuwa rin naman sila at tutulong din daw po sila, ayun din po sa kanila sa mga susunod na pag kakataon makakasama na rin natin sila.

Ang sabi sa kasabihan, manakawan kana ng ilang beses, wag lang masunugan. Ganito rin ang paniniwala ni Senador Bong Go na ang unang tanong kapag nagtutungo sa mga sunog ay kung mayroong nasaktan. Para sa Senador, madaling ibalik ang mga gamit pero ang buhay ay walang puwedeng maging kapalit.

Sen Bong Go: Importante po walang nasaktan alam niyo po tuwing pupunta ako ng nasunugan kumikirot ang puso ko pag mayroon pong nasasaktan at namamatay kasi yung gamit naman mag tulungan lang tayo marami namang tutulong satin, pero ang buhay po hindi nabibili, importante po na walang masaktan kung sino naman po yung gustong mag pagamot halimbawa kahit hindi kayo nasunugan sinong gustong mag pagamot o pa opera sa puso, dialysys, kahit ano cancer wag naman sana, sabihin niyo lang kay kapitana yung mga tao dito ako ng mag papagamot sa inyo hanggang makauwi kayo sa inyong mga tirahan pati pamasahe pagkain ninyo hanggang makauwi po kayo sa inyong mga tirahan mag sabi lang po kayo.

BALIK PROBINSIYA

Mahigit sa tatlong daang pamilya ang pansamantalang naninirahan sa evacuation center matapos masunog ang kanilang tahanan sa Lico street Tondo, Maynila. Ayon sa Bureau of Fire Protection, nahirapan silang i-apula ang sunog dahil sa makikipot na kalsada. Isa ito sa mga dahilan kung bakit sa tuwing may sunog, tinatanong ni Senador Go kung sino ang gustong magbalik probinsya.

Sen Bong Go: Bakit sinong mga gustong umuwi ng probisya na mga Bisaya, sinong gustong umuwi ng probinsya ako na ang mamamasahe sa inyo wag na kayong bumalik dito. Sa totoo lang napakasikip na ng Metro Manila dikit dikit yung bahay. Doon sa ptrobinsya natin maluwag pa yung kalye marami pa yung lupa, one way yung ibibigay ko sa inyo bibigyan ko kayo ng tig wa one way kung sino lang yung gusto manirahan sa probinsya, antayin niyo munang after 20 years dadami yung mga bahay dun, dadami yung mga tao, sisikip yung daan pag nasunog balik kayo dito. (tawanan).

MANDATORY EVACUATION CENTER

Upang mapagtibay ang kanyang adbokasiya, isa sa mga panukalang batas na unang inihain ni Go bilang senador ay ang pagtatayo ng isang permanenteng evacuation center.

Sen Bong Go: Isa po sa finile ko sa senado yung mandatory evacuation center dapat mag karoon na tayo ng sariling evacuation center tignan niyo tuwing may nangyayari, tulad sa Taal walang evacuation Center na maayos yung mga kababayan natin natutulog sa gym, papano sila walang komportableng higaan ang dumi ng sahig anlamig, kawawa yung mga bata magkakasakit, dapat meron na tayong evacuation center para hindi na dadamay yung mga eskwelahan. Kadalasan walang klase dahil guinagamit po yung mga eskwelahan bilang evacuation center yun po ang aking priority yung Mandatory Evacuation Center sa mga kada lugar hindi lang po sa mga sunog pati sa bagyo, lindol, yung sa Taal Volcano andami pong mga kababayan natin kawawa po talaga dapat may mga komportableng higaan hanggang makabalik po sa kanilang mga tirahan.

FIRE VICTIM

Isa sa mga nasunugan ay si Ginoong Jonathan Guina:

Jonathan Guina: Marami pong salamat sa inyo sa pag tulong po ninyo, malaking tulong po para sa mga tao na mga nasunugan, nag papasalamat po ako at sa mga taong tinulungan ninyo, ganun din po salamat Mr. Rey Langit at sa inyong Anak sa mga pinag bibigay niyo samin ng ganitong tulong.

Rey Langit: Bigla na lang po ba ang nangyaring sunog?

Jonathan Guina: (residente) Opo, patulog na talaga kami nagising lang po ako… ano yung nag kakaingay napalabas ako paglabas ko ang laki na ng apoy.

Rey Langit: Maliban sa natupok ninyong kabahayan at mga kagamitan, kumusta naman ang inyong Pamilya?

Jonathan Guina: Atleast sa pamilya ko walang nasaktan buo sila walang namatay, ligtas po sila.

JR Langit: Ilan po kayong nakatira rito sa bahay?

Jonathan Guina: Marami po kami, ang anak ko po, lima, yung ibang anak ko may pamilya na may mga apo na rin ako. Sila na rin po muna inintindi ko para masunog man na yung gamit hayaan mo na yun, atleast buhay silang lahat at syempre walang nasaktan.

JR Langit: Maka ilang beses na raw pong nangyari ang sunog dito.

Jonathan Guina: Pag pang apat na beses na nagawa ito. Nung unang alam ko nag luto sa taas ng bubungan, may kahoy nakita pa nga nila na nandun sila sa bahay nila, na naapula naman agad. Sa pangalawa yung kulungan ng kalapati niya na alaga niya sinilaban din, tapos po yung mga wiring ng kuryente sa loob ng bahay niya sinilaban, kinukuha niya, yung tanso lang ng koryente.

Rey Langit: Nasa kostudiya na raw ng mga pulis ang gumawa nito?

Jonathan Guina: Opo, ano ko lang yung.. matulungan yung ibang mga tao, tsaka sa ganyang mga lugar kung sino yung mga alam nila na gumagamit ng illegal na droga dapat anohin nila…. kunin na agad kasi ilang beses na po yang ginawa.

KMAL FOUNDATION IN THE NAME OF REYSTER LANGIT

Isinakatuparan ang relief operations ng Kasangga Mo Ang Langit Foundation Inc.

Hindi maipinta ang kasiyahan ng ating mga Kasangga sa evacuation center na pinagdalhan sa mga nawalan ng tahanan sa sunog na nangyari sa Lico St., Tondo, Maynila. Sa kabila ng sinapit nilang trahedya, masaya pa rin silang sumalubong sa Kasangga Mo Ang Langit Foundation Inc. kabalikat si Mr. James Kumar at sa pagdating ni Senador Bong Go.

Para kay Ginoong James Kumar, naging adbokasiya na nya ang kawanggawa dahil nais nyang ibalik sa kapwa tao ang mga biyayang natanggap nya at ng kanyang pamilya.

James Kumar: Actually nakakalungkot at the same time nakakatuwa rin kasi kahit papapno nakakapag bigay tayo ng kunting tulong nakita naman natin yung mga kabababyan na tutuwang tuwa sa kunting naitulong natin. Nakita ninyo yung ngiti sa mukha nila, kaya nakakataba ng puso.

JR Langit: Bakit po ba parang malapit sa puso niyo yung mga pag tulong sa ating mga kababayan?

James Kumar: Actually nung bata po ako, pinag daanan ko po ito, wala kaming pambili ng tsinelas. Kumbaga kung anong biyayang ibinigay sa amin ng Panginoong Diyos right now, kung anong meron ako it’s a time naman na gusto kong ibalik ito sa mga kababayan natin na nangangailangn po.

Naniniwala si James na ang bawat tao ay mayroong tungkuling tumulong sa kanyang kapwa lalo na sa harap ng kalamidad o trahedya.

James Kumar: Sa palagay ko ang bawat tao ay tungkulin na tumulong sating mga kabababayn, basta kaya nila.

JR Langit: Hanggang kailan po sir James ang dapat na pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangn nating mga kababbayan?

James Kumar: Hanggang nabubuhay ako, hangang maybuhay pa ko hindi po ako mag sasawa.

SEN. BONG GO’s ADVOCACY

Samantala hindi lamang simpleng pamamahagi ng relief goods ang dala ni Senador Bong Go sa mga nasunugan sa Tondo. Bitbit rin nya duon ang ibat ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng National Housing Authority at ang PCSO para tugunan ang iba pang pangangailangan ng mga biktima.

Sen Bong Go: Ngayon nandidito rin po ang DTI. Ang DTI dala nila yung pang Livelihood. Kung sino yung gustong magtinda ng sari-sari store, pwede rin po kayong mag avail, programa din naming ito sa gobyerno. Ang NHA rin po nandidito mag-iinterview sa inyo para mag bigay po ng Housing Materials. Andito rin po ang Pagcor atsaka PCSO na magbibigay rin po ng tulong.

Naging malaking bahagi rin ng aming relief operations ang PCSO na lagi nating kaagapay sa public service. Sa ginawang pakikipanayam ng ating Kasangga JR Langit kay Ms. Emilyn Ubales (PS II Office of the GM )

JR Langit: Alam ko po na regular ninyong ginagawa ito, bilang isa mga sa advocacy ng PCSO ang pagtulong sa mga nangangailangan.

Emilyn Ubales: Yes po, part po ito ng tulong namin sa bawat pilipino. Actually nakikipag coordinate kami with OP, kasi part naman po kami ng Office of the President. So laggi po kaming sumasabay sa kanila, simula pa po noon at tuloy tuloy na pamimigay ng tulong.

JR Langit: Bali nire represent na rin ninyo si GM ngayon.

Emilyn Ubales: Opo, gusto po talaga ni GM na pag may ganitong sakuna gusto niya po talaga nandun din si PCSO. Kasi yun naman po ang mandate ng PCSO, makapag bigay ng tulong sa bawat Pilipino. Ang National Government Agencies ay meron rin ibibigay na tulong sa lahat ng 296 families, makaka tanggap sila ng financial assistance.

MUST WATCH!

Inyo itong napanood sa aming Programang pang-telebisyon Kasangga Mo Ang Langit at BIYAHENG LANGIT tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television nang father and son tandem, ako si Pareng REY at Kasangga-JR LANGIT na simulcast at sabayang napapanood sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox at FB Live worldwide.

SUMMATION

Nasa puso ni senator Bong Go ang mga nag kakakroon ng ganitong uri ng challenges sa buhay na hindi natin ineexpect, ito yung tinatawag nating unforseen events. Hindi natin alam kung kailan aabot sa atin yung mga ganitong mga pagsubok, pero tatagan po ninyo sapagkat marami po tayong mga kababayan na ang puso ay narito po sa mga nangangailang ng tulong.

Hindi madali ang kinakaharap na pagsubok ng ating mga kababayang nawalan ng tirahan dahil sa sunog.

Pero sa mga ganitong pagsubok nasusubukan ang katatagan nating mga Pilipino. Nagiging mabilis ang pagbangon natin mula sa pagkalugmok kapag mayroong mga tao, organisasyon o pamahalaan na lagi nating kasangga sa ating pangangailangan.

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial