The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
July 16, 2018

IN MEMORY OF REYSTER

Kamakailan ay ginunita namin ang ika 13th year Death Anniversary ng ating Kasanggang si Reyster Langit. Sa tuwing sumasapit ang araw ng kanyang kamatayan, nagsasakatuparan ng outreach program ang Kasangga Mo Ang Langit Foundation.

 

Ibinahagi namin sa ating mga nangngangailangang kababayan ang mga biyayang ating natatanggap, sa pamamagitan ng gift-giving. Ipinamahagi ng KMAL Foundation ang mga bag of groceries at pagkain sa mga pamilya ng mga helper o taga-alaga ng puntod at mga bata ng Manila Memorial Park, Sukat Parañaque City.

Sa bawat pamamahagi ng regalo ng Kasangga Mo Ang Langit Foundation ay may mga grupo at individual na tao na hindi nagsasawang sumuporta at maghandog ng tulong.

Ang mga sukling ngiti at pasasalamat na natanggap naman namin sa ating munting gift-giving ay tunay namang nakakataba ng puso.

ADVOCACY

Likas na matulungin ang ating Kasanggang si Reyster Langit. Maraming pangarap na gawin para sa ating mga kababayan si Reyster… At ito ay pipiliting bigyang katuparan ng Kasangga Mo Ang Langit Foundation.

Hindi man natin kapiling si Reyster ngayon, ang kanyang adbokasiya ay sinisikap naman naming laging maitaguyod at maipadama sa ating kapwa mahihirap na laging buhay ang ala-ala ni Reyster.

Mga ala-ala at leksyon na iniwan ng ating Kasanggang si Reyter Langit ay hindi dapat makaligtaan at malimutan.

Sa tuwing sumasapit ang araw ng kamatayan ng aking anak at Kasanggang si Reyster, hindi lamang ang aming pamilya, kaanak at mga kaibigan ang nagtitipon tipon.

COMMITMENT

Simple man ang aming nakayanan, sinisikap naman namin itong laging maipagpatuloy, ang nakasanayan nang outreach ay hindi matutuldukan.

Ang huling misyong iniwan ni Reyster ay aming ini-handog sa pamamagitan ng isang espesyal na edisyon ng Kasangga Mo Ang Langit television program na aming isinahimpapawid noong nakalipas na Biyernes ng 10:00 ng gabi sa PTV4.

Mga tagpo sa pinakahuling dokumentaryong kanyang ginampanan, na nagbukas sa kamalayan ng sambayanan sa kalagayan ng mga katutubong nabibilang sa tribong tao’t bato sa Singnapan, Palawan ay muli naming binalikan.

ANG MISSION

Matarik, madulas at masukal na bundok ang tinahak ng KMAL team bago natunton ang pakay na tribo ng tao’t bato.

Labing tatlong (13) taon na rin ang mabilis na lumipas mula nang mamaalam ang ating mahal na direktor, kaibigan, anak at kasanggang si Reyster. Alaala ng namayapa nating kasangga ay muli naming binalikan. Serbisyo-publikong kanyang ginampanan bilang mamamahayag noong siya ay nabubuhay, muling sinariwa sa alaala.

Hanggang sa huling yugto ng kanyang buhay, isang misyon pa rin ang kanyang ginampanan, na syang nagpamulat sa ating lahat na mayroon palang mga katutubo sa Singnapan, Palawan na nangangailangan ng tulong at kalinga ng Pamahalaan at ng ating lipunan.

Ang dokumentaryong nagbukas ng kamalayan ng lipunan sa pamumuhay, kaugalian at misteryosong sakit na cerebral malaria na kumikitil sa buhay ng mga katutubong tao’t bato sa Singnapan, Palawan.

MEMORIES

Ang espesyal na edisyon na aming ini-handog bilang paggunita sa pinaka huling misyong nagampanan ng kasangga nating si Reyster bago sya mamaalam.

Ngunit sa bawat taon na lumipas, ang kanyang alaala ay nananatiling buhay sa isipan at sa puso ng bawa’t taong minsan na nyang nakasalamuha, nabigyan ng tulong at Inspirasyon.

SUMMATION

Itinutuloy po namin yung adbokasiyang ito ni Reyster para ang pag alalay po, in our small way, sa munting nakayanan kung papaano po namin maipapaabot ang munting tulong sa mga kabataan at sa inyo sa pamamagitan po ng kanyang foundation.

Kapag dumarating ang okasyong ito, hindi nakakaligtaan ng inyong lingkod na ibahagi sa mga mamamayang naroroon sa gift-giving ang kwento sa likod ng pagkawala ni Reyster.

“Si Reyster po ay pumanaw dahil sa pagtungo nya sa Singnapan Rizal Palawan upang mamigay ng tulong sa mga batang nagkakasakit. Hindi nila alam kung ano pong sakit ang tumatama sa kanila, at hindi rin alam ni Reyster na yung tumatama sa kanila na kagat ng lamok ay siya rin ang tatama kay Reyster, na kung tawagin ay cerebral malaria. Kaya si Reyster po, yung kanyang cameraman at saka yun pong reporter na kasama nya…. sila pong tatlo ay pumanaw dahil po sa hangarin nilang makapag bigay ng tulong sa mga kabataang pinuntahan nila na nagkakasakit. At nang marinig ito nang National Government ay tumugon naman sila upang matulungan ang mga nagkakasakit na mga bata.”

Patuloy na makaka-asa ang lahat na ipagpapatuloy ng Kasangga Mo Ang Langit Foundation ang mga adbokasiya ni Reyster.

At bilang pangwakas, sa ngalan ng Sambayanang Pilipino, ang pagbati kay Sen. Manny Paquiao – ang kanyang tagumpay ay tagumpay ng bawa’t Filipino at ng Bansang Filipinas. Kasanggang Manny….Mabuhay !

 

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial