The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
March 29, 2020

LET’S FIGHT IT AS ONE

“I’d like to take this time to really thank the frontliners, everyone is helping each other, everyone is helping to battle this sickness together. I’m hoping and Praying that this all will end soon. We will all get through with this. We believed in God’s Power!”

Ang pahayag na yan ay nag mula mismo sa bibig ng isang Good Samaritan na donor ng “aerosol boxes” na gamit ng mga duktor sa mga pasyente ng Covid-19.

Ang mga istoryang tulad nito ay aming ibinabahagi at napapanood sa aming Program ni Kasangga – JR Langit ang pang-telebisyon na Kasangga Mo Ang Langit. Sumasainyo tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit ay napapanood sa buong mundo sa pamamagitan ng FB live.

SHARE OUR STORY

Nais naming ibahagi sa inyo ang makabuluhang pakikipanayam na aming ginawa sa Public Service Program na Kasangga Mo Ang Langit sa DZRJ 810AM TeleRadyo-Bandido, Lunes hanggang Biyernes. Napapanood sa Sky Cable Chan 224, ABS CBN TV plus boxes, Facebook.com at Youtube Channel RJ News PH

Rey Langit: Ngayon mga kaibigan meron tayong isang phone patch/communication importante po ito. Isang managing Director ng isang pribadong organization na kung tawagin ay Play 360. Nasa linya na natin si Miss Tin Hernandez, good morning Ms.Tin On the Air po tayo.

Ms. Tin Hernandez: Mr. Rey Good Morning po.

Rey Langit: Konting background lang po mga kaibigan, Miss Tin I understand kayo po ay isang donor…. gusto ninyong mag donate ng bagay na makatutulong sa ating mga hospitals at mga doctors sa pag-address nila sa Covid-19? Mayroon daw po kayong mga ready na aerosol boxes tama po ba yun?

NARRATIVE

Ms. Tin Hernandez: Yes Mr. Rey actually this aerosol boxes started when my friend, my doctor friend Dr. Empastellano from Unihealth asked kung kaya ba naming mag produce ng aerosol boxes so we started our individual efforts donating and then tremendously nagkaroon ng great feedback and apparently so many hospitals around the Philippines need it. We were getting request from Bicol from Davao from Marinduque, actually we’re really handling it na parang we are also tapping other suppliers who can help us supply because the demand is huge talaga Mr. Rey.

Rey Langit: Doon sa mga hindi pa nakakita kung ano yung tinutukoy nating aerosol boxes donation mga kaibigan meron tayong video/picture mga puting transparent boxes pwede itong pwedeng gamitin ng mga doctor kapag hina-handle nila for example yung mga cases ng Covid-19 o mga patient under investigation. Upang walang direct contact, iwas contamination. Hindi naman po lingid sa ating kaalaman na anim na po yung mga doctor na buwis ng kanilang mga buhay, ngayon kung may test silang gagawin using this aerosol boxes habang na kahiga ang isang pasyente ay ikakabit sa bahaging ulo ng isang pasyente. Ipapasok nila ang kanilang dalawang naka-gwantis na kamay sa hole, then they can do kung anong procedure ang gusto nilang gawin, testing halimbawa mula sa saliva na kukunin sa bibig o mula mouth, test sa nose ay maisasakatuparan po nila ng extra safe. Sa madaling salita less danger ng contamination ah tama po ba ang explanation ko po miss Tin?

REDUCE RISK GREATLY

Ms. Tin Hernandez: Mr. Rey actually it does not prevent noh, but it help reduce that risk greatly. There are a lot of versions circulating on line about different designs of this aerosol box so were trying to reassure also the public that what we produced has been prototype. This has been proved by doctors but nonetheless other suppliers are supplying different designs it just that it makes it harder to do and mas mahirap yung process niya for building it. Right now we’re really pressed for time and I want to appeal also to other suppliers and to the public, time is of the essence. About the design,  what we produced ay pwede na magamit agad sa battle na ito sa Covid-19 ng ating mga frontliners upang maka iwas sa hawa.

Rey Langit: Ms. Tin medyo curious lamang po ako, what prompted you or your group para mag donate ng ganitong klase ng tulong?

ADMITTANCE

Ms. Tin Hernandez: To be honest Mr. Rey we initially wanted to donate 50 boxes to public hospitals because meron kaming existing supply of acrylic and number 2 that’s our business.We do acrylic, also we fabricate for our dense so we wanted to make used of our existing materials and our existing manpower to have 50 to do 50 boxes for different hospitals. Right now we have 325 requests and we are able to delivered already 40 plus 48 almost 50 since yesterday. Today we will delivering another 50 boxes.

Rey Langit: Are you still open for donation para sa ilan pang interested hospitals?

Ms. Tin Hernandez: Yes we have a list of so many hospitals, were in touch with different hospitals including yung nasa provinces. Right now we produce 50 boxes a day. Yun talaga yung kaya ng makina namin and ng man power namin.

THE PHONE PATCH

Rey Langit: Ok Ms.Tin, actually nasa kabilang communication natin ngayon si Dr. Jonas del Rosario ng PGH. Patch ko lang siya On the Air para magkaroon tayo ng conference call. Dr. Jonas nasa kabilang linya po si Ms. Tin Hernández, sila po yon Good Samaritan na nagdo-donate ng mga aerosol boxes sa mga hospital. Si Doc Jonas din po ang spokesperson ng PGH at ang PGH po ngayon ang isa sa mga inidentify na referral centre hospital para po tumanggap ng mga pasyente related sa cases ng COVID-19. Alam ko pong familiar naman po kayo sa aerosol boxes Doc.

Dr. Jonas Del Rosario: Tama po tama po iyon pong aerosol boxes po na yan, lumabas nga po yan sa social media at marami po ang nag vovolunteer na gumawa niyan para sa ating mga ospital.

Rey Langit: Dr. Jonas nasa kabilang communication po natin mismo ang nag mamanufacture nito. Si Miss Tin Fernandez ang Managing Director ng Play 360, alam kong gusto rin nilang makatulong sa PGH.

Ms. Tin Hernandez: Actually only last night at nakapag deliver po kami ng 10 units sa PGH.

Rey Langit: Oh good… Dr. Jonas aside sa naideliver nila last night, may need pa ba kayo for additional?

Dr. Jonas Del Rio: Ah.. ang need po natin ay around 50 so siguro po I think may iba pa pong hospital na pag dodonatan, pero kung makaka pag bigay pa po kayo siguro ng kahit another 10 malaking tulong po.

THE COMMITMENT

Rey Langit: Miss Tin narinig ho ninyo kung pupwede raw po another 10?

Ms. Tin Hernandez: Ah yes, Ok no problem. Actually the smaller hospital has telling us that they need 5 to 10 and the bigger hospital they need 20 parang ganun yung sinasabi nila samin.

Dr. Jonas Del Rosario: Tama po, I think maganda pong planong yan you really have to supply the smaller hospital din po kung kailangan ninyo pong unahin muna sila siguraduhin po natin na lahat ng ospital may gayan napakalaking tulong po sa lahat ng mga nasa frontline.

Ms. Tin Hernandez: Yes, actually meron nga ring nag request samin na one hospital from laguna I think they send us picture na nag improvise sila ng parang plastic plastic lang it really broke our heart so thats why we are asking so many people to be with us in this, because we can only do so much in helping the frontliners battle all of this for us so were trying our best to do what we can and help however we can talaga.

SINCERE APPRECIATION

Dr. Jonas Del Rosario: I want to thank you in behalf of the frontliners po, what your doing is very big help to our frontliners we are all together against this war so what your doing is like equipping the soldiers, the army out there na malabanan po ang sakit na ito. Kasi the more na we can protect our frontliners mga doctor, nurses and paramedics that way mas marami tuloy tuloy po ang serbisyo at ayaw po natin mahawa sa sakit ang ating mga frontliners.

Rey Langit: Alright, Ms. Tin you can have your piece, ano po ang last message ninyo?

Ms. Tin Hernandez: So Id like to commend lang din yong frontliners that we deliver that actually we don’t allowed us to go hospitals anymore, they just go out of their way para I met kami sa labas because they also wanted to protect us in entering this facilities. So we want to personally take this time to really thank the frontliners not everything sa medical part but everyone is helping each other and everyone to battle this sickness. Hoping and Praying that this will end soon talaga and we will all get through this we believed in God’s Power!

LET’S WORK AS ONE!

Rey Langit: Ok well said Ms.Tin, well appreciated po itong effort na ito at tsaka yung gesture na ito para matulungan po natin ang ating mga hospitals at frontliners, para po ito sa bayan at sambayanang Pilipino. So once again thank you Ms Tin, so the same procedure din po ang gagawin ninyo sa pagde deliver ng 10 additional aerosol Boxes ganun po ba miss tin?

Ms. Tin Hernandez: Yes ah right now…

Rey Langit: I can also provide you the cellnumber of Dr. Jonas para pag punta ninyo sa PGH timbrehan lang po ninyo sya para ma laman niya na naroroon na kayo.

Ms. Tin Fernandez: Please! Thank you Mr. Rey.

Rey Langit: Dr. Jonas, ano po ang final words ninyo, go right ahead please.

FORMAL OPENING AS COVID-19 REFERRAL CENTER

Dr. Jonas Del Rosario: Opo opo maraming salamat po gusto ko pong i-announce na yung Philippine General Hospital po ay mag bubukas sa Lunes (March 30, 2020) po bilang Covid-19 referral center. Ngayon (March 27) inaayos pa po namin, sinisigurado po namin na ito’y kumpleto at ito po ay safe para sa ating mga frontliners. Nandito po ang lahat ng equipments na kailangan ng ating mga pasyenteng maadmit, nandito rin po lahat na ng sistema ng mga kwarto, inaayos po namin para po effective ang ating panggagamot sa atin pong mga ospital, kaya ko po sinasabi ito dahil marami pong nag dadagsaan na dito sa PGH eh akala nila bukas na. Sana po through your program tito Rey sana po sabihin po ninyo sila sandali na lang, kaunting hintay na lang po. Kasi po kapag dumating sila dito na dedelay po ang aming preparation dahil we have to attend to them already, kaya hindi po namin magawa yung dapat naming gawin para maayos po yung referral center.

Rey Langit: Additional na clarification na lamang po doctor, yun po bang mga pasyente ngayon dyan sa PGH ay imimaintain din po ninyo?

Dr. Jonas Del Rosario: Opo, tuloy tuloy po yung serbisyo na ibinibigay namin sa mga ibang pasyente ng PGH na yun po ay naka hiwalay, nakahiwalay po sila hindi po sila ihahalo sa Covid-19 patients so meron pong separate na emergency room para sa kanila. Meron talagang mga emergency at ihiwalay din po ang kanilang mga ward, kanilang mga kwarto wala pong pangamba na mag hahalo halo at mahahawa hawa po sila.

Rey Langit: doctor maraming maraming salamat po sa opportunity at pagkakataon na nai-share po ninyo sa ating palatuntunan at sa ating sambayanang Pilipino, more power po sa inyo, ingat po kayo doc.

Dr. Jonas Del Rosario: Ingat din po sila at mag palakas po ng katawan para malabanan po natin ag Covid-19.

Rey Langit: God Bless po!

Dr. Jonas Del Rosario: God bless din po sa inyo.

MUST WATCH!

Inyo itong mapapanood sa aming programang pang-telebisyon Kasangga Mo Ang Langit at Biyaheng Langit. Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television nang father-and-son tandem, ako si Pareng Rey at Kasangga-JR Langit na simulcast, sabayang napapanood sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television – Channel 2
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox at FB live worldwide.
Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial