The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
February 24, 2020

HUWAG MAGBIRO SA APOY!

“Ang usok ay paakyat, kung nandidito tayo sa isang sarado na lugar at nag karoon ng usok… medyo makapal na yung usok remember natin below the knee, yun po yung dapat taas ng gapang natin kasi medyo mahihirapan tayong huminga. Yung oxygen ay na accumulate na nung usok kung saan nasa baba na yung medyo fresh air na pwede nating langhapin pa para makatakas tayo sa nasusunog na bahay.”

Mga paghahanda sa “fire prevention month” na dapat nating malaman. Ako po si Pareng Rey Langit. Ang kapabilidad at galing ng ating mga pamatay sunog, ating silipin. Ako naman ang inyong Kasangga JR Langit.

TRUE TO LIFE STORY

Ang mga istoryang tulad nito na aming ibinabahagi at napapanood sa aming Programang pang telebisyon na Kasangga Mo Ang Langit. Sumasainyo tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit ay napapanood sa buong mundo sa pamamagitan ng Facebook (FB) live. Ibinahagi sa “Kasangga Mo Ang Langit” tandem ang mahalagang mensaheng ito ni CSUPT Wilberto Rico Neil Kwan Tiu ang Regional Director ng BFP NCR.

MATUTO KA, SUNOG AY IWASAN NA!

“Ang Bureau of Fire Protection ay nananawagan sa ating mga kababayan sa buwan ng Marso ay atin namang gunitain ang tinatawag na Fire Prevention Month, ito po ay tamang pag iingat upang maiwasan natin ang sunog, napaka ganda po ng tema natin ngayon “Matuto ka, Sunog ay Iwasan Na” Ito po ay kampanya ng Bureau of Fire upang maiwasan ang ating destructive Fire sa ating community at sana po ay tugunan ninyo ang aming panawagan. Palagi po natin ugaliin at isabuhay ang gawain na maiwasan ang sunog na lagi nalamang malalaking sunog ang nagaganap dito sa ka-Maynilaan.”

Batay sa datos ng Bureau Of Fire Protection – BFP, hindi bababa sa labing limang libong sunog ang nangyayari sa ibat ibang panig ng bansa kada taon. Kaya naman mahalaga ang tuloy tuloy na pagtuturo sa taongbayan kung paano maakaiwas sa sunog.

Ilang tulugan na lamang ay buwan na ng Marso. Tuwing Marso inoobserbahan sa Pilipinas ang Fire Prevention Month. Taong 1966 nang simulan itong ipatupad sa ilalim ng Presidential Proclamation 115 na nilagdaan ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos.

NAG BABAGANG MARSO

Sinasabing napili ang buwan ng Marso dahil ito ang panahon na mainit at tuyot ang paligid na syang pinakamainam na pagkakataon para magkaruon ng sunog. Pero para sa Bureau of Fire Protection, araw araw dapat nangangampanya kontra sunog. Sa ginawang pakikipanayam ni Kasangga JR Langit kay SINSP Irwin Alejo:

JR Langit: Sir ngayon pong Marso papaano niyo po pinaghahandaan ng bfp ang Fire
Prevention Month at ano pong mga aktibidad at programa ang inilaan niyo para dito ?

SINSP Alejo: Yung paghahanda ng BFP hindi lang dapat sa buwan ng Marso, so ang sinasabi namin everyday is a fire prevention month na kung saan dapat lahat tayo kasama yung mga community naghahanda para dito sa Fire Prevention Month na yung ginagawa rin po ni BFP ito po yung kami na po mismo yung bumababa dun sa depressed area na kung saan iniinform namin para maiwasaan yung mga sunog. Ginagawa po natin just like yung tinatawag po nating linguhang babala na kung saan na ka tie up din po yung ibang mga agencies na nakita nila na.. magandang bentahe para sa local especially dun sa mga depressed area kasi hindi lang BFP kasi yung Ah..yung pumupunta don kasama yung mga Local lgu’s natin. Tayo mismo or yung mismong BFP ang pumupunta sa isang lugar na mahirap na kung saan ine-educate natin, hindi lang yung mga adult, pati na rin yung mga bata tinuturuan din natin sila pagdating sa kung ano yung dapat gawin. Kapag meron tayong sunog na nagaganap sa lugar natin, imbis na takbuhan natin andyan yung pinapractice natin na “bucket relay”. Pagdating dyan sa mga depressed area, habang hindi pa nakakadating yung bumbero, meron nang paunang lunas. Hindi naman lahat kasi sa atin ay lakas ng loob. Tinuturuan natin sila para maging muscle memory na nila yun na pag merong sunog. Ito ang dapat na gawin para maging organize din po sila.

SUFFOCATION

Kalimitang sanhi ng disgrasya sa sunog ang suffocation na sanhi ng usok. Kaya naman may tip ang BFP kung paano tayo ligtas na makaka alis sa nasusunog na gusali na punong puno na ng usok. Paalala ng BFP, huwag kalilimutang hanapin ang fire exit sa tuwing pumapasok sa isang gusali. Sakaling makulong naman sa bahay na nasusunog, magbasa ng sarili bago sumugod palabas ng bahay.

Para makalabas tayo dun sa nasusunog na building ay kumuha tayo ng basang blanket. Kung nanduduon tayo sa kwarto, nandyadyaan naman yung CR, basain at itaklob natin sa katawan natin at lumabas tayo sa nasusunog na building. Usually ang akala nila dahil nanduduon yung tubig eh mase save sila. Walang pinagkaiba yan dun sa pressure cooker na kung saan na umiinit din at yun ang magiging cause ng pagkamatay. Dahil usually ang cause nang kamatayan ay suffocation muna bago mamatay ang isang tao.

SINSP Alejo: “Hindi lang naman dapat sa Marso tayo naghahanda. Dapat everyday is a fire prevention month. Kung saan pag-aalis natin ng bahay tsinetsek natin kung meron tayong na iiwanan na naka charge na cellphone , TV, Aircon na kung saan pwedeng pag mulan ng sunog and then dun naman po sa mga depressed area na gumagamit naman ng kandila always iche-check po natin na pag matutulog na tayo lahat ng open flame, siguraduhin po natin na nakapatay. Kung hindi naman po natin maiwasan, check natin yung paglalagyan natin nang kandila. Dapat hindi malapit sa kurtina, hindi rin malapit sa madaling masunog na bagay and at the same time alam namaan natin yung mga bata syempre mas curious sila pag dating sa mga ganyan, so better na mas mataas yung paglalagyan natin kung mayroon man tayong open flame.”

REACHING OUT

Kinapanayam ni Kasangga JR Langit si Senior Inspector John Frederick Castro:

“Sa mga informal settlers everyday po kaming pumupunta sa lugar nila pinaprioritize namin yung mga fire prone areas namin para po mabigyan po sila ng mga paalala we are doing it twice a day as of now and we will raise the frequency of our Oplan Paalala, mga four times a day na siguro during fire prevention month so dito po sa Oplan Paalala namin pinamimigay ang mga leaflets at the same time nakikipag dialogue din po kami sa kanila.”

Aminado ang Bureau of Fire Protection na malayo pa ang kanilang kailangang lakbayin para makamit ang tamang modernisasyon sa ahensya. Sa ngayon kasi, marami pa ring istasyon ng bumbero sa bansa ang kulang sa fire trucks at iba pang kagamitan.

“Kung may ladder fire truck na tayo nai-paparehas po yun sa mga standard fire trucks natin, wala pong tubig yung ladder truck na yun so sinusuplayan din sya ng ating fire trucks. Yung mga fire trucks lang din kung ano yung pump capacity ng fire trucks yun din po ang mag de-determine kung gaano sya kalakas sa dulo ng ladder na yun. Yung ladder po mag a-aid lang siya as another connection from the fire to the tip of the ladder.”

MODERNIZATION

Ang pinaka kulang na gamit ay itong fire truck mismo dahil dito po sa ating city sa Paranaque City ang BFP ay meron po lamang anim na fire trucks sa buong sa buong city.

Ang kagandahan lamang po dito may mga fire volunteers kami, naka locate sa ibat ibang mga baranggays na tumutugon sa kakulangan ng BFP pero meron namang programa ang ating National Government, especially this year na approved naman daw yong 10 billion modernization budget ng BFP according sa ating higher office and then sa Paranaque City naman po supportive naman po ang ating Local Government gaya ng pag po procure ng mga bagong Fire Trucks at the same time meron po kaming pinag kukunan ng mga budget sa modernization.

CHINESE VOLUNTEER ATING KASANGGA

Rey Langit: Kumusta naman ang pakikilahok ng ating mga Chinese Volunteers?

Senior Inspector Castro: Ang mga Chinese volunteer group from Binondo Manila, pumupunta yan sa Makati , sa Valenzuela, pumupunta po sila dito sa atin dito sa Paranaque, kaya kung iisipin mo ang layo layo pa ng pinanggagalingan nila pumupunta pa rin sila kahit gaano sila kalayo. Ganun po ka supportive ang ating mga Chinese volunteers at tsaka ang iba pa pong voilunteers, hindi lang po Chinesse volunteers… dumadami po ngayon pati ang kapwa natin Pilipino nag oorganize na rin po sila ng kanilang Fire Brigade para makatulong po sa atin, sa amin bilang pamatay sunog.

Sa pagpapatuloy ng pakikipanayam ng aming KMAL Team sa pangunguna ni JR Langit kay Senior Inspector John Frederick Castro, “Sa mga bagong firemen, nag uundergo po lahat ng bagong recruits natin sa fire basic kung saan apat na buwan silang mag tatraning sa field ng Fire Figthing and emergency Medical Response rescue at mga iba pang pag aaral sa mga ibang mga batas regarding sa Fire Service kasama na rin po yan sa investigation, apat na buwan po yun naka naka in house sila sa Camp Vicente Lim sa Calamba Laguna.”

MUST WATCH!

Inyo itong napanood sa aming Programang pang-telebisyon Kasangga Mo Ang Langitat BIYAHENG LANGIT tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television nang Father and Son tandem, ako si Pareng REY at Kasangga-JR LANGIT na simulcast at sabayang napapanood sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox at FB Live worldwide.

SUMMATION

Maliban sa pagkawala ng ari arian nang dahil sa sunog…numero unong nais nating iwasan ay ang may mawalan ng buhay. Sa Fire Square Road Show dito ay ineeducate ang mga bata na alam naman natin na sila talaga ang prone sa aksidente pagdating sa sunog. Sila rin yung number one pagdating sa sunog na tatrapped dahil wala silang idea.

Ang nararamdaman nila ay takot. Para mawala yung takot ineencourage silang mag- participate pagdating dun sa mga Fire Exercises na binabahagi ng Bureau OF Fire Prevention. Ayon sa BFP laging ligtas ang mga taong busog sa mga tamang impormasyon kung ano ang dapat gawin sa gitna ng panganib.

Dapat nating isaisip at isabuhay na ang pag iingat sa sunog ay hindi lamang tungkulin ng pamahalaan kundi ng responsibilidad ng bawat isa sa atin. Dahil ang sunog ay isang uri ng trahedya na kaya nating iwasan kung makikinig tayo sa kinauukulan.

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial