The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
September 17, 2018

PANAGHOY NG ATING INDIGENOUS PEOPLE

Ang Pilipinas ay culturally diverse na Bansa. Tinatayang mayroong hangang labing pitong (17) million na Indigenous People (IPs).

Isandaan at sampung (110) tribo ang pinag-isa. Marami sa kanila ay nasa Northern Luzon sa Cordillera Administrative Region, sa Mindanao, at ang ibang grupo ay nasa Visayas. Gamit ng indigenous people ang contemporary international language na kinikilala sa buong mundo noon pang 1993.

Ang mga katutubong Bontoc ay matatagpuan sa Mountain Province, ang Ibaloi ay nasa Benguet, Ifugao at Tuwali ay naninirahan sa Ifugao. Laganap sila, marami sila sa Kalinga Apayao. Ibang tribo rin ang matatagpuan sa Cagayan, Quirino at Isabela. Ang papolar na mga IPs na Aeta, Negritos, Baluga ay matatagpuan sa Central Luzon, sa Zambales, Bataan, Tarlac at Pampanga. Ang mga katutubong Dumagat ay matatagpuan sa Aurora, Quezon, Rizal at Dumagat. Ang Tagbanua at Tao’t bato ay matatagpuan sa Palawan.

KING KULUBAN

At ang teritoryo naman ng King of Philippine islands na katutubo sa pangunguna ni King Kuluban ay nasa Bukidnon sa Mindanao.

King Kuluban: Sa ngayon po binago na namin, kasi po meron na kaming tinawag na new civil society, pag implement po ng katutubo namin sa buong pilipinas. Kasi po itong katutubo namin di ito business.

Kaugnay ng isyung bumabalot sa ating mga Katutubo o indigenous people kami ni Kasangga JR Langit ay nagsakatuparan ng isa pang exclusive na one-on-one interview kay King Kuluban o Datu Constancio Salvo Jr. na Hari ng 110 tribes sa Pilipinas. Binahagi namin at inyong napanood sa programang pang telebisyon sa PTV4, “KASANGGA MO ANG LANGIT” Biyernes ng alas diyes (10pm) ng gabi. At ngayon aking ibabahagi sa inyo sa pamamagitan ng manilaspeak.com ang hangarin at adbokasiya para sa mga Katutubo.

Ang Indigenous People’s Rights Act of 1997 (RA 8371) ito ang batas na kumikilala at nag susulong sa karapatan o rights of Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples of the Philippines. Ang mga katutubo ang isang sektor ng ating lipunan na hindi masyadong nabibigyan ng pansin. Isang batas ang nilikha para sa kanila, ang indigenous act subalit tila hindi naman ito ganap na naipatutupad. Sa loob ng matagal nang panahon ng pakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan, tila malayo pa nilang matanaw ang liwanag ng bukas.

Sa kabila ng hangaring kaunlaran, napakagandang pagmasdan na marami pa ring mga lumang kaugalian sa ating mga katutubo ang kanilang napapanatili at pinagyayaman. Sa ngayon si King Kuluban ay nagpahayag hinging sa kanilang hangarin at sinusulong na bagong porma ng Gobierno na Federalism.

PEACE AND UNITY

Gaano na ba kalayo ang tinahak ng ipinaglalabang self governance at empowerment ng ating mga katutubong kababayan ang patuloy pa rin nating sinusubaybayan. Nitong nakaraang taon lamang, nagkapit bisig ang halos isandaang hari ng ibat ibang katutubo upang tuldukan na ang matagal nang pag aantay na maibigay ng buo ang kanlang mga karapatan. Ngayong taon, mas lumakas pa ang boses ng pinag isang mga katutubo.

JR Langit: King Kuluban sir patuloy pa rin po ba ang pagkalap ninyo ng mga kings sa iba’t ibang teretoryo sa bansa para po sa isinusulong niyong peace ang unity?

King Kuluban: Oo patuloy po, dati more or less 100 lang po yung King natin, sa ngayon mataas na yung record natin, more or less umaabot na po sa 500 kings followed by auxiliary kings in the whole Philippines.
Meron na tayo sa Visayas, meron tayong Mindanao at sa Luzon marami na tayo. Meron ng mga king ang buong pilipinas at saka itong ating royal police po, unpi united nation Philippine island police na sumusuporta sa kingship management.

ANCESTRAL DOMAINS

Ang 1997 IPRA Law ipinaliliwanag ang hingil sa ancestral domains o teretoryo na pag aari ng ating mga katutubo na kinapapalooban ng mga lupain, isla na napapaligiran ng karagatan, coastal areas, at natural resources. Ito ay okupado na nila since time immemorial, mula pa sa kanilang mga kánunuan.

Ang mga katagang “indigenous cultural communities” (ICCs) ay gamit sa ating Constitution ng Pilipinas upang maunawaan na ang mga katutubo ay iisa lamang ang kanilang kultura, linguahe, tradisyon at ibang cultural traits. Sila ay mapayapang naninirahan sa kanikanilang mga lupain at teretoryo na pinag kaloob sa kanila ng kanilang mga ninuno.

Walang kapaguran ang ginagawang pagkilos ni King Kuluban upang lubos na maramdaman ng mga katutubo ang biyaya ng pagkakaruon ng sariling kultura at teritoryo.

Rey Langit: King Kuluban sa last na pagkikita po natin noon kasama ninyo ang ibang mga auxiliary kings mayroon silang binuksang issue tungkol sa discrimination sa ating indigenous, saan po yong isinusulong na advocacy ng grupo tungkol dito?

King Kuluban: Sa ngayon po sir ito yung patuloy na hinahanap namin. Meron nakong letters na pinadala sa President ng Philippines. Sana makagawa kami ng kasunduan para sa peace and unity at may implementation sa ating territory. Sa ngayon po hindi pa nagawa kasi hindi pa naghatag ng final schedule. May saring batas yung katutubo natin hindi ito under ng Republic, because republic is like a biggest corporation kaya nga pag pumunta sila sa buong pilipinas. Meron kaming batas na kailangan may protocol na gawin. Ito ay batas galing sa united nation for indigenous people. Meron kaming natural law devine theory ang ginawa naming ito para sa lahat ng spiritual divisions tinawag na natural law from generation down to this generation po.

Sa katunayan, nai akyat na rin nila hanggang sa United Nations ang kanilang pakikipaglaban kontra sa diskriminasyon sa mga katutubo.

Rey Langit: Kumusta na yung pinapangarap na full implemention ng Indigenous People’s Rights Act of 1997 ?

King Kuluban: Sa ngayon po sir ini-implement po namin ngayon so far. Ang problema namin yung republic of the Philippines hindi sila nagbigay ng.. tinawag natin na support sa indigenous people kasi nag gawa sila ng tinawag nating political indigenous so hindi yan pwede sir kasi yung batas namin mayroon kaming batas na self governance at saka mayroon kaming batas ginawa binigay ng United Nations, declaration of human rights. Hindi sila nag papaalam sa amin po pag pumasok sila sa teritoryo namin, wala naman kaming ginawang masama, iniinform lang namin sila na yung katutubo namin para malaman nila kami ay dinediscriminate po.

DALANG PAGASA NG FEDERALISM

Ang laban na ito ng mga katutubo ang isa sa mga dahilan kung bakit suportado nla ang pagpapalit ng sistema ng pamahalaan sa federalismo. Sa katunayan, sa sarili nilang batas, inilagay nila ruon ang kapangyarihang kilalanin si Pangulong Rodrigo Duterte bilang Prime Minister o Federal President.

JR Langit: Ano po yung mas pag tutuunan niyo ng pansin kapag napatupad na ang Federalism?

King Kuluban: So alam na ninyo pag pinatupad na yung pederalism lahat ng katutubo mabigyan na natin ng pansin at saka mapag aral na lahat ng mga bata. Wala na tayong descrimanation kasi po meron na tayong tinawag na enforce na batas. Halimbawa yon royal police natin na nagbibigay ng security force sa kingship management at saka yung pnp natin galing naman sa political management from the republic of the Philippines, buo na ito, nakahanda na kami sa federalism of the Philippines. Tiyak na wala na tayong gulo, wala nang madediscriminate lahat ay mabigyan na ng pansin po.

INDIGENOUS PEOPLE SA KWEBA

Patuloy na namumuhay sa kani-kanilang kumunidad at teretoryo na pinanatili ang kanilang kinagisnang paniniwala, pag kakaisa at pagkakabigkis ng kanilang mga customs at tradition. Ito ay pagpapatibay sa mayamang kultura ng ating mga Indigenous People. Matatag ang kanilang paninindigan sa integridad ng kanilang ancestral territories. Muli nating balikan ang pinakitang pag papahalaga, pagmamahal at pagkalinga sa mga katutubo ng ating kasanggang si Reyster Langit.

Nang makarating sa kaalaman ng Kasangga team sa pangunguna ni Reyster Langit ang pagkakasakit ng mga katutubong Tao’t Bato at kamatayan ng ilang mga bata na hindi matukoy ang dahilan, ipinagsama ni Reyster ang ilang Health workers at volunteers upang akyatin ang ikatlong bundok sa Singnapan Rizal Palawan upang tuklasin ang misteryo na bumabalot sa kamatayan ng mga katutubo.

Ang natuklasang Celebral Malaria na siyang bumibiktima sa ating katutubong Tao’t Bato ay siya rin ang kumitil sa buhay ng ating Kasangga na si Reyster, sa kanyang cameraman at local mediaman na kasama sa Mission na yon. Binuwis nila ang kanilang buhay sa paniniwalang nararapat ding bigyan ng pansin ang mga katutubo sa liblib na lugar at marinig ang kanilang pangangailangan at daing.

Sa ngayon kung ano mang pagpapahalaga sa ating mga katutubo na aming ibinabahagi sa inyo ay pag papatuloy lamang sa naudlot na Mission at advocacy ni Reyster na ating Kasangga ngayon sa Langit. Hindi biro ang paglalakbay na ginawa nuon ng grupo ni Reyster para marating lamang ang komunidad ng tribong tao’t bato na tila nakalimutan na ng lipunan.

URI NG BUHAY NG TAO’T BATO

Reyster: Kuwento niyo ho sa amin ang tungkol dito sa tao’t bato.

Kap Willy: Diyan kami nakatira sa cave, ang tao’t bato. Kami po ay nabubuhay sa pamamagitan lamang ng mga bungang kahoy, bunga ng yantok at tungkol naman sa wild na mga hayop na nahuhuli kagaya ng mga baboy ramo, tsonggo at tsaka yung ibang uri ng mga ibon.

Reyster: Panglima, nasaan na tayo ngayon anong tawag sa lugar na ito?

Kap Willy: Ang kuweba na ito ay kuweba ng Limaw-Limaw.

Reyster: Lahat ba ng tao’t bato dito nakatira sa kuweba?

Kap Willy: Oo, lalo na kung ganito ang panahon, tag-ulan, pag wala ng trabaho ganito kami. Pupunta na kami sa kuweba, magawa na kami ng sahig sahig sa loob ng kuweba tapos diyan na kami manirahan bago kuha-kuha kami ng pagkain sa baba, magkuha kami ng kamoteng kahoy, magkuha kami ng palay, mga gulay talbos ng kamoteng kahoy, iyan ang ginugulay namin dito sa loob ng kuweba.

Walong oras na lakaran sa matarik, masukal at madulas na kabundukan ang tinahak ni Reyster kasama ang grupo ng Kasangga mo ang langit. At dahil liblib at mahirap marating ang komunidad ng kanilang tribo, hindi na rin nakakarating sa kanila ang tulong mula sa pamahalaan.

Reyster: Ano ang kadalasang kinamamatay ng mga tao’t bato?

Kap Willy: Minsan sipon kapag nagkakasipon sila, at ang sakit na malarya. Mga dalawang araw, minsan mga isang linggo patay.

SUMMATION

Ang kanyang dokumentaryo hinggil sa kalagayan ng mga katutubong nabibilang sa tribong tao’t bato sa Singnapan Palawan ang naging huling misyon ng ating kasanggang si Reyster Langit. Ang misyong ito ni Reyster ang nagbukas sa kamalayan ng lipunan sa pamumuhay, kaugalian at misteryosong sakit na kumitil sa buhay ng mga katutubong tao’t bato na siyang kumitil rin sa buhay ni Reyster.

Daang taon na rin ang inabot ng pakikipaglaban ng mga katutubo sa kanilang mga karapatan sa ilalim ng nag iisang gobyerno ng bansa.

At sa patuloy na panawagan tulad ng ginagawa ni King Kuluban at ng mga Indigenous People (IPs) na kanyang grupo
umaasa silang makararating din ang kanilang tinig, ang panaghoy sa mga kinauukulan upang mapansin, marinig, mabigyan ng importansiya at mabiyayaan din ng pamahalaan tulad ng ibang mamamayang nangangailangan. Pakiwari’y abot kamay na rin ang matagal ng pangarap na pagsasarili ng mga kapatid nating katutubo.

Facebook Comments
Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

One Comment on “PANAGHOY NG ATING INDIGENOUS PEOPLE”

  • domain indonesia, says September 17, 2018 at 8:52 pm

    I do not even know the way I ended up here, but I assumed this submit was once great.
    I do not realize who you might be however certainly
    you’re going to a famous blogger in case you are not already.
    Cheers!

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial