The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
April 13, 2020

CHLOROQUINE VS COVID-19

May exclusive na pakikipanayam na ginawa tayo kay Ambassador Jose Laurel V, ang ating Philippine Ambassador to Japan.

“They are trying all of these medicines on experimental basis for the corona virus, but it’s not yet available in commercial quantities and not approve yet by the FDA, because it implies experimental. If you try it, it’s at your own risk,” pahayag ni Ambassador Laurel.

FATHER AND SON TANDEM

Ang mga istoryang tulad nito ay aming ibinabahagi at napapanood sa aming Program ni Kasangga-JR langit ang pang-telebisyon na Kasangga Mo Ang Langit. Sumasainyo tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit ay napapanood sa buong mundo sa pamamagitan ng FB live.

Sa effort at coordination ni JR Langit sa kaibigan nyang si John Laurel (anak ni Ambassador), nakaugnayan natin si Ambassador Jose Laurel V sa Japan. Napag alaman namin na gumawa na si Ambassador ng pakikipag ugnayan sa Japan Government upang ma-test at masubukan natin sa Pilipinas ang gamot na ginagamit nila na panlaban sa Covid-19.

STATEMENT OF PRIME MINISTER SHINZO ABE

Amba Laurel: I asked the Japan government to allow us to experiment in our country this medicine and test on the basis of the DOH and Food and Drug Administration approval.

Ang unang tema ng aming usapan ay naka sentro sa gamot na panlaban sa Covid-19 dahil sa naging pahayag ni Japan Prime Minister Shinzo Abe kamakailan sa telebisyon na mayroon nang gamot na gamit ang Japan na palaban sa CoronaVirus.

Rey Langit: Ito nga po ang gusto naming kumpirmahin kung validated ang media account na mayroon na ngang gamot ang Japan at ano pong uri ng gamot ito?

Amba Laurel: It’s like this, number one there is a medicine, this medicine is for malaria that they are trying to test on experimental basis for the corona virus or Covid-19 but it’s not yet available in commercial quantities and not approve yet by the FDA, because it imply experimental para sa corona virus so its still going into the causes and effect, hindi pa certified.

EXPERIMENTAL BASIS

Rey Langit: So kung hindi pa certified, hindi pa dapat gamitin ito.

Amba Laurel: If you use it on experimental basis, it’s at your own risk. Now we are asking the Japanese government to allow us to experiment in our country. To test this on the basis of the DOH and Food and Drug Administration’s approval.

Rey Langit: Mabuti na rin po na na-paliwanag ninyo Amba dahil all the while akala namin ito na ang official at approved na bagong gamit na gamot dyan sa Bansang Japan.

Amba Laurel: Kung gagamitin ito na pang gamot sa Covid-19 ng iba ay walang pananagutan ang gobyerno ng Japan. Ikaw ba ay makikipag sapalaran na gamitin ito sa sarili mo.

Kung ang gamot na Chloroquine na gamit sa sakit na Malaria, ito rin ang tinukoy ng America na kanilang sinusubukan ngayon na potential na panlaban sa Covid 19.

CHLOROQUINE?

Lumabas sa International News ang naging pahayag ni US President Donald Trump na ang gamot na Hydroxychloroquine o Chloroquine, gamot sa Malaria ay may lesser risk dahil matagal na itong ginagamit kung iyahambing sa bagong nadidiskubring mga gamot na ngayon pa lang masusubukan laban sa Covid-19.

Ang Chloroquine phosphate ay matagal ng gamot na antimalarials at amebicides. Gamit upang labanan ang sakit na malaria at upang magamot ang amoebiasis.

Sa aking naging pakikipanayam sa isang migrant Filipino na si Tess Reyes at kanyang husband na si Daren Burrier head of emt and asst chief fire Department of Guam kanyang sinabi na Chloroquine rin ang gamit ng mga pasyente ng Covid-19 sa Guam.

Ayon naman sa isa nating kaibigan sa main land China ang gamit nilang mga prescription medicine doon sa siyudad ng Wuhan sa China ay:

1. Hydroxychloroquine
2. Favipiravir
3. Chloroquine Phosphate
4. Umifenovir/Arbidol 100mg
5. Moxifloxacin 400mg
6.Oseltamivir

Dito sa atin sa Pilipinas ay wala pang specific na gamot na pangontra, lalo na sa mga Positive sa Covid-19. Tulad halimbawa sa ginawa nating Exclusive na interview kay MMDA GM Jojo Garcia na nag Positibo rin sa Covid-19.

“Nag papasalamat nga po ako kay Dr. Isaac, ang personal doctor ko, sila naman po ay nakakausap ko over the phone, yung iniinom ko ngayon yung vitamins po natin, Vitamin C, umiinom narin po ako ng madaming madaming warm lemon water, mga ginger tea ayan po iniinom po natin, tsaka puro tubig po talaga, tsaka vitamins C yan lang po ang instructions sa atin. ” Ayon pa kay GM Jojo.

Samantala aming napag usapan rin ni Amba Jose Laurel ang kalalagayan ng ating mga OFW at mga migrant workers na Filipino sa Japan. Dahil ang bilang ng mga naitalang kaso ng Covid-19 ay umabot na rin sa 362 (as of March 28, 2020) sa Japan.

ONE CASE OF COVID 19

Amba Laurel: Mayroon isang kaso ng Filipino rito sa Japan, siya ay under observation. Isa siyang Pilipina na nakatira sa Itchi Nagoya Japan. Upper Nagoya siya, nasa bukid na ho yun. Na infection siya nang isang Hapon. Inoobserbahan pa siya at hindi naman nagka kasakit.

Rey Langit: Good, Thank God! Amba gaano po karami ang mga Filipinos dyan sa Japan?

Amba Laurel: There are 324,000 Filipinos who are registered here in Japan. And wala namang namamamtay sa awa ng Diyos.

Rey Langit: Atleast magandang balita po yan ambassador. Kumusta naman po ang coordination ng Philippine embassy natin sa ating mga Filipino Communities sa buong Japan ?

Amba Laurel: Ah mahusay naman po at wala naman pong problema Mr. Langit, eh maganda ang sitwasyon dito. Kasi ang Hapon, ang kultura nila hindi sila humahalik kagaya ng mga Pilipino na may beso beso.

SOCIAL DISTANCING

Rey Langit: Sa kanila Amba bow, bow lang at may distancing, ano po?

Amba Laurel: Nag bobow lang oh and when they say goodbye, pag tawa nga eh tinatakpan pa ang mukha.

Rey Langit: Since tayo po ay nasa enhance community quarantine pa rito sa Luzon, ano pong exactly ang protocol natin ngayon ambassador na sinusunod. Halimbawa yun gustong bumalik sa Japan, for instance yon mga naipit dito na ilang migrant na naka base po dyan sa Japan. Meron po bang protocol na sinusunod na sila po ay mag a-under go pa ng 14 day quarantine pag dating po nila at pag pasok sa airport?

Amba Laurel: Ang unang una hindi ka makakapunta dito ngayon dahil walang eroplano.

Rey Langit: Ah ganun po ba?

Amba Laurel: Pangalawa maski ikaw eh pwede, kung ikaw ay returning residence maku-quarantine ka 14 days. Ang nakakabyahe lang eh ang mga ispesyal na tao na binigyan ng permiso dahil sa medical organizations or diplomatiko ka. Bakit ka naman babalik dito eh dun ka na lang sa atin, eh hindi ka nakakasiguro sa pagbabalik mo.

Rey Langit: Kayo po Amba, kumusta kayo ngayon? Sa bahay lang kayo?

HOW TO PROTECT OUR OWN

Amba Laurel: Ah ako, I also impose self quarantine just today. I have limited councelor and visa operations sa embassy and we have limited working hours 10am-3pm lang and may staffs is on skeletal force. Kasi mahirap na and I have more than hundred people here.

Tulad ng tinuran ni Philippine Ambassador to Japan Amba. Jose Laurel V sila rin ay nag iingat. Sa ngayon ay semi-lockdown ang kanilang tangapan upang mapangalagaan ang may mahigit sa 100 Filipino employees ng Embahada.

Amba Laurel: We’re fully blown country, that has help us tremendously over the last to three to four years. With the biggest overseas development assistance/aid, lahat ito immigration nung dumating ako. Together with Bebot Bello ang labas, dumagdag ng sikwenta iquatro.

Rey Langit: Matanong ko lang po, yun pong mga Pilipino na nag self quarantine o tumigil sa kanilang mga trabaho, sila po ba ay mayroon ding assistance na natatanggap mula po sa ating embahada o sa gobiyerno ng Japan?

Amba Laurel: Wala ho hindi ho tayo ang nagbibigay ng konsiderasyon dyan, ang mga kumpanya nakumuha sa kanila dito sa Japan at kung yun ang patakaran ng Hapon ang sinusunod eh patakaran ng hapon hindi ng Pilipinas.

Rey Langit: Ambasador Laurel narinig din po namin sometime ago in February or early week po ng March ay ah nagkaroon po ng panic buying sa mga groceries .. ito po ba’y nag normalize na at meron na po bang mabibili ?

VIRTUE OF DISCIPLINE

Amba Laurel: Wala naman po talagang gano’n tinatawag na panic buying dito, yung Japanes most of the event that have occured pagka tinignan mo mahusay ang hapon, pagka nag kakasakit hindi umiimik, they don’t fear about it and they follow the rules because they are a very disciplined people. When they are told ah they follow, kung ikaw naman eh hindi huminto sa pagbabyahe nang galing ka na sa Covid ay bawal yan. Ang president nga ng mga kumpanya ay pumipila, bibili lamang ng ticket nakapila. Halimbawa mag to-tour merong maliit na flag sumusunod lang sila dito. So in other words they are very disciplined they followed the rules they don’t complain and if they complain there is real reason for that, and that is the main reason why there is safety in this country.

Rey Langit: Amba maraming maraming salamat po sa opportunity na ito na na-share ninyo sa sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng palatuntunan natin at tayo po ay na papanuod din ng mga kapwa nating Pilipino po riyan sa Japan through streaming at sa pamamagitan po ng facebook at youtube . Ano po finally ambassador ang gusto po ninyong mensahe sa kanila dyan po sa Japan at gayon din sa kanilang mga relative dito sa Pilipinas.

PRAYER FOR GOD’S BLESSING

Amba Laurel: Well, my advice is the Filipino should be disciplined enough to follow the rules that is mandated by the Goverment in the Philippines but generally by the President and by the authorities and correspondingly here in Japan you should know how to follow the rules and regulations as mandated by the Japanese government. For those who are affected in Saitama, Hiroshima, at sa Osaka Japan, we should follow the rules. We should be given the graces to survive this biggest problem, not only to survive but to start again after this pandemic. It’s affecting everyone our love ones and my children, my grand children , my classmate. I even have classmate na nagka sakit din. Hindi pinipili kung mayaman o mahirap. And lastly Prayer for our God’s blessings to the Filipino people in the entire world.

Rey Langit: Ambasador Stay safe always, more power and God Bless po.

Amba Laurel: Opo , God bless you too!

MUST WATCH!

Inyo itong mapapanood sa aming programang pang-telebisyon Kasangga Mo Ang Langit at Biyaheng Langit. Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television nang Father and Son tandem, ako si Pareng Rey at Kasangga-JR Langit na simulcast, sabayang napapanood sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television – Channel 2
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox at FB Live worldwide.

SUMMATION

Ang pinatutupad na extended “Enhanced Community Quarantine” sa ating Bansa ngayon ay para sa ating ikabubuti. Ang pagkilos nating ito ay upang labanan ang salot na Covid 19. Upang hindi na lalu pang kumalat at makahawa.

Bagamat ang mabigat na disisyong ito, kaakibat ang sakripisyo ng marami. Ang katumbas naman ay kaligtasan ng buhay na dapat pangalagaan.

Tulad ng kasabihan, “Desperate times ask desperate measures.” Ang pagkakaisa ng bawat Filipino ay kailangan sa panahong ito. Kapit bisig nating labanan ang pandemic na ito. Samahan natin ng mataimtim na panalagin. Laging tandaan, sa ano mang laban. Kasangga Mo Ang Langit!

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial