The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
January 21, 2019

MOCHA, NOMINEE #1

Mula entablado, dumaan nang malakanyang ngayon patungong Kongreso.

Ito’y hango sa aming Programang pang telebisyon, “KASANGGA MO ANG LANGIT” ni Pareng Rey at JR Langit na inyong palagiang napapanood tuwing biernes ng gabi ng alas diyes y medya (10:30pm) sa PTV4. Ginawa namin ang isang exclusive na pakikipanayam kay Mocha Uson ang No. 1 nominee ng Kasosyo Partylist.

Mocha: Kaya it was a privilege for me to be part of the Duterte administration dahil ito talaga yung working president, isang malaking oportunidad para sa akin blessing.

Mula entablado ngayon patungo na sa Kongreso.

Mocha: Hindi ko naman talaga iplinano ito lahat, it fell into its place pero pinaka nag triggered sa akin ay yung mga mapang abusong mga kongresista, yang mga party list na nagpapanggap para sa bayan.

AKA Mocha USON

Esther Margaux Justiniano ang tunay na pangalan, AkA Mocha Uson. Ating alamin ang kanyang adbokasiya at mga plano sa pagtakbo bilang partylist representative. Kontrobersyal ang kanyang pagpasok sa Serbisyo publiko. Tulad ng mga dating entertainer na napasok sa public service, hindi naligtasan ni dating PCOO Asst Secretary Mocha Uson ang pangmamaliit ng ilang kritiko. Si Esther Margaux Justiniano dating ASEC Mocha Uson. Pero tinawag syang Mocha ng nanay nya dahil sa kanyang kulay at regalong Mocha cakes nuong ipanganak sya.

Mocha: Lahat yun Mocha cake, Mocha rolls, Mocha ice cream, kaya ang sabi niya ay nako Mocha na Mocha na ang palayaw nito at nung pinanganak ako nung baby ako maitim talaga ako kasi yung tatay ko Ilocano taga pangasinan pangasinense kaya dark na dark skin na ako kaya tinawag na Mocha.

JR Langit: Nung bata ka ba pinangarap mo ng pumasok sa pag aartista or dito sa entertainment?

Mocha: ang naaalalal ko nung bata ako parang mahilig akong nasa entablado sinasali ako ng mga magulang ko sa mga singing contest, at nung grade school, noong high school ganyang ang paborito kong mga gawain sa school ay yung mga pag may production number.

JR Langit: Pwedeng malaman san ka nag college at anung kurso ang kinuha mo?

Mocha: College, well ano from nursery to high school sa dagupan city pangasinan at nung kolehiyo lumipat ako sa manila jan sa University of Santo Tomas at ang kursong kinuha ko ay bs medical technology dahil nga yung nanay ko bilang doktora gustong niyang maging doktora ako yung tatay ko naman judge pero sabi niya mag doctor nalang ako kaya tinapos ko yung bs medtech sa ust.

Hindi small time na pamilya ang pinagmulan ni ASEC Mocha anak ng judge at doktor, nagtapos ng Medical technology sa University of Santo Tomas at nakatuntong hanggang second year ng kursong Medisina.

Mocha: Then nung natapos ko yung bs medtech pinagpatuloy ko sa med proper sa UST rin hanggang 2nd year pero nung 2nd year namili na talaga ako ng gusto kong gawin yung entertainment.

Kahit sa kanyang med-tech days, nagbabanda na rin si ASEC Mocha at kalaunan nga ay mas pinili nya ang entertainment kumpara sa pagiging doktor.

Mocha GIRLS

JR Langit: At papano ka naman napasok dito sa Mocha group at ipinangalan mo pa sayo?

Mocha: ah oo yung Mocha girls, kasi nong college palang naging member na ako ng isang banda para siyang inter youth organization ng ibat ibang paaralan, may mga taga UP, La salle, UST so yung youth org. na yun dun ko sila nakilala, tatlo kaming babaeng singer non so yung isa taga la salle taga UP, ako taga UST tapos yung band members namin mga taga UP, so pop rock alternative yung banda namin non iba pa yung pangalan namin hanggang sa nag kawatak watak kami, nag solo nako Mocha so yung may nakilala akong banda from from Mindanao, kaya naging Mocha with spin art tapos hanggang sa naging Mocha girls nung nagpa audition kami ng mga girls to dance with me so doon college palang nag babanda nako.

Mula sa pagiging Asst Secretary, tuluyan nang hindi natakasan ni Mocha ang pulitika. Tumatakbo sya ngayon bilang kinatawan ng Kasosyo partylist group.

JR Langit: Kung sakaling palarin kang manalo dito sa 2019 midterm elections bilang congresswoman iiwan mo ba itong pagiging entertainer?

Mocha: Sabi nga once an entertainer always an entertainer nung naging assistance secretary na ako ng pcoo syempre, nasa puso parin yung pagiging performer pero hindi na ako yung nakikita sa entablado, napansin ko ngayon sa pulitika yung mga politko nagiging entertairner diba? Kapag kampanya sumasayaw sila kumakanta sila, ako naman sa pag iikot ko halimbawa pumupunta ako sa mga Christmas party nagsasalita ako akala ko tapos na biglang may sisigaw sayaw, kanta, hahah kaya andun pa rin so ngayon nagagamit ko yung pagiging entertainer ko para pasayahin yung mga tao.

Bago pumalaot sa pulitika, naging isang epektibong tulay ng maraming pilipino si dating ASEC Mocha para makarating sa Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang mga hinaing.

BAKIT DAPAT IBOTO

JR Langit: Ms. Mocha bakit sa tingin mo kailangan kang iboto ng sambayanang Pilipino?

Mocha: Isa lang naman po ang ipagmamalaki ko nakikinig po ako sa tao kaya nga po yung Mocha uson blog ay naging tulay para maiparating yung hinanaing ng ating mga kababayan sa gobyerno lalo na kay pangulong Duterte pagka panalong pagkapanalo palang ni Pangulong Duterte nag pa survey na ako sa facebook sabi ko o mga ka dds ano yung top ten wish list ninyo sa unang 100 araw ni pangulong Duterte at 1 to 10 ayun nag survey ako at ipinarating ko kay pangulo ko ito and law and behold nung binasa niya the next day inanounce niya yung number 1 sa listahan na ang gusto ng mga Pilipino ay mayroon direktang sumbungan kay pangulong Duterte at doon inilunsad yung 8888 na ngayon lang nagkaroon sa history ng ating gobyerno.

Ang mga plano ni dating ASEC Mocha sakaling palaring maging kinatawan sa kongreso. “So sabi ko bat merong ganiton bat meron tayong mga mababatas jaan sa kongreso na inaabuso yung kapangyarehan nila na nag popondo de umano sa mga magpapabagsak ng gobyerno.”

Isa si dating ASEC Mocha Uson sa mga malaki ang impluwensya pagdating sa social media. Kaya naman naging malaking tulong ito para iparating sa taongbayan ang mga magagandang balita mula kay Pangulong Rodrigo Duterte nuong kampanya at nuong maitalaga sya sa Presidential communications Operations Office..

ANO NAG TRIGGER PARA SA BAGONG JOURNEY

Mula entablado hanggang malakanyang sa ngayon, Pulitika naman ang nais na pasukin ni dating ASEC Mocha. Sa pamamagitan ito ng Kasosyo Partylist group kung saan sya ang number one nominee.

“Pinaka nag triggered sakin ay yung mga mapang abusong mga kongresista, yang mga party list na nagpapanggap para sa bayan pero mga terrorism sympathiser yang mga nagpopondo di umano ng Npa yung mga kuminista jan sa kongreso. Kase budget hearing ito ng pcoo at hindi ako nakadalo dahil may trabaho, pinepersonal nitong mga terrorism sympathiser na to yung absence ko doon pero ang totoo pala niyan kaya sila nang gagalaite sa akin, kaya nila inaabuso yung kanilang posisyon ay dahil may kumalat sa social media yung video ko na nag iinterview ako sa mga indigenous people mga lumad mga katutubo at duon na exposed yung abuses ng mga npa, cpp npa, mula sa mga lumad at ganun pala itong mga kumunista na ito , they would gang up on you, ah kukuyugin ka nila basta na triggered mo sila so sabi ko bat merong ganiton bat meron tayong mga mababatas jaan sa kongreso na inaabuso yung kapangyarehan nila na nag popondo de umano sa mga magpapabagsak ng gobyerno, diba dapat ang pondo ng gobyerno ginagamit pang tulong sa mamayang Pilipino at hindi para ibagsak ang gobyerno.”

Sa pamamagitan ng Kasosyo partylist, nais ni dating ASEC Mocha na mabigyan ng oportunidad ang bawat pilipino na magkaruon ng sariling negosyo.

ISA SIYANG OFW

Isa sa mga sektor ng lipunan na naging malapit sa puso ni dating ASEC Mocha ang mga OFW’s. Dati rin kasi syang OFW nuong panahong nasa mundo pa sya ng entertainment. Gayunman, bilang isang public official, isa pang sektor ng lipunan na hindi masyadong napapansin ang napalapit kay ASEC Mocha.

JR Langit: Ok ngayon tumatakbo ka sa partylist ano yung mga balak mo pang gawin once maupo ka dito at manalo ka ?

Mocha: yung AA kasosyo, yung aa-kasyosyo partylist kung saan nominee number 1 po ako, ang plataporma po nito ay pang kabuhayan naniniwala po kasi ako na uunlad yung bayan natin kung ang bawat Pilipino ay maging magaling na negosyante may sarili negosyo dahil kung may negosyo maraming trabaho at yun yung gusto kong trabahuhin dahil narin sa mga ofws naten sinasabe nila ano Mocha sa totoo lang ayaw na namin umalis ng bansa kaya wala naman kaming choice kundi bumalik uli mag ofw, mag trabaho kahit malayo kami sa pamilya namin dahil wala naman kaming oportyunidad dito. Yun po yung ating gagawin na magkaroon ng sustainable livelihood para sa mga kababayan naten at dahil ako ay naging ofw din ayun po yung malapit po sa aking puso ang ating ofws na dumating yung panahon na hindi na sila kailangang lumabas pa ng bansa kundi makasama nila yung kanilang mga pamilya.

MALASAKIT SA INDIGENOUS PEOPLE

JR Langit: Parang malapit sa puso mo yung mga indigenous people itong mga katutubo na lumad, bakit?

Mocha: Nag simula po kasi yan noong October lumuwas ng manila yung mga lumad nating katutubo. Kasi hindi sila nabibigyan ng boses sa social media lang so humingi sila ng tulong sakin na gusto naming ipaalam sa mga Pilipino kung ano yung pangaabuso na ginagawa sakanila ng Cpp NPA, kasi diba lagi nilang sinasabi sa mga rally stop the killings stop militarization ang sinisisi ng mga kuminista ay ang mga sundalo daw ang pumapatay sa mga lumad at pinabulaanan yan ng mga katutubo natin na ang mga pumapatay sakanila ay ang mga Cpp Npa, kaya po ako napalapit sa kanila dahil ganun na lang yung kanilang pasasalamat na nagkaroon sila ng boses sa social media so ang simula yung interview sa mga tribal leaders and then sumunod mga youth leaders naman and in fact meron kaming on going parang seminar na tuturuan itong ating mga indigenous people mga youth leaders, tribal leaders na gamitin yung social media para sila na mismo ay magamit itong plataporma na iapaalam sa Pilipino yung kanilang mga hihinaing, mga pinagdadaanan at yung mga pangangailanagan nila.

Malayo na ang nalakbay ng career ni dating ASEC Mocha Uson. Isang inspirasyon sa mga gutong pumasok sa public service.

SUMMATION:

Kasabihan nga “once an entertainer always an entertainer.” kaya kung ito ay nasa dugo mo na, hahanap hanapin pa rin ng katawan mo ang pagiging isang entertainer. Nung nasa Malacañang na siya, naging assistance secretary na pero nasa puso parin nya ang pagiging performer. Kaya natural lamang kung minsan na may paanyaya sa kanya at hindi niya ito basta basta matangihan. At dito naglalabasan ang kanyang mga kritiko.

Ang nakatutuwa pa rito, kapag election period at sa mga kampanya, ang mga tumatakbo sa puwesto kahit na hindi entertainer gustong gustong kumakanta at sumasayaw. Bakit nga ba ang isang tunay na entertainer na tulad ni Mocha ay hindi magpakita ng kanyang talento at abilidad at maibahagi niya sa madla.

Mocha: “ako naman sa pag iikot ko halimbawa pumupunta ako sa mga Christmas party nagsasalita ako akala ko tapos na biglang may sisigaw sayaw, kanta, hahah.”

Kaya nga sa panahong ito na muli tayong pipili ng iyahalal, ano pa man ang kanyang pinagmulan, anoman ang kapintasan o kakulungan, ang pinakamahalaga naman sa lahat ay mayroon tayong puso na gustong tumulong ng sinsero sa kapwa.

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial