The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
January 13, 2019

“MALASAKIT SA MAHIHIRAP

Samahan nyo kaming pasyalan ang paglulunsad ng isa na namang Malasakit center ng pamahalaan. Ito po si Pareng Rey langit. Pinagsanib na puwersa ng apat na ahensya. Ang mga benepisyong dala ng mga Malasakit centers, ating alamin. Ako naman ang inyong Kasangga JR Langit.

Ito’y hango sa aming Programang pang telebisyon, “KASANGGA MO ANG LANGIT” ni Pareng Rey at JR Langit na inyong palagiang napapanood tuwing Biyernes ng gabi ng alas diyes (10pm) sa PTV4.

HELPING HAND

Isa na namang Malasakit center ang inilunsad ng pamahalaan. Ito na ang ika labing syam na Malasakit center sa buong kapuluan at ang ikalawa sa Metro Manila. Target ng gobyerno na maparami pa ang Malasakit centers na inilalagay sa mga ospital sa ibat ibang panig ng bansa. Plano rin ng ating pamahalaan na gawing computerized ang proseso para sa mas mabilis na aksyon.

Tunay namang napakalaking bagay para sa mahihirap nating kababayan ang Malasakit centers. Isang magandang proyekto na hindi binitiwan ng ating Pangulong Rodrigo Duterte mula sa Davao city hanggang sa malakanyang.

SAP Bong Go: Lunes pipila kayo sa PCSO mamamasahe kayo. Martes pupunta naman kayo ng DOH mamamasahe kayo, ubos ang panahon ninyo pumapatak pa yung bill ninyo, miyerkules pupunta kayo ng DSWD, huwebes pupunta kayo ng PAGCOR o biyernes Philhealth sa isang linggo po ubos yung panahon ninyo.

One stop shop para sa kawanggawa. Isa si dating SAP Bong Go sa mga nag bumuo ng ideya na magkaruon ng one stop shop para sa mga nais humingi ng tulong pinansyal para sa kasong medikal. Kaya naman sa paglulunsad ng bawat isa sa labing syam na Malasakit center ay kanyang dinadaluhan.

COMBINE STRENGTHS

Pinagsanib na puwersa ng apat na ahensya. Mas pinadali, mas episyente at higit sa lahat mas malaking panahon ang matitipid ng ating mga kababayang nangangailangan.

Kinapanayam ni Kasangga JR Langit si PCSO GM Alexander Balutan.

GM Balutan: Ang partnership naming ng lung center of the Philippines tsaka yung Malasakit Center since ito ay one stop shop na ngayon napag tutulungan ng limang ahensya PAGCOR, DOH, PhilHealth, DSWD and PCSO.

JR Langit: Maliban po sa bagong One Stop Shop project i understand GM natutulungan na rin ninyo dati pa ang Lung Center?

GM Balutan: Sa lungs center of the Philippines we always support effort ng ncp, nakasuporta na kami dito dahil yung mga pasyente naming dito po nagpupunta. In fact we have endowment fund dito sa lung center of the Philippines na worth 5 million and also we just donated equipment for medical equipment for citiScan worth mga 18 million so ganun ang partnership naming ng lung center of the Philippines.

DECADE OF EXPERIENCE

Nabuo ang ideyang ito mula sa dalawang dekada nang paninilbihan ni Sap Bong kay Pangulong Rodrigo Duterte na laging nilalapitan ng mga mamamayan para sa medical assistance.

SAP Bong Go: Kaya po tayo nag karoon ng idea nag mag lagay ng malasakit center para po sa iisang kwarto iisang bubong dun na po yung representative ng DOH, DSWD, PAGCOR, PCSO and Phil Health at sila na po ang mag proproseso with the social worker at i aasist po ang tulong so mag aambag amabag pa din po sila ng tulong and finally po may balance pa po na babayaran after their contribution o limang ahensya ay yung malasakit center na po ang mag babayad para po wala na pong babayadan maging zero balance na po yung bill ng pasyente. Ang punto po namin dito ay ito po ang panahon na litong lito ang ating mga kababayan so tulungan po natin sila wag po natin silang pahirapan that’s is why is called one stop shop with malasakit po.

Target ng gobyerno na maparami pa ang malasakit centers sa mga ospital para sa mas maraming pilipinong matutulungan.

UPGRADING

Kinapanayam rin Kasangga JR Langit si PAGCOR Chairperson Andrea Domingo.

Chair Domingo: Tingin ko lang ang kailangan ang asikasuhin at this point ay yung pag cocomputerize ng processing from application to the released of funds and to the report on how the funds were disperse particularly yung mga patients na galling sa malalayo yung lugar kasi minsan mula siya sa Isabela pupunta pa dito para mag apply ng kayang fund no pupunta sa PCSO pupunta sa amin kung yun ay computerize tapos may malasakit na dun sa Isabela madali ng magpa transfer ng funds o madali ng mag approve ng pondo for that center parang it will make the health service more directed at the roots na talagang nangangailanagan.

Sa pakikipanayam kay Health Sec Francisco Duque.

JR Langit: Ano pong tulong ang ibinibigay ng DOH dito sa malasakit center?

Sec Duque: Well ang DOH ay kabilang sa mga ahensya na lumagda sa joint administrative order between DOH, philhealth, PAGCOR, PCSO, DSWD and office of the president para nga pag isahin yung sistema para sa ganun ang kawawang pasyente hindi na kailangan pumunta sa PCSO, PAGCOR, DOH at iniisa isa, pamasahe lang kakapusin na mahihirap na nga itong mga kababayan natin na ito kaya ang maganda magkaroon ng Sistema, katulad ng malasakit center na ang talaga namang nanguna sa ganitong konsepto ay walang iba kundi si Pangulong Rodrigo Duterte.

SPREAD OUT

Target ng gobyerno na maparami pa ang malasakit centers sa mga ospital para sa mas maraming pilipinong matutulungan.

SAP BONG: Meron pong pondo inilaan si pangulong duterte dito sa lung center, ito po yung mga panahon na yung mga pasyente natin ay dapat nating tulungan wag nating pahirapan litong lito po sila kung san sila hihingi ng tulong sino bang lalapitan nila. Ngayon with malasakit center sabi ko rin maglalagay din po tayo ng express lane po para sa ating mga senior citizen at sa mga disable ano po ba ang mga kwalipikasyon sa malasakit center? Basta Pilipino qualified po kayo wala na pong ibang requirements na hinihingi pera po ito ninyo at ibinabalik lang po ito sa inyo hindi po naming inaangkin ito.

Sa loob ng iisang kwarto sa isang ospital, makukuha na ang lahat ng tulong na kailangan ng mga mahihirap nating kababayan na nasa ospital.

VARIOUS TYPES OF ASSISTANCE

Kinapanayam rin namin ang bagong upong DSWD Sec. Rolly Bautista.

JR Langit: Ano pong karagdagang tulong ang ibinibigay po ng DSWD para po dito sa proyekto na ito?

Sec Bautista: Actually marami kaming programa ang unang una ito yung sinasabi kong assistance with individual in crisis situation, in terms of medical assistance, burial, transportation, education and at the same time yung mga job employment. Yung sustainable livelihood program every group or individual can orchestrate or initiate livelihood activities nasusuportahan ng DSWD.

Isa na namang Malasakit center ang inilunsad ng pamahalaan. Ito na ang ika labing syam na Malasakit center sa buong kapuluan at ang ikalawa sa Metro Manila.

Sa pagkakataong ito, ang Philippine Lung Center ang napiling paglagyan ng ikalawang Malasakit center sa Metro manila, kasunod ng nauna sa PGH o Phil General Hospital.

SUMMATION

Target ng gobyerno na maparami pa ang malasakit centers na inilalagay sa mga ospital sa ibat ibang panig ng bansa. Plano rin ng ating pamahalaan na gawing computerized ang proseso para sa mas mabilis na aksyon. Sa pamamagitan ng malasakit centers, nagkakaisa ang mga nagtutulong tulong na ahensya na mabilis makakarating sa ating mga kababayan ang kinakailangan nilang tulong.

Isa si dating SAP Bong Go sa mga nag bumuo ng ideya na magkaruon ng one stop shop para sa mga nais humingi ng tulong pinansyal para sa kasong medikal. Mas pinadali, mas episyente at higit sa lahat mas malaking panahon ang matitipid ng ating mga kababayang nangangailangan.

300 million pesos buwan buwan ang inilalaan sa 18 centers na ito upang matulungan ang mga mahihirap. Ngayon labing siyam na lahat ang Malasakit Center. Patunay lamang na ganoon kapursigido ang ating Pangulo at kuya bong go sa pagpapalawak ng tulong sa mamayang Pilipino.

Facebook Comments
Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial