The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
August 20, 2014

Politics is The Art of Looking for Trouble

SEARCHING FOR TRUTH

REY: Ang Senate po ba ay mayroon ding imbitasyon kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno?

SEN. DRILON: Wala po kaming imbitasyon at wala po kaming resolution na siyang mag-imbestiga. Ngunit hindi po ibig sabihin na hindi po magtatanong ang Senado lalo na po pagdating ng budget hearing. Isa po ito sa aming tatanungin dahil ito po ay kasama sa ating sources of funds ng buong pamahalaan, ngunit ito po’y nagagamit by provision of law doon sa judicial branch. Uulitin ko, ang JDF po ay isang source of public funds, at sa atin pong pagba-budget ay ating tinitignan kung ano ang kabuuan ng koleksyon ng ating pamahalaan at ano ang kabuuang gastusin ng pamahalaan.

INEVITABLE

REY: Hindi po talaga maiiwasang pag-usapan ang Judicial Development Fund o JDF.

SEN. DRILON: Inevitable. Hindi po maiwasan. Hindi po namin iiwasan na pagdating ng budget hearing ay amin pong tatanungin kung magkano ang koleksiyon sa JDF: magkano po ang nagastos, magkano ang nabibigay na mga bonuses, magkano ang nagastos sa mga equipment. Iyan po ay kasama sa ating budget hearing.

TO SPEND OR NOT TO SPEND

Marami ang naniniwala na gusto rin nating malaman kung lehitimo ba o hindi ang pagkakagamit ng JDF.

Sa pinaliliwanag ni Senate Pres. Drilon, yung batas na nagbubuo ng JDF ay klaro naman kung saan gagastusin: kung sa allowances, sa maintenance, operating expenses, o sa capital equipment. Necessarily, may batayan ang kanilang gastusin. Dapat limitado dito at naka-enumerate sa batas. At kung lagpas doon ay hindi na sang-ayon sa JDF Law.

drilon

ETIQUETTE, COURTESY & GOOD MANNERS

REY: Ang hindi po pagsipot ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa imbitasyon ng kamara, ito po ba’y indikasyon na maari ring hindi dumating sa Senado?

SEN. DRILON: Sa aking paningin naman, Rey, ang kailangan malaman kung ano talaga ang buod nitong JDF, kung saan nagastos, magkano ang nalikom, at immaterial kung sino ang haharap. Sa akin po, hindi material kung sino ang haharap, at kung basta mailabas yung record, hindi po kailangan ang Chief Justice. We extend to her the courtesy of being the head of a branch, in the same manner na ang pangulo ng Senado ay hindi po tatawagin sa Korte Suprema.

PREVENTIVE SUSPENSION

REY: Madako naman tayo, Mr. President, sa pagpapalabas po ng suspension order ng Senate sa tatlo pong senators na nasasakdal.

SEN. DRILON:  Iyan po ay hindi suspension ng Senado, kung hindi suspension na inilabas ng Sandiganbayan. Iyang preventive suspension po ay sang-ayon sa Anti-Graft Law at tsaka sa Plunder Law, kung saan kapag nasampahan ng kaso sa Sandigangbayan ang isang public official, elective man o appointee, tungkulin ng Sandiganbayan na mag-issue ng preventive suspension. Iyan po ay inilalabas at sang-ayon sa Anti-Graft Law atsaka sa Plunder Law para po hindi magamit ng akusado ang kanyang kapangyarihan para i-influence yung resulta ng imbestigasyon.

Sa kabilang dako, ang suspension po na pinapataw ng Senado, at sang-ayon sa Saligang Batas, ay isang penalty. Ibig sabihin, iyan na po ang parusa at hindi po preventive suspension. Ang penalty of suspension sa ating Saligang Batas na pwedeng ipataw ng Senado ay hanggang 60 days lamang. Mas mahaba po yung preventive suspension na nakasaad po sa ating Anti-Graft Law.

So magkaiba po iyan at ito po’y ipinaliwanag ng Korte Suprema sa isang kaso kung saan s iba po yung power of the Senate to discipline its members, at iba rin yung kapangyarihan ng husgado ng Sandiganbayan to impose a preventive suspension. Magkaiba po iyon.

EXECUTORY AFTER 15 DAYS

REY: So, bale, implementation lamang ngayon ang Senado. Kailan po magaganap ito, Mr. Senate President?

SEN. DRILON:  Tama po iyan. Ang sa Senado, i-implement natin yung order of preventive suspension ng Sandiganbayan. Atin pong i-implement ‘yan ‘pag nagiging executory na dahilan po mayroon pang palugid na 15 araw kung saan pwedeng mag-file ng Motion for Reconsideration. Kapag na-resolve na po ang Motion for Reconsideration, doon puwede nang lumabas ang preventive suspension. Kung hindi mag-file ng Motion for Reconsideration ang mga senador na nakakulong, iyan po ay ating i-implement.

Si Senator Jinggoy po ay nag-file na ng Motion for Reconsideration. Si Sen. Enrile, sumulat na sa atin at sinabing magfa-file ng Motion for Reconsideration, si Sen. Bong Revilla, wala pa po kaming naririnig, at kaya po hindi pa po namin ini-implement ang Sandiganbayan order dahil sang-ayon din sa utos ng Sandiganbayan. Hihintayin muna ang pag-file ng motion for reconsideration within 15 days doon sa panig nila Enrile, Estrada at Bong Revilla.

POLITICS AND POLITICAL

Natanong din namin si Senator Franklin Drilon ang tungkol sa pulitika. Kung ano ang posibilidad na suportahan ng Pangulong Noy si Vice President Jejomar Binay sa darating na 2016 Presidential Elections.

Hindi raw nila napag-uusapan ang tungkol dito. Ang ginagawa raw nila ngayon ay sinisikap yung mga trabaho, reporma, na sinusulong ng Aquino Administration ay talagang ma-implement o ma-emplace bago po matapos ang kanyang termino at wala raw
silang napapag-usapan kung sino ang i-e-endorse para sa 2016.

TAMA O MALI

REY: Ibang tema naman po tayo, itoy may kaugnayan sa Bangsamoro Basic Law, you were quoted as saying hindi puwedeng ma-i-commit ang passage po ng law within the year. Tama po ba ‘yon, Mr. President?

SEN. DRILON: Mali, mali, ang sabi ko, kasi ang hinihiling noon, na kung dapat maipasa bago po matapos ang taon. Hanggang ngayon, wala pa po kaming natatanggap na  draft ng proposed law. Kaya sabi ko, hindi namin kayang tapusin o ipilit tapusin, o baka hindi namin kayang tapusin, baka hindi pwede hanggang katapusan ng taon, baka po by the first quarter of next year, puwede po namin, kung may panahon pa. May panahon pa naman para lang ma-ratify, bago po matapos ang 2015. Magkaroon ng halalan sa 2016 and the new government sa Autonomous Region of Muslim Mindanao will be in place by July 1, 2016.

SHORT PATIENCE

REY: Doon po sa aming last na pakikipanayam kay MILF Vice Chair Ghadzali Jaafar, yung tono po ng pagsasalita niya, Mr. President eh masyadong inip-na-inip na po sila, at masyadong umiikli na po yata ang patience nila.

SEN. DRILON: Alam niyo po, hindi lang naman ang MILF ang involved dito. Ang buong sambayanan ang involved dito, ang ating Saligang Batas involved dito, kailangan mag-ingat po tayo dahil kapag tayo’y nagkamali ay babalik tayo sa square one. Kailangan po maayos ang ating Basic Law, hindi lalabag sa ating Saligang Batas. Otherwise, instead of a uniting factor, the basic law will be a divisive issue.

POLITICS BEGETS POLITICS 

Sa pinakahuling pahayag ng Pangulong Noy sa kanyang pagbisita sa Cagayan, may patutchada siya. Tuwing bubuksan daw niya ang pahayagan ay halatang-halata ang pangangampanya ng ilan para sa 2016. Malayo pa raw ito. Dapat ay pagtuunan muna ng attention ang maraming problema ng bayan. Kahit na raw saan o kanino ka pang panig.

Sa paliwanag naman ni Senate President Franklin Drilon, si Pangulong Noynoy bilang chairman ng Partido Liberal, siya rin ay member ng Executive Committee. Kapag nagpahiwatig daw sa Executive Committee ng Partido, kung ano man ang kanyang magiging desisyon para sa 2016, iyan rin daw ang kanilang bibigyan ng 99.9 percent support.

QUOTABLE QUOTES

“Ninety percent of the politicians give the other ten percent a bad reputation.” —Henry A. Kissinger

“Politics is the art of looking for trouble, finding it everywhere, diagnosing it incorrectly and applying the wrong remedies.”  ― Groucho Marx

 

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial