The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
January 6, 2020

FASTEST STEEL SHOOTER ALIVE!

“Contrary sa sinasabi ng iba na pag na-involved ka sa baril magiging mainitin ang ulo, ang nangyari sakin the opposite. Since lagi kong hawak yung baril alam ko kung gano ka-delikado, gamit namin tunay na bala, makakasakit ka talaga. Kaya mas naging maingat ako tsaka mas naging responsible.”

Exclusive naming kinapanayam ang tinaguriang “fastest steel shooter alive today” siya si Jethro Dionisio. Hindi maitatangi na siya ay isang legend sa larangan ng practical shooting, na kilala rin sa tawag na dynamic shooting o action shooting, kung saan nakapaloob ang principle ng power, accuracy at speed.

Ang mga istoryang tulad nito na aming ibinabahagi at napapanood sa aming Programang pang telebisyon na Kasangga Mo Ang Langit. Sumasainyo tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel. Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit.

SIX WORLD SHOOTING CHAMPION

Kasama sa championship record na naitala sa pangalang Jethro ay ang anim (6) na Steel Challenge crown sa World Speed Shooting Championship.

JR Langit: Sir paki explain po sa amin kung ano po ba ang practical shooting na inyong kinahiligan ?

Jethro: Yung practical shooting ang gamit namin dito na baril ay mas mataas yung calibre, kung baga from 9 millimetre hanggang 40, 45 tapos yung baril nasa holster, may mga scenario na kunwari tumatakbo kami or nangagaling kami sa loob ng kotse ganun. Tapos merong tinatawag na good guys and and bad guys na may mga hostages, then para manalo dito kailangan balanse yung oras mo at tsaka yung patama na dun sa target para mag equalize ang makukuha niyong power factor niya, score divided the time ginagawa .

Traditionally laging hawak ng mga Amerikano ang korona sa larangang ito ng practical shooting. Kaisa-isang non American si Jethro na isang pure na Filipino ang sumira sa Record nila sa international competition.

ARIZONA SHOOTER

Tulad ng isang kilalang shooter ng America na si Rob Leatham na taga Arizona nag simulang bata tulad ni Jethro, ngunit labing isang (11) taon na mas bata si Jethro. Sabi nga sa wikang English. “His world titles stand as the most dazzling string of world shooting championships in the 90’s.”

JR Langit: Papano po kayo nahilig dito at sino ang nag enganyo sa inyo ?

Jethro: Yun daddy ko ang talagang mentor ko pag dating sa sports na ito. Dati siya yung sumasali sa competition at sumasama ako lagi, taga tulong mag buhat ng bag, taga pulot nung mga basyo ng bala. Tapos na sabi rin ng mga kaibigan niya na bakit hindi ako pasubukan sumali, hanggang yun tuloy tuloy na.
Hanggang sa naka hiligan ko na.

Ang kanyang Ama na si Ginoong Joe Dionisio, ay nag silbing gabay ni Jethro sa pasimula nang kanyang ma-pusoan ang larangan. Laging nasa kanyang tabi upang ituro ang bawat hakbang tungo sa tagumpay.

JR Langit: Sa panimula, ano po ba ang mga dapat tandaan kapag bumabaril, yong tamang posture?

Jethro: Ah unang una safety, yun ang talagang pinahahalagahan natin tapos ang isang tinitrain dyan ang eye hand coordination, then yung rest, yung resistensya so kailangan ng kunting jogging and work out like other Sports, kahit anong sport kailangan 
paghandaan .

Fifteen years old (15) pa lamang si Jethro ay hinirang na siyang National Champion sa Pilipinas. Pagsapit niya ng labing pito (17) siya ay World Champion na. Habang ang kanyang mga kasing edad ay naglalaro pa ng mga larong pang bata, si Jethro ay seryoso nang nag lalagi sa shooting range upang mag paka dalubhasa sa larangan ng sports shooting.

ONE STOP SHOP

Naanyayahan ang inyong Kasangga Team ni Jethro at partner niyang si Charlie Go sa opening noong Sabado, January 4, 2020 ng “Jethro Indoor Shooting Club Inc.” sa may Technopoint Home Depot #1 sa Julia Vargas Ave. Pasig.

JR Langit: Kasama na rin yung pag wala kayong baril pwedeng bumili na rito?

Jethro: Yes, kumbaga one-stop-shop na sya, may mga hotels for rents kami lahat ng mga ammunitions na rito nag rerepair din po kami ng baril tapos yung mga accessories meron din kami para sa mga ibat ibang klase ng baril from Pistol hanggang sa mahaba.

Rey Langit: Sa description ninyo na One Stop Shop, ano pa ang pinag ka iba nito sa ilang mga naunang Gun Stores?

Jethro: Dito sa pinaka latest na na branch na inopen namin makikita niyo po na 25 yards yung distansya nang firing range, meron mga bagong mga targets na nilagay katulad nung bowling pins na pwedeng ipamahagi sa mga clients. Pag ka meron gustong mag ensayo pwede rin silang bumisita rito and then yung business hours namin medyo ginawa namin na mas late ng kunti dahil na rin sa demand ng tao, sa traffic din siguro diba. So medyo nag open up kami ng late then we close late also.

STRESS-FREE

JR Langit: Sa ganito pong klase ng sport na practical shooting ano po yung mga skills na nadedevelop at madedevelop pa pag yung isang tao ay pumasok sa ganitong hobby.

Jethro: Unang una yung disiplina, kasi nga ang hinahawakan namin kumbaga delikado totoong bala, then pangalawa tuwing lumalaban kami marami kaming nakikilalang ibat ibang tao sa ibat ibang bansa, ibat ibang probinsya kaya talagang maeengganyo ka talaga. Sabi rin ng iba na pag ka involved ka sa sport kumbaga parang makakalimot ka sa mga problema, nakaka relaxed pag ka stress ka pwede kang pumunta dito pumasyal ka samin tsaka pumutok ng kunti tapos refresh kana.

JR Langit: Ano naman po ang advice niyo doon sa mga nag sisimula pa lang po na pasukin itong sport na practical shooting ?

Jethro: Ah ok unang una pumunta po kayo sa mga gun ranges, shooting ranges then tignan ninyo yung mga Gun Clubs na pwede niyong masalihan, tapos doon meron ng mga may kasama tayo may mga magtuturo sa inyo. Unang una nga yung safety then tuturuan niya kayo kung papanong makasali for compitition kung ano yung mga kailangang gawin.

JR Langit: Ok sir invite po ninyo ang mga viewers, ang Publiko para po bumisita sila dito sa bagong bukas na One Stop Shop na ito ang  “Jethro Indoor Shooting Club Inc.”

FRIENDLY INVITATION

Jethro: Iniimbitahan ko ho kayo kung meron kayong oras na pumasyal samin dito sa Julia Vargas sa Techno point Home Depot Pasig, bukas po kami from Tuesday to Sunday from 1 to 10pm. A place where one can safely practice and hone their skills in the shooting range, a wide range of firearms, parts, and accessories, and customization and gunsmith needs under one roof. Thank you po, thank you sir.

Inyo itong mapapanood sa aming programang pang-telebisyon Kasangga Mo Ang Langit. Sumasainyo tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit.

Ito ang Father and Son tandem, ako si Pareng REY at Kasangga-JR LANGIT na simulcast o sabayang napapanood sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox

SUMMATION

Tulad ng naging paliwanag ni Jethro, ang nakagawiang Shooting sa firingrange ay naka wawala nang stress. Naire release mo ano man ang kinukuyom sa damdamin, disiplina, nagiging responsable at nagkakaroon ka ng mas malawak na pananaw sa buhay.

Hanggang sa susunod na kuwentuhan natin siguradong hindi tayo mauubusan ng kwentong Pinoy, sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino. Minsan pa ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pakikipaglakbay sa aming Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit.

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial