The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
May 13, 2019

BONG GO SA SERBISYO

Noong Martes, Mayo 7, 2019 sa ating “Insider Exclusive” na palagian ninyong napapanood tuwing Martes ng 10am sa RJ TV at napapakingan DzRJ Radio. Sa PTV4 tuwing Miyerkoles naman ng 8-9 ng gabi, pinilit naming hinagilap si SAP Bong Go upang ipaabot sa kanyan ang taos pusong pasasalamat ng pamilya Mercadal at ni Rowena Mercadal ang Domestic Helper na pinag malupitan ng kanyang amo, na na-comatose ng labing limang (15) araw sa Kuwait na natulungan ni SAP Bong Go at nakabalik na sa Pilipinas. Na-interrupt namin ang campaign trail nila sa lalawigan ng Bataan, at sa pamamagitan ng phone patch at ginawang pakikipag ugnayan ni JR Langit ay exclusive namin siyang nakapanayam:

Bong Go: Sir Rey Langit ang Kasangga Mo Ang Langit. Yon kay Rowena, trabaho ho namin ito, laluno na po kaming nasa Gobierno handa mo akong mag serbisyo. kaya hangad po naming magtayo ng isang Depatment of OFW, ito po ay parang pinagsama samang tulong ng DOLE, OWWA at POEA, ito ang ating isinusulong. Yan ang kagustuhan namin ni Pangulong Duterte. Mapabilis ang serbisyo, laluna yon mga inaapi sa ibang Bansa.

Rey Langit: Saludo kmi syo Sap Bong sabi nga ni JR Langit, despite bising-busy ka sa campaign, may Oras ka pa pala para maka-tulong sa Kapwa. Tulad nang sabi ng Pangulong Duterte BISYO mo ang mag-SERBISYO !

Bong Go: Trabaho po natin ang mag serbisyo.

BLACK PROPAGANDA

Kinunan ko rin siya ng reaction sa muling pag bangit sa kanyang Pangalan ni alyas Bikoy, ng ito’y mag surface sa tangapan ng Integrated Bar of the Philippines.

“Sinagot ko na po yan noong Abril 10, hinamon nya ako kung ipakikita ko lang daw ang likod ko, titigil na siya. Kahit pinakita ko na, pero inulit na naman niya. Inulit ko nag hubad ho ako kahapon sabi ko hindi pa ako nagka tatoo sa tanang buhay ko, wala akong tatoo, ang mayroon ako PSMBB. Pimples, Stretch mark, balat, bilbil. Yan ang makikita ninyo. Nagiging kengkoy na itong si Bikoy.
Sinabi ko dapat hindi sa IBP siya nag punta, dapat sa Mental hospital, dapat pina tingin muna niya kung ano ang nangyari sa kanyang pag iisip. Sinisiraan niya ang pamilyang Duterte, matagal ko na pong kilala ang pamilya Duterte hindi sila papasok sa ganoong transaksyon. Black propaganda,
ang gusto nila ay gawin kaming itim, para sila ay pumuti, panahon po ng Politika ngayon. Inahamon ko po ang sambayanan.. kung sa tingin nila tama si Bikoy iboto nila ang oposisyon, kung sa tingin naman nila kami ni Pangulo ang tama sa aming pinaglalaban, iboto nila kami, ganoon lang kasimple.”

Ito ang pahayag ni SAP Bong Go.

Bong Go: Basta kami ng Pangulo ay patuloy na magta trabaho. Kung ano ang aming nasimulan na sa paglaban sa Illegal na droga at corruption ito ang aming itutuloy hangang sa katapusan. Basta magta-trabaho lang po tayo, sayang ang panahon masagasaan na ang masagasaan, sa Illegal na droga wala kaming sinasanto.

EYEWITNESS

Nai-share ko sa interview nang minsang magkayayaan na mag Jetsky kami nina JR Langit at Sap Bong Go sa Samal Island, Davao. Wala pa siyang balak pumasok sa Politika noon.
Nang magbihis at magpalit kami ng pang itaas na swimsuit, pang Jetsky napansin namin na si Bong ang may pinaka makinis na katawan sa amin. Kaya nang mabalitaan ko ang aligasyon ni alias Bikoy, na may tatoo raw si Bong Go sa katawan ay natawa ako nai-kwento ko ito sa aking radio program at nasabi ko na malawak masyado ang imahinasyon nitong si Bikoy.

Naibahagi sa atin ni SAP Bong Go na kanyang pinag aaralan na ang hangad niyang mag tyo rin ng Malasakit Center para sa ating mga OFW upang mapabilis ang serbisyo medikal na kanilang kailangan.

Bong Go: Palarin man o hindi mag papatuloy tyo na mag serbisyo sa kanila na ating mga Kababayan, sa ating muling pagbabalik.

WARM REGARDS

Nang mapag usapan namin ang kanyang mga schedules sa ilang araw ng campaign at nabangit niyang mayroon silang dinner ng Pangulong Duterte, pahapyaw kong nabangit sa interview na ipaabot ni Bong ang aking best regards sa Pangulong Digong:

“ Makakarating po, ipapaabot ko ang pangungumusta ng isang kaibigan. Malapit po ang inyong Anak na si Reyster kay Pangulo, kapag nasa Davao siya ay nagkikita sila ng Pangulong Duterte, nakalulungkot lang nga po na nawala siya.”

Magkaibigang matalik sina Bong Go at ang ating Kasangga sa Langit na si Reyster. Sila ay mag School mate sa LaSalle Greenhills, mula grade school. Na naging daan upang maging magkaibigan din sina Reyster at Mayor Digong ng Davao. At ang hindi malilimutan ng Pangulo ay ang prediction ni Reyster nang nabubuhay pa ito.

PREDICTION

Reyster: “Mayor, kayo po ay magiging Pangulo ng Bansa.”

Ang bagay na ito ay hindi pinaniwalaan noon ni Mayor Digong, dahil wala naman daw siyang balak na pumasok sa National Politics. Kya nang minsan kaming magkita, muli naming napag usapan ang prediction na ito nang aking Anak na si Reyster. Hindi raw niya maubos maisip ang naging Predictiong yon ni Reyster, at ibinahagi pa niya ito sa kanyang speech sa pag titipon ng mga Business groups sa Manila Hotel.

SWS SURVEY

Nabangit ko kay Sap Bong ang pagiging consistent niya sa ranking ng survey ng SWS. Hindi siya nawawala sa pang apat, panglima hangang sa huling sandali, bago mag-election.

Bong Go: Maraming salamat sa pag pagtitiwala ng ating mga kababayan. Pagkatapos nito back to work na po ako. Ang serbisyo na pinagkakaloob ko po ay serbisyong Makatao, Tapat, at maka-Diyos.

MEANINGFUL MESSAGE

Panghuling mensahe ni SAP CHRISTOPHER “BONG” GO, na bahagi lamang nang ginawa nating exclusive na pakikipanayam sa kanya:

“Ako po dapat magpasalat sa panahon na binigay ninyo para sa akin minsan lamang tyong dadaan sa mundong ito, kung ano man ang gusto nating itulong, itulong na natin sa kapwa, ibigay na po natin ngayon.. dahil hindi na tayo muling babalik sa mundong ito. Pagkatapos po ng halalan, muli akong babalik sa trabaho. Magpapatuloy po akong magiging tulay ninyo kay Pangulong Duterte, patuloy po kaming magseserbisyo sa inyo. Dahil ang serbisyo sa tao ay Serbisyo sa Diyos. Maraming salamat sa inyo sir Rey Langit at kay RJ maraming salamat pong muli.”

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial