The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
March 18, 2019

BOTE, BAKAL, PLASTIC… PAALAM

Ang kwento ni Coach Pep na puno ng inspirasyon, ating tunghayan, ito po si Pareng Rey Langit.

Dati ay mga bakal, bote at plastic ang kanilang ina-angat, ngayon ay Barbel na ang kanilang binubuhat, ito po ang inyong Kasangga JR Langit.

Ang episode na tinawag nating “BOTE, BAKAL, PLASTIC, PAALAM” ay napanood noong Biyernes sa aming Programang pang telebisyon, na “BIYAHENG LANGIT” na inyong palagiang sinusubaybayan tuwing Biyernes ng gabi ng alas diyes y medya (10:30pm) sa PTV4.

MEDALIST, SUCCESS STORY

Ang pagtalikod sa Bakal, Bote, Plastik ay inaasahang makapagpapa angat sa kanilang buhay. Isa sa mga kabataang ito si Erica Dehitta, pang anim sa labing dalawang magkakapatid at dating nangangalakal.

Ang kanyang success story mula sa pagiging batang nangangalakal hanggang sa maging weightlifting medalist. Ganito ang pagsasalaysay Ericka Dehitta , ang weightlifting athlete sa aming palatuntunang Kasangga Mo Ang Langit.

Ericka: Sinabihan na rin po kami ni coach pep na tutulungan niya kami, bibigyan niya kami nang pangbaon namin kung ano yung makakaya niya ibigay sa amin tapos wag wag lang daw kaming makikitang nangangalakal kasi gusto daw po niyang mabago yung buhay namin.

PERA SA BASURA

Ang mula singkwenta hanggang P150 pesos kada araw nilang kita sa pangangalakal ang ini aambag nila sa malaki nilang pamilya.

JR Langit: Pwede mo bang ikwento samin Ericka yung buhay mo noon bago ka mag weightlifting

Ericka: Bago po kami mag weightlifting nag ano po kami nangangalakal po kami ng kapatid ko dalawa po kaming nangangalakal. Mula po madaling araw po ng ng 4 to 5 po tapos po ah uuwi po kami sa bahay ng mga 6 then dun po kami, bago po kami pumasok dito sa weightlifting yun po yung ginagawa namin araw araw po yun paulit ulit po. Balik ng balik lang po as in yung perang nakukuha namin don yun po yung ginagamit namin pangbaon namin o kaya binibigay namin sa magulang namin pangdagdag ng pambili pambili ng bigas pambili ng ulam.

Isa lamang si Ericka sa marami nang kabataan na kabilang sa PEP Project, isang weightlifting training program para sa mga kabataang hirap sa buhay na binuo ng mag asawang Richard “Pep” at Ava Agosto.

Lubos ang saya ni Coach Pep at kanyang asawa sa resulta ng kanilang paghihirap sa training sa weightlifting ng mga batang nangangalakal.

POWER OF MOVING EMOTIONS

Pag angat sa buhay nang walang tinatapakan bagkus ay mga nagsisilbing inspirasyon hindi lang sa mga kabataan kundi sa lahat ng gustong mabago ang kanilang buhay.

Kinapanayam ng ating Kasangga JR Langit si Coach Richard Pep Agosto

Coach Pep: What ever happen sa status namin sa national team weather mag stay yung mga bata sa national team or mag stay ako sa national team or mawala ako as long as may mga bata na willing matuto, willing na tulungan ang sari nila andito kami tutulong kami.

JR Langit: Papano niyo naan napag isipan na gumawa ng ganong klase ng adbokasiya na tumulong sa kabataan?

Coach Pep: Nag start talaga to wala kaming plano as in wala kaming plano, ang plano lang namin ng wife ko is mag karoon ng gym na para sa sariling gamit, kasi ako at ang wife ko galing sa National Team. Wife ko member ng PDBF na Dragon Boat team before isa din siya sa captain. Then nag isip kami tinayo tong gym na to, nakikita namin yung mga bata dumadaan malalakas tong mga batang to kasi na ngagalakal sila before, biruin mo aabutin ng madaling araw nangangalakal tas kinabukasan papasok, yun ang ginawa nila. Sinabi ko sa wife ko, “Ma, try kaya nating ano invite tong mga batang to train natin, walang pressure basta train lang kung may mag survive na lumakas ok,” then hanggang sa eventually na kita namin yung potential ng mga bata tapos yun nag lelevel up na yung parang gusto naming ang yari na, sige ganito nalang tulungan natin to para hindi na mangalakal kaya naman sila nangangalakal kasi gustong kumita ng pera para ibigay sa magulang para ibigay pandagdag sa pagkain. So nag commit kami ng wife ko sige ganito kung hanggang abot lang ng makakaya namin kung anong maihahain sa mesa kung ano maibibigay namin.

Katulad ng kanyang mga alaga, may natural ring talento si Coach Pep pagdating sa sports. labing pitong taon rin itong miyembro ng national Weightlifting team bago umalis nuong 2014.

HOW TO BECOME A COACH OF THE NATIONAL TEAM

Coach Pep: Napasok ako as a coach nung naramdaman ko medyo hindi na ako ganun ka lakas, kasi yung mga kalaban namin bumabata na tapos kaming nag kocompete dun tumatanda na rin, so 2014 nung medyo nag set na ng rule yung association namin na hindi na rin namin maabot yung rule na increase per 3 months na ginagawa, so nag decide na akong mag train ng bata. Actually nag train na ako ng bata hindi pa ako nag reresign sa pagiging national athlete so nung 2014 siguro last quarter na dun na ko nag decide na mag cocoach na talaga, so nag apply na rin ako sa regional coach ng national team that time. Hanggang sa nakita din ng mga member ng NSA namin association na meron akong mga batang tinetrain na potensyal so kinuha nila ako as an regional Coach ng National team in charge dun sa grass root nila.

Kung ano ang ginawa sa kanya nuong nagsisimula pa lamang sa weightlifting, ito ngayon ang naging adbokasiya ni Coach Pep at kanyang asawa.

Normal lang ang buhay ni Coach sa province, ineexplore lahat ng sports. Dati siyang nasa track and field. Na introduced siya sa isang coach na Olympian, si coach Samuel Aligada na syang tumulong sa kanya sa weightligthing. Taga Tagbilaran City Bohol si coach. Tinuruan sila ng libre sa gym ni coach Aligada. Pinapakain din ng libre ang kanyang mga tinuturuan. Libre turo na, libre pakain pa. At ang sistemang ito ang sinunod ni Coach Pep. Dito niya nakilala ang National team kaya na encourage din siya na mag training.

CROSSFIT COMMUNITY

Kasabay ng pagdami ng mga batang kanyang tinutulungan, ang paglaki rin ng gastos para i-maintain ang gym. Pero hindi naging madamot ang kapalaran kay Coach Pep.

Coach Pep: kasi hindi naman namin pwedeng kunin yung budget para sa pamilya namin basta kung ano pwede namin pag saluhan na ganun kami nag start sa buhay, pinagsasaluhan yun ginagawa namin napapansin na rin ng crosspit community binack-apan nila ako na “sige coach ganito we raise some funds for you para mag tuloy tuloy ka,” yun mula nun hanggang ngayon yung crosspit community.

Hindi naging maramot kay Coach Pep ang pagkakataon, kaya naman nais nyang gamitin ang weightlifting para i angat rin ang buhay ng iba.

JR Langit: Anong inspirasyon ang nag bibigay sa iyo para tulungan tong mga bata?

Coach Pep: Well Simple lang ang weightlifting, siya rin ang nag bibigay ng buhay sa akin. Nung nag weigtligthing ako lahat ng blessing dumating, naging national team nakapag aral ng libre, nag karoon ng buhay na ganito. Lahat ng opportunity mabilis na dumating nung nasa weightlifting ako. Kasi pag nasa weightlifting ka andami mo ring mapupuntahan sa athletics. Sa pag tuturo ng conditioning, yun ganun lang sabi ko sa mga bata hindi tayo masyado mangangarap ng mataas, base na lang sa totoong nangyari sakin ang weiglifting nagbigay sakin ng magandang buhay.

SYMBOL OF AN ASPIRATION

Ang bilin niya sa kanilang mga tinutulungan, “hindi man kayo lahat maging Hidilyn Diaz pero atleast dahil sa weightlifting maahon ahon kayo sa hirap makapag aral kayo, yun ang inspirasyon naming mag asawa.” Hangad nilang mailayo sa kalsada at mapa barkada, ayaw nilang mapariwara, ang mga bata, ito ang hangad nilang mag asawa.

Malelessen yung pag tambay nila sa mga barkada na hindi involved sa Sports, kasi pag katapos ng training wala na silang time na mag engage sa mga barkada, inom at hindi kanais nais sa kalsada. Ang well weightlifting ay nagagamit in everyday life.

Ayon kay Coach Pep, pawang may napanalunan nang medal walo sa kanyang unang batch at isa rito ay nakabilang na sa National Team.

JR Langit: Pag ganon na sila karami, nabalitaan ko per batch na ito may first batch, at second batch?

Coach Pep: Yung first batch ko walo sila. Competitive sila, na yung nag cocompete mga national medallist na rin tong mga to. Yung isa na sa national team na kapag produced na rin ng national team nanalo siya sa Thailand last year then, eventually kinuha ng national team. Nung December halos maganda din yung uniformal halos nag medal lahat sa national naka seven golds kami, tapos yung second batch this year lang na simulan. Noong January, 18 yung second batch ko , kasi yung iba medyo di pa rin seryoso mag train.

Lubos ang saya ni Coach Pep at kanyang asawa sa resulta ng kanilang paghihirap sa training sa weightlifting ng mga batang nangangalakal.

Apat na taon na rin mula nang mapasok sa Pep project si Ericka, isang dalagita na dating nangangalakal, ngayon, kabilang na sya sa National team ng mga weightlifters.

IDOL HIDILYN DIAZ

JR Langit: Ano yung mga nabago na sa buhay mo ngayon, kumpara nong di mo pa nakikilala yung weightlifting?

Ericka: Siguro po nung hindi ko pa nakikilala ang weightlifting tambay po ako diyan sa labas. Nangangalakal din po siguro ako diyan, lagi ko pong binabalikan kung san ako nanggaling. Lagi ko pong sinasabi kung wala yung mga pangarap ko, wala ako dito sa kinakatayuan ko, hindi siguro ganito yung mga suot kong damit na maayos. Di ako makakapunta sa iba ibang lugar nakakatulong sa pamilya ko ganon lagi po ang nasa isip ko lagi.

Dahil kabilang na sya sa national team, nagkaruon ng pagkakataon si Ericka na makadaupang palad ang idol nyang si Hidilyn Diaz, gold medalist sa asian games at silver medalist sa Rio Olympics.

Ericka: Siguro po lahat po ng atlheta si ate Heidi po yung iniidolo kasi po si ate Heidi po nag start din po sa walang wala rin talaga siya, kaya lagi po niyang sinasabi ni ate Heidi sa amin na,. “mangarap lang kayo pero dapat yung pangarap na yun ginagawan niyo ng kilos kasi kung mangangarap ka lang ng mangangarap ng wala kang ginagawang kilos anong mararating mo edi wala.”

Sa dami ng nangyaring maganda sa buhay nina Ericka, lubos na pasasalamat ang mensahe nya kay Coach Pep.

SUMMATION

Isang magandang kwento ng pag angat sa buhay na naman ang ating natunghayan.

Kasabay ng pagdami ng mga batang kanyang tinutulungan, ang paglaki rin ng gastos para i-maintain ang gym. Pero hindi naging madamot ang kapalaran kay Coach Pep dahil na rin sa kanyang marubdob na pagtulong.

Pag angat sa buhay nang walang tinatapakan bagkus ay mga nagsisilbing inspirasyon hindi lang sa mga kabataan kundi sa lahat ng gustong mabago ang kanilang buhay.

Minsan pa nating napatunayan na ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay nagbubunga ng mas marami pang kabutihan para sa mas maraming nangangailangan.

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial