The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
October 9, 2013

Pacquiao Bounces Back (Part 2)

BASKETBALL ENTHUSIAST

JR:  Ano nga ba ang pinagkakaabalahan ng isang Manny Pacquiao nitong nakalipas na ilang buwan?

MANNY: Mula noon, siyempre hindi tayo tumigil sa pag-e-exercise araw-araw. Unang una na yang basketball at siyempre ang Congress. Pero yung boxing ay talagang matagal akong nawala sa practice, sa ensayo. Pero maganda naman ang pakiramdam ko.

FITNESS

Ayon nga kay JR Langit, sa kanilang madalas na paglalaro ng basketball ni Manny, three of four quarters na laro nila ng walang palitan. Tuloy-tuloy ang laro ni Manny na walang kapaguran.

Hindi raw nawala ang pagiging physically fit ni Manny at na-maintain niya ang kanyang pangangatawan.

MANNY: Never naman kasi tayo tumigil. Ang sabi ko nga eh palagi tayong nag-e-exercise.

JR: Papaano na buo ang laban ninyo ni Bam Bam Rios at bakit sa Macau?

MANNY: Ang promoter ko ang nagset niyan. Si promoter Bob Arum ang nag-request na sa Venetian Hotel sa Macau gawin yung fight.

NO REGRETS

Naitanong namin ni JR Langit kay Manny kung ano ang kontrobersiya sa likod ng kanyang trainer na si Alex Ariza.

MANNY: Ah yung conditioning coach

REY: Oo, yung dati mong conditioning coach na napunta sa kabilang camp.

MANNY: Actually inalis namin siya. Lumipat sya sa kabila gusto atang mag-revenge. Tapos kinuha ko naman yung dati kong conditioning coach na si Justin Fortune, isang Australyano na sa Amerika na rin nakatira.

CONFIDENCE

JR: Hindi naman ba isang malaking kawalan ito sa iyo?

MANNY: Ah, hindi. Sa tingin ko nga mas malaki ang maitutulong nitong si Justin. Alam ko ‘yon dahil nakatrabaho ko na rin ito ng matagal.

JR:  Ano ang pagkakaiba sa ginagawa mong training ngayon para sa nalalapit mong laban na ito kay Rios?

MANNY:  Ngayon, pareho lang din kaso lang mahaba-haba yung preparation natin ngayon. Nakapag-start tayo ng maaga so maganda itong kalalabasan ng training natin especially sa stamina natin – conditioning.

pacquiao-workout-02-1024

SPARRING SESSION

REY:  Pag serious sparring tulad ng laban ninyo ni Fredrick Lawson ng bansang Ghana, ilang rounds ito?

MANNY: Ah depende. Mag-s-start sa 4 rounds, 6 rounds, 8 rounds tapos 12 round at hindi lang siya. May mga tatlong boxers akong makakalaban. Siguro kung  8 rounds na ay mga pang tatlong boxer na ang kalaban ko.

REY: Nagkakasakitan din dito diba?

MANNY : Sparring lang pero totohanan din ang sparring. Malaki lang yung gloves and then may head guard.

HUNDRED ROUNDS

REY:  Ilang spar ba ang kailangan para makumpleto ang buong training ?

MANNY: Not less than hundred rounds ang dapat magawa namin. Mga nsa 120 rounds na sparring.

HEALTH BENEFITS

Sabi nga, kaya nating kunin ang 100% ng ating energy requirement mula protein at fats.Bagamat madami ang pagkain sa mesa noong araw na yon, napuna ko na halos tinola lang ang nagalaw ni Manny kasama ng isang platong kanin at tatlong malalaking piling ng saging.

Kanin na carbohydrate, saging na potassium na isang low-sodium diet. Pampababa ng blood pressure, essential di lang sa kalusugan ng puso, malaki ang tulong sa skeletal at muscle systems ng tao.

EXPRESSION OF GRATITUDE

JR: Message na lang Cong. Manny para sa mga tagaysubaybay mo.

MANNY:  Sa ating mga mamamayan, salamat. Maraming maraming salamat po sa mga dasal at suporta ninyong lahat. Itong laban na ito ay hindi lang naman para sa akin at sa pamilya ko kundi para sa karangalan ng ating bansa at sa ating mga Pilipino. Maging proud tayo saanmang sulok ng mundo.

Higit sa lahat ang importante ay may relasyon tayo sa Panginoon. Bawat isa sa atin ay dapat nagmamahalan. By reading the Bible, we communicate with God and improve our relationship with God.

CLASSIFIED INFORMATION

REY: Lastly Manny, totoo ba na magkakaroon ka na ng pang limang anak?

JR:   Pwede mo bang aminin ito sa public?

REY: Siyempre kay Mrs. Jinkee ‘yan.

MANNY: Pwede bang to be continued na lang?

 

 

Photo credit: HBO

Photo used under the Fair Use Exemption of the IP Code.

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial