The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
May 7, 2018

STL VS. JUETENG

Gumawa ng exclusive na pakikipanayam ang Kasangga Team upang makuha natin ang bagong development ng STL o Small Town Lottery sa bansa. Sa aming programang pang Telebisyon na “Kasangga Mo Ang Langit” na napapanood sa PTV tuwing Biyernes ng alas diyes ng gabi aming kinapanayam si General Manager Alexander Balutan sa kanilang isinakatuparang quarterly report ng PCSO na ginanap sa Lipa City, Batangas.

FIGHT AGAINST JUETENG

Noong unang inilunsad ang Small Town Lottery taong 1987 hindi naging matagumpay ang gobyerno upang mawala ang illegal na sugal na jueteng. Dahil hindi naman kaila sa maraming mamamayan, sadyang mahirap maalis ang isang bagay na kinagisnan na at nakasanayan.

GM Balutan: Nung 1987 under Cory Aquino pa hindi ito naging matagumpay and then nung 2006 everybody hindi talaga mapigil. Everybody was in agreement that PCSO STL natin hindi na ma stop. Gumawa na ng batas, yung Republic Act 1169, lahat ng illegal numbers game like jueteng, masiao, pares at saka yung suertres ipinasok na dito sa STL para maging STL na ang generic name nya. Pero noong 2006 ay labing walo lang yung nag lalaro na binigyan ng prangkisa ng ating PCSO. Kulang pa, dahil Central Luzon lang ang karamihan dun at saka some provinces dito sa Southern Tagalog. Inexpand ngayon at mahina kasi yung kita ng PCSO sa mga labing walong EAC’s na nauna at hindi natin na expand monopolized yun at kung minsan nga ay kulang yung inggresong binibigay sa atin ng mga naunang EAC’s.

Pinalawak natin pinaigting natin yung IRR na kung saan iniangat na natin yung kanilang inggreso buwan buwan for example itong batangas, dati ay nagbibigay lang ito ng more or less 20 million, ngayon 124 million na binibigay niya na inggreso buwan buwan at ito namang mga naunang 18 EAC’s nung inassess namin kumikita ito ng more or less 300 million to 400 million monthly kaya sabi namin this is the time na expose natin ang ating sarili na makakuha tayo ng pondo para sa medical services ng gobyerno.

STL’s REVENUE

JR Langit: Saan saan po napupunta itong mga revenues na kinokolekta sa STL?

GM Balutan: Just like nong kinikita natin sa lotto sa kino and sweepstakes yung 30 percent po nyan ay napupunta sa medical services kaagad dun sa writty fund ng PCSO kasi hinati hati po yan 15 percent, don ung operating fund ng PCSO ung 55 is for prize fund yung binibigay natin pagka nananalo ung mga tumataya sa atin. So sabi ko nga sa PCSO sa mga games nya maganda ung naeengganyo ung mga tumataya, yong 30 percent nito ng nataya, for example 20 pesos, ung 6 pesos don napupunta agad sa charity yon ang concept nya.

Hindi pa nationwide ang larong STL. Bagamat ito ang hangad ng PCSO na hindi lamang Luzon ninanasa ring maabot ang Visayas at Mindanao.

GM Balutan: Actually 18 lang yong inopen noon, nung ni roll out na namin naging 56 nationwide then, ngayon naging 84 nabawasan ng tatlo naging 81 nalang. Hindi pa kami dumarating sa Visayas. Mindanao wala tayong STL dyan including part of Bicol, Mindoro, Palawan. Ni singko wala tayong nakukuha dyan. Dito lang sa original 18, naglalaro nung 2006 ang nakaka bigay ng inggreso. So nung inexpand natin biglang lumaki ang ang inggreso kinikita from 4.7 billion ung yearly income nga ng STL .

Malaki ang naging pag babago at inakyat ng revenue ng STL sa pagitan ng taong 2016 at 2017. At ang buwanang ingreso ay billion na ang pinag uusapan.

GM Balutan: 3 months nung ending 2016 ay naging 6.4 na so by 2017 na kumita na ito ng 15.7 billion. Ang laki ng inangat ending 2017 so malaki pakinabang natin. First quarter pa lang sa report namin ay kumikita o nag aaverage ng revenue namin ng 2 billion monthly.

LARONG LUPA

JR Langit: Sir ano naman po ang kaibahan ng STL o Small Town Lottery kumpara sa lottery ng PCSO?

GM Balutan: Ang Small Town Lottery o ang tinatawag na STL ngayon ay nilalaro, tawag ko dyan ay “larong lupa” dahil kahit yung kababayan natin. Maliit lang na taya kahit piso na-accept. Di katulad ng lotto natin na minimum ay 20 pesos. So itong kababayan na may extra money ang tumataya. Hindi katulad sa PAGCOR, mga high roller yun malalaki pera at malalaki din ang napapatalo nila, parang way of life na nila ito since time in immemorial meron na tayong jueteng sa Pilipinas. Hindi ba nung panahon ng kastila tumama itong ating pampansang bayani na si Jose Rizal ng lottery at ito ang pinagpapatuloy pa rin natin.

JR Langit: Ano ano naman pong mga hakbang ang ginagawa ninyo para masawa ang pamamayagpag ng illegal gambling dito sa atin sa Pilipinas?

GM Balutan: That’s correct, thats the direct order from the President sa amin. “Stop illegal gambling,” basically yun ang utos sa amin. Kung hindi man totally stop, bawasan natin ang illegal gambling dito sa Pilipinas. Sabi nga niya after war on drugs, war on illegal gambling naman ang i-launch natin. That’s why siguro napunta kami dito ni George Corpuz na isa din pulis at ngayon ay si chairman pinili na galing din sa pulis so ako naman ay galing sa Armed Forces Of The Philippines.

Pinaigting namin ang ugnayan natin sa ating mga kapulisan, mga law enforcement agencies. Ang bilin niya ay paiigtingin ang laban against jueteng. Ganoon din ang coordination na ginagawa namin sa NBI at Armed Forces Of The Philippines. Sa counter intelligence at iba pang ahensya na dapat tumulong din samin katulad ng LGU. Malaking parte ang ginagawa ng ating mga mayors at mga barangay kapitan, even the governor para sa pagsugpo nitong illegal gambling kailangan dito sama sama at kaya may coordination, kasi nga ang PCSO wala siyang law enforcement authority or power hindi siya pwedeng mag isa at kailangan lang namin makipag coordinate sa mga tamang ahensiya para maipatupad ang war against illegal gambling.

TERMINATED

Samantala kamakailan lamang ay may mga authorized agents ng tangapan ng PCSO na naka cancel ang kanilang authority to play STL sa ibat ibang mga kadahilanan.

GM Balutan: Thats correct we just terminated yung Camsur, because of various violations. Yung mga kabo kubrador nila hindi naka uniporme at nagpapataya sa mga minor. Yung mga violation nila walang ID and also ang pinaka mabigat dito ay yun nga hindi sila nakakatupad magbayad sa kanilang inggreso buwan-buwan. Terminated din ang Pangasinan dati at nagterminate din yung Bohol so ganun din yung mga violation nila na hindi sila makabayad, kanilang mga workforce may mga hindi ginagawang mabuti so basically ganun yung mga violations at dini-deliberate ito ng ating STL administrators committee para makita kung ano talaga ang performance niya.

DRAW MACHINE

Kung ang Lotto ay mayroong live TV coverage ang PCSO sa kanilang official draws, alamin naman natin kung anong sistema ang gamit sa STL.

GM Balutan: ganun din po ang ating format meron kaming mga draw court sa mga probinsya or chartered city kasi hindi ka na authorized magbola na katulad nung dating ginagawa ng ating EAC’s bote lang at sa ilalim ng puno ng mangga. Ito Region bago ka mag umpisa at mag operate ng STL ay kailangan kang bumili ng iyong draw machines na katulad ng nakikita natin sa PTV4. Ini-inspect yan at tinitimbang ang mga bolang ginagamit at ang STL, may mga panel of judges na katulad ng taga PCSO, draw supervisors or managers and also represented din ng ating COA at iba pang pwedeng hatakin na maging witness dun sa draw araw-araw yan. Meron silang CCTV or local TV ano sa kanilang mga probinsya at ginagawa nilang livestreaming din. Merong ibang mga STL EAC’s na ang resulta ay ginagamit ay yung national, yung draw doon sa swertres at a pares doon sa PTV4 doon sa lotto na binobola pag alas-nuebe ng gabi.

JR Langit: Meron rin po bang mga local goverment officials na nagre-request na i-regulate ang operations ng STL sa kanilang nasasakupan, meron rin po bang mga request na ganito? Yung regulation po sa nasasakupan ng local government, yong malapit sa Simbahan, yon malapit sa eskwelahan.

GM Balutan: eh that’s correct yun po yung nakalagay sa ating IRR na bawal kang magtayo ng lotto outlet sa 100 meters from school and churches. Ang STL ay pinagbabawalan din na maglagay ng booth or a outlets na malapit sa mga eskwelahan at sa mga churches. Eto yung mga reklamo din talaga ng ating mga LGU’s at especially our congressmen. Sinasabihan nga kami nung hearings na kaya may mga findings silang ganoon, binibigyan naman natin sila ng feedback o aksyon na mabigyan ng solusyon ito.

DIRECTION

Ano naman ang target ng PCSO ngayong taong 2018, anong direction ang kanilang tinatahak?

GM Balutan: Ah unang-una we want to expand the reach of PCSO sa pag dagdag pa ng mga branches nationwide. Initially pagdating namin 50 PCSO branches lang meron, ngayon meron tayong 63 branches nationwide at ito ay nagke-cater sa ating mga pasyente na araw-araw ay pumupunta sa mga branches. Bawat branch natin ay mayroong kaakibat na mga pondo ito. Example nga dito sa Batangas 900 thousand pesos sa daily ang binibigay natin sa mga pasyente, inuubos po yan. Ganoon din sa ibang probinsya, at ito nga ay baka magdagdag pa kami ng mga anim pa from 63 magiging 69. Palalawakin din natin ang ating desk ASAP, sa mga hospital partners namin. meron kami ngayon 51 na branches partner hospital sa buong bansa at ito ay palalawakin natin para yun nga we bring closer the services of PCSO to the people especially those in far flung areas. Mindanao especially Vizayas na hindi nare-reach ng medical services ng ating gobyerno.

FASHIONABLE CURE

JR Langit: ano po yung magandang remedy upang mabura po yung sinasabing nakaka-encourage po ng culture of gambling sa mga residente?

GM Balutan: Since maliit lang naman na pera itong pinag-uusapan natin dito ang sinasabi ko nga ay ito “responsible gaming” hindi gambling. Ang gambling na natatawag ko rito ay yung malalaking casino na nagpapatalo ng sobra-sobra, kaya nga yung insidente doon sa Resort’s World. Sorry to say that may natalo na isa doon na nagwala, nasunog nga yung Resort’s World. Dito naman siguro walang magpapakamatay sa 20 pesos sa itataya nila sa small town lottery. Wala pang ganyang insidente dito sa PCSO. Pag tumaya ka, ang tinayaan mo ay para sa kawang-gawa. Ibig sabihin nakakatulong ka, di katulad ng ibang game na hindi talaga bumabalik sa tao. Ito may balik kaagad nararamdaman ng mga kapwa Pilipino ang pagtulong ng PCSO.

THE MESSAGE

JR Langit: Lastly, GM ano pong mensahe ninyo na gustong iparating sa ating televiewers?

GM Balutan: Again, parati kong ine-engganya ang mga kababayan na tangkilikin ang mga produkto ng PCSO. Ang lotto natin, kino, scratch, ang STL natin at sweepstakes para doon yung makakalap nating tamang pondo at para sa ating mga pasyente na araw-araw nag-i-increase, ano pagka kumikita kami ng medyo malaki lumalaki rin ang volume ng pasyenteng pumupunta sa amin. So yun po ang ating pangarap kasi nga gusto kong sabihin din sa inyo na wala naman tayong nakukuhang tax sa ating taong bayan kundi lang doon sa mga betting public na tumatangkilik sa ating mga produkto. At again yung ating pag laban sa illegal gambling, wag na po kayong tataya doon sa mga hindi awtorisadong outlet o kaya STL o kaya jueteng para ma-sustain natin ang laban natin sa illegal gamblings, Salamat po.

MAYOR MEYNARD SABILI OF LIPA CITY

Mayor Sabili: Ako bilang mayor ng Lipa, Batangas, i would like to take this opportunity para mapasalamatan ko ang PCSO dahil na nga kahit po kami ay highy urbanized city na in principle ay napakarami pong tulong na natatanggap ng city of Lipa sa PCSO kaya tuwang-tuwa po ako. Minarapat ko pong kunin ang micropono alam natin na dito po sa atin kaya po pinapayagan ang STL sa atin at sa buong Pilipinas ay dahil alam natin kung anong benefits at tulong ang natatanggap natin. Bagamat yon pong illegal jueteng ay nakapapasok din dito, yan po ang nakakasira sa atin. Ang nahuhuli ay mga kubrador lamang, kung i-e-enforce po natin the principle of the criminal law. Katotohanan mas malaki pa ang nakokolekta ng illegal jueteng or bukis dito, kaysa sa STL, samantalang dito sa STL nakasalalay ang maraming mga kumukuha ng benepisyo, mga cancer patients yung araw-araw na nagpupunta sa ating opisina at yong humihingi ng tulong sa PCSO, pero itong mga illegal bukis ay mas malaki ang kinikita dito sa lungsod ng Lipa. Dito po ang koleksyon ng bukis dito ay 2 milyon, Tapos yang jueteng ay 2 milyon din mahigit na wala namang pakinabang ang mga kababayan nating may malubhang sakit.

Sabi ko nga gusto ko lang ipaalam dito sa inyong lahat na dapat i-enforce natin nang husto ang batas. The law is very clear and we have sufficient laws in order to help an orderly and principled society. What we need is good implementation of the law. Thank you very much po.

Facebook Comments
Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial