The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
October 13, 2019

BATANG SOLVENT

Mga batang solvent na mayroon pang magandang kinabukasan na nag ihintay para sa kanila. Ito ang istorya ng mga batang solvent na napabayaan dahil sa iba’t kadahilanan. Ako si Pareng Rey Langit.

Alamin ang buhay ng ng mga batang solvent na ngayon ay nasa Sagip Solvent Center sa Quezon City. Ako naman ang inyong Kasangga, JR Langit.

SAD STORIES

Watak watak ang pamilya ni Diego. Tatlong taon lamang sya nang mamatay ang kanyang ama at Iniwan sya ng kanyang ina sa Lola na hindi nila kaano ano. Samantala, nasa pangangalaga naman ng DSWD ang kanyang mga kapatid. Namumungay ang mga mata, gusgusin at may hawak na plastic na may solvent. Ganyan ang itsura ng mga bata nang makuha sila ng PDEA agents. Sa ginawang pakikipanyam ni JR Langit sa mga batang solvent na sinagip ng PDEA.

Diego: Sabi ko po kay mama dalaw dalaw na lang sya pero tatapusin ko muna po yung graduation ko kasi sa kalye lang po talaga kami na katira.

Samantala ayon naman kay Reinalyn na isa ring batang solvent.

Reinalyn: Pumunta na po ako sa pamilya ko tapos nanghingi po ng tawad sa kanila sa ginawa ko po, yung mga bagay na mali ko pong nagawa.

Sagip Solvent Center

Mahigit sa isang buwan na ngayon sa Sagip Solvent Center ang mga batang solvent. Dito, hindi sila itinuturing na bilanggo, kundi mga malayang kabataan na naghahanda upang makabalik muli sa lipunan.

Agent Joelo: Sa mga kabataan, ang gusto natin mag karoon ng magandang kinabukasan, the other side kasi yung mga batang to kapag hindi mo sila na reform magiging malaking problema nang lipunan. Kapag wala tayo Intervension Program na ganito para sa kanila, sila rin yung magiging future na kalaban natin.

Alamin natin ang buhay ng mga batang solvent na ngayon ay nasa Sagip Solvent Center sa Quezon City. Kahit hindi sila magkadugo, alam ni Diego na mahal na mahal sya ng kanyang Lola, subalit hindi ito naging sapat para hindi sya maligaw ng landas.

AT THE AGE OF 8

Diego: Yung na barkada po ako noong 8 years old pa lang po ako.

JR Langit: 8 years old ka palang marunong ka ng gumamit ng solvent?

Diego: Opo

JR Langit: Bakit ka pumapasok sa ganitong bisyo?

Diego: Ano po, dahil sa sulsol. Yung sinulsulan po ako ng kaibigan ko, try mo to masarap ito. Pero yung tinikman ko una po nagandahan ako pero nung lumipas po ng ilang taon yung edad ko po noon 14 parang naisip ko po na parang wala lang, parang wala ako sa sarili. Inaasar po ako ng mga tao ba’t daw ako nag sosolvent, pero nagagalit po ako ba’t sinasabihan po nila ako ng ganun. Hanggang sa nalaman ko po na mali pala yung ginagawa ko.

JR Langit: Anong grade ka nun?

Diego: Grade 1 po ako noon, nung natapos ko po yung grade 1 umabot po ako hanggang sa grade 3, nung nasa grade 3 na po ako yung kaklase ko po inasar po ako sabay na paaway po ako. Sabi ng mga kaibigan ko wag ka ng mag aral aasarin ka lang dyan. Kaya ganoon po ang nangyari.

PUTOK SA BUHO?

JR Langit: Anong klasing pang -aasar ang ginawa sa iyo.

Diego: Yung ano daw po ako, putok daw sa buho.

Onse anyos naman si Reinalyn nang matutong gumamit ng solvent. Labing tatlo silang magkakapatid kayat hindi sila masyadong matutukan ng kanilan magulang. Tulad ni Diego, barkada rin ang naging dahilan kayat nalulong sya sa bisyong ito.

Reinalyn: Ano po nung 11 years old po ako na sa kalsada na po ako na mamalimos po ako nun para may pambili po ako ng pag kain, may pambaon po ako tapos nung ano po 12 years old po ako nag simula na po akong na pa barkada tapos yung mga barkadang nasamahan ko nag rurugby po, tapos ano po parang nayaya na po akong mag rugby po.

STRICTLY NO FB

Tapos ano po nung 12 years old po ako mga kalahati po ng buwan tumigil na po ako, kasi ano po binalikan ko po yung pag aaral ko, tapos yung mama ko at papa ko di po ako pinag ffb dahil po sa mga barkada ko baka daw po mapatambay po uli ako. Yun nga po dahil po sa fb tas sa chat po ng mga tropa ko na pabarkda po ako. Na balik po ako sa kalsada mga 13 years old po ako uli, nag rugby po uli ako nun tpos ano po araw araw po ako gumagala tumatakas po ako sa bahay. Ako lang po yung inaasahan nila mama sa bahay pero tumatakas po ako nun dahil sa mga tropa ko po tas ano po tumigil po ulit ako nun nung 14 years old na po ako. Na balik po ulit ako sa barkada hanggang sa 15 years old na po ako. Ngayon pong 15 years old ko po dapat ano po nag aaral po ko ng grade 3, huminto na naman po ako dahil sa mga tropa ko.

MOA BET QC AND PDEA

Dalawa lamang sina Diego at Reinalyn sa mahigit animnapung batang solvent na sinagip ng PDEA o Phil Drug Enforcement Agency na ngayon ay ina alagaan sa Sagip Solvent Center.

Agent Joelo: Ito sir ay joint effort to, pero ito talaga ay initiated ng PDEA nag hanap kami ng venue para sa tulad nito na magiging shelter ng mga bata at nag offer ang Quezon City Government ng ganitong venue so nag karoon kami ng Memorandum of Agreement (MOA), sa mayor ng Quezon City tsaka yung aming mahal na DG ng PDEA ngayon ay nag draft ng MOA so nung nag draft na nag launched kami rito. Beforehand ang gusto talaga nag simula ito dahil sa kagustuhan ng mahal na DG namin ng PDEA na ang mga bata na street children lalong lalo na specifically yung mga solvent or inhalant users tsaka sabihin na nating addicted na, sa mga inhalants na yon ay masagip natin sila mabigyan natin sila ng magandang kinabukasan through tinatawag namin na Reformative intervension Program so ito yung isang paraan.

REACHED OUT or RESCUE

Namumungay ang mga mata, gusgusin at may hawak na plastic na may solvent…..ganyan ang itsura ng mga bata nang makuha sila ng PDEA agents.

Lahat halos ng mga bata na nandito walang nag surrender dito talagang reach out namin to ang reached out medyo pinagandang salita, rescue kasi ayaw ng gamitin ngayon yung rescue reach out na sila so kalimitan nung kinukuha namin sila nag tatakbuhan pa, ayaw talagang pahuli. Kumbaga tumatakbo to na may hawak hawak pang solvent yan na kalagay sa plastic yung iba nakalagay sa mineral water, maaamoy mo amoy rugby, amoy solvent so makikita niyo yung mga pictures dyan noong nirereceived namin sila makikita mo yung mga mukha nila pati itsura nila gusgusin mahaba yung buhok mahaba yung mga kuko maraming itim itim sa katawan tapos yung mata na mumungay.

DYSFUNCTIONAL FAMILY

Bawat bata ay may kanya kanyang kwento kung paano sila nalulong sa solvent…..subalit lahat sila ay pare parehong nagmula sa tinatawag nating dysfunctional family.

So basically makikita natin na maliban doon sa kahirapan kung may pamilya man, mahirap yung pamilya nila maliban doon ang iba talaga kalimitan dyan sa mga bata nag hiwalay yung magulang. Iilan ilan lang ang kumpleto yung magulang, nagtatrabaho yung tatay at nag tatrabaho din ang nanay. Sabihin na natin nag coconstruction yung tatay yung nanay naman ang sideline ay nag mamanicure. Umaalis yung nanay umaalis yung tatay naiwan yung mga bata ayaw ng pumasok sa eskwelahan so ang ginagawa ngayon yun sumama sa mga barkada.

Sa Sagip Solvent Center, normal ang buhay na mga dating batang sovent. Tatlong beses silang kumain at may dalawang beses pang meryenda sa isang araw. Higit sa lahat, nag aaral sila upang maging mabuting bahagi uli ng lipunan pag alis nila sa Center.

PSYCHO-SOCIAL COUNSELING

JR Langit: Gano katagal naman po yung gugugulin ng mga bata para masabing na reform na sila ?

Agent Joelo: Basically sir ngayon ipapatern lang namin sila sa ALS so yung ALS natin 14 week program tumatakbo yan 3. 5 months after that irerelesed na natin yung bata so sa tatlong buwan at kalahati na yun ang gagawin namen mag kakaroon kami ng Psycho Social Councelling dun sa bata sasamahan na rin namin ng Spiritual activities idedevelop na rin namin yung kanilang social talent o kaya social skillls tapos yung mga talents nila tulad nung nangyari kanina pinasayaw namin sila so sa tatlong buwan at kalahati na yun pag ka nag graduate na sila moving up ng ALS yun ire-release na namin sila sa magulang nila .

Ngayong Oktubre inaasahang matatapos na sa kanilang ALS o Alternative learning system ang mga dating batang solvent at muling matututong mangarap ang mga bata.

JR Langit: Meron ka pang gustong sabihin, gusto mong kamustahin si mama at papa mo at tsaka yung mga nanunuod ngayon?

Reinalyn: Ma, ano kapatid ko po sa bahay sana po wag ng mag pasaway kay mama pati kay papa. Malapit na po akong umuwi sa bahay namimiss ko na sila sobra lalo na po si mama sana dalawin po ako dito. At nag papasalamat din po ako lalong lalo na kay director kasi binigyan niya po kami ng magandang kinabukasan po, para matupad po ang aming pangarap.

FLIGHT STEWARDESS

JR Langit: Ano ba ang pangarap mo?

Reinalyn: Mag Flight Attendant po.

JR Langit: Ah.. Talaga !

Reinalyn: Para po kasi gusto ko pong mapuntahan yung mga lugar na di ko pa na pupuntahan at mga gusto kong mapuntahan po.

JR Langit: Ikaw Diego, ano naman ang pangarap mo sa yong pag laki, ano ba gusto mong maging?

Diego: Gusto ko rin pong tularan yung mga nagturo sakin dito gusto ko rin pong maging isang PDEA agent po tatapusin ko po pag-aaral ko po rito para matupad ko po yung aking pangarap.

JR Langit: Bakit PDEA agent yung gusto mo?

Diego: Kasi po para matulungan ko rin po yung mga katulad ko mga batang palaboy rin po manghuhuli rin po para magbago sila at di na rin po gagawa ng masama. Dito ko rin po nararansan na ano lalambingin po ako, kasi sa labas po hindi ko po naranasan yakap yakapin po ng mga tai nandidiri po sila sakin, inaasar po ako ng mga batang mayayaman wala raw po akong magulang. Pero dito ko po naranasan yon parang sila na po yung magulang ko, nag papasalamat po ako sa kanila.

NATUTONG MAGNAKAW

Katulad ni Diego, isang batang solvent na ngayon ay nasa pangangalaga nang Sagip Solvent Center sa Quezon city. Natuto syang magnakaw dahil sa paggamit nya ng solvent.

JR Langit: Ano ba yung ipekto, pag may tama ka, pag nag take ka ng solvent meron ka bang naiisip na masamang gawin?

Diego: Opo natuto na rin po akong mag nakaw mag hablot pero wala rin po nasasaktan rin po ako ba’t ninakawan ko po yung mga tao umiiyak po ako sa gilid. Sabay nakita ko po yung may ari sinoli ko po pero di naman po ako pinabarrangay. Pero di ko po binawasan yung wallet.

JR Langit: Tapos ano nangyari?

Diego: Pag kasoli ko po binigyan pa po ako ng pera pinakain pa po nya ako.

Ang nagyayari nito pampalipas gutom nila to pag nagugutom sila hithit ka lang niyan mawawala yung gutom mo. Isa sa dahilan talaga at tsaka yung tama medyo lumulutang ka rin kapag na ka singhot ka. Iba ang pakiramdam, parang dati mahiyain ka ngayon hindi ka na mahiyain dahil pampalakas loob kasi yung iba kailangan nilang makakuha ng pera kasi unang una wala silang makain kailangan nilang mang snatch kailanagn nilang mag nakaw so pampalakas loob.

RUGBY BOYS

Sa kabila ng nakaka awang kalagayan ng mga batang solvent marami pa rin sa ating lipunan ang may sikmurang samantalahin sila at gamitin para kumita.

Agent Joelo: Bawal kasi talagang bumili ang bata sa hardware hindi talaga sya bibilhan doon ng rugby so ang nangyayari sir meron silang mga kuya kuya yung mga adult na bibilli ng rugby dun tapos sya yung mag didispense dun sa mga bata pero bibilhin pa rin ng mga bata yun ibebenta niya sa kanya, yun ang magandang hulihin.

JR Langit: Ginagawa pang negosyo, upang pagkakitaan ang mga pobreng bata.

Agent Joelo: Opo, pati yung solvent na yan isipin mo yung solvent bibilhin nila sabihin natin worth One Hundred Pesos maibebenta niya yan aabot ng mga Five Hundred Pesos na yan pag titingi tingiin niya yan kaya malaking negosyo sa kanila yan.

PAGKA-GRADUATE SA SOLVENT

Maliban sa nagagamit sila ng ibang tao, nariyan din ang panganib na kapag mahina na ang tama sa kanila ng solvent ay maghanap sila ng mas matindi ang tama tulad ng shabu.

Mag sisimula yan sa pag bebenta benta ng solvent habang gumagamit sila nag bebenta rin sila ng solvent hanggang sa yung tama ng solvent o kaya ng rugby hindi na sila tatamaan kung baga kulang na sa kanila so gagamit na sila ngayon ng chongki yung marijuana yung marijuana gate way drug yan para papunta ka na dun sa Shabu kasi pag gumamit ka ng gumamit ng marijuana kukulangin na rin sayo yung tama mag hahanap ka pa ng mas malakas na tama at dahil sa kapaligiran nila sa ganoong sitwasyon maaaring meron dyan sa mga kaibigan niya o kabarkada niya na mag oofer sa kanya ng Shabu tikman mo to nang walang bayad hanggang sa pag na tikman niya masarap pala maganda sa pakiramdam bibili na sya maghahanap sya ng paraan para makabili sya ang gagawin niya mag nanakaw sya .

Mahigit sa isang buwan na ngayon sa Sagip Solvent Center ang mga batang solvent. DIto, hindi sila itinuturing na bilanggo, kundi mga malayang kabataan na naghahanda upang makabalik muli sa lipunan.

ROUTINE ACTIVITIES

JR Langit: Ano pala ho yung routine nila sa isang buong araw ?

Agent Joelo: Gigising sila sir alasais ng umaga pag ka gising nila exercise agad sila sandaling exercise lang simple lang magising lang yung dugo exercise na pag ka exercise nila kakain na sila ng breakfast pagka breakfast ligo na after maligo pasok na sa ALS sa Alternative Learning System at ang ALS nila dahil nga marami na sila ngayon hati to sila sa tatlo may tinatawag tayong basic elementary ito talaga yung mga hindi marunong magbasa BL ang tawag namin sa kanila so yung BL Basic Literacy tapos may tinatawag tayong advance Elementary pangalawang grupo pangatlo yung High School meron tayong highschool ditto.

Nilibot namin ang kanilang mga quarters, maganda ang kanilang bed na hinihigaan, may double deck at may mga kubol kubol sila. May play time sila pag ka hapon, pagkagabi mayroon silang movie.

Pag hapon meron silang Zumba, pina zuzumba sila. Kaya halos lahat ng mga sayaw ng zumba kabisado ng mga batang ito. At bilang pandagdag sa mga maaari nilang pagka abalahan, nagdala rin ng munting regalo sa mga batang solvent ang Kasangga Mo ang Langit. Amin rin silang dinalhan nang RJ Guitar galing naman kay Secretary Ramon Jacinto at alam naming makatutulong ito sa kanilang music subject o sa kanilang pag aaral kumanta, tumugtog at libangan.

Ang iba’t ibang istorya nang mga batang solvent ay hango sa aming Programang pang telebisyong KASANGGA MO ANG LANGIT…
Napapanood tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit.

Ang Father and Son tandem nina Pareng REY at Kasangga-JR LANGIT ay mapapanood na sa mga sumusunod:

  • RJdigiTV via cable and satellite Television
  • Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  • Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  • SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  • Cignal – Channel 28 – Nationwide
  • RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox

SUMMATION

Paghubog sa kabataan na maging mabuting mamamayan.Isang napakagandang proyekto na tunay talagang sumasagip ng mga kabataang nalulunod sa masamang bisyo habang nasa lansangan. Ngayong Oktubre inaasahang mataapos na sa kanilang ALS o Alternative learning system ang mga dating batang solvent. Higit sa damit at pagkain sa center. Muling natutong mangarap ang mga bata.

Hindi simpleng problema ng lipunan ang mga tinatawag nating mga batang solvent. Maaaring ito ang pinakamababang uri ng ipinagbabawal na kemikal na puwede nilang gamitin…subalit maaari rin itong maging tulay ng mas malaki pang krimen na maaari nilang gawin.

Umaasa ang PDEA na susunod ang iba pang local na pamahalaan sa pagtatatag ng Sagip Solvent Center. Napakalaki ng ating magagawa para sa mga kabataang naliligaw ng landas kung tulad ng PDEA , DSWD, Quezon city Government at iba pa ay magkapit kamay tayong tumulong para sa mas matinong pamayanan.

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial