The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
November 13, 2017

NAPAKAMAHAL MAGKASAKIT

Sa panahon ngayon na, napakamahal ang magkasakit. Kadalasan hindi agad naihit ang karamdaman, kaya nagtatagal bago matuklasan ang sakit at lumalaki ang gastosan. Kaya makikita mo rito ang kahalagahan ng lumang paraan ng pang gagamot. Ang clinic sa loob ng kumbento ng St Clare sa Maynila aming pinasyalan. Sa kahabaan ng Beata street sa Pandacan Manila matatagpuan ang matanda nang kumbento ng St. Clare na pinangangasiwaan ng Franciscan Misionaries of Mary.

Sa aming Palatuntaunang pang televisiong “Kasangga Mo Ang” sa PTV tuwing biernes ng 10ng gabi aming binigyan ng pag papahalaga ang makaluma subalit epektibong istilo ng Panggagamot. Acapuncture at Massage therapy, hatid ng isang kumbento sa Pandacan Maynila. Acupuncture at masaheng nakaka relax, ating subukan. Hindi lamang mahihirap ang nagpupunta sa St. Clare, marami rin ang may kaya sa buhay na kayang magpagamot sa regular na ospital o kaya ay magtungo sa SPA para mag relax.

Gumaling ka na, na relax ka pa at higit sa lahat makakatulong ka pa sa mga walang kakayahang magbayad para sa gamot.

Si Rebecca Buenavintura ay isang Community Health Worker.

ReBecca: Ito ang alternative kasi walang masyadong gastos, lalo sa mga mahihirap kaya tinutuloy namin at tinanong din naman kami kung gusto rin namin ah mula sa puso talagang gusto namin ituloy kasi marami kaming matutulungan.

Si Rafael Ledesma ay isang patient.

Rafael: Sabi ko, kasi nakakatulong yan sa muscle. Ang pag relax ng muscle kasi ang main problem ng stroke.

Sa kumbentong ito, hindi lamang pang ispiritwal at emosyonal na sakit ang kanilang kayang gamutin kundi pati mga pisikal na sakit, gamit ang makalumang tradisyon ng pang gagamot. Si Sister Carmen Alcalde siya ang Community Superior.

Sister: Ang Franciscan Missionaries of Mary nag umpisa nitong clinic noong 1950s at hanggang ngayon patuloy ito. Inumpisahan namin ang alternative medicine 1990s ay ito ay dahil nakita namin na mas mas mabuti at nakita din kasi namin na the increasing number of poor people in our country who could hardly alam nyo na noh kung pupunta sa mga mga ospital o sa ibang mga treatment ayaw ko na sabihin western ah kaya dalawang FMM sisters nagumpisa. Dahil sa aming vision mission isa sa primary concern itong health ministry kung saan nakakatulong nakakatugon sa mga pangangailangan ng ating mga kapatid na hirap na hirap at saka ang preferential option ng aming congregation ay really to serve the poorest among the poor specially to those who are living in the frontier posts.

Jr Langit: Ano po yung kadalasan napapagaling po nya?

Becca: depende kasi ang acupuncture sa lahat naman yan eh kasi sya yung nagpapa ganda nung daloy ng dugo sa circulation natin ng katawan kaya mas nakakatulong sya sa relaxing sa mga is yung mga stress na tao na. Lalo na dun sa mga tao na stroke mga may mga manhid ng mga katawan kamay yan nakakatulong yan. Marami.

Jr Langit: Bukod po sa traditional hilot at acupuncture meron pa ho bang ibang ginagawa po?

Becca: Ventosa, yun meron din. Yung nag aalis ng mga lamig yun lang naman.

Mga community workers na tulad ni Becca ang katulong ng mga Franciscan sisters sa pagpapatakbo ng kanilang klinika.

Jr Langit: Papaano po nagsimula yun Sister Gloria?

Sister Gloria: Ang ginawa kasi noon nag recruit ng mga tao eh pinasok ako dun ng auntie ko. Yung auntie ko dati rin sya dito ngayon so tinuruan kami sa therapeutic massage muna tas hanggang sa natuto na kami ng therapeutic tapos nag se-service na rin kami dyan habang training na rin yun saka sila nag anon a kung pwedeng turuan ng acupuncture, sabi ko ita try ko lang kasi takot ako sa needle hanggang sa maganda pala naisip ko rin yung maitutulong ko rin sa family namin kaya yun nag tinuloy tuloy na namin hanggang sa nandito na kami ngayon. Sa pamamagitan ng donasyon, naipagpapatuloy ng St Clare ang kanilang misyon na tumulong sa mga mahihirap na hindi kayang magpagamot sa mga ospital.

Jr Langit: Papaano nyo na su sustain po yung pang araw araw pong pangangailangan ng clinic?

Sister: Laging kasama yung education. Educational component makes people aware of the situation so that those who come to us for health reasons naiisip din nila na tumulong kaya marami din sa kanila nagbibigay ng let say donations to for the clinic to sustain the mga pangangailang tulad ng clinic supplies, alcohol, cotton, needles, and saka yung electricity, fuel, tsaka food ng ating workers yoon tapos na ah susustain din.

Sa simula ng acupuncture ay ibinibigay pa ng St Clare ang mga karayom na ginagamit dito….subalit dahil sa kakulangan ng pondo, kinailangan na ring maglabas ng hanggang tatlong daang piso kapag panahon na para palitan ang mga karayom.

Jr Langit: hindi ho kayo nag de demand ng singil sa bawat pasyente?

Becca: ah kasi dati, ngayon kasi sinasabi nga namin may bayad na yung needle kasi wala naman kaming pagkukuhaan pinapaliwanag naman namin tapos yung treatment namin sinasabi na namin na 200 kasi may kasama na yung massage tsaka acupuncture.

Jr Langit: yung needle po?

Becca: needle is P300, kaya nung unang punta dito ng pasyente nagugulat sila kasi bago yung needle tapos yung treatment 500 pero next time na pagbalik nila 200 nalang. Tapos yung needle nila 3x nilang gagamitin. Oo hanggat gusto nila kung kaya parin nila yung needle sige lang.

Hindi lamang mahihirap ang nagpupunta sa ST Clare, marami rin ang may kaya sa buhay na kayang magpagamot sa regular na ospital o kaya ay magtungo sa SPA para mag relax. Pero marami ang mas pinipili ang ginhawang nakukuha sa makalumang paraan ng pang gagamot at relaxation sa ST Claire

Becca: Yung babae na naging pasyente namin na may slipped disk sya, tapos nag pa therapy sya nagpunta sya sa mga sa clinic naka gastos sya ng ganun hindi daw sya gumaling, naghanap daw sya sa Saint Clare pandacan hinanap nya. Nakita pa nga raw nya Santa Clara pumunta sya dito nag hintay sya dyan sa labas ayun sabi ko lang naman sa kanya na tyagaan lang dito tapos yung pagdadasal sabi ko samahan mo ng pagdadasal natuwa ako kasi nung unang punta nya naka saklay sya tsaka maliit yung paa nya hindi naka hindi sumasayad tas de nung pag balik nya nung una saklay naalng tapos pa isa isa yung hanggang sa nawala. Yung isa hanggang ganyan wala na ngayon yun.

Jr Langit: Nakakapag lakad na sya ng diretso?

Becca: Oo, Minsan sya na yung nagpapa punta dito ng mga pasyente.

Biktima ng stroke si Rod, pero nasa proseso na sya ngayon ng recovery matapos na sumailalim sa acapuncture at acupressure sa St Clare.

Rod: ah nung after nung stroke ko yung right part ng body ko is hindi ko magalaw tapos ah yun nag pa therapy ako kasi yung brother ko parati syang nag papa acupuncture dito at tapos sabi nya I try ko raw baka makatulong sa pag rehabilitate sa ano ko and so I went as part nung regimen nung pag pa rehabilitate and ah yun nga nakatulong naman sya ayan oh nagagalaw ko na sya naitatas ko na dati di ko to maitaas tapos I can walk straight medyo straight na hindi pa yung normal nandun palang sa process na total recovery.

Jr Langit: kumusta naman po yung pakiramdam nyo tuwing nag a undergo kayo ng acupuncture?

Rod: I’m an agriculturist and I help a lot of a businessmen to prepare the farm. I walk a lot. Nung na highblood ako I couldn’t make a hundred meters hinihingal nako. The acupuncture has rejuvenated me so right now after so many months I’m able to do my long distance walking. Hindi na hindi na ako pwede tumakbo pero kaya  na ulit ngayon maglakad ng malayo na hindi tulad noon na 100 meters parang buong katawan mo bumabagsak.

Maliban sa pisikal na sakit, tinutugunan rin sa St Clare ang sakit sa ispiritual at emosyonal ng mga nagtutungo sa kanila para magpagamot.

Sister: most of our role, most of our services here is to accompany the workers to welcome the patients and to more or less facilitate the spiritual aspect that is why we put up a, recently we put up a prayer room in honor of saint clare the name of this clinic.

Jr Langit: Sisiter kung hindi lang po acupuncture at hilot ang ino offer po ng clinic. ano pa ho ba yung iba pa po ninyong isinishare?

Sister: merong micro ah yung sa nutritional tinuturuan din yung kung anong mga pagkain if you see that in the corridor meron din kaming mga ah posters on malunggay ano yung nakukuhang nutrients sa malunggay so merong mga ganun. Tsaka yung medicine na herbal medicine like turmeric mga mga native kung hinid na maano kung hindi na talaga pero as far as experience also nakita naman namin na nakakatulong talaga yung herbal medicine basta maniniwala ka lang number one is to believe na it can help. Binibigay ng dyos yan para makatulong sa tao.

Sa panahon ngayon, napakamahal talaga ng magkasakit, kadalasan hindi agad nai-hit ang karamdaman, kaya nagtatagal bago matukladsan ang sakit at lumalaki ang gastusan. Sa St. Clare gumaling ka na, na relax ka pa at higit sa lahat makakatulong ka pa sa mga walang kakayahang magbayad para sa gamot. Isa na namang patunay na malaking bagay sa ating buhay ang Faith o paniniwala na isa sa mga grasyang kaloob sa atin ng Maykapal.

Sa panahon ngayon na, napakamahal ng magkasakit, maipasok ka man sa hospital wala pa ring katiyakan kung hagarang matutuklasan ang iyong karamdaman. Paulit ulit na test ang ibibigay sa iyo ng mga Hospital na may mag kakaibang findings sa iyong karamdaman.

Naalala ko ang kaso ni Marites isang Filipina, na US immigrant na nag bakasyon kamakailan sa atin dito sa Pilipinas. Sa kanyang pag babakasyon naramdaman niya na unti-unting umihina ang kanyang kanang paa. Kumunsulta sa doktor binigyan siya nang gamot, ngunit nag-patuloy pa rin ang paghina ng kanyang paa na may kasamang pamamanhid. Pinayuhan siyang sumailalim sa MRI/MRS with contrast and with IGS protocol. Maliban sa mahal ito, hindi lahat ng hospital sa Pilipinas ay may ganitong apparatus. Nag-canvas siya ng hospital kung saan siya makakamura. Sinubukan niya ang Heart Center, ngunit out of order ang machine ng hospital nang panahong yon.

Pumila siya sa PGH, pinag deposit ng P18,000. Sumailalim sa standard procedure ng check up. Ginawa ang CT scan of the Brain with contrast and with IGS protocol (NKTI). Lumabas din siya kinabukasan at isang linggo bago naibalik ang kanyang deposit sa hospital. Sinabihan siya ng Cardinal Santos Hospital na mag handa ng P800k thousand para sa Operations. Nagpunta siya sa St. Lukes sa E. Rodriguez QC. Dito sumailalim sa MRI/MRS with contrast and with IGS protocol. Tatlong (3) araw siyang na confined, inabot nang P100k ang nagastos sa hospital ngunit walang nakitang cause nang kanyang tuloy-tuloy na pagka-kaparalize. Sa pag kakataong ito paralize na ang buong kanang paa at kasama na ang kanang kamay at may pamamagana na ang kanyang katawan at mukha. Nadala rin siya sa Premier Medical Paranaque City. Uli sinailalim siya sa CT Scan ng whole abdomen at chest with contrast and with IGS protocol .

Tinignan din siya ng internist sa Paranaque Clinic. Na check up din siya ng neurologist at obigeni. Hindi mag kakatugma ang findings ng mga hospitals. May nagsasabing mayroon siyang tumor, mayroon siyang cancer na nag metastasizes at mayroon ding nag sasabing wala. Mula buwan nang March 2017 hangang sa tumulak siyang pabalik ng Amerika noong October 26, 2017, ilang buwan din ang kanyang ginugul upang makakuha ng wastong tugon sa kanyang karamdaman. Nag karoon siya ng ilang beses na seizure at nag-slur na ang kanyang pag sasalita.

Lingid sa kanyang kaalaman oras na lamang pala ang nalalabi, at tiyak na kapahamakan o kamatayan ang maaaring mangyari kung nagtagal pa at hindi siya na operahan. Tanging si Dr. Dela Cruz ng Manila Sanitarium Hospital lamang ang nagpayo sa kanya na magpa opera na kaagad dahil lumalaganap na ang kanyang Tumor sa brains.

Dr. Dela Cruz: “We are just buying time!”

Nag decide na bumalik sa America. October 26 ng hapon ng tumulak pabalik ng USA. Sinalubong siya nang Ambulance sa Chicago Airport. Isinugod sa emergency ward ng Alexian Brothers Hospital sa Chicago Illinois. Makalipas ng mabilisang test na walang kondisyon at walang hininging deposito ang hospital at agad siyang isinailalim sa Brain Operations. Hindi na kinailangang buksan ang kanyang utak o biyakin ang kanyang bungo. Gamit ang modern apparatus tumagal lamang nang dalawang oras ang kabuan ng Operations. Nang muling manumbalik ang kanyang ulirat mula sa Operating Room, siya ay nakapag sasalita na.

Duterte signs Anti-Hospital Deposit Law

Sa mga hindi pa nakakaalam nilagdaan na nang Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong August 3, upang maging ganap na batas ang karagdagang kaparusahan o penalties sa tatanging hospital o clinic na tumangap ng pasyente na walang deposito. Ito ang Republic Act No. 10932, o kilala sa tawag na Anti-Hospital Deposit Law.

Sa ilalim nang batas na ito, ang sinomang official, medical practitioner o empliyado ng hospital o medical clinic na lalabag sa probisyong ito, ay mapaparusahan ng pagka kulong ng hindi bababa sa anim na buwan at isang araw o hindi ihigit sa dalawang taon at apat na buwan o multa na hindi bababa sa P100,000.00 o hindi ihigit sa P300,000.00 Ang tatlong beses na violations, ay magreresulta sa revocation ng health facility’s license to operate ng Department of Health (DOH).

Facebook Comments
Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial