The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
April 6, 2020

COVID-19 POSITIVE

Sa lawak ng mga tinatamaan ng deadling karamdamang CoronaVirus o Covid-19 sa buong mundo, araw-araw mabilis na nababago ang mga numiro ng kanyang biktima sa bawat Bansa.

Araw araw ay libo libo ang tinatamaan ng Covid-19 at nagkaka sakit sa buong mundo. nadaragdagan ang mga isinusugod sa ospital sa iba’t ibang mga bansa. Bagamat taliwas ngayon sa Wuhan, unti unti nang nababakante ang mga kama sa Ospital ng China.

Papaano nga ba nangyayari ito? Bagamat lumabas na ito sa mga balita hindi pa rin maiaalis na mag-tanong ang marami.

WHO ADVISORY

Ayon sa report ng World Health Organization – WHO, ang isang taong infected ay maaari niyang ikalat ang virus sa average na 2.6 katao.

At makalipas ng sampung (10) generations of transmission o paglipat nito sa ibang tao, sa loob lamang ng lima hangang anim na araw libo ang maaaring maawahan.

Habang sinusulat ko ang aking column ngayon – April 5, 2020 ang worldwide na kaso ng Covid-19 ay umaabot na sa 1,203,485. Habang ang recovered ay 247,001 at ang death toll ay – 64,784.

Sa Pilipinas mayroon tayong 3,246 (as of today) na cases ng Covid-19, recovered na 64 at death toll na 152.

FATHER AND SON TANDEM

Ang mga istoryang tulad nito ay aming ibinabahagi at napapanood sa aming program ni Kasangga-JR langit ang pang-telebisyon na kasangga mo ang langit. Sumasainyo tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at biyaheng langit ay napapanood sa buong mundo sa pamamagitan ng fb live.

Tulad narin ng ating naging pahayag ang COVID-19 ay walang pinipili. Mayaman kaman o mahirap, kilala o ordinaryong tao. Walang kinikilalang Partido political o kultura. Ang lahat ay pusibling tamaan, at pag-tumama ay matindi. Walang pinipiling Lahi o Bansa, lahat ay posibling maging biktima.

Kaya ito tinawag na pandemic, dahil buong mundo ay dinamay niya.

EXCLUSIVE INTERVIEW

Gumawa tayo ng isa pang exclusive na pakikipanayam sa isang Covid-19 Positive upang makatulong sa atin at tayo ay magabayan ng kanyang mga karanasan.

Mapalad tayo at pinaunlakan tayo ni GM Jojo Garcia ng MMDA:

Rey Langit: First of all kumusta na ang yung Kalusugan?

GM Jojo Garcia: Ah..ah unang una po magandang umaga po sir Rey, sa lahat ng nakikinig sa inyo at nanunuod, ok lang naman ako, this is my tenth day (April 3, 2020) ng quarantine, nag simula po ako march 23 then nung march 24 po nag swab test tayo at lumabas nga po na nag positive nga po ako sa Covid-19. Ang maganda naman po sir Rey wala naman po talaga akong serious na symptoms. So hopefully po matapos na po ito at ah malabanan na po natin.

ASYMPTOMATIC

Rey Langit: Papaano yon, wala naman kayong naramdaman. asymptomatic. Paano kyo nag Positive?

GM Jojo Garcia: Ah actually po sir Rey nung march 22 that’s Sunday tumawag yung staff ko sa akin at sinabi niya na nung meeting ko prior to that meron akong nakasama na nag positive. So ginawa ko po nung 22 ng gabi ng bali 23 ng umaga thats monday nag quarantine na po agad ako kasi parang ano na po ako noon PUM, kasi may nakasama po ako na nag positive, then nung monday po na yun medyo sumama po yung throat ko. Dahil DOH protocol po nag-swab test po ako nung March 24. So yun nga po mga March 27 or 28 ata lumabas yung result nag positive po ako.

Mabilis ang mga pangyayari. Makalipas lamang ng 3 hangang 4 na araw ay lumabas na ang resulta na Positive si GM Garcia sa Covid-19.

GM Jojo Garcia: Ang duda ko dito siguro nung mga march 18 niyan may nakasama ako, eh wag naman matakot yung nakasama ko nung March 18-22 kasi sabi nga ng DOH baka hindi pa hinog yun during that time, ano kasi ultimo pamilya ko nakasama ko pa nung March 22. Sunday na Sunday dumalaw ako sa kanila buti naman sa awa po ng Diyos ah wala namang nahawa sa kanila.

GOD IS GREAT!

Rey Langit: Good, thank God!

GM Jojo Garcia: Pati yung kasambahay ko, yung akin pong mga security wala naman pong nahawa, isolated ho siguro nangyari sakin siguro kasi ultimong sa opisina po namin. Si Chairman, yung mga agent natin puro nag negative nga wala pong nag positive ako lang eh.

Rey Langit: Balak mo bang magpa check uli after ng 14 days? Para maka siguro, maging accurate. Alam mo naman tulad ng nangyari kay Cong. Eric Yap, na sinabing nag positive. But later kenorrect ng “Research Institute for Tropical Medicine” na nagkamali pala.

GM Jojo Garcia: Ang inaabangan ko na lang po yung protocol po ulit after may 14 days quarantine, hopefully mag check ako at mag negative na. Pero so far po talaga ewan ko kung ito yung tinatawag nilang asymptomatic , wala talagang maski kunting ubo.

BE MINDFUL

Ang madalas nating naririnig sa mga paliwanag ng duktor, kasama sa mga senyales ng Covid 19 ang pananakit ng ulo, panunuyo ng lalamunan, ubo/dry cough at lagnat.

GM Jojo Garcia: Ofcourse binabantayan ko rin po. Dapat po tulad ng sinasabi sakin ng mga duktor pagkanag temperature ako ng 38 at umubo. Nahirapan akong huminga kailangan kong sumugod sa ospital.

Sa ngayon ay hindi pa puweding makipagkita si GM Jojo Garcia ng MMDA kahit kanino upang maiwasan ang pagkahawa nino man. Siya ay naka self quarantine ngayon.

GM Jojo Garcia: Opo mag isa lang po ako sa kuwarto, kung may pagkain po hinahatid po sa pinto ng kuwarto di po ako lumalabas at yung akin naman pong pamilya wala po dito sa bahay. Buti na lang nakalipat po sila. Sana po mag Ingat rin sila. Yon namang nag dadala ng pagkain ay may protection, ako ay nka Face mask din.

SERIOUS REMINDER

GM Jojo Garcia: Sir Rey ito pong virus na ito na talagang seryoso. Talagang seryosohin natin at ilan na rin po ang nahawa dyan sila Sec. Anio, mga senador natin. so wala po talagang pinipili ito kahit ano pong status niyo kahit ano pong trabaho niyo pag tinamaan kayo tinamaan. Kaya nga lagi kong bilin tandaan po natin, yung virus na to hindi po naglalakad hindi po to nag tatravel, ang nagtatravel dito yung carrier yun tao. kaya dapat ang tao po eh wag munang lumabas mag lalakad para hindi na ho makahawa kasi ang problema ho rito sir Rey lets say ako ika 10th day ko na, lumabas ako eh may na hawaan ako kahit naman first day naman noon ng 14 days eh wala ng katapusan toh kaya nga pag ka kayo nga ay nag positive or may nararamdaman man lang iisolate na niyo muna yung sarili niyo for 2 weeks para sigurado po talaga na hindi na tayo makahawa pa.

Rey Langit: Mayroon bang tumingin sa inyong duktor, papaano mo inaadress

yong sabi mo nga medyo minalat ka at pag katapos….

GM Jojo Garcia: Opo

Rey Langit: May slight fever kmo, papano mo inaddress yang mga signs na yan?

VITAMIN C

GM Jojo Garcia: Opo, Unang una meron naman po talaga akong personal doktor, nag papasalamat nga po ako kay duktor Isaac, si duktor Isaac nakakausap ko over the phone nag, nag chachat ho kami at tinatawagan ko, from then on ho binibigyan ako ng gamot so yun naman po ang iniinom ko. Ang importante naman talaga yung iniinom ko ngayon, yung vitamins, vitamins C iniinom narin po, at madaming madaming warm lemon water, mga ginger tea. Yan po ang iniinom po natin yan, puro tubig po talaga, tsaka vitamins C yan lang po ang instructions sa atin.

Rey Langit: Ok, at least importante rito yong wala ka namang severe na let say headache o iba pang symptomas na may masasabi nating medyo nagpa lala sa pagiging positive mo sa Covid-19.

GM Jojo Garcia: So far po wala naman po sa awa naman po ng Diyos. Sabi ko nga po last 4 days ito pa yung mas crucial dyan. Talagang binabantayan ko ultimong blood preassure ko, tas po yung oxygen ko binabantayan ko lahat at ah sana naman po makalagpas po tayo rito. Prayers lang po talaga, sabi ko nga nung inannounced ko to as part of may job wala po tayong pagsisisi rito ang sakin lang sana gumaling at umayaos na po tayo rito.

Rey Langit: GM Jojo once again..bilang kaibigan at efficient na Public servant na walang kapaguran na nag lilingkod sa bayan kinakailangan mong mag palakas, kinakailangan mong maka recover, and sana soon posible time makabalik ka na, upang maipag patuloy mo ang pag lilinkod sa Bayan.

GM Jojo Garcia: Ah maraming salamat po sir Rey, kayo po mag iingat rin po kayo. Sa mga Kababayan po natin, seryosohin niyo po talaga toh at spend muna yung quality time with the family. Bahay lang po tayo at iwasan lang po nating lumabas. Maraming salamat po sir Rey at Mabuhay po kayo!

Rey Langit: Thank you and God bless!

GM Jojo Garcia: God bless po!

MUST WATCH!

Inyo itong mapapanood sa aming programang pang-telebisyon Kasangga Mo Ang Langit at Biyaheng Langit. Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television nang Father and Son tandem, ako si Pareng Rey at Kasangga-JR Langit na simulcast, sabayang napapanood sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television – Channel 2
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox at FB Live worldwide.

SUMMATION

Ang ginawa ng China ay e-break ang cycle sa pamamagitan ng human intervention o kanilang ginawang mabilisang pag kilos.

Sa tinawag na “extreme and aggressive” na aksyon. Na tinawag naman nating “Enhanced Community Quarantine” sa ating bansa.

Ang pagkilos natin upang labanan ang salot na ito ay idaan sa kahinahunan. “We should all move ahead with humility.” Lahat ng mabigat na desisyon ay may mabuting kapalit.

Ang laban na ito ay laban ng lahat. Maging matatag lamang tayo. Tulad ng kasabihan, “Desperate times ask desperate measures.” Ito’y panahon ng pag subok sa ating katatagan. Ang pagkakaisa ng bawat Filipino ay kailangan sa panahong ito. Kapit bisig nating lalabanan ang Pandemic na ito. Samahan natin ng mataimtim na Panalagin. At lagi ninyong tandaan, sa ano mang laban. Kasangga Mo Ang Langit!

Pandemic Na Yumanig Sa Daigdig

Posted by Biyaheng Langit/Kasangga Mo Ang Langit on Sunday, March 29, 2020

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial