The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
February 3, 2020

KASANGGA SA HAMON NG BUHAY

“Lindol ho ng lindol tapos yun hong langit kumikidlat, matatalim na kidlat, bumubuga ng bumubuga ng makapal at malakas na usok. Parang wala nang katapusan!”

Samahan po kami sa patuloy na isinagawang relief operations para sa mga kababayan nating na apektuhan ni Bulkang Taal. Ako si Pareng Rey Langit. Iba’t ibang kwento ng karanasan na nagbigay ng inspirasyon at pagasa makalipas ng pag putok ng bulkang Taal. Ako naman ang inyong kasangga, JR Langit.

Ang mga istoryang tulad nito na aming ibinabahagi at napapanood sa aming programang pang telebisyon na Kasangga Mo Ang Langit. Sumasainyo tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel. Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit ay napapanood sa buong mundo sa pamamagitan ng facebook live.

BACK TO REALITY

Sa pag hupa nang bulkang Taal. Karamihan sa mga evacuees sa ngayon ay nakabalik na sa kani-kanilang tahanan upang simulan ang pagbangon dahil marami sa kanila ang wala nang bahay na binalikan. Pero sa kanilang naging karanasan sa pagsabog ng bulkang Taal…hindi nag iisa ang ating mga kababayan sa Batangas dahil sa dami ng mga tumulong sa kanila, tulad na lamang ni Senador Bong Go.

Sen. Bong Go: Ah sa mga Kababayan ko mag tulungan po tayo, ito po ang panahon nang bayanihan, kawawang kawawa po ang ating mga kabababyan, kita na ninyo po ang kanilang kalagayan. Ito na po ang panahon ng pag dadamayan, nakalulungkot po…marami pong apektado, paralisado ang kanilang pamumuhay, tinamaan ang kanilang mga ari-arian, pamumuhay. Sana po makabangon po tayo sa nangyaring ito. Nandito po ako para mag bigay ng kunting tulong mula sa gobyerno, mula sa ating mga kaibigan na gustong mag bigay ng kanilang tulong, makapag iwan man lang ng kunting ngiti sa knila sa panahon ng kanilang pag dadalamhati.

MEANINGFUL ASSISTANCE

Halos pitong libo katao ang kinalinga ng evacuation center sa Alfonso Cavite na nabiyayaan ng relief operations nina Senador Bong Go. Karamihan sa mga ito. Nawalan ng kabuhayan dahil sa pagputok ng bulkang taal. Ngayong humupa na ang aktibidad ng bulkang taal, ang pagbangon naman ng mga nawalan ng kabuhayan ang dapat na tutukan.

Pagharap sa mga pagsubok, kinapanayam ng ating Kasangga JR Langit si Municipal Administrator Erwin Signo.

JR Langit: Ano po yung mga karaniwang hinaing ng mga tao po naririto at ano yung mga pang karaniwang panganga ilangan nila ?

Admin Erwin: karamihan ng mga nakarating dito talagang na depressed dahil umabot sa point na yung mga bahay nila ay gumuho. Ang kailangan nila ay panimula, kung paano muling mag sisimula. Pagdating naman sa mga relief good, mga pagkain majority… more on mga canned goods yan bigas. Yung mga private na NGO ay patuloy naman na tumulong sa atin, tuloy tuloy.

JR Langit: Ano po ba ang karaniwang kinabubuhay nila sa Taal?

Admin Erwin: Karamihan kasi talagang yung mga kabuhayan, pagdating sa livestock mga magtatanim yun ang mga naapektuhan. Yung nasa labas mga palaisdaan, kumbaga maaayos naman mga buhay nila may sariling bahay may maliit na kabuhayan, ang mga nawala sakanila na pag aaralan nila kung pano makakabalik ng maayos.

STORYTELLING

May ibat ibang kwento ang ibinahagi ng mga evacuees sa Kasangga Team. Halos lahat sa kanila ay pawang may pangamba kung makakabangon ba sila matapos ang trahedyang ito.

Gina Vidan (MSWDO): Kasalukuyang nag papakain nang ng mga alaga nang pumutok yung bulkan, nabigla sila…. tulad noong alaga nilang Baboy wala na yung pakain naanod ng pag putok. Tapos pag lingon niyang ganyan nawala na rin pati yung alaga niyang baboy, sabay takbo na lang siya. Mabilis ang mga pangyayari.

JR Langit: Ano ang kanilang plano ngayong umupa na si Bolkang Taal?

Gina Vidan (MSWDO): Syempre confronting them, dun na nila marerealize ano nga ba- Hindi ko alam kung anong nangyari dun sa iniwan ko, meron namang mam kita ko ang bahay ko talagang wala na akong babalikan, so wala na tapos yung isa pa meron pa mam pwede pa akong bumalik kasi ang nasira lang naman ay yung palaisdaan. Namatay na lahat ng tilapia namatay na lahat ng bangus pero makakarecover kami. mam yun kasi ang aming bahay buo pa, tapos ash fall ang ganito kakapal, kung ilang dangkal istripe lang po namin yun mabubuhay pa po ulit kami.

DISASTER RESILIENCE

Puspusan na ang pagkilos ng pamahalaan para mabuo ang Dept of disaster resilience. Sa pamamagitan nito, mas magkakaroon ng sistema sa distribusyon ng tulong sa mga nasalanta at rehabilitasyon ng mga lugar na nasira ng mga kalamidad.

Sen. Bong Go: Para bago dumating ang ganitong pag putok o bagyo prepared tayo, maging Pro active tayo and even after ay yung post rehab natin ay mas maayos po. Cabinet level po ito yung lalalpitan natin dapat may regional offices para hindi malito ang ating mga kabababayan, minsan saan saan na lang sila hihingi ng tulong, hindi nga nila alam papano kokontakin yung Philvocs, hindi nga nila alam saan tatatwagan yung Pag asa. Kung meron na tayong Department of Disaster Resilience Regional office ang ko kontakin nila tanungin nila kung ano ba talaga ang totoong mangyari, ano ba talaga dadating…. baha o anoman, mayroon bang alert para makapag handa po ang mga Pilipino.

PERMANENT EVACUATION CENTER

Target rin ng Duterte administration na magkaroon ng hiwalay na evacuation centers para sa mga panahong kailangang maglikas ng mamamayan. Sa pagputok ng bulkang taal, pitumput walong paaralan ang naapektuhan ang pasok dahil ginamit itong evacuation center.

Rey Langit: Sen Bong Go, gusto na raw gamitin nang DepEd ang eskwelahan para sa mga estudyante… meron na po bang Identified na lugar na puweding alternative na paglilipatan para sa mga hindi pa naka babalik sa kanilang mga tahanan?

Sen. Bong Go: Kaya nga po, I am pushing for the evacuation center si pangulong Duterte priority ng kanyang gustong ilaan na pondo ay para sa evacuation center para hindi po tamaan ang mga nag aaral na mga studyante, dahil domino effect yan pag nagagamit yung eskwelahan tatamaan yung pag aaral nila hindi sila makakapasok apektado po ang kanilang school calendar, so apektado yung pag aaral nila. So tayo namn dito sana po makita niyo ang gobyerno nandyan po para sa inyo para sumoporta ang mga LGUs, tulong po mula sa office of the president nandyadyan kaagad, pambili nila ng pagkain…. tulungan lang tayo sa mga pribadong kumpanya. Sana payagan niyo na pong hindi mag toll free muna sa ngayon, yung toll fee niyo libre muna sana para sa mga relief goods na dadaaan dyan para mabilis at para naman po hindi mapagastos yung mga nagbibigay ng mga relief assistance.

Sa kabila ng paghupa ng aktibidad ng bulkang taal, nanawagan si SenGo sa mga mamamayan ng batangas na laging magmonitor at sundin ang mga sinasabi ng mga otorida at mayroon pa siyang karagdagang paalala.

ABUSIVE SECTOR

Sen. Bong Go: Meron tayong monitoring dyan ng DTI… minomonitor nila pag bebenta ng mga mask, ganito wag niyo po wag niyo na pong pag samantalahan mga Kababayan natin, kunsensya niyo na lang po kung pag sasamantalahan niyo itong mga ganitong panahon, isipin niyo yung kababayan po natin nag kanda hirap na po rito tulungan po natin sila wag po natin silang pag samantalahan, tulong niyo na lang po yun sa mga kababayan natin.

Gina Vidan (MSWDO): “95 percent po sa kanila rito ay nag mula sa Laurel. Mga 2 percent from Lemeri at Agoncillo 3 percent. Tsaka yun ang pinakamalapit ho sa amin. Yung high way ng tagaytay, Baba sila doon Laurel na yun. Aaahon lang sila Alfonso na, tapos yung Alfonso kasi nung pumutok talaga ang bulkan hindi dito maalikabok, dito kunti lang ang alikabok kasi ang ang hangin paganun South East papunta ang hangin kaya doon papunta ang abo.”

GOOD SAMARITAN

Isang restaurant rin ang nagbukas kahit sumabog na ang bulkang taal upang makatulong hindi lang sa kanilang mga empleyado kundi kumita ng pang tulong nila sa mga biktima ng bulkang taal…. ito ang MnM BULALOHAN!

JR Langit: Mukhang kayo lang ang nag iisang nag bukas dito. Lahat ng mga restaurant sa paligid sarado. Hindi naman po kayo na uubusan ng ise-serve na pagkain?

Marie De Sagun: Hindi naman po marami naman pong supply sa awa po ng Diyos, kung baga binigyan po tayo ng nasa Itaas na makapag lingkod sa kapwa. Yung time na nag bukas po kami na yun sabi ko sa kanila sa mga tao ko yung kikitain natin dito magagamit na tulong. Mag tiis tiis na lang muna tayo kahit tayo nahihirapan atleast makakatulong tayo. Kasi yung kikitain namin dito irerelief na din po namin.

FIRST-HAND INFORMATION

Benny Umali: Hindi ko po akala, hindi ko po alam kung anong mangyayari sa amin…

Teodor Umali: Limilindol din nun eh lumilindol din ho kasalukuyang lumilindol.

Benny Umali : Lindol ho ng lindol tapos yun hong Langit kumikidlat, matatalim na kidlat at bumubuga ng bumubuga ng malakas na usok. Parang wala nang katapusan.

Nakabalik na sa kani-kanilang mga tahanan ang ating mga kababayan na apektado ng pagsabog ng bulkang Taal. Ito ay matapos na maibaba na ang alert level ng bulkang taal. Ang kailangan naman nila ngayong harapin….ay kung paano sila babangon lalo na ang mga nawalan ng tahanan at kabuhayan.
Katulad ng mag asawang Teodoro at Beny Umali, malaking problema sa kanila kung may babalikan pa silang kabuhayan sa Laurel Batangas.

UNCERTAIN LIVELIHOOD

Beny Umali (evacuee): Ngayon po ay may manok pa ho kami doon na hindi pa naipagbibili, tapos ho nung hindi pa ho na putok yung bulkan na yan. Wala pa pong bayad kaya hindi po namin alam kung mababayaran pa yun.

JR Langit: Dahil yung pinagbilhan din niyo ay naapektuhan din po?

Beny Umali: Dahil yung pong pinagbentahan namin nasa bakwitan din. Utang pa po ang pakain noon kaya po poblema kami ngayon, yong ibayad sa patuka, sarili lang po namin yung sisiw.

Sa kabila ng kanilang agam agam sa magiging buhay nila pagkatapos na sumabog ng bulkang Taal, Natutuwa na rin ang mag asawang Umali dahil sa dami ng gustong tumulong, sobra sobra ang nakukuha nilang biyaya.

OVERFLOWING SUPPORT

Lubos naman ang pasasalamat ng pamilya ni Myrene Devilla dahil tuloy tuloy ang biyaya na dumarating sa kanila. Naglalako ng isda ang mister ni Myrene kayat apektado ang kanilang kabuhayan sa pagputok ng bulkang taal. Tahanan naman ang tawag ng Alfonso Cavite sa lugar kung saan nila dinadala ang mga evacuees. Permanente kasi ang mga ito upang hindi maka abala sa mga mag aaral sa mga eskwelahan.

Ang inakala nilang normal na araw lamang ay magpapabago pala ng takbo ng kanilang buhay. Ayon kay Ginang Beny, nasa piyestahan sila nuon ng kanyang anak nang makita ang pagputok ng Bulkang Taal.

Benny Umali: Apoy at usok yon nakita namin. Paano ito? Wala ho kaming pera, wala kaming damit. Kinakailangang makabalik sa Bahay.

SURVIVAL

JR Langit: Paano na po yon… puro Abo na po yung inyong paligid?

Beny Umali: oho madilim na po madilim na madilim na…

JR Langit: Wala nang kuryente?

Beny Umali: Wala na ho, Wala na. Tapos po nung kami po ay makuhang maialsa po, doon ko lang naisip yung mga kailangan ng aking mga anak. At tsaka po naalala yung passbook niya, kahit na kakaunti lang ang laman ay pinilit ko pa ring kinuha. Binalikan ko po sa aming tahanan, mapalad na rin kaming hindi naaksidente sa kabilisan ng pag papatakbo ng anak ko sa motor, yun po sa awa naman po ng Diyos nakaligtas kami.

MUST WATCH!

Inyo itong napanood sa aming Programang pang-telebisyon Kasangga Mo Ang Langit at Biyaheng Langit tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television nang Father and Son tandem, ako si Pareng REY at Kasangga-JR LANGIT na simulcast at sabayang napapanood sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox

SUMMATION

Muli na namang napatunayan kung gaano katibay ang mga pinoy sa pagharap sa mga pagsubok.

Isa marahil sa konsolasyong nakita natin sa pagputok ng bulkang taal ang pagkakaisa ng mga pilipino sa harap ng kalamidad. Tulad na lamang ng mga evacuation centers at tahanan na tumanggap ng evacuees. Nakita rin natin sa pagsabog ng Taal na kaya nating magkaisa at magtulungan kapag nasa peligro na ang ating mga kababayan.

Mas magiging mabilis ang pagbangon ng ating mga kababayan sa Batangas kung hindi natin sila iiwan sa mga panahong ito at ipagpatuloy ang pagtulong.

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial