The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
October 23, 2013

National Treasure

UNFORTUNATE AND REGRETTABLE

Nakalulungkot na marami ring nasirang cultural heritage sites sa naganap na 7.2-magnitude earthquake sa Bohol at Cebu, maliban sa mga buhay na nawala.

Sa aking pakikipanayam kay NCCA legal counsel Atty. Trixie Angeles, ipinaliwanag niyang deklaradong national cultural treasures ang anim sa mga nasirang simbahan sa Bohol: ang Loboc, Baclayon, Loon, Duway, Dawis, at Maribohoc churches. Meron din sa Albor na tinaguriang important cultural property.

 

 

 

RESTORATION

REY:  Magkano ang maaaring kailangang gastusin sa restoration ng isang lumang gusali?

ATTY. ANGELES: Subject sa budgetary constraints natin kung magkano ang pondo. Pero wala namang batas na nagsasabing limitado ang amount na dapat gastusin. Hindi pa namin nako-conduct ang on-site assessment pero nakikita na namin na ang pag-restore sa mga gusaling ito will run into hundreds of millions.

PREDICAMENT

Kinailangan pa nilang kumbinsihin ang Commission on Audit (COA) kung bakit maaaring mag-restore ng mga pribadong gusali ang komisyon. Nung maliwanag na, naglaan nga nang budget ngunit limitadong limitado lang.

ATTY. ANGELES: Nung umpisa po ay mga 20 million pesos lang ang budget namin so enough lang ito para dun sa engineering study at conservation management lang.

RETROFITTING

REY: Hindi ba retrofitting ang kailangan talaga sa mga gusaling ito?

ATTY. ANGELES: Hindi natin masasabing pwede ang retrofitting sa lahat ng mga gusaling ito kasi intervention yan. Ibig sabihin may portion talagang babaklasin para mag-introduce ng mga bagong materials. Everytime mag-intervention tayo naaapektuhan ang buong gusali.

Ang iba rito ay 1600s pa itinayo at na-survive na ang ilang earthquakes na.

PRESERVATION

ATTY. ANGELES: Ito ay pag-pre-preserve sa most important period ng kasaysayan ng gusali o kaya ay prine-preserve natin ang iba’t ibang bahagi ng kasaysayan ng isang istraktura .

Halimbawa yung Loboc at Baclayon, mayroong mga additions made noong 1700 at 1800 na hindi na ginalaw noon.  Pero yung iba hindi na nire-reconstruct. For example, ang ruins sa Albay na Cagsawa Ruins are preserved as ruins kasi mahalaga na makita natin ang pinakaimportanteng bahagi niyan ay explosion ng volcano kung saan nasira ang simbahan.

LANDMARK IN CEBU

Sa ginawa nating pakikipanayam kay Cebu Governor Hilario Davide III ibinahagi niya sa atin ang kahalagahan ng National Treasure ng Cebu.

GOV. DAVIDE: Ito po ang Sto. Niño Basilica dito sa Cebu City. As a matter of fact, next year it will be 250 years old already. ‘Yon ang severely damaged landmark dito. Yung tower niya ay nag-collapse yesterday dulot nga ng earthquake. This is sad for Cebuanos kasi for centuries, ito ang talaga ang pinag-dedebotohan nila.

STRENGTHEN FAITH

Kung papaano ito dinala at tinanggap ng mga Cebuanos:

GOV. DAVIDE:  But of course, that does not dampen the spirit of the Cebuanos. As a matter of fact, it will strengthen their faith in the Santo Niño. Right now, the priests are holding holy masses in the pilgrim center in front of the Basilica.

HOW WE VALUE

Sa atin namang pakikipanayam kay Bohol Governor Edgar Chatto:

GOV. CHATTO:  Nag-usap na po kami ni Tourism Secretary Jimenez. There are planned rehabilitation programs for these structures in coordination with National Historical Institute  and  even the National Museum. These are heritage churches. These are assets of the country.

AUTHENTIC VALUE

Habang tumatanda ang isang structure lalong nagiging mahalaga ito dahil nagpapakita ito ng authentic value.

Kung ano ang tinaguriang maganda nung period na ‘yun ay makikita sa mga symbolisms na naka-embed sa structures, sa movable treasures, mga rebulto, wooden carvings, mga santo sa likod ng altar, at minsan, ang altar mismo.

Ang mga ito ay malaking bahagi ng kasaysayan ng isang lugar. Makasaysayan ang istraktura dahil ehemplo siya ng isang period ng kasaysayan ng Pilipinas.

shutterstock_35465098

HARMONIOUS COMBINATION

Sa aking pagbisita noon sa Roma, aking nasaksihan ang makasaysayang ruins ng Roman Empire na nasa sentro ng makabagong siyudad na nagsisilbing historical landmark at attraction sa mga turista.  Nag-blend ang sinaunang ruins mula pa noong AD 476 sa makabagong panahon.

JOINT RESPONSIBILITY

Alalahanin natin na hindi lang sa mga kababayan nating Boholanos at Cebuanos mahalaga ang mga istrakturang ito kundi pati na rin sa buong sambayanan. Kahit sabihin pang mahal ito, dapat na gawin ang nararapat na restoration sa mga national treasures sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at nang simbahang katolika.

 

Facebook Comments
Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial