The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
January 27, 2019

PINOY POLITICS

Nitong nakalipas na linggo (Jan 22,) aming naging guests sina Congressman Lito Atienza ng Buhay PartyList, Sr. Deputy Minority Leader ng Committee on Rules ng House of Representatives. At si Atty. Romulo Macalintal ang tinaguriang Veteran Election Lawyer.

Sa maikli at mabilisang paraan akin munang kinuha sa kanila ang kanilang pananaw sa iba’t ibang mga usapin o issues na napapanahon at malimit na pinag uusapan.

LAYING THE PREDICATE

“Laying the predicate” so to speak, bago namin tinalakay ang mga issue na malalapit sa kanilang puso sa interview proper ng “INSIDER EXCLUSIVE” na napapakinggan tuwing Martes ng alas nueve (9am) ng umaga sa DzRJ 810khz, at simulcast sa RJ TV.
Napapanood rin tuwing Miyerkoles prime time sa PTV4 ng alas otcho (8pm) ng gabi.

Tinalakay muna namin ang iba’t ibang mga issues – Sa usaping West Philippine SEA ayon kay Cong. Atienza “dapat lamang na idepensa ito at all cause.”
Sinegundahan ni Atty. Mac – . “Nanalo na tayo riyan sa West Philippine SEA huwag natin sayangin ito.”

Kaugnay ng BangsaMoro Organic Law, ayon kay Cong Lito “kung ito ay makabibigay ng benepisyo ituloy – . at kung mag dudulot ng perwisyo, itigil.”

NO TO SAME SEX MARRIAGE!

Sa usaping “Same Sex Marriage” pareho silang hindi sangayon. Sa naging pahayag ni Atty. Mac “Ang Babae ay para sa Lalake at ang Lalaki ay para sa Babae lamang.”

Ayon kay Cong Atienza sa Job Contractualization dapat hinay hinay lang, pasasaan ba at matatapos din yan.

Kaugnay ng usaping Data bleach ayon kay Atty. Mac, hindi pa alam kung totoong data bleach nga itong nangyaring Passport issue. Dagdag pa ni Cong Lito dapat nag iingat din tyo sa Social media, hindi lahat makabagong Technology ay nakabubuti.

ROAD DIET FAILING GRADE

Ayon kay Cong. Atienza sa deployment ng ating working force sa ibang Bansa, malaking tulong ito sa pagsagip sa ating ekonomiya ng Bansa. Dahil kung wala sila maaring nag-collapse na ating economy.

Atty. Macalintal at Cong. Atienza ay parehong hindi sang ayon sa pag papataw ng Taxes sa langis, na nagiging sanhi ng patuloy na Oil Prices – kontrang kontra kontra sa patong patong na buwis sa Oil products.

Ayon pa Atty. Mac hindi pa sapat ang kaalaman ng mga mamamayan, hindi pa raw nila naiintindihan ang federalism. At hindi rin sangayon si Cong Lito sa FEDERALISM.

Sa tinawag na ROAD DIET, kung saan balak na liitan pa ang dinadaanang linya ng mga behikulo sa EDSA. Ang sagot ni Cong Lito, “good idea, pero siguradong hindi magwo work ito. Dahil masikip na ang daan sa EDSA patuloy pa rin ang pag dami ng sasakyan.”
Ang paliwanag naman ni Atty. Macalintal, parang hindi pinag aralan. Ang kanyang pinapanukala rito ay 4-day work week.

WATER CONSESSIONAIRES AUDIT

Nang aking buksan ang tema nang rehabilitation sa Manila Bay, mariin ang reaction ni Congressman Atienza na epa-audit ang concessionaires na Maynilad at Manila Water sa paniningil nila sa mga Consumers ng kanilang pagamit ng STP-sewerage treatment plants na hindi maliwanag kung totoong sila ay gumagamit nito.

Nang tanungin ko kung payag silang ang pondo ng Road Board ay itulong sa Rehabilitation ng Manila Bay, ang mabilis na sagot ni Atty. Mac bka sila ma-demanda ng Technical Malversation sa pagamit nang pondo ng Road users Tax na hindi laan para sa rehabilitation ng Manila Bay.

CRAZY, CRAZY !!

Nang aking tanungin ang dalawa kung ano ang kanilang pananaw sa AGE criminal liability.

Ayon kay Atty. Mac malaki ang responsibilidad ng mga magulang ng mga bata – . kadalasan anak mahirap ang nabibiktima, ang mga mayayaman ay walang problema dito.

Mabilis na reaction ni Cong. Lito ay CRAZY, CRAZY ang sagot niya. Sa kakulangan ng salitang magamit Crazy raw ang kanyang naisip. Wala raw sa katinuan na pagbintangan ang musmos na siyam (9yrs old) na taong gulang na sabihing criminal. Lalu pa raw matototo ng kasamaan ang bata sa loob ng piitan at talagang magiging criminal na ito pag labas niya sa bilanguan. Lalabanan daw niya ito sa floor ng Kongreso.

Sa usapin ng Hanjin ang Korean Company na gumagawa ng Barko sa Subic hindi raw tama na gastusan pa ng Gobierno ang nalugi nang negosyong ito.
Kung mayroon mang pondo ay ibigay na lamang sa maliliit na negosyo upang tulungang mapalago.

Sagot naman ni Atty. Mac hindi na dapat pang pagkagastusan at pasukin ng Gobierno dahil hindi naman magaling ang Gobierno sa
sa negosyo.

Sa issue ng Excise Tax, sagot ni Atty. Mac – . Not on gasoline – itigil na muna.

NO TO MANILA BAY RECLAMATION

Aking binuksan ang tema ng Reclamation sa Manila Bay. Kung saan binabalak na gawing Manila Solar City ang may 148 hectares o 3.5 kilometers na shoreline ng Manila Bay ayon sa pinasok na MOA ng Manila Government.

Cong Lito: Dapat labanan ito, huwag ituloy dahil ang pribadong kumpanya lamang ang makikinabang dito.

Hindi rin sang ayon si Atty. Macalintal sa idea ng reclamation ng Manila Bay.
Kalikasan na naman dito ang isa sakripisyo.

Sa issue ng Climate Change ayon Atty. Mac, dapat daw na magtanim ng Punong kahoy ang lahat ng graduating students.

Ayon naman kay Cong Lito marami na raw na pag aaral ang nagawa kaugnay ng Climate Change kaya dapat lamang itong pag andaan. Ngayon pa lamang ay namamalas na ang taas ng level ng alon sa karagatan. Ang bodies of Water ay umaabot na nang 20feet. Malaking pinsala ang dulot nito kung hindi pinag aandaan tulad na lamang ng Bayong Usman na marami ang nabigla at malaking pinsala sa buhay at ari-arian ang nagawa.

Sangayon sa National ID System ang dalawang guests natin sa Insider Exclusive makatutulong raw ito sa bawat mamayang Filipino at laluna sa mga Senior Citizen.

SINGING VETERAN ELECTION LAWYER

Sa temang SWS survey. Hindi sila bilib dito. Kung mahigit sa limampung Milliong register voters, at ang pagbabatayan lamang ay 1,200 individuals ang tatanungin kung sino ang kanilang iboboto.

Samantala, pinakanta ko kay Atty. Macalintal ang lyrics na kanyang kinompose – . sa tune ng awitin ni Florante:

“Tatanda at lilipas din ako ngunit may mga batas na gagawin para sa inyo sa Senado.”

Nag flash back din ang usapan sa nangyaring Plaza Miranda bombming taong 1971. Ako’y isang batang reporter ng ABS-CBN noon, kami ang unang batch ng Radyo Patrol Reporters nang mag cover ako sa Plaza Miranda bombming. Ito ang unang pasok ni Cong. Lito Atienza sa pulitika at isa siya sa mga sourvivors sa malagim na bombing na yon sa pag sabog ng dalawang granada. Marami ang namatay at mga sugatan, dito nabulag ang isang mata ni Senador Jovy Salonga, ang pagkakaputol ng isang paa ni Manila Mayor Bagatsing at pag kakatangal ng sakong o heel sa paa ni Senator Eddie Elarde.

INTERESTING ANECDOTE

Naibida ni Cong Atienza nang mag tungo siya sa aming himpilan ng Radyo, ako noon ang Station Manager ng DZRH. Dito ako pinilit ni Cong Lito Atienza na kunin niya bilang running mate sa Maynila. Napag alaman niyang ako ay pinanganak at lumaki sa Manuguit, Tondo Manila.
Mahabang panahon ang kanyang ginugol upang ako ay kanyang kumbinsihin na maging kanyang Vice Mayor sa Maynila.

Cong Lito: “De kung hindi mo ako tinanggihan noon, ikaw na sana ang Mayor ngayon at hindi na sana nasira ang kalagayan ng Maynila.”

Ganoon na lamang ang halakhak ng inyong lingkod – at nasabi ko tuloy na:

“ Hindi ko man kayo napagbigyan noon, ito naman ay aking na-treasure. At the back of my mind ay laging ala-ala ang sinsero ninyong paanyaya na pasukin ko ang Pulitika at mag lingkod sa Maynila.”

Samantala noong abogado pa si Atty. Mac ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, inalok siya nito ng iba’t ibang posisyon sa gobierno, tulad ng Secretary ng DOJ, Solicitor General, Comelec Chairman at Chairman ng PNOC.

Tinanggihan niya ito – . at sabi pa niya:
“Mahal na Pangulo, paano ko tatangapin yan ni ang ibig sabihin nang PNOC ay hindi ko po nga alam eh.”

Napaganda sana ang naging katatayuan ng Philippine National Oil Company (PNOC) kung hindi ito tinangihan ni Atty. Romy Macalintal.

SUMMATION

Marahil totoo nga ang kasabihan na ang pagpasok sa politika ay isang “Calling at Destiny.” Kung hindi pa napapanahon ay hindi ka pa makapag sisilbi sa sambayanang Filipino. Sa takbo ng Pulitika sa Filipinas kadalasan ang mga maykakayahan at angking dunong na maaaring pakinabangan ng sambayanan ang hindi nabibigyan ng chansa o espasyo na manungkulan.

Ang isang malungkot na realidad, ang kadalasang paulit-ulit na nabibigyan ng chansang mag lingkod ay mga taong pansarili ang pinag lilingkuran. Kadalasan kanilang Bulsa ang pinagyayaman, buhat sa kaban ng Bayan.

Sa Philippine Politics kinakailangan ay may malaki kang puhunan, million Million na halaga nang salaping gagastusin, at kapag ikaw na ang naupo, babawiin mo ito upang maging Billion.

Kung kailan magmamature ang ating mga botante at kung kailan sila puweding tumanggi sa Pera, walang makapag sasabi – .

Sa ngayon patuloy pa rin ang sigaw ng mga Kandidato na salat sa puhunang ppera.

“Pera ibulsa, iboto ang korsonada!”

Facebook Comments
Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial