The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
February 17, 2019

MAN’S BEST FRIEND

Ang dog owner ng German Shepherd na nanalong No.1 sa Landesgruppen Show ay walang iba kung di ang ating Kasangga na si JR Langit: “Maswerte at ang aking alaga ang nanalo ng 1st place sa Landesgruppen Show na ito, actually first time ko rin na sumali rito at luckily nakuha natin ang first place.”

Ang Landesgruppen Show ay napanood noong Biyernes sa aming Programang pang telebisyon, “KASANGGA MO ANG LANGIT” na inyong palagiang sinusubaybayan tuwing Biyernes ng gabi ng alas diyes y medya (10:30pm) sa PTV4.

Dog show na PET-MALU!

Ang sikat na dog show na ginanap sa Ayala Alabang para sa mga German Shepherds ating busisiin, ako si Pareng Rey Langit. Alamin ang tamang paraan kung paano mag alaga at mag train ng German Shepherd. Ako naman ang inyong Kasangga JR Langit. Sa ginawa naming pakikipanayam kay Mark Ballesteros, General Manager ng GSDA German Shepherd Dog Federation.

GM Mark: Dito sa aming show a maraming critical, yung bonding nila sa isat isa. Makikita mo yung training, ang trabaho kasi nung handler is to show the dog pero yung pinaka contact nung aso ay nandon parin sa double handler, which is yung owner, yung nag aalaga sa kaniya.

Mahaba ang listahan ng GSDA o German Shepherd Dog Association ng isasagawa nilang Landesgruppen Show ngayong taon. Isa itong dog show kung saan mga German Shepherd na aso lamang ang itinatampok. Maraming taon na rin itong isinasagawa ng asosasyon at kada taon, hindi bumababa sa isandaang German Shepherds ang lumalahok.

GM Mark: We have a 12 shows na naka-program po para sa German Shepherd federation of the Philippines. After this show we will be having the 24th show sa Lima hotel in batangas which is under the southern Luzon German Shepherd dog association.

To be judged by Mr. Alonzo Zo from Taiwan on March 23. In May we will be having Magsaysay Cup to be judged by Uldi Cazman from Germany. Next in April Fun Match healed in Quezon City. May 6 we will be going to North, to Baguio which is the 35th Landesgruppen Show of the Northern Luzon German Shepherd Dog Association and May 6, we will be having show here in Alabang.

MEMBER DOG SOCIETIES

Ang Pilipinas ang isa sa dalawang bansa sa asya na miyembro ng German Shepherd dog societies ng Germany simula pa noong 1974. Kaakibat nito ang regular na pagsasagawa ng German Shepherd dog specialty show na tinawag nilang Landesgruppen Show.

GM Mark: Kahit yung mga breedings dito sa manila highly competitive nanananalo na rin talaga sila, mahirap na rin silang talunin. Kahit yung imported dogs pag dinala mo dito kaya na ring talunin ng mga alaga dito. Nananalo na rin yung ating mga local breedings.

JR Langit: Ano ba talaga yong kagandahang inahanap sa isang German Shepherd?

ANATOMY AND BODY STRUCTURE

GM Mark: Normally kasi, itong outdoor show ay jina-judge according sa kanilang agility syempre unang –una yung kanilang anatomy, yong body structure ng dog. Meron kasi tayong German Shepherd dog na breed standard, so normally kung sino yung malapit sa breed standard siya yung napipili ng mga judges. Dun tayo nagba-base, this is the 7th Landes gruppen show of alabang German Shepherd dog association.

Sa patimpalak na ito para sa mga German Shepherds, galing mismo ng Germany ang mga Judges. Kung maganda ang anatomy ng iyong aso, siguradong aani ito ng malaking puntos.

Sa aming ginawang pakikipanayam kay Mr. Arsenio Castillo, Southern Luzon President ng GSDA.

Mr. Arsenio: Kasi ang German Shepherd is isang dog na walang artificial, we don’t have to cut the ears, hindi mo na kailangan putulin yung tenga, yung buntot… kaya sinasabing talagang natural. Natural lang siya… basta tinitignan lang namin yung anatomy ng German Shepherd. Sa contest namin yung structure yung tinitignan.

JR Langit: Ano itong hinahanap niyong structure, na masasabi ninyong perfect or ideal sa isang German Shepherd.

FOUR-WHEEL DRIVE

Mr. Arsenio: Ahhh kung pag uusapan structure sa German Shepherd yung external kanyang type nalang yun, pero yung anatomy ay may isang klase ng structure na kita sa tindig at galaw. Sa galaw niya kailangan meron siyang tamang structure, kasi kung maganda ang kanyang harap yung tinatawag ko sa kanya para siyang isang sasakyan na “front-wheel drive”. Kung maganda ang kanyang likod, siya ay “rear-wheel drive”. Pero kung maganda ang harap at likod yun yong tinatawag na “four-wheel drive”. Kaya kung front-wheel drive siya syempre mas hindi siya mabilis mapagod.

Sa ngayon, marami nang breeders at trainers ng German Shepherds sa Pilipinas. Marami sa kanila, sadyang inilalaan para sa mga dog shows at breeding ang kanilang mga alaga. Ilan sa kanila kabilang ang pangulo ng GSDA ay nanatili pa sa Germany para pag aralan mabuti ang pag train ng German Shepherds.

Si Charles Mann Gil Cortez isang German Shepherd lover.

JR Langit: ilang taon na yang aso ninyo at paano niyo siya pinalaki?

Mann: My German Shepherd she’s now 18 months old, from reforge of 2 important dogs from germany. Galing siya sa kennel na hunigrab and isa siya sa first pick na leader. Para mai-show we keep this as a puppy kase sayang kung mapupunta sa mga owner na gagawin lang siyang pet, then we train this dog since 3 months old and she started the competing and got number 1 rank in every category from 3 to 6 to 9 to 12 now this is her first time to compete in the category 18 to 24 months.

BREEDING AGE

JR Langit: Hindi pa siya ready for breeding?

Mann: No, not yet ready for breeding because the best age to breed ang dog or the German Shepherd dog is a 2 years, 2 years and above. My plan for my dog generies is to breed her after competing in her class. To see how she will perform and then she will be mated to the best male who can produce better than parents.

Minsan ang alagang German Shepherd ay binibigyan din ng can food, may araw din binibigyan din sila ng ronas spareribs. Pero once a week lang, para ma-clean up lang ang kanyang teeth.

Samantala mahigit sa tatlumpung taon nang nag tre train at nag aalaga ng German Shepherd si Edgard at ayon sa kanya, magkahiwalay ang training ng aso para sa dog show at training para maging masunurin ito sa kanyang amo. Payo ni Edgard, ituring na parang anak ang German Shepherd upang maibalik nya sa inyo ang ibinigay nyong pagmamahal.

Ganito ang paliwanag ni Edgard Gacula German Shepherd trainor sa ginawang pakikipanayam ni JR Langit.

JR Langit: Mga gaano po karaming beses ang training na dapat para sumabak sa ganitong Landesgruppen Show?

DOG BITES

Edgard: Actually hindi dapat hinihinto ang training niyan, pero ako kasi 3 times a week lang ako nagtra-train advisable talaga, dahil pag araw-araw naman mag sasawa rin naman yung aso, so 3 times a week lang ako nag tra-train ng aso para mas Ganado yung aso.

JR Langit: Na experience na ba ninyong nakagat ng German Shepherd?

Edgard: Marami na po, meron na pong kagat dito mga ito lang itong mga ito tapos mga hita kasi meron mga aso na umpisa palang na German Shepherd tini-train mo siya lalo na karamihan nagpapaturo ng obedience ay nangangagat ang aso merong ganon.

Halos dalawampung taon nang breeder ng German Shepherd si Mark Ballesteros, ang General Manager ng GSDA German Shepherd Dog Federation, hindi pa rin nag babago ang paghanga niya sa mga asong ito.

Si Edgard Gacula German Shepherd trainer ang nagsabing ang pagiging tapat na alaga ang pinakagusto nyang katangian ng mga ito.

Bagamat may nakita lamang na disadvantage si Arsenio Castillo, Southern Luzon President ng GSDA.

Mr. Arsenio: Ang disadvantage lang satin dito sa metro manila is because kulang ng space yung mga breeder dito sa maynila, kasi ang german shephered kailangan nila ng space kailangan nila mag move, malaking aso sila ang hindi katulad ng mga small dogs maliit ang space ok na pero German Shepherd kailangan talaga nilang mag move mag exercise. Isa sa pinaka importante sa pag aalaga ng German Shepherds ay pagkakaruon ng malawak na space.

GM Mark: Maganda po yung German Shepherd compared to other breed. Ako po’y breeder ng German Shepherd for the past 15 to 20 years hindi na po ako nakakita ng ibang breed na mas hihigit pa sa German Shepherd because of their loyalty at yung kanilang character nagustuhan ko sa breed, medyo mahirap lang siya i-breed alagaan pero napakaganda once maatouch ka sa kanila hindi kana mag hahanap pa ng iba pang breed.

Edgard: Yung German Shepherd breed po kasi loyal parang guwardya mo yan sa bahay na kung ikaw ang may-ari malambing sayo pero pag hindi ikaw ang may-ari pwedeng malambing din pero hindi yung katulad ng paglalambing sa owner.

SUMMATION

Ang pagkakaroon ng German Shepherd ay hindi lamang kasiyahan bilang pet kundi maaaliw ka pagpapakita ng kanyang talento, laluna sa mga dog shows. Isang magandang proyekto na magandang pagka abalahan dahil makabuluhan.

Tulad ng ating pamilya, hindi matatawaran ang kasiyahang ibinibigay sa atin ng man’s best friend.

Facebook Comments
Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial