The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
November 27, 2013

State Witness o Most Guilty?

gavel

Dapat nga bang maging state witness ang isang Janet Lim-Napoles?

Ilang beses na natin narinig si Senator Miriam Defensor Santiago na nagsabi na dapat ay maging state witness si Napoles dahil daw mayroong ibang mastermind sa Pork Barrel Scam.

REACTION

Kinapanayan natin si Atty. Levito Baligod, ang abogado ng whistleblower na si Benhur Luy, sa DWIZ 882khz

Hindi raw nila napag-uusapan ang bagay na ito. Hindi naman raw nila kailangan masyado ang testimony ni Napoles para mapatunayan ang mga alegasyon laban sa mga legislators na nakipagsabwatan sa kanya para manakaw ang pera ng bayan.

JURISPRUDENCE

Madalas nating naririnig na ang state witness dapat ay least guilty. Para maging isang state witness dapat ay umamin muna ito na guilty sa paratang.

ATTY. BALIGOD: Yung requirement po ng batas ay dapat hindi siya ang most guilty. Nakikita po kasi natin na si Mrs. Napoles ay isa sa most guilty. Ang nakikita ko po ay tatlo ang partido na mayroong indispensable cooperation para magawa ang pagnanakaw ng pera ng bayan.

LINKED

Sa sinasabing may mabigat na pagkakasala, una ay ang legislator, ikalawa si Ginang Napoles, at ikatlo ang implementing agencies, dahil kung wala ang isa sa mga ito ay hindi magagawa ang isang scam.

Halimbawa, sa parte ng legislator, kung hindi niya hihingin ang release ng kanyang PDAF at kung hindi niya i-de-designate sa NGO ay hindi ito matutuloy.

INDISPENSABLE COOPERATION

Kung wala rin si Ginang Napoles ay wala ring magagamit na NGO. Kung hindi makiki-cooperate ang implementing agency ay hindi maisasakatuparan yung scam.

ATTY. BALIGOD: Principal by indispensable cooperation. Ang tatlo na yan ay principal by indispensable cooperation so si Ginang Napoles ay isa sa most guilty. Pero kung may maipapakita silang ebidensya para ma-meet nila ang requirement ng batas ay hindi po kami kokontra.

MASTERMIND?

Umusbong ang usapin ng state witness nang magsalita si Senador Miriam Santiago on the basis ng napabalitang mayroong mastermind.

ATTY. BALIGOD:  Eh hindi naman po maaring si Sen. Enrile ang utak ng kabuuang P10 billion scam na iyan dahil wala naman siyang control sa PDAF ng ibang legislator.

DETERMINED

Ipinagbawal ng Ombudsman ang mga clippings na dilatory in nature. Ayaw niya na may motion for appeal for a particular or motion to dismiss.

Mukhang desidido ang Office of the Ombudsman na walang makakadelay sa proseso nila. Baka raw first quarter of next year ay matapos ang kaso.

DOUBLE PROGRAM

Samantala, habang sinusulat (November 27) ko ang column na ito ay marami na ang nag-aabang sa magiging privilege speech ni Senate Minority Floor Leader Juan Ponce Enrile.

Ang sentro ng talumpati ay may kaugnayan sa napabalitang report ng pahayagang Philippine Daily Inquirer na siya ang tinutukoy ng Ombudsman na mastermind ng Pork Barrel Scam. Ito ay pinabulaanan naman ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

At ngayon din napabalitang ipa-file sa Ombudsman ang second batch ng kaso laban sa mga legislators na may kinalaman din sa Pork Barrel Scam.

Sa mundo ng pelikula, ito ang tinatawag na kapanapanabik na Double Program.

ABANGAN!

Photo credit: Career Rocketeer

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial