The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
September 1, 2019

PAG TATAPAT NG HIV/AIDS VICTIM

Tahimik na epidemya. Batay sa datos, pinakamataas at pinakamabilis ngayon ang pagdami ng HIV/AIDS sa Pilipinas sa buong Asya. Mahigit sa dalawang daang porsyento ang itinaas nito mula noong 2010. Ang HIV ay walang mukha hindi mo malalaman talaga hanggat hindi ka nag papa-test.

Mga kaalaman tungkol sa HIV /AIDS ating alamin. Ako si Pareng Rey Langit Ang kwento ng isa sa mga mukha ngayon ng kampanya kontra HIV/AIDS, ating sundan. Ako naman ang inyong kasangga JR Langit.

Ang episode na ito ay hango sa aming Kasangga Mo Ang Langit TV Program ni JR Langit sa PTV4 na napapanood ganap na 10:30 tuwing Biernes ng gabi.

COMING SOON!

Ang back to back na KASANGGA MO ANG LANGIT at BIYAHENG LANGIT television programs ay malapit ng mapanood sa kanyang bagong tahanan sa RJTV 29 UHF free television. Lalong pinalawak, pinahaba at pinaganda sa kanyang bagong timeslot tuwing Sabado ng alas dos hangang alas tres (2:00-3:00pm) ng hapon simula sa September 07, 2019

  1. RJTV via cable and satellite Television
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJTV on ABS-CBN TV Plus

Ang weekly public affairs at public service program na ito ay nasa kanyang 21th year na sa national television. Makabuluhang 21 taong na paglilingkod sa bayan. Ang tunay na Public Service ay naihahatid ng Kasangga Mo Ang Langit at Biyaheng Langit na siyang nagbibigay nang pag-asa sa tao, na ultimate mission namin para sa inyo.

EXCLUSIVE INTERVIEW SA ISANG HIV VICTIM

Tamang edukasyon at impormasyon

“When we talk about Hiv and Aids its all about behaviour ano ba yung tamang behaviour na dapat meron ang isang tao?”

Anim na taon nang positibo sa HIV si Louie. Hindi nya itinatago na ito ay nakuha nya sa kanyang live in partner na namatay dahil sa mga kumplikasyon bunga ng AIDS. Hindi rin itinago ni Louie na maraming naging sex partner ang kanyang naging karelasyon.

Ang kanilang pagkakaiba ng kanyang karelasyon…….maaga pa ay nalaman na nya ang kanyang kundisyon samantalang huli na para sa kanyang live in partner.

Louie: Hindi ko po alam kung kailan ko ba natanggap yung pag kakaroon ng HIV siguro mas nahirapan ako nung namatay yung partner ko dahil sa mga kumplekasyon, siguro sa tulong na rin niya. Kaya malaking pasasalamat ko rin sa kanya nung namatay sya na doon ko nabuhos lahat nung yung galit yung sama ng loob sa sarili ko so siguro hanggang sa nag tuloy tuloy na lang po hanggang sa nakapasok ako sa adbokasiya, na sana pala noon pa may kaalaman na ko tungkol sa HIV na sana ako mismo na tulungan ko yung partner ko noon at hangang ngayon sana buhay pa sya.

Takot ang isa sa mga naunang naramdaman ni Louie nang malamang positibo sya sa HIV. Pero mas higit ang pangamba nya na baka ikahiya sya ng kanyang pamilya.

JR Langit: Ano ang reaction ng yong mga magulang nang matuklasan ang yong karamdaman?

Louie: “Yung time na yun alam ko po yung iyak ng isang magulang na napakasakit gustong gusto ko po syang yakapin gustong gustong kong sabihin sa kanya na napapagod na ako, pero siguro dahil na rin sa lungkot sa sakit na naramdaman ko dahil sa pag iyak ng aking ina mas tinatagan ko yung loob ko ang tanging nasabi ko lang po sa nanay ko ay ma ok ako nag gagamot ako, so wala ka ng iintindihin sa akin.”

ACQUIRED IMMUNE DEFICIENCY SYNDROME

Ang HIV ay isang uri ng virus na nagpapahina sa immune system ng ating katawan na pansalag natin sa ibat ibang uri ng sakit. Kapag ito ay napabayaan, tuluyan nitong papatayin ang ating immune system at nauuwi na ito sa AIDS o Acquired Immune Deficiency Syndrome. Ibig sabihin, bukas na ang ating katawan sa lahat ng uri ng sakit.

Louie: So yung sign po pag ikaw po ay nasalinan ng HIV wala po talagang simptomas. Example po sa partner ko dahil late diagnosed na sya at nag karoon na po sya ng mga opportunistic infection yung sign po na lumabas po sa kanya ay yung heart burn so hirap po sa pag hinga. Una po akala namin dahil sa kabusugan lang hanggang sa na confine sya hirap syang huminga nangayayat sya, yun pala nagkaroon na po pala sya ng pneumonia at TB so yun po yung sign, yung sinasabi pong symptomas ay depende kung anong opportunistic infection yung tumama sa isang taong may HIV at malamang na sa kundisyon na sya ng AIDS, ako po kasi dahil early diagnosed wala pa po akong infection.

Maraming leksyon sa buhay ang ibinigay ng kanyang kundisyon kay Louie at hindi nya ito nais na masayang lamang. Kaya naman sa ngayon, isa sya sa mga mukha ng Project Happy ng Project Red ribbon sa pakikipag tulungan ng National Youth Commission upang magpakalat ng edukasyon tungkol sa HIV /AIDS.

Louie: So ngayon po ako ay 35 years old at tsaka madami din po akong dapat ipag pasalamat. Unang una po kay God sa pag bibigay po ng magandang regalo tulad po nito. Pangalawa po sa family sa pag tanggap sa mga kaibigan ko po na hindi ako iniwan at sa tulong din po ng Project Red Ribbon na mas na palawak pa po yung koneksyon natin para makapag bigay po tayo ng inspirasyon at kaalaman sa mas nakakarami. Diba po at tsaka po yung mga taong nakakasalamuha natin na walang kaalamanan patungkol sa HIV so iba na po ang may alam eh sa social media pwede kang mag post kung ano anong gusto mong ipost so kung gusto po nilang malaman yung kanilang status at maagapan kung ano man pong meron po sila pwede po silang kumontak sa Project Red Ribbon so ang kanilang telephone number ay 0916 3843636 or pwede po silang mag visit sa website ng Project Red Ribbon so isearch lang po nila yun.

EDUCATIONAL CAMPAIGN

Alamin kung paano tayo makakatulong sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa HIV/AIDS at kung gaano na ba katalamak ito sa Pilipinas.

“kasi pag tinignan mo since tumataas yung cases natin tapos kunti pa lang yung nagpapa test natin so meron tayong responsibility para mag bigay ng awareness at para mag encourage sa mga youth na mag pa test.”

Mahigit sa tatlong dekada na mula nang maitala ang unang kaso ng HIV sa bansa. Sa kabila nito, nananatili ang stigma sa maraming mamamayan na takot magpasuri. Isa ito sa mga dahilan kung bakit posibleng mas marami pang kaso ng HIV ang meron sa Pilipinas kumpara sa mga lumalabas na datos.

Ang makapagpakalat ng edukasyon tungkol sa HIV /AIDS ang pangunahing layunin ng Project Happy. Sa pamamagitan ng tamang kaalaman, maaari tayong maka iwas sa sakit na hanggang sa ngayon ay wala pang lunas.

“Ang pinaka problema sa testing ay ung takot ito yung tinatawag naming stigma kasi kapag may stigma ka o natatakot ka sa pag papa test na baka pag isipan ka ay malamang na nakikipag talik ka palagi o kaya nakikipag group sex ka o kaya ng tuturok ka ng ipinag babawal na gamot so natatakot yung mga kabataan natin para mag patest so ang pinaka importanteng layunin ng Project Happy is to encourage through awareness education para malaman nila na dapat walang dapat ikatakot pag dating sa testing at ma break natin yung mga myths and misconception about HIV and Aids.”

ALARMING RATE

Kinapanayam rin ni JR LANGIT si Rodolfo Ico Johnson ang Project Consultant ng PROJECT HAPPY.

So pag tinignan natin yung data medyo mababa kasi voluntarily lang yung HIV test pero pag tinignan mo rin yung same data nung April 2019 ng Epidomiology Bureau makikita natin na tumataas yung cases from 15 to 24 ang pinaka mataas talaga is yung 25 to 24 pero humahabol yung 15 to 24 anong ibig sabihin nito dahil hindi pinag uusapan ang sex at hindi pinag uusapan yung HIV yung mga taong nakakuha lalo na yung mga batang bata nakakuha ng HIV malamang nakuha pa nila ito nung 10 years old pa sila, nung 11 years old so yun yung nakakatakot kasi hindi natin alam, wala sa kurikulum natin ang HIV hindi napag uusapan so hindi talaga inaalam kung ano ba yung HIV at Aids kasi hindi pinaguusapan kasi parang taboo lang sya, eh ngayon yung mga kabataan dahil dapat meron silang right to information na ngayon ay nasa batas nasa dun sa RA 1166 o yung HIV o Aids policy act yung health right to health and information so dapat na tuturuan na sila kasi may epidemic na tayo ngayon.

May tatlong paraan kung paano naililipat ang HIV. Una ay sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa isang may impeksyon, sa pamamagitan ng pagsasalin ng dugo at sa pamamagitan ng sharing ng karayom na karaniwang ginagawa ng mga gumagamit ng illegal drugs.

Layon ng Project happy na makipag tulungan hindi lamang sa Dept of helath kundi sa lahat ng Local government units, at higit sa lahat sa mga lider ng kabataan.

Nakita namin na isang balakid ngayon kung matuturuan namin lahat ng mga SK leader ang mga youth leaders sa buong Pilipinas para mag turo para ipakita kung ano yung mga preventive measures about HIV and aids o kaya ma encourage sila about HIV testing ay sa tingin namin na isang maganda at pinaka malakas na paraan para ma encourage namin yung buong ang lahat ng kabataan sa buong Pilipinas na mag karoon ng matatag na kaalaman about HIV malaman nila yung totoong totoong nangyayari sa Pilipinas when it comes to HIV malaman nila yung mga hindi totoo at malaman nila na hindi dapat sila matakot mismo sa HIV test at malaman nila na libre lamang ang gamot galing sa department of Health at malaman ng mga kabataan na kahit sila ay may HIV ay makukuha nila ang lahat ng pangarap nila makakapag trabaho sila makakapag aral sila with out the discrimination na naka attatched sa HIV.

\

PROJECT HAPPY

Ang pinakamataas na kaso ay nangagaling sa male having sex with males hindi na yung sinasabi natin na sa homo sexual lang gay lang kasi nag babago na yung mukha ng HIV dati sa Pilipinas mataas ang cases sa mga sex workers tapos naging parang doon sa mga homo sexual ngayon hindi na males having sex with male, lalaki nakikipag talik sa kapwa lalaki hindi ibig sabihin bading sila kasi pag pumunta ka sa ibat ibang mga probinsya pag mataas yung tourism mataas rin yung sex trade meron na tayaong mga transactional sex hindi ibig sabihin may gender issue ito, hindi ibig sabihin ganun.

Kinapanayam ng Kasangga Team si Commissioner Victor ng national youth commission.

JR Langit: Pagdating naman po dito sa NYC papaano niyo po ipopromote yung awareness sa pag laganap ng HIV sa mga kabataan?

Comm Victor: Unang una po ay nais kong i-highlight na talaga pong nababahala ang National and Youth Comission dahil nga po itong insidenteng HIV specially among the youth ay talagang tumataas pag titignan mo yung data yung bagong data 40 cases every day at 80 percent dyan ay nasa edad 15 to 30, so talagang ang mukha ng HIV ngayon ay mga kabataan at mas nababahala tayo sapagkat sa pag aaral only 7 percent ng ating mga kabataan ngayon up to 30 million na filipino youth ay may basic information sa hiv kaya tayo nag papasalamat sa Project Red Ribbon kaya sila yung ating developmental partner para mailunsad itong Project Happy.

SUMMATION

Sa pamamagitan ng wastong kaalaman,maaari tayong maka iwas sa panganib ng HIV/AIDS. Malalaman rin natin na hindi pa katapusan ng mundo kapag nagpositibo ang isang tao sa HIV tulad ng kaso ni Louie.

Ang pinakamataas na kaso ay nangagaling sa male having sex with males, hindi na yung sinasabi natin na sa homo sexual lang gay lang kasi nag babago na yung mukha ng HIV dati sa Pilipinas mataas ang cases sa mga sex workers tapos naging parang doon sa mga homo sexual ngayon hindi na males having sex with male, lalaki nakikipag talik sa kapwa lalaki hindi ibig sabihin bading sila kasi pag pumunta kasa ibat ibang mga probinsya pag mataas yung tourism mataas rin yung sex trade, meron na tayong mga transactional sex hindi ibig sabihin may gender issue dito.

Pinakamahalagang leksyon pa rin sa usapin ng HIV/AIDS ay ang behavior ng isang tao at ang uri ng kanyang lifestyle.

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial