The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
March 20, 2017

TRILLANES LAGOT KAY JUSTICE SEC. AGUIRRE, COMELEC- Boy Saycon

Si Senador Antonio Trillanes ang isa sa siyam na senador na hindi tapat ang mga halagang dineklara sa kanilang Statement of Contributions and Expenses (SOCE) noong nakaraang presidential elections.

Ito ang inilahad ni Pastor Boy Saycon, Secretary General ng Council Philippine Affairs o COPA kay Justice Sec. Vitaliano Aguire.

Sa aking panayam sa ating palatuntunan sa radio, “Kasangga Mo Ang Langit”, ibinulgar ni Saycon na mayroong 9 na senador na nakatanggap ng pera mula Php 50 hanggang 100 million noong nakaraang eleksyon ngunit hindi nila ito dineklara sa kanilang SOCE.

Ang impormasyon ay galing sa isang trading company na nagbigay mismo ng campaign contribution sa mga senador. Mapapatunayan umano ng trading company na ito ang kontribusyon na hindi dineklara sa Comelec dahil sila ay mayroong Acknowledgment Receipt kung saan pinapirma nila ang mga tumanggap.

Hindi pa maibigay ni Saycon ang pangalan ng lahat dahil kasalukuyan pang pinapatunayan o vine-verify ang mga lagda sa mga Acknowledgement Receipts na ito.

Diniin ni Saycon na ang pagtanggap ng campaign contribution nang hindi dinedeklara sa SOCE ay legal violation hindi lamang ng batas kundi ng Philippine Constitution. “Alam mo kasi sa akin, Rey, walang problema kung pipirma ka dun sa resibo kasi kontribusyon yan, diba, sa campaign funds. Ang kasalanan dyan hindi nila dineklara sa SOCE nila,” ani Saycon.

Sinabi naman ni Saycon na ang ibang mga pangalan ay isasapubliko na lamang ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre mismo.

Sigurado naman si Saycon sa ebidensiyang hawak niya dahil ang mga ito ay original at mayroon ding certified true copy.

 

L-R. Boy Saycon, Rey Langit, Justice Sec. Vitaliano Aguirre, Communications Sec. Martin Andanar, RJ Jacinto

L-R. Boy Saycon, Rey Langit, Justice Sec. Vitaliano Aguirre, Communications Sec. Martin Andanar, RJ Jacinto

Abangan !!!

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind