The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
March 12, 2018

MUNDO NG HIP-HOP

“Nung una akong nag Rap walang gustong tumulong sa akin, wala talaga, nobody will like to take me seriously kasi pag nakita nila ang kalagayan ko, ikaw magiging rap artist!?”

Aming kinapanayam sa “KASANGGA MO ANG LANGIT” PTV4 program na sumasahimpapawid tuwing Biyernes, alas diyes ng gabi (10pm) ang isang tao na hindi naging sagabal ang kanyang kapansanan upang pasukin ang Mundo ng Hip-hop. Digmaan ng mga makata ang tawag sa rap battle na isa sa mundong ginagalawan ni Righteous One. Maanghang ,malupit, makulay at higit sa lahat malikhain. Sa mundo ng rap na galing sa hiphop, umiinog ang mundo ni the Righteous One o Joshua Berenguer sa tunay na buhay.

Muscle Imbalance

“Ang tawag po dito sir ay cerebral palsy spastic yung case ko, so minsan nangangatog yung mga  parte ng katawan. Involuntary at biglaan, lalo na nung bata po ako. Pero ngayon hindi na msayado.” Samahan ninyo kaming pasukin ang mundo ng makabagong balagtasan at ang paglalakbay ni Righteous One ating sundan. Ito po si Pareng Rey at JR Langit.

Hindi naging sagabal ang kanyang kapansanan. Pinakita at pinadama ang galing at talento ng isang tao na siyang nagpa sigla at nagpago sa kanyang mundo.

Josh: Naisip ko pong twist kung paano ko po gawan yung music note of the world, tapos parang tinutula ko po kung paano ko po ipaglalaban. Ikaw ang maganda kung tanawin sa pangit na mundo kong tinititigan patawarin, sadyang, di ko mapigilang isipin kita sabihin man nilang hindi ka nakakatulong sa akin.

Learn Hip-Hop

Walang imposible sa isang taong masigasig. Natural na talento sa paghabi ng musikang makabuluhan at nakaaantig.

Josh: Sa mga kabataan na gusto matuto mag rap kung gusto mo talagang gawin yung music maging masigasig ka nalang, wag kang papapigil sa kahit sinong mag sabi sayo na di mo kaya, di ka magaling ah, baduy ka, na dapat di ka pwedeng tumabi sa kanila yun yung voice environment dati. Ngayon medyo okay na, medyo mababait na yung mga artist ngayon, tutulungan ka talaga, sobrang nakakatuwa pero di tlaga mawawala yung adversity kasi yun talaga ang nag papagaling sa isang artist e kumbaga kung ikaw yung mangga ikaw yung usok ee para mamunga yung puno mo ee kaya kung naong sabihin nila sayo mag tengang kwali ka nalang gawa ka nalang ng music, mag sipag ka lang at kung gagawa ka ng kanta lagi mong panatilihan na kung di mjan positibo sa iba, positibo para sa iyo, lagi moong sabihin yung totoo, wag mong, wag kang gagawa ng pekeng imahe mo na para matuwa lang sila sayo, mag sasalita ka ng mga linyang tungkol sa ganito tungkol sa pulitika, tungkol sa pagiging makabayan kung di ka naman masyado sa ganun paksa, kung saan ka komportable kasi dun talaga lalabas yung natural mo na na talent then kapag ka masaya ka sa ginagawa mo, kasi ako di ko to trabaho, buhay ko toh, bounus nalang na kumikita ako.

Bullying

JR Langit: Nakaranas kaba ng pam-bubully at ano yung ginawa po para malagpasan ito para hindi ka maapektuhan?

Josh: Sir, hindi ako nagpa bully. Lalo na nung bata ako kasi noong pinanganak ako, given na binibiro ako. Tawagin nininyo na akong pilay wag ninyo lang akong tawagin bulag kasi nkakakita ako. Tawagin ninyo akong pilay, okay lang hindi naman talaga ako naglalakad. Mas napipikon pa nga ako pagka siguro sinasabi sakin na, kunwari sa school days hindi mo kayng ma-achive yung ganitong honors o ganitong grades ng mga kaklase ko o ang baba ng score mo sa test mas mataas pa sila. Ano imbes na magalit mas mamomotivate pa ako. Sige sige manuod ka, parang ganoon yung buhay sakin. Lumaki ako ganito na, sanay naman na ako. Parang mas naawa pa ako sa mga sa tao na alam mong walang contentment sa buhay when you have an enlightened mind.

Impact

JR Langit: Ano naman nagawa ng pag rarap, anong nagawang impact ng pag rarap sa buhay mo?

Josh: Sobrang laki sir, siguro kung walang hiphop hindi ako ganito sa sarili ko kung anong demeanor meron ako kung paano ko tingnan ang buhay kung paano ko harapin yung mga yun nga yung mga hardships na sinasabi ninyo mga pambubully lahat siguro naging sobrang mahina akong tao kung walang hiphop.

JR Langit: Pwede mo ba kaming bigyan ng sample?

Josh: Ok sir.

Hiphop Work

“Yoh, ikaw ang maganda kung tanawin sa pangit kong mundong tinititigan.
Patawarin mo sana ako kung sadyang hindi ko mapigilang, isipin kita sabihin man nilang
hindi ka nakakatulong sa aking kinabukasan hindi na kita matantanan at sadyang
Nakakaadik kapa sa droga ano man ang matikman, ay wala ng iba Mga hahanapin sa mundo ano at sino pa man ang kulang sa aking ginagalawan ika’y kabuuan
dami kong kakulangan daan daang dahilan para pakawalan ka sa kamay ko ay kahibangan,
Kahit sabihin pang wala na sa katinuuan handang maging baliw kung ang sukli Maisahan sila ng mga naging karibal ko sa ginusto kong katripan,

Kung gusto ay may paraan kung ayaw ay may dahilan. Hindi ito awit ng pag-ibig kundi mo alam panapal ito sa sugat ng kulturang naging laruan.”

Righteous One

At sa kanyang sariling paraan, malinaw na naipararating ni Righteous One ang kanyang mensahe.

JR Langit: Paano ang pananaw mo sa mga taong gustong magka-break, pero hindi maipakita ang talent?

Josh: May mga bagay na meron sila na wala ka. Pero maswerte ka dahil kung minsan may mayroon ka namang wala sila, mga mainit na yapos sa panahong malamig, kung problema mo ay may taong nakahandang makinig, mga taong pwede mong gawing takbuhan tuwing hating gabi tuwing nasaraduhan ng pintuan. May taong pwedeng pagsabihan ng sekreto mo kahit pag mumukha mo. Sa mga nalulungkot, nalulumbay akala nila wala ng ibang nag bibigay halaga sa kanila, huwag mawawalan ng pag asa yan ang masasabi ko po.

Ang pagpasok ni Righteous One sa mas malalim na bahagi ng kanyang paglalakbay bilang alagad ng sining.

Break For Young Artist

JR Langit: Hindi lamang sa entablado umiikot ang yong mundo diba, alam kong tumulong ka sa mga batang artists.

Josh: Hindi lang naman po kasi rap battle yung iniikutang mundo ng hiphop so heto nag produce ng music tumutulong gumawa ng music para sa iba. Nag-eencourage ng mga young artist yung mga batang aspiring. Hinahayaan ko silang mag interact sa akin either online or kung makakapunta sila dito binubuksan ko yung pintuan ng bahay namin para pumunta sila kasi kung kailangan nila ng konting knowledge. Hindi ko naman sinasabing alam ko na lahat, pero kung ano yung maibabahagi ko lang na makakadagdag sa kanila, basta kung meron man akong maibabahagi na knowledge o tulong kung gusto nila mag record dito ayan bukas kami para sa kanila.

The Light Bulb

JR Langit: Ano po ba itong advocacy mo na gusto mong ibahagi sa mga nag nanais na maging rapper ?

Josh: Meron po kaming independent production na unti-unti, dahan-dahan na tinatayo. Ito po ang Team Light ​Bulb Production. Light bulb po kasi diba kasi pag nakaisip kayo ng idea, parang light bulb yon. Pag nakakita po kasi ako ng baguhan o sino man na meron po talagang promise na gumawa ng music. Halimbawa nilapitan ako, kuya marunong akong mag rap, meron merong attraction yon sa akin. Lalo na pag narinig ko talagang magaling, merong umaattract sa akin. Minsan kahit di marunong basta may desire na matuto. Yung gustong matutong mag sulat, gumawa ng music, lalo na pag narinig ko yung reason- may mga taong lumalapit sa akin gustong mag rap for the perks. Pag rapper, may respect. People will look up to you. Marami akong nakilala na gustong mag rap kasi gusto nila sabihin pero di nila alam kung paano nila gagawin. Pupunta sila dito, mag sosoft drinks kami, kung ano ang pwede naming pag saluhan dito, sharing, soundtrip di mawawala yan, nakikinig ng music tapos yun unti-unting matuto. Hangang maimprove yung alam nila, o kung wala pa siyang alam tuturuan ko siya. Nakakatuwa pag nakikita mo na may progress yung tao.

Defy Limitations

JR Langit: Lately nakagawa ka ng album, ng sariling mong album…?

Josh: Opo, tawag dito ay DEFY LIMITATIONS. Kitang-kita naman kung bakit walang imposible kasi gusto kong ikwento sa kahit, sa siyam na kanta. Sa daming aspiring rappers kung ano mang musicians may mga jazz musicians dito sa Pilipinas na magaling sa reggae, blues, rock andaming indie na sobrang sobrang gagaling nila. Yung iba mga tropa ko pa nasa kanila yung skills pero masyado silang pinaghihinaan dahil wala silang contact sa major labels. Either hindi sila nagkakaroon ng malalaking gigs o malalaking break. Nagiging yun na yung hadlang o yun na yung pinaka dead end kung bakit hanggang dito nalang yung music namin hanggang sa pasundot sundot nalang kami sa mga swertehan sa mga bars, parang gusto kong sabihin na world, na world class yung talent ng Pilipino. Dapat marinig kayang kaya makipag sabayan sa mga sa mga international. Tingnan ninyo po si si KZ Tandingan sobrang lupet sa China. Sobrang napa wow nya yung mga intsik doon kaya talagang katibayan na sobrang lupet ng mga Pilipino. Kaya gusto kong ipakita na kung ako nagawa kong gumawa ng ganitong album at nagawa kong maghatid ng ganitong mensahe para sa lahat, diba?

Summation

Pinatunayan ni Righteous One,
hindi hadlang ang Kapansanan;
Kung gusto mong umangat sa buhay,
kumilos, gumawa, at huwag mag hintay.

Dedikasyon, talento at pagiging masigasig,
maiyahambing sa pagkaing Sisig;
bago mo matikman, dapat pag hirapan;
di puweding naka tunga-nga, na isang
SON OF A GUN !

Josh: “Yow, musta mga tol, ako nga pala si Righteous One, iniimbitahan ko kayo na laging panoorin tuwing Biyernes alas 10 ng gabi ang Kasangga Mo Ang Langit, yeah!”

Kay Righteous One, papel ng hiphop sa kanyang buhay.
Carreer at kinabukasan dito nakasalalay;
di puweding nakanganga at mangangalay,
Pangngang puweding gamit sa hanap buhay.

At tulad ng sa kanya’y pinangalan,
Righteous One, ano ang kahulugan;
gumawa ng tama upang biyaya’y tugma,
magandang gayahin ng ating madla.

Ang kanyang puhunan? Talas ng isip at talas ng dila.

Josh: “Gusto kong mag pasalamat sa Kasangga Mo Ang Langit, sa pag baba rito sa munti kong kuweba, sa laboratorio ko para silipin kung anong ginagawa ko dito. Sa lahat ng sumusuporta sa akin para mag patuloy akong gumawa ng music – motivation, sa mga magulang ko, at sa mga artist.”

Para sa kanya walang imposible’
pagsumikapan, sa mundo walang libre;
Pangarap iyong abutin,kanyang suhistion,
ipinakita sa album na “defy limitation.”

Napatunayan ni Righteous One,
na kahit na ang tao’y may kapansanan;
Puwedi pang magamit na puhunan,
Paakyat sa tugatog at hagdang daraànan.



Facebook Comments
Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial