The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
February 10, 2019

LIVING LEGENDS OF RADIO

Kinilala ang mga “Buhay na Alamat” sa larangan ng pamamahayag sa radyo sa pagdiriwang ng United Nations – World Radio Day, theme: “Dialogue, Tolerance, Peace”

Samahan nyo po kami sa selebrasyon ngayong taong ito 2019, ang World Radio Day, ito po si Pareng Rey Langit.

Ang kahalagahan ng radyo at ang mga tinaguriang “Living legends” sa larangan ng radyo, ating alamin. Ako ang inyong Kasangga, JR Langit.

Ang kaganapan ay napanood sa aming Programang pang telebisyon, “KASANGGA MO ANG LANGIT” na inyong palagiang sinusubaybayan tuwing Biyernes ng gabi ng alas diyes y medya (10:30pm) sa PTV4.

PHILIPPINE OBSERVANCE OF WORLD RADIO DAY

Taon taon ay ginugunita sa iba’t ibang panig ng mundo ang World Radio Day. Ito ay pagkilala ng United Nations sa radyo bilang pinaka maaasahan pa ring uri ng komunikasyon sa panahon ng social media at internet.

Ang Presentation of Awardees sa “Living Legends of Philippine Radio” ay pinangunahan nina Senator Cynthia Villar
at Congressman Gary Alejano na mga pangunahing author ng
House Bill 1899 – “Philippine Observance of World Radio Day” na ginanap sa Philippine Senate.

Ang mga kasama nating tumangap nang parangal ay sina Eddie Ilarde, Noli De Castro, Mike Enriquez, Renato Atong Balatong Dilig, Joey De Leon, Manolo Favis, Luz Fernandez, Tina Loy, Salvador Royales, Ruben Ilagan at Orly Mercado.

Naging bahagi ng organizing group sa parangal ang National Press Club sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si Rolando Lakay Gonzalo at Liga ng mga Broadcaster sa Pilipinas sa pamamagitan ni Mike Abe.

MANDATE OF RADIO

Naiko-convey natin exactly kung ano po yung pag araw araw na kaganapan sa kapaligiran. Namumulat natin ang kaisipan ng bawat mama-mayan upang magkaroon sila ng wastong gabay kung paano nila tutugunan ang pang araw araw na challenges at hamon sa buhay.

Sa pamamagitan ng radyo, nakaka abot ang impormasyon sa mga liblib na lugar na hindi pa naabot ng kuryente.

Aming kinapanayam ang dating Senator Heherson Alvarez.

Sen. Alvarez: Natuto tayong gumamba ng tambol at naririnig ng mga tao sa kabila ng bundok. Nadagdagan po natin yan ng radyo kaya lalo tayong nag kaisa, kaya’t ang daigdig ngayon ay higit na nag kakaunawaan, may konting mga sigalot ngunit ang hindi natin pagkakaunawaan ay nagagamot sapagkat meron tayong radyo at nadaragdagan pa ng television.
Radio day is humanizing, understanding of humanity. Ang tao ay nagiging lalung tao dahil nakapagsalita siya, nakapag papalitan ng kuro-kuro, at yan ay dahil sa radyo.

Sa loob ng mahabang panahon, nananatiling malaki ang impact ng radyo sa pagsusulong ng isang mapayapa at maunawaing mundo. Dialogue, Tolerance, Peace. Naging Punong abala sa United Nations World Radio Day ay sina Ms. Cecille Guidote-Alvarez at dating Chairman ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na si Joe Lad Santos.

Ganito ang naging paliwanag ni Ms. Cecille Guidote Alvarez sa ginawang pakikipanayam sa kanya ni Kasanggang JR Langit.

Cecille: Upang bigyang diin ang kahalagahan ng radyo, ito ay isang instrumento ng instant communication, daan para magkaroon ng intindihan, puwersa para sa edukasyon hindi lang entertainment at tsaka yung pamamahagi ng balita, hindi yung Fake news, tunay na balita. Para talagang mapalawak ang kamalayan ng mga tao pati na damdaming bayan para sa pagkakaisa para bigyan na angkop na sulosyon ng mga hamon sa mundo. Nandyan ang gyera, nandyan ang climate change, nandyan yung kahirapan, na nais nga nilang maging daan para higit na maunawaan. Ano ba itong sustainable development goals, paano ba talagang mapapatupad ang isang kultura ng kapayapaan.

Sa kabila ng dumaraming platforms para makapagpahayag dahil sa modernong teknolohiya, aminin natin na pinakamabilis pa ring paraan ng ugnayan ang radyo lalo na sa panahon ng kalamidad sa mga liblib na lugar.

Cecille: Alam niyo pag may disgrasya, pag merong mga dapat gawin, ang radyo ang pinakamadaling daan para sa ugnayan, para sa tulungan para sa pagmamalasakit. At yun ang gustong idiin ng UNESCO na hindi dapat isantabi ang kahalagahan ng radyo.

RADIO FLASHBACK

Rey Langit: Sa pagtangap ko ng kakaibang karangalang ito. ”Living Legend of Philippine Radio” Na-isalaysay ko sa kanila ang ginawang paanyaya sa akin ng Bansang South Korea kamakailan upang katawanin ang Pilipinas sa isang International event on “Peace & Prosperity” ng Asian region noong nakalipas na Nov. 15, 2018 na ginanap sa Seoul South Korea. Dinaluhan ng mga deligasyon mula sa iba’t ibang mga Bansa sa Asia Pacific. Ganoon na lamang ang aking pagtataka, at nag-mistulang puzzle sa akin kung bakit ako ang mapiling umakyat sa stage at kumatawan sa delegasyon ng mga bansa sa Asya, at saksihan ang makasaysayang pagkakasundo ng matagal nang mortal na magkaaway na North at South Korea.

Noon ko lamang naunawaan kung bakit ako ang kanilang napiling kumatawan sa Pilipinas gayong hindi naman ako Opisyal ng Gobierno. Pinaliwang ng isa sa mga organizers ang dahilan, dahil daw sa aking naging papel sa bloodless Philippine “People Power Revolution” hango sa kanilang pananaliksik, na kanilang ginaya sa bansang Korea.

Ganito ko naman naibahagi ang istorya ng People Power sa Radyo. Kasagsagan ng Martial Law, pinasara ang ABS-CBN kung saan ako’y nagbo-broadcast bilang isang field reporter, kami noon ang tinaguriang 1st generation ng “Radyo Patrol.” Nang magsara ang aming istasyon dito ko naisipang tumawid at maging bahagi ng himpilang DZRH.

Dito nabuo ang pamosong Programang “Metro Manila Banat.” Isang commentary program na may dalawang anchors, si Paring Rey at si Paring Caloy. Ang synergy naming dalawa ng yumaong Caloy Castro ang naging susi upang umani ito nang tagumpay. Pinagkaloob ng mga taga pakinig ang tuloy-tuloy na suporta at pagtitiwala sa kaisa-isang commentary program sa panahon ng Martial Law.

Panahon ng batas militar umalingangaw ang aking tinig sa DZRH, naririnig tuwing umaga sa radyo ang mga katagang, “ito ang Palatuntunang walang kinatatakutan, sapagkat ang pangngahas nito ay kapangyarihan ng mamamayan “PEOPLE POWER!”

Makalipas lang ng ilang taon naging bukang bibig na ang People Power. umalingaw -ngaw sa edsa, at sa buong kapuluan sa pamamagitan ng radyo. And the rest is history.

VOICE BEHIND RADIO

Ang tema ng Unesco world radio day ay nauukol sa dialogue, tolerance and peace. Napakahalaga nang radyo sapagkat ditto pumapasok ang trabaho ng media sa radio.
Ang gusto nating mensahe ay umaabot ng malinaw at totoo sa kinauukulan.

During a very significant day tulad nito ay nagkakasama sama ang inyong mga kaibigan na kadalasan sa tinig lamang nakikilala. Voice behind the radio, hindi lang sa pilipinas kundi all over the world ang celebration. Ang special recognition na ito, na day of radio ay isang alay sa lahat ng mga committed, may adbokasiya sa paglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng radio.

Sa panahon ng social media kung saan puede nang mag broadcast ang kahit na sino….Kredibilidad at malawak na karanasan pa rin ang matinding sandata ng mga taong radyo laban sa paglaganap ng mga pekeng impormasyon.

Kabilang sa mga tumanggap ng parangal ay si dating Senador Orly Mercado na nakasama ko sa ABS-CBN Radyo Patrol.

Orly Mercado: Role namin ay kasama sa paghubog ng opinion pero ngayon anybody can be a broadcaster because in the internet and because of social media that we professional broadcasters are help to a very important task, meaning we have credo, to maintain our credibility because our organization will not tolerate us if we do not do right checking, kinakailangan inaalam natin kung meron basihan na kontreto ang ating batayan. Anybody can put something on the internet now but you have a credible institution to be able to make sure kung totoo ang sinasabi mo sa taong bayan.

MISSION

Bilang mga uma-alingawngaw sa himpapawid, walang pinipiling panahon ang trabaho ng mga radio broadcasters.

Na eeducate ang ating mamayan sa mga issues na dapat bigyan ng linaw. Naririnig nila ang magkakabilang panig at sila ang bumubuo ng kanilang sariling posisyon sa mga issues. Napaka importante ng radio, walang pinipiling panahon o oras, ito ay 24/7 continues ang service, umaalingawngaw ang aming tinig laluna sa panahon ng pangangailangan. Pagdating sa mga kalamidad, pagdating sa disaster mas higit na kinakailangan ang serbisyo ng radyo sapagkat ito ang tinututukan ng mga mamayanan, dahil wala kadalasang kuryente. Sa pamamagitan lamang ng transistor radio napapakinggan na nila kung ano ang dapat nilang malaman. Ang dapat nilang gawin, dapat nilang iwasang panganib, ang lahat ng yan ay napapakinggan sa pamamagitan lamang ng radyo.

Mas lumakas pa ang radyo sa panahon ng social media dahil mas mabilis ang interaction ng broadcaster at ng tagapakinig.

Inaasahan po namin na taon taon ay magkakaroon ng ganitong pagkilala para bago sila pumanaw man lang ay makilala ang tao sa likod ng tinig. Na naging inspirasyon ng marami. Sila ay may ibinabandilang inspirasyon sa kanilang paglilikod bayan sa pamamagitan ng radio broadcasting.

SUMMATION

Napakalaki pa rin ang papel ng radyo upang maging tulay ng unawaan, maiparating ang mga saloobin sa mga kaganapan at makapagpalaganap ng kapayapaan at pagkakaunawaan. Sa kabila ng modernong teknolohiya, kumbinsido kami na mananatiling buhay ang radyo bilang nangungunang tigapaghatid ng lehitimong impormasyon.

Sine-share ko ang karangalang ito sa ating mga masugid na tagapakinig na patuloy na nagtitiwala at sumusubaybay sa radyo. Sa aking Kasangga JR Langit at sa aming Kasangga sa Langit na si Reyster. Siya ang aming inspirayon sa aming maraming achievements, nagbibigay lakas at sigla sa amin. Isa sa mga dahilan kung bakit nagpa patuloy pa rin kami sa aming mission, commitment at Public Service.

Kaya naman taos puso ang pasasalamat ng inyong lingkod sa kakaibang karangalang ipinagkaloob sa atin bilang isa sa mga itinuturing na “Buhay na Alamat ng Radyo!”

Facebook Comments
Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial