The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
January 13, 2020

MALASAKIT NG ATING MGA KASANGGA!

“Tapos na yung proseso sa isang araw, kung may balanse pa kayo o utang sa ospital ang mag babayad na po ay yung pondo ni Pangulong Duterte. Kya po dito zero balance na po kyo, yan target ng Malasakit Center,” paliwanag ni Senator Bong Go.

Ang mga istoryang tulad nito na aming ibinabahagi at napapanood sa aming Programang pang telebisyon na Kasangga Mo Ang Langit. Sumasainyo tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit. Ang malaking papel na gagampanan ng PCSO sa Universal Health Care at Malasakit Centers, ating alamin. Ako si Pareng Rey Langit.

Tiniyak ng PCSO na tuloy ang iba pa nilang programa tulad ng pagbibigay ng tulong sa panahon ng kalamidad. Ako naman ang inyong kasangga, JR Langit.

UNIVERSAL HEALTH CARE IN EFFECT

Sa taong ito mararamdaman na ng lahat ng Pilipino ang Universal Health Care Program ng pamahalaan o kilala rin sa tawag na kalusugang pangkalahatan. Ibig sabihin, lahat ng pilipino ay masasakop na ng National Healh insurance Program, kung saan ang gobyerno ang sasagot sa malaking bahagi ng bayarin sa pagpapagamot.

Sa pahayag ni GM Royina Garma ng PCSO sa isang Press conference na aming dinaluhan, kanyang ipinaliwanag ang patuloy na pagsuporta ng PCSO sa pasyente.

GM Garma: Should you need additional funds dahil hindi po nasagot lahat ng Philhealth pwede pa rin kayong lumapit sa pcso through the Malasakit Center na naestablish po sa lahat ng hospital ng Gobierno.

ROLE OF PCSO

At upang lubusang maipatupad ang Universal Health Care Program, malaking papel ang gagampanan ng Phil Charity Sweepstakes office. Si PCSO GM Royina Garma ay nagagalak na ipaalam sa ating mga kababayan na, “effective po sa taong ito. We will be supporting 100 percent ang Universal Health Program ng ating mahal na Presidente at kami po’y may nilaan na pondo para po doon, so base po sa aming estemate at sa magiging projected sales namin hopefully will generate around 3 billion pesos for the Univerdal Health care program and aside from that itutuloy rin po namin yung medical assistance program na usual na binibigay po ng ating opisina sa mga pasyente na nangangailangan pa rin po ng financial asistance para sa kanilang medikal na concern, ang pag kakaiba lang po dito is that since we are already giving a substancial amount for the universal health care ay mag kakaroon lang ng kunting limitasyon na po yung medical assistance program namin. So this time ang opisina po will focus on catasthropic illnesses like medicine, mga requirement po sa chemotheraphy at tsaka dialysis po yun po yung ipapasok namin dun sa assistance na pwede po naming ibigay.”

CHARITY AND NATION-BUILDING

Simula sa taong ito apat napung porsyento ng charity funds ng PCSO ang ite-turn over sa Philhealth na syang magpapatupad sa Universal Health Care Program.

“Yung i-divide po natin at naging basehan namin dun ay yung batas po sa Universal Health Care. Meron pa rin pong substantial amount na ibibigay natin para sa health care program and kung makikita niyo po yung taxation it will go naman po don sa nation building program ng ating Presidente so actually po ang PCSO is not not only focus on generating fund on charity but also on the nation building project ng ating gobyerno.”

Bagamat mababawasan ang pondo para sa charity fund ng PCSO para sa mga malalang sakit tulad ng dialysis at chemotherapy, hindi ito mawawala kundi malilipat lamang sa Philhealth kung saan sakop rin naman ang mga naturang medical procedures.

REDUCE SESSION

Ayon naman kay AGM Julieta Aseo, PCSO meron po tayong kunting pag babago doon po sa mga iibibigay nating assistance for chemo dialysis and for chemotherapy reduce na po yung sessions, yung number of sessions pero nandun pa rin po tayo like for example kung nag bibigay kami ng 14 sessions marereduce po yun sa 10. Yung budget po natin ng Charity fund in 2019 was 7.4 billion ngayon po 3.1 billion na lang because of the UHC contribution so reduce lang po, mababawasan lang po yung sessions.

Sakaling hindi kayang sagutin ng Philhealth sa pamamagitan ng Universal health care ang gastusin ng pasyente, bukas pa rin sa pagtulong ang PCSO sa pamamagitan ng Malasakit Centers sa lahat ng ospital ng pamahalaan.

GUARANTEE LETTER

GM Garma: with regards to dialysis and chemo you can still go to our office at dun niyo po I avail yung guarantee letter for the chemo and through hospitalization naman should you need additional funds dahil po hindi nasagot lahat ng Philhealth pwede pa rin kayong lumapit sa pcso through the Malasakit Center na naestablish po sa lahat na po ng hospital. I think there are around 56 Malasakit Centers already and now we are on the process of providing personnel in its center, which is naka toka po sa aming HR ngayon.

Target ng PCSO na makalikom ng 52 billion para sa kanilang charity fund at upang magawa ito, ang kailangan lamang ay tangkilikin ng publiko ang mga legal na palaro ng PCSO. Tiniyak ng PCSO na tuloy ang iba pa nilang programa tulad ng pagbibigay ng tulong sa panahon ng kalamidad at pamamahagi ng mga ambulansya lalo na sa malalayo at mahihirap na bayan.

“We will still be providing services and fund sa calamity kung meron na naman pong sana po wala pero isusustain po namin yun including po yung ah medical transport vehicle. Ang donation program po natin we will acquiring amount around 300 vehicles, which will hopefully ang magiging beneficiary po dito ay yung pong mga munisipyo na nag fall under po sa tinatawag po nating geography and isolated depressed areas at classified as a poor province, poor municipality or yung pong naging biktima po ng calamity or sakuna at kailangan po ng assistance. Galing po sa aming opisina yun ang lahat ng mga programang ibibigay po ng PCSO.” Dagdag pa ni GM Garma.

INSTITUTIONAL PARTNERSHIP

Rey Langit: Ano naman po itong Institutional Partnership Program?

GM Garma: meron pa po palang program na isusutain namin yung yung institutional partnership program, ibig pong sabihin by province po mag eelect po yung branch offices natin ng isang institution na may charity realated activities para po maging sponsor po ang PCSO so ano po yung mga katulad nito, ill give you a good example yung Jospicio De San Jose beneficiary po yan ng IPP so meron syang charitable services so we give a substantial amount annually to that institution to support po yung charity activities po nila.

KASANGGANG MICHAEL DINO

Sa ginawang pakikipanayam ni Kasangga JR Langit kay Sec. Michael Dino, Presidential Asst. for the Visayas:

Sec. Dino: We are opening the 56th Malasakit Center here in San Juan…. very lucky yung mga taga rito dahil meron na sila para sa mga marginalized Sector of society herein San juan. Finally they have Malasakit Center that will help them kung may magkasakit sa pamilya nila. Normally if we get sick sa pamilya mo you go to Philhealth pipila ka, pero PhilHealth cannot pay foreverything so punta ka sa ibang agency, punta ka sa PCSO, DOH pila ka ng pila, fill up ka ng lot of different forms, hintay ka ng hintay, but now the Malasakit Center here in SanJuan dito na lang siya pupunta, isang pilahan na lang.

Maliban sa Malasakit Center, malaking pagbabago rin ang magaganap sa San Juan Medical Center.

MALASAKIT NG SAN JUAN

Ayon kay Mayor Francis Zamora ng San Juan City:

“Binabago na po natin ang ospital sapagkat ang katutuhanan po halos lahat po ng ating mamamayan ay nakatuon dito sa San Juan Medical Center kaya ginagawa natin ang lahat para ayusin yung Ospital na ito. Upang maramdaman ng ating mga mamamyan ang pag babago. Kapag sila ay magkasakit pumunta lamang sila rito, hindi sila lalabas ng nakahiga, paglabas nila ay galing na sila. Kasi dati natatakot sila dahil talagang kulang po ang mga equipment, ang facilities ang ating services. Iyan po ay ating binago na ngayon.

Samantala ang adbokasiya ni Sen Bong Go na magkaruon ng Masalakit Centers sa mga ospital sa buong bansa ay nagsimula pa nuong mayor pa ng Davao si Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay katuparan ng isang pangarap.

MALASAKIT NG KASANGGA SEN. BONG GO

Sa ginawang pakikipanayam ng Kasangga Team, Pareng Rey at JR Langit, sinalaysay ni Senator Bong Go ang kanyang karanasan:

Sen. Bong Go: Matagal po akong nag trabaho kay pangulo. Marami ang lumalalpit sa kanya sa city hall as mayor, humihingi ng tulong merong bill sa hospital nung wala pang Malasakit Center, di ba sa Davao city ang sinasabi ng COA alam mo mayor bawal gamitin yung pera ng syudad sa hindi residente ng Davao City. At meron pong mga taga Surigao, Bukidnon, general Santos City pumupunta ng Davao City humihungi ng tulong, alam niyo dun ko nakita yung puso ni mayor Duterte sa mga mahihirap, sabi niya kung hindi ko sila matutulungan dito hindi na ko uupo dito sa City hall, hindi ko matiis dahil para sa kanya filipino rin yang mga yan….. alam mo tinapon niya yong bill sakin… oh Bong hanapan mo ng paraan na mabayaran yan hindi na ko uupo ng City hall kung di mo matutulungan yan.

MEANINGFUL MESSAGE

Sa kanyang mensahe sa pag bubukas ng Malasakit Center sa San Juan, kanyang naibahagi, “noong wala pa kayong Malasakit Center di ba ang ginagawa ninyo pag meron kayong bill na 67,000. Lunes pipila kayo kay mayor, bibigyan kayo ng bente mil. Matulungin si mayor, si vice mayor. Martes pipila kayo pupunta kayo sa PCSO, Miyerkules pupunta kayo sa DSWD, Huwebes DOH, Biyernes Phil Health. Ubos yung panahon ninyo, ubos pa yung pamasahe ninyo dahil kung minsan madaling araw pa, para makahingi ng tulong. Sa totoo lang pera niyo naman yan. Sa Pilipino naman yan. Ngayon kung meron na po kayong Malasakit Center, wala na kayong problema.”

WATCH IT!

Inyo itong napanood sa aming Programang pang-telebisyon Kasangga Mo Ang Langit. Sumasainyo tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel. Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit.

Ito ang father and son tandem, ako si Pareng Rey at Kasangga-JR Langit na simulcast o sabayang napapanood sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox

SUMMATION

Matapos maisabatas ang Malasakit Center act, unti unti na itong inilulunsad sa ibat ibang ospital ng pamahalaan at pinakahuli rito ang sa San Juan City at Taguig.

Suporta natin ang kailangan upang lalong tumatag ang mga ahensyang walang tigil sa pagbuo ng mga programang makakatulong sa sambayanan.

Malasakit para sa Kalusugang Pangkalahatan. Galing sa puso at tunay na may malasakit ang mga serbisyong ikinakasa ng gobyerno para sa publiko. Kaya mo masasabi na tunay ngang kasangga natin ang Malasakit Center!

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial