The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
January 8, 2018

MILAGRO NI BLACK NAZARENE AT OUR LADY OF GUADALUPE

Sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino, minsan pa’y samahan niyo kaming bisitahin sila. Ito po si Pareng Rey. Tampok natin ngayon ay ang Black Nazarene at Our Lady of Guadalupe. Ang tanyag na poong itim na Nazareno na matatagpuan sa simbahan ng St. John de Baptist sa Quiapo, Maynila, inukit at nanggaling pa sa bansang Mexico.

MAJOR RELIGIOUS OCCASIONS

Kung sa Pilipinas itinuturing na isa sa pinakamalaking pista ang Feast of the Black Nazarene sa Mexico naman, ipinagdiriwang nilang ang pista ng Our Lady of Guadalupe. Ang misteryosong mga imahen na parehong nagmula sa bansang Mexico, pareho nga bang nagmimilagro? Samahan niyo kaming alamin ang kanilang kuwento. Sa Acapulco, Mexico sinasabing nanggaling ang mahiwagang Poong Hesus Nazareno, na siyang matatagpuan sa Quiapo, Maynila. Ang misteryo na bumabalot sa poon, may pagkakahawig sa milagrosong imahen ng Our Lady of Guadalupe na matatagpuan rin sa bansang Mexico.

RENOWNED ICON

Tuwing sasapit ang ika-siyam ng Enero taon-taon, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang Pista ng Nuestro Padre Hesus Nazareno o mas kilala sa atin bilang Poon ng Itim na Nazareno. Sinasabing milagroso at nakakapagpagaling ng may sakit ang Poon kung kaya’t libo-libong deboto nito mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang nakikisali at nagpupunta sa pista ng mahal na poon.

Mayo taong 1606 nang dalhin ng mga pari mula sa Acapulco, Mexico ang imahen ng Poong Nazareno sa Pilipinas. Isang milagro nang maisalba ito matapos masunog ang galyong sinasakyan nito. Ang apoy mula sa nasusunog na barko ang sinasabing nagbigay nang itim na kulay nito. At bagamat nasunog ang katawang kahoy ng imahen, kulay lamang umano ang nagbago sa poon.

POPULAR OBJECT OF DEVOTION

Kung sa Pilipinas sikat na sikat ang pista ng Black Nazarene alam niyo bang sa Mexico kung saan nanggaling ang poon, ay mayroon ding tanyag na imahen? Ito ang Nuestra Senora de Guadalupe o mas kilala sa tawag na Our Lady of Guadalupe. Mapalad kami at aming napasyalan ang mismong basilica kung saan nanatili ang mahal na Birhen.

Binisita po namin ang sinasabi nilang antigong simbahan ng Basilica. Tatlong bahagi po ito, at ang pangalawa na pinasok namin ang loob kung saan nagmilagro ang mahal na birhen ng Guadalupe.

MEMORIES

Muling nanumbalik sa aking ala-ala ang kakaiba kong karanasan kay Our Lady of Guadalupe na hangga ngayon ay hindi ko pa rin malimutan. Taong 2001 nang akoy magkaroon ng media coverage sa Mexico, kaugnay ng isang international conference at pangangalap ng istorya ng ating mga Filipino migrant workers. Gumawa rin kami ng paraan upang maka bisita sa kilalang Basilica ng Mexico at makadalaw sa pamosong shrine of Our Lady of Guadalupe.

Palubog na ang araw ng makarating kami kasama ang aming tv crew sa Basilica ni Our Lady of Guadalupe. Mag aala-sais na nang gabi noon. Dalawang simbahan ang halos hindi magka layo sa isa’t isa. Napag alaman namin na ang icon ng Our Lady of Guadalupe ay naririto sa Basilica na may kalumaang simbahan at ito rin ang dinadayo ng maraming deboto at turista. Pumasok kami sa Basilica na hindi alam kung nasaan ang kinalalagyan ng imahen Our Lady of Guadalupe, inisa-isa naming kinunan ng video camera ang mga nakasabit na nag lalakihang paintings ng mga images.

MIRACULOUS POWERS

Nataon naman na wala kaming dala dalang extra lights para sa camera sa aming pag mamadali. Hirap ang aming cameraman dahil hindi na talaga kaya ng video camera ang dilim sa loob ng simbahan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan. kahit na wala kaming ginagalaw sa adjustment ng camera biglang nag-liwanag ang pinaka “irised” ng aming camera, na kinagitla ng aming grupo. Ang akala namin ay tuluyan nang nasira ang aming video camera.

Ang kamangha-mangha rito ay kaisa-isang image ni Our Lady of Guadalupe lang ang lumitaw na mapapanood sa video camera gayong kinunan naman namin lahat halos ng mga images sa loob ng Basilica.

AMAZING

Dahil sa pangyayaring ito ay pinag sumikapan kung makakuha ng aklat ng buhay ni Our Lady of Guadalupe para makagawa ng isang special report na pang telebisyon. Ganap nang 7:30 ng gabi, sarado na ang catholic store na kinalalagyan ng mga religious articles ng Basilica. Wala nang ilaw ang tindahan indikasyon na wala nang tao sa loob nito.

Sa aming pagtatanong ala-sais (6pm) pa lang daw ay nagsasara ang catholic/ religious stores. Wala na kaming panahong makabalik pa sa Basilica dahil kinabukasan first hour ang aming lipad pabalik ng Pilipinas. At alam kong wala na kami pag asa na makakuha pa ng Aklat ng istorya ni Our Lady of Guadalupe.

ANOTHER MIRACLE

Habang nag iisip kami nang susunod na hakbang na gagawin, 20 minuto na rin ang mabilis na lumipas. Nag disisyon na kaming lisanin ang Basilica. Sa isa pang hindi maipaliwanag na pangyayari ay biglang lumiwanag ang tindahan at bilang bumukas ang pinto nito. Isang lalaki ang kumaway sa amin at parang kami ang kanyang inihintay. dagli namin siyang nilapitan. Kinagulat namin ang mga sumunod na pangyayari, ang sabi ng taong lumitaw sa catholic store:

“I know you need something from me. Hurry-up get it now.”

Nakamamangha, alam niyang may kailangan kami sa tindahan, wala na kaming inaksayang panahon, mabilis kaming pumasok sa tindahan ng religious articles at dagli naming nakita ang gusto naming aklat ng buhay ni Our Lady of Guadalupe.

Sa aking mga kasamahan sa media na nag-cover sa Bansang Mexico at mga kaibigan na nakuwentuhan ng aming karanasan iisa ang kanilang interpritasyon na kagustuhan ni Our Lady of Guadalupe na siya ay aking propagate o ipalaganap ang kanyang kuwento.

Napakahirap isipin, hindi ganoon kadaling ipaliwanag. Nasambit ko na lang sa aking sarili na mapalad ako, isang buhay na witness sa isang tunay na MILAGRO!

HISTORICAL EXISTENCE

Nang simulan kong buklatin ang aklat mula sa Basilica aking napag alaman na taong 1531 ng unang masaksihan ang pagpapakita ng birhen ng Guadalupe sa Mexico. Nasundan pa ng tatlong pagpapakita ng Disyembre rin nang nasabing taon. Ibat-ibang tao ang naka saksi sa aparisyon ng mahal na birhen, dito na nagpasya ang mananampalataya na gumawa ng isang imahen ng Guadalupe.

IMAGE ITSELF WORKED MIRACLES

Taong 1531 din nang makita ng isang mexikano na nakilala sa pangalang Juan Diego ang imahen ng mahal na birhen ng Guadalupe. Matapos ang aparisyon gumawa nang milagro ang mahal na birhen kung saan nakitang nakapinta ang kanyang imahen sa tilma o balabal na pagmamay-ari ni Juan Diego. Kung paano at kailan ito naiguhit ay isa pa ring misteryo hanggang sa ngayon. Isa pa sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay ang kalidad ng tela kung saan naroon ang imahen ng mahal na birhen ay nanatiling buo pa rin matapos ang mahigit apat na daang taon gayong ang tela na tulad nito’y magtatagal lamang ng dalawampung taon.

Taong 1791 aksidenteng natapunan ng nitric acid o asido ang larawan habang nililinis ang kuwadro ni Our Lady of Guadalupe. Subalit laking pagkagulat at pasasalamat ng taga-linis na ni katiting na bakas ay walang sira na nakita sa larawan ng imahe ng Virgin Mary.

SHORT STORY

Isa pang milagro ng imahe ay nang hagisan ng bomba ang simbahan ng Guadalupe na aming napuntahan. Sa lakas ng pagsabog ay napinsala lahat ng mga katabi ng larawan ni Our Lady of Guadalupe. Nakapagtatakang hindi man lamang nagalusan ang painting ng birhen ng Guadalupe. Katunayan sa tabi ng imahe ay bumaluktot ang malaking crucifix na gawa sa makapal na bakal at ito ay makikitang naka-display sa isang eskaparate sa loob ng simbahang ito.

APPROVED VENERATION OF IMAGE

At si Pope Pius XI ang nag diklarang si Our Lady of Guadalupe ang Heavenly Patroness ng Bansang Pilipinas. Ang orihinal na Señora de Guadalupe ang aming nabisita sa Mexico. Mayroong pagkakapareho ang birhen ng Guadalupe sa Mexico at ang Poon ng itim na Nazareno, ito ay ang nakaligtas ang dalawang imahen sa iba’t-ibang uri ng disgrasya at kalamidad. Kung ang poong Nazareno ay nakaligtas mula sa sunog sa galyon, ang imahen naman ng Guadalupe ay nakaligtas mula sa malaking pagsabog.

Taong 1920 pinasabog ng isang malakas na bomba ang simbahan ng Guadalupe, sa lakas ng pagsabog ay bumaluktot ang bakal na krus na matatagpuan sa harap ng imahen subalit nakapagtatakang hindi man lang nagasgasan ang imahen. Dahil dito ay higit na dumami ang deboto at naniniwala na milagroso nga ang mahal na birhen.

Mayroong tatlong simbahan ang Our Lady of Guadalupe. Sa lumang simbahan makikita ang ilan sa mga nilikhang imahen ng Birhen, kasama ng ilan sa mahahalagang kagamitang matatagpuan sa loob ng kapilya. Dahil na rin sa mga milagro at aparisyon nang mahal na birhen kay Juan Diego, na siyang napatunayan ng simbahang katoliko, taong 1990 na beatify siya at matapos ang labing dalawang taon, hinirang siya bilang santo ng simbahan.

MOST VISITED SHRINE IN THE WORLD

Itinuturing ang Basilica of Our Lady of Guadalupe na “most visited Marian Shrine in the World.” Taon-taon sinasabing umaabot sa mahigit dalawampu’t-dalawang milyon na deboto at turista ang dumadalaw sa simbahan ng Guadalupe. Kaya naman binansagan itong “world’s major centre of Pilgrimage for Roman Catholics. Taon-taon patuloy na nadaragdagan ang mga deboto nang parehong Poong itim na Nazareno at ang Our Lady of Guadalupe.

Bawat poon o imahe ay may kanya-kanyang kwento. Milagroso man ito o hindi ang mahalaga, mas pinagtitibay ng mga imaheng ito ang ating pananampalataya sa totoong may akda. Samahan ninyo kami sa aming biyahe sa iba’t-ibang dako ng mundo at panuorin tuwing Biernes ng alas diyes ng gabi (10pm) sa PTV4.

Hanggang sa susunod na Linggo ito po si Pareng Rey kasama ang ating Kasanggang si JR Langit, siguradong hindi tayo mauubusan ng kwentong Pinoy sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino, minsan pa ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pakikipaglakbay sa aming, “Biyaheng Langit.”

Facebook Comments
Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial