The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
May 6, 2019

SAGIP OFW

“Masaklap na kapalaran ng ating OFW, dahil sa hirap na dinanas niya sa kanyang unang amo kaya’t nagkaroon sya ng Acute pancreatitis at na comatose ng labing limang (15) araw.” Isa na namang kababayan natin ang nasagip, ito ang kanyang ikalawang buhay. Kinapanayam natin si Rowena Mercadal pagkabalik niya mula sa Kuwait.

Rowena: Salamat nagpapasalamat po ako sa mga tumulong sa akin, kay SAP bong go kay sir Rey Langit, sa anak nyang si JR Langit at dun po sa mga taga embassy na tumulong para maproseso yung mga papeles ko para makauwi agad sa Pilipinas.

NARRATIVE

Ang kwento ng ating kababayang na comatose sa Kuwait, ating pakinggan. Ako si Pareng Rey Langit.

Kung paano namin nailigtas at napauwi sa bansa ang ating kababayan na nagdusa sa Kuwait, alamin. Ako naman ang inyong Kasangga JR Langit.

Ang episode nating ito ay napanood sa ating programang pang telebisyon, na “KASANGGA MO ANG LANGIT” na inyong palagiang sinusubaybayan tuwing Biyernes ng gabi ng alas diyes y medya (10:30pm) sa PTV4.

PLIGHT OF AN OFW

Sa hanay ng mga bansa sa gitnang silangan pumapangatlo ang Kuwait sa destinasyon ng ating mga Overseas Filipino Workers (OFW). Sa mga nagdaang mga taon, marami na rin tayong nabalitaan hinggil sa ating mga kababayang nasawi sa Kuwait. Subalit matapos ang isang kontrobersyal na rescue operations ng Philippine embassy sa Kuwait noong 2018, lumagda sa isang Memorandum of Agreement ang pamahalaan ng Pilipinas at Kuwait para sa proteksyon ng ating OFWs.

Sa kabila ng kasunduan, may mga kababayan pa rin tayong nakakaranas ng kalupitan sa Kuwait katulad na lamang ni Rowena Mercadal na isang domestic helper.

Rey Langit: Bali ilang taon po kayo sa Kuwait?

Rowena: 4 and a half years po.

Rey Langit: Doon sa 4 and a half years na yon, yung first employer po ninyo na sabi po samin ni Merlyn tumakas daw po kayo dahil pinahihirapan po kayo?

Rowena: Opo.

Rey Langit: Anong klasing pahirap po ito?

Rowena: Hindi po kami binibigyan ng tamang pagkaen at wala rin pong tamang pag tulog.

RUNAWAY OFW

Nagkaroon rin ng pagkakataon na pisikal syang sinaktan ng kanyang amo kaya’t nagpasya syang tumakas na lamang at mag TNT.

Rey Langit: And then nag karoon po kyo ng second employer, ano naman ang trabaho ninyo doon?

Rowena: Bale po nagtrabaho ako sa cakes and pastries. Okay naman po yun company na tumatanggap sa akin, tumatangap po sila ng mga katulad naming tumatakas sa mga sponsor at tinutulungan po nilang maka makapag trabaho.

Duda ni Rowena, dahil sa hirap na dinanas niya sa kanyang unang amo kaya’t nagkaroon sya ng acute pancreatitis at na comatose ng labing limang araw.

15 DAYS COMATOSE

Rey Langit: Doon sa 15 days na yan talagang tuloy tuloy po ng hindi kayo dumilat o nagising ng kahit na few minutes man lang sa loob ng 15 days?

Rowena: Hindi po ako nagising, pinasok po ako ng hospital ng February 21. Nagising po ako ay March na

Rey Langit: Kaya nga po ang relatives po ninyo ay nakipag ugnayan sa amin, not to mention yung cousin po ninyo na si Merlyn ay tumawag po sakin ng personal at nabanggit nga po niya yung naging kalagayan po ninyo dito po sa Kuwait and through enough sa effort po ng kasangga mo ang langit sa pamamagitan po ng aking anak na si JR Langit, nakipag ugnayan po kay SAP bong go, malaki po ang naitulong para po sa inyong hospitalization at yung repatration ninyo pabalik dito sa Pilipinas.

Rowena: Opo.

BRIDGING THE GAP BETWEEN OFW ABROAD AND FAMILIES

JR Langit: “Ilang dekada na ring tumutulong sa ating mga kababayan sa ibayong dagat ang ating kasanggang si Rey Langit sa pamamagitan ng ating mga programa. Nagsimula pa noong 70’s ang lahat ng ito, sa panahon ng kanyang programang To Saudi With Love. Kaya naman ng dumulog sa atin ang pinsan ng kababayan natin na na-comatose sa Kuwait, naging maagap ang ating pagtugon.”

Katulong si SAP Bong Go, nakipag ugnayan agad ang Kasangga sa mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait upang maiuwi na si Rowena Mercadal na labing limang araw ring na comatose sa ospital sa Kuwait.

Nakapanayam ni JR Langit si Merlyn ang Pinsan ni Rowena.

Merlyn: Tumawag sakin yung pamangkin niya na nag aayos ng mga pangangailangan niya, na nangangailangan nga ng tulong si ate wena so ako naman iniisip ko agad si Mr. Rey Langit para huminga ng ayuda dun sa pangangailangan nung pinsan ko. So agad kong tinext si Mr. Rey Langit at kaagad agad namang may reply at kinuha niya sakin yung complete information ng pinsan ko and then pagkatapos nun, tumawag ka agad yung secretary ni senator bong go sa embahada ng Kuwait.

JR Langit: Nung mga panahon na yon ano raw yung findings kay ms Rowena, ano raw yung kanyang karamdaman?

MEDICAL FINDINGS

Merlyn: Nung una kasi comatose siya kasi nagkaroon ng impeksyon yung matres so kinailangan siyang operahan. Mga ilang araw din siyang nacomatose so yung mga kamag anak nung at kapatid nung pinsan ko so, aligaga na sila kung pano nila matutulungan kasi wala silang kahit anong kamag anak dun sa Kuwait, ang tumutulong lang yung kaibigan niya na may trabaho din as ofw.

Hindi lamang ang problema sa papeles ni Rowena ang naayos, sinagot rin ni SAP Bong GO pati ang gastos sa ospital upang makauwi na sa bansa si Rowena.

Merlyn: dun sa pagkakataong yun na inform ako nung pamangkin ng pinsan ko na mga hospital bills at tsaka yung mga documents kase medyo hindi siya documented as ofw and then yung mga gastusin niya pauwi dito sa Pilipinas.

HOSPITAL BILL

JR Langit: Nabalitaan ko na aabot, halos isang milyon ang nagastos sa hospitan bill?

Merlyn: opo malaki at tsaka yung pagpapauwi na rin sobrang malaking tulong po sa pamilya ng pinsan ko.

JR Langit: at parang pangalawang buhay narin ito na nagising pa siya sa pag kacoma.

Merlyn: opo, at sobrang hirap nung dinanas niya yung wala siyang malapitan na kahit anong kamag anak para merong magbantay sakanya sa hospital.

UNDOCUMENTED

Ayon sa pinsan ni Rowena, naway maging leksyon ang nangyari sa kanyang pinsan sa iba pang gustong magtrabaho sa abroad pero walang tamang mga dokumento.

Merlyn: Unang una nagpapasalamat po kami sa kay Lord sa strength sa lahat at syempre kay Mr. Rey Langit sa agarang pag tugon sa pangangailangan po ng pinsan ko at kay senator bong go na agad agad po kaagad na nagbigay aksyon at tumawag po agad sa embahada ng Kuwait para sa pinsan ko. Madagdag ko na rin kung mangingibang bayan kayo siguraduhin ninyong may proper documents kayo at para kung magkaroon nang problema kayo mas madali po naten mailapit sa embahada and then siguro po dasal po talaga.

Sa ngayon ay nakauwi na sa Pilipinas si Rowena sa tulong na rin ng Kasangga team at ni SAP Bong Go. At ayon sa kanya, wala na syang plano pang magtrabahong muli sa ibayong dagat.

STAGE OF RECOVERY

Rey Langit: Ngayon po ba ay mayroon na kayong iniinom na gamot para maka recover po kayo completely?

Rowena: Meron po, bali nag pacheck na po, general check up na po ako dito sa Pilipinas para malaman ko po kung okay na po yung operations ko. Sabi po ng doctor e mayroon pa po akong mga maintenance na gamot.

Rey Langit: Alam kong labis-labis ang naging pag aalala ng inyong mahal sa buhay laluna ng kayo ay ma-comatose.

Rowena: Opo, nag alala sila ng gusto at gusto nilang makarating don sa akin at ang nanay at tatay ko po hindi po nila pinaalam kasi matanda na sila ayaw nilang magkaroon ng iisipin so yung mga kapatid ko nalang po ang nag hangad na lumapit sainyo para po mapadali ang proseso sa pag papauwi ko daw sa Pilipinas.

Mahalagang mensahe para sa katulad ni Rowena na OFW. At sa mga nagbabalak na magtungo sa ibayong dagat upang makipag sapalaran.

Rowena: dun po sa mga katulad ko na ofw na pag nasa ibang bansa kailangan po nating maging matapang, matatag at wag pong kakalimutan na tumawag po sa Panginoon.

SUMMATION

Ang mabilis na pagkilos ng Kasangga team at ni SAP Bong Go ay malaking bagay upang masagip ang ating kababayan sa Kuwait.

Tinuturing kong isang malaking accomplishment para sa inyong lingkod sa tuwing mayroon tayong natutulungang OFW.

Rowena: “Salamat, nagpapasalamat po ako kina SAP bong go, kay sir Rey Langit, sa anak nyang si JR Langit at dun po sa mga taga embassy na tumulong para mabilis na maproseso yung mga papeles ko para makauwi sa Pilipinas.”

Tinitiyak po sa inyo ng Kasangga na magpapatuloy ang ating adbokasiya na tumulong sa mga bagong bayani ng ating bayan.

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial