The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
April 7, 2019

PIGEON RACING

Nasasaad sa bibliya kung paanong ginamit ni Noah ang kalapati para tignan kung humupa na ang baha nuong panahon ng delubyo na mababasa sa Genesis Chapter 8 verses 8 to 12 ng ating bibliya. Nuong panahon ng world war one at two, mga kalapati rin ang tagadala ng mga mensahe ng mga sundalo sa pamamagitan ng kapsulang isinasabit sa kanilang leeg. Dito naman sa Pilipinas, at sa makabagong panahon ngayon, meron tinatawag na pulling or funmatch kung saan ang mga premyo ay mga motorbike o flat screen TV. Para sa iba ito’y ginagawa nilang hanapbuhay. Ito ang karerang pang himpapawid.

Ang episode nating “PIGEON RACING” ay napanood sa ating Programang pang telebisyon, na “KASANGGA MO ANG LANGIT” na inyong palagiang sinusubaybayan tuwing Biyernes ng gabi ng alas diyes y medya (10:30pm) sa PTV4.

PIGEON RACING SPORT

Ang pag aalaga ng kalapati, hindi lang mainam na hobby….pwede rin itong pagkakitaan. Hindi maihahambing sa mga Kalapating mababa o mataas ang lipad. Ito ang uri nang kalapating malayo ang lipad.

Kaugnay ng kinagigiliwang sport na pigeon racing kinapanayam ng Kasangga Team si Allen U. Lee, Logistic Supervisor / Pigeon O.I.C Bioresearcher

Mr. Allen: Marami pong nahihilig sa racing pigeons sa ngayon dahil po as a racer, isang accomplishment or achievement sa kanila kung nananalo sa karera ang kanilang kalapati. Pangalawa, ito po ay may prize. Ating alamin ang ibat ibang uri ng kalapati na isinasabak sa pigeon racing.

HOBBY

Ngayon, isang magandang hobby na sa ibat ibang panig ng mundo ang pag aalaga ng kalapati para gamiting pangarera.

JR Langit: Sino-sino po yung madalas niyong customer dito?

Mr. Allen: Marami na po kaming customers, almost all over the Philippines ang kumukuha ng mga kalapati namin. May mga kilala na rin po na mga pigeon clubs dito sa atin na mga customers din po namin yung mga members. Katulad po ng PHA, MMFC, ng PPBC at iba pa pong mga pigeon clubs. Ang customers po namin sa racing pigeon halos sakop na po ang buong Pilipinas. Mayroong limampung (50) linyada ng mga kalapati. At ang bawat isa ay mayroong kanya kanyang katangian at kakayahan sa paglipad.

JR Langit: Ano po ang pinaka mabentang linyada ng kalapati?

Mr. Allen: Ang mga linyada po ng kalapati na marami ang kumkuha sa amin at maganda na po ang mga resulta sa karera dito sa Pilipinas, unang una po ay yung staff van reet the end line. Dahil ito po ay pang sprint o pang mga short distance na mga race. Sa international po, 54 times grand champion na po ang staff van reet the end line. Pangalawa po ang bekaert line. Ito naman po ang pang tawid dagat. Dahil dito po sa atin sa Pilipinas, sa south race marami pong kalapati ang nawawala dahil karaniwan po sa karera na yun is tawid dagat. Pangatlo po is Paul Sion. Pang speed din po yan, ang short hanggang middle. Susunod po ay yung victor fabry. Long distance at all weather naman po. At ang Jan Aardens po.

BREEDS AND TYPE OF PIGEON

Limampung (50) taon na sa pet industry ang Petshop industry at pinasok na rin nila ang pag breed ng mga kalapati na mainam sa pigeon racing.

JR Langit: Ano po yung tinatawag na pure line breeding?

Mr. Allen: Ang pure line breeding po na tinatawag ay isang linyada po ng kalapati na patuloy pong binibreed. Ang ikinaganda po ng pureline breeding, name-maintain na po yung mga magagandang kalidad o characteristic ng kalapati and at the same time, nae-eliminate po ang mga hindi magandang charasteristics po ng kalapati. Ang ginagamit po na teorya dyan ay ang Charles Darwin Theory of Evolution kung saan ito po yung origin of species, natural selection, and survival of the fittest at yung at Mendel’s Law of Heredity.
Maliban sa pureline breeding, marami pang paraan upang makalikha ng mga kalapati na tutugma sa karakter na mainam para sa pigeon racing.

JR Langit: So pwede pong ipagpartner ang victor fabry at ang staff van para makuha ang characteristics na gusto mo?

HYBRID BREEDING

Mr. Allen: Pwede po, ang karaniwan, ito po ang tinatawag na hybrid breeding. Na ang lumalabas na po is heterosis. Yun po ay hybrid vigor na bigger po yung mga anak. Halimbawa po ang staff van reet, kilala po yan as speed bird. Normally, hybrid o kino-cross breed po ito sa water house baekart. Dahil ang baekart naman po kilala ito na tumatawid ng dagat.

JR Langit: Pwede rin po bang kapatid sa kapatid?

Mr. Allen: Pwede po. Pag pureline breeding po ang ginagamit, pwede pong ipagpares ulit yung anak sa tatay at apo sa lolo.

CROSS BREED

JR Langit: Ano naman yung cross breed na tinatawag?

Mr. Allen: Ang cross breed naman na tinatawag o yung ginagawa sa America is yung hybrid crossing kung saan pinagko-cross po ang pureline sa pureline. Kung saan kinukuha po ang mga magagandang quality ng kanya-kanyang linyada po ng kalapati. Pag nagtuloy tuloy po ang cross breeding, lumalabas din po na dekalidad ang mga kalapati. Yun na po yung tinatawag na heterosis. Kung saan dahil sa pagko-cross niyo ng kalapati, lumalabas na rin po yung magandang kalidad ng kalapati. Maraming mga maling paniniwala sa pag bri breed ng mga kalapati. Walang katiyakan na magreresulta sa magandang breed kung ang isang kampeon na kalapati ay ipa-partner sa isa pang kampeon Ang ginawa po nilang example ay si Manny Pacquaio, na kung gusto mong bilhin si Manny Pacquaio, hindi si Manny Pacquaio po ang inyong bibilhin. Kung hindi yung tatay ni Manny Pacquaio at si Mommy Dionisia. Dahil si Mommy Dionisia at yung tatay ni Pacquaio, palagi pong maglalabas ‘yan ng Manny Pacquaio. Pero kahit chopsuey naman, nanalo rin. Kaya nga lang kapag ibi-breed mo na, di mo na alam kung saan galing yung trait ng kalapati. For example, kapag nanalo siya sa speed race, kung chopsuey yan o mixed breed na tinatawag, di mo na madi-detect kung saang line ng kalapati nanggaling yung speed nya. Unlike kung pureline ang gagamitin, alam mo agad. For example, ang staff van reet. Kilala na yan as speed bird. So ang mga anak nyan, ang quality is for speed. Pwede kang mag-breed ng pureline to pureline para nami-maintain na po yung mga characteristics ng linyada po ng kalapati.

FLYING TIPPLER

Ang mga pangunahing dapat malaman ng mga gusting mag alaga ng kalapati. Dapat kumuha sila ng mga pureline na kalapati. Ang pinaka magandang eksplanasyon dito ay ang ferrari at si Schumacher. Dapat magandang sasakyan at magaling na driver para maganda ang kakalabasan ng karera.
Ayon sa Bioresearch, mayroong isang klase ng kalapati na syang nagsisilbing trainer ng kapwa nya kalapati.
JR Langit: Ano naman po yung flying tippler at bakit po ito ginagamit sa ibang bansa as trainer po para sa mga young pigeons?

Mr. Allen: Ang flying tippler po ay ginagamit as trainer ng mga young pigeons sapagkat ang tippler po kaya pong lumipad up to 10, 000 ft high. As long as 22 hrs, nonstop.. Dahil pag sumabay po ang young racing pigeons sa taas, number 1 madi-develop po ang kanyang lung power for endurance. Lalo na po ang mga long distance races. Pangalawa, nade-develop din po ang kanilang eyesight. At higit sa lahat, pwede po itong gawing foster parents o yaya sa mga squabs o racing pigeon. Kaya niyang mag-alaga hanggang tatlong racing squab.

RACING TAWID DAGAT

May iba’t-ibang klase rin ng pigeon racing pero ang pinakamahirap….ang tinatawag na tawid dagat.
Sinasanay rin ang mga kalapati sa paraan na matututo itong umuwi sa kanyang bahay.

Mr. Allen: Kasi normally, yung typical na pigeon loft, yung trap door na tinatawag nila ganito lang. Yung iba kasi diba ito na yung trap door? Ito tinuro sa amin ng mga foreign partners namin na you should put a ladder. Dahil sa training o mga races, pag umulan, mababasa yung mga kalapati. Pag young birds, hindi pa nila kayang lumipad. Normally nakakain nalang ng pusa or nananakaw. Ito yung tinuro sa amin ng foreign suppliers namin. You should put a ladder para marunong siyang umakyat pauwi sa kanyang bahay. Ang process niya, ito young bird, one week tinitape po natin yung kanilang 7 na fly feather tapos may date po yan. Normally 1week na naka-tape kaya July 29 siya na-tape at matatapos ng August 5. Ang pagti-train, hahawakan ang kalapati na ganito then you will train na magbicycle walk muna sa ladder then pag natuto yan, uuwi siya sa bahay niya.

Sa pagsali sa pigeon racing, hindi sapat na magaling ang kalapati, kailangan magaling rin humahawak rito.

KISS AND MAKE A WISH

JR Langit: Ganito ang tamang paghawak ng kalapati. Dapat nakaipit pala sa paa. Pag nabitawan, hindi siya makakalipad pa rin.

Mr. Allen: Make a wish, kiss the tippler then release.

JR Langit: Hindi mo kailangang ibato, bibitawan lang tapos kusa siyang lilipad.

Mr. Allen: Ito po yung basic na tinuturo namin sa mga beginners., ang ikinaganda po ng pureline breeding. Ang best example nga po is Ferrari at si Michael Schumacher. Pag ang Ferrari pinagamit po natin sa mga kaskaserong jeepney driver, wala pong tsansang manalo sa karera. Pag si Shumacher naman po ay pinagamit natin ng dekalidad na sasakyan ay wala rin pong pag asang manalo sa karera. Dapat po good machine plus good driver equals winning.

SIX DIGITS

Magkakaiba rin ang presyo ng mga kalapati pero ang pinakamahal ay puedeng abutin ng six digits.

JR Langit: Ilan ang life span ng mga pigeons?

Mr. Allen: Ang average, 10yrs. Kapag tumatanda ang kalapati lumalaki ang nose niya.

Mr. Allen: Ito JR ang pinakamahal na kalapati na andito ngayon sa bioresearch. Etienne Debruxelle line ito, armstrong line. Na 6 figures po ang presyo niya. At based na rin po kay Mr. Debruxelle, only 3 available birds in the whole world. One in his loft in Europe or in Belgium. One in China and one is here in the Philippines.

Ang quality ng pigeon na ito na gustong gusto ng mga pigeon racer ay yung kanyang voyance. Malaki siya pero magaan. Second yung kanyang breast bone saradong sarado raw. And yung kanyang wings. Kasi yung ibang mga racer, Hinahanap yung kanilang tinatawag na butter shape yung parang pampahid ng mantikilya. Kapag ginawa natin ito ng tama…malilibang na tayo ay puede pa tayong kumita.

SUMMATION

Hindi simpleng libangan lamang ang pag aalaga ng kalapati. Hindi basta isinasabak sa karera ang mga kalapati, katulad ng isang tunay na manlalaro, sumasabak rin ang mga ito sa training. Naalala ko ang istorya nang kalapating naibenta sa halagang 1.42 million dollars o halos 74 million pesos ang champion pigeon o kalapati sa isang auction sa Belgium. Ayon sa worldwide auction na Pipa, tinawag na Armando ang best Belgian long-distance pigeon of all time.

Kilala din ito bilang “Lewis Hamilton of pigeons” dahil sa kakaibang bilis nito.
Mag-lilimang taon pa lang ang kalapati subalit ito ay nagretiro na. Dalawang buyers mula sa China ang naglaban para mabili ang nasabing kalapati.

At higit sa lahat, masarap ang pakiramdam habang tinatanaw mo ang pinakawalan mong alagang kalapati na palayo at bukas palad mo silang aantayin sa kanilang muling pag-uwi.

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial