The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
January 1, 2018

KASANGGA YEAR END REPORT

Mga istoryang inyong kinagiliwan nitong 2017 tampok sa isang taon ng Kasangga mo ang Langit. Mga kwento ng kabayanihan, pulitika, giyera at iba pa. Muli nating sariwain ang mga istoryang nagbigay sa atin ng inspirasyon, pagasa at entertainment.

DIGONG AT SI REYSTER

Inspirasyon ang naibigay ng mga episodes na Super Sancho at ang pintor, Ang kwento ni Weng. Isang makabuluhang episode tungkol sa giyera sa Marawi City ang inihandog naming sa inyo at karanasan ng isang sundalong nasa bingit ng disgrasya ang anak habang sya ay nasa giyera. Naging tampok rin sa Kasangga Mo ang Langit ang giyera kontra droga ng Pangulong Rodrigo Duterte at nakilala natin si King Kuluban at ang kanyang auxiliary Kings na katulong ng Pangulo sa pagsusulong ng Federalismo.

Pinakahuli rito ang masayang selebrasyon sa Davao City kasama natin ang Pangulong Rodrigo Duterte. Mahirap kalimutan ang importansyang ibinigay sa amin ni JR Langit ng Pangulo Duterte nang bumalik pa ito sa podium kahit tapos nang magsalita para lamang ipakilala kami at tawagin sa entablado. Dito nagkaruon ako ng pagkataong sariwain ang naging magandang pag kakaibigan ng Pangulo at nang aking yumaong Anak na si Reyster. At kung paano napalapit ang aming pamilya kay Mayor Digong ng Davao.

110 TRIBES

Sa ilalim ng Federalismo, umaasa si King Kuluban na matatamo nila ang kalayaang pamahalaan ang sarili nilang lugar at tribo.

JR Langit: Paano nyo po nakikita ang Pilipinas sa ilalim po ng Federalismo?

King: Sa ngayon po ah nalaman namin na pag ito federalism na bigay natin sa buong Pilipinas ay malaki yung tungkulin na magawa natin kasi po mayroon namang tinawag namin FPIC, free and prior informed concern ng buong Pilipinas kasi po sa ngayon mabigyan na natin ng tungkulin ang tribo na 110 tribes po so wala ng tinatawag natin na harassment or other abuses of the tribes.

KURATONG BALELENG

Buwan ng Hulyo, naging kontrobersyal ang pangalang Espenido makaraang pangunahan ang pagsalakay sa tahanan ni Ozamis city mayor Reynaldo Parojinog para mag serve ng search warrant.

REY LANGIT: Simultaneous na sinerved ninyo anim na search warrant.

Inspector Espenido: 6 na search warrant, so apat na bahay yan. Farm lang yun ni mayor at saka yung isang konsehal ang dalawa. So yong sa kay vice mayor ganun parin ang kinuha. Hindi kinuha yung hard drive kaya nakapa labas sila ng hard drive yung cctv, yung footage. Pero ang sakin instruction, kung makuha natin yung camera paano pa maka record yun. bayaan nyo lang yung hard drive. Ang importante ay hindi makuha ang picture yung confidential agent natin na kapit bahay nila, sila talaga yung sumama kung saan sila saan ang daan, ganun ganun.

REY LANGIT: Bakit sinasabing nakapag paputok pa ng baril ito pong si mayor parojinog? Dahil po ba dun sa paraffin test?

Inspector Espenido: May fire fight na dun sa exchange of fire sa loob, number one sa soco sa result ng soco sa paraffin test na nag positive sila na mayron mayron ng powder burn tsaka yung iba na security nila.

MARAWI WAR EPISODE

Isang makabuluhang episode tungkol sa Marawi City ang inihandog naming sa inyo at karanasan ng isang sundalong nasa bingit ng disgrasya ang anak habang sya ay nasa giyera. Labing dalawang araw pa lamang mula nang ipanganak ay isinalang na sa operasyon ang sanggol.

Captain Monroe Bongyad : Nag passed out actually, yun nga nag decide yung doctor pina revive nag decide ulit yung doctor na ilipat ulit sa isang ospistal na mababantayan sya ng maayos sa private hospital naman dun parin po sa Naga city so umabot sya mga May 5 na confine hanggang sa naging ok nag balik sya ng Samar sa Catarman pero ako naman balik nako ng Basilan so May 23 pumutok na, dun sumabay po yung nagka complication yung baby ko nung pumutok yung marawi. 26 May dinala ulit sya ng hospital so that time dahil na naka red alert na may warning order na rin po tsaka ilang commanding officer hindi ko basta basta maiwan yung unit ko na I de deploy na kmi sa marawi so in short, kumbaga naging nanay at tatay yung asawa ko sa anak namin na wala ako .
Sa gitna ng digmaan sa Marawi, habang tumatagal, lalong nagiging mahirap maabot ang misyon ng tropa ng pamahalaan…..ang makuha ang mga lider ng Maute-Isis na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

JR Langit: para po sa inyo ano po yung pinaka mahirap o pinaka mabigat na inyong pinagdaanan ditto sa laban nyo sa marawi?

Capt. Monroe: Siguro yung yung last part po kung saan na kuha na si Isnilon. From nag start kami nun na nandun sa sector na yun august 31 na pinasok kami doon, then dun na halos malapit na kami sa lake eh dikitan na yung laban nag ipon ipon na rin yung kalaban so ibig sabihin mas marami yung ano nila mas marami na yung pumuputok sa tropa so yun na medyo mahirap dahan dahan lang hanggang sa ayun nga nakuha na yung target namin hindi rin namin ineexpect na nandun pala sa sector namin, yung iba kasing battalion tapos na naka abot na sila sa finish line. yung finish line namin actually yung kuan ng lake yung pinaka reckoning. yung kami kami yung medyo nahuli dun yun pala dahil naipon ipon na yung ano kalaban nandun sa sector namin andun na rin yung yung dalawang leaders na magkasama pala dun.

DEDICATED SA OFW

Siyempre hindi mawawala ang pagtatampok natin sa ating mga OFWs. Hirap nang kanyang buhay sa Pilipinas ang nagtulak kay Ronilo Vitoriano na magtrabaho sa ibang bansa bilang seaman at iwan ang kanyang career bilang mang aawit sa Pilipinas.

JR Langit: At bakit nyo naisipang gumawa ng mga kanta para sa mga OFW?

Ronilo: Dati akala ko end na ng singing career ko eh, nung nag asawa ako then sabi ko kapag nag abroad ako siguradong hindi nako makaka gig, hindi nako maka gawa ng songs kasi iba na yung lifestyle eh. Pag nasa abroad ka pala mahirap at ah malayo sa family so ang ginawa ko naman instead na mag mukmok sa isang tabi ginawa ko syang positive gumawa po ako ng mga songs sabi ko ituloy ko yung pag kanta atleast ma reverse ko po yung isip ko instead na malungkot ako lagi kasi nga malayo sa family gumawa ako ng mga songs make ko ng inspiration para sa family ko at makatulong na rin po ako sa mga OFW na malungkot sa abroad kasi naririnig nila yung mga songs ko sa OFW websites, web streams, at OFW stations radio stations fm stations abroad.

Mga kwentong nakapagbibigay ng inspirasyon ang handog namin sa KMAL. Syempre, sino ang makakalimot sa kwento ng Nanay na nagbalik eskwela at ang kasipagan ni Tatay Jaime. Ang Masayang bata na may mataas na pangarap kung ilarawan ni Sancho ang kanyang sarili.

SI SUPER SANCHO

JR Langit: Is that batman?

Sancho: Yah, I only draw those things.

JR Langit: What’s your message to your mom?

Sancho: I love her. She is so beautiful and famous. She’s famous. My mom is famous.

JR Langit: Anong favorite ninyong bonding ni mommy mo?

Sancho: Lots of stuff and lots more. I like to draw. I like to do lots of stuff. Go around, plays around. Well, and I like to spend time with my family. Im a happy boy with big dreams.

JR Langit: These are all your collections?

Sancho: Yes.

JR Langit: Why do you collect airplanes?

Sancho: I like it but I haven’t got it in a while

JR Langit: Why airplanes?

Sancho: I’ve been interested since I was 4 yrs old.

JR Langit: What model is this?

Sancho: I think its A380.

JR Langit: How about this one?

Sancho: That is a 747.

ANG PINOY ARTIST

Kamakailan, umani ng papuri sa social media ang likha ni Weng, gamit lamang ang makukulay na ballpen.
Partikular dito ang iginuhit ni Weng Dayrit na larawan ng national treasure na si Whang Od na personal pa nyang idinelliver sa Kalinga.

JR Langit: ito rin ata yung ginawa mong ballpen art kay Wang Od.

Weng: Opo Wang Od, oo yun gumawa ako sir tapos dinala nga dun sa hinatid ko sa Kalingga.

JR Langit: Sige nga ikwento mo samin yung experience mo dun?

Weng: Nakakapagod mag lakad. Hindi sila pala yung napagod ayun medyo ano 13 hours yung byahe isang oras na lakad mahirap kasi maliit lang yung daan tapos bangin na yung sa ano tapos matarik na yung bundok na aakyatin.

JR Langit: Bakit naman naisipan mo na sya yung I-drawing mo?

Weng: Parang kasi yung yung kilala sya tapos ano isa din sya sa mga hinahangaan kong artist kasi dahil ano sya yung kultura nila inaano parin nya hindi nya binibitawan kahit alam ko 100 years old na sya eh, so ayun nag tatattoo nga sya mambabatok yun tapos idinrawing ko dahil tribute na rin sa kanya yun.

PROUD HIGHSCHOOL SI NANAY

Nanay: Gustuhin ko man mag aral noon eh labing dalawa kaming magkapatid tapos yung tatay ko rin no read no write din sir. tapos yung nanay ko pang karaniwan lang na may bahay at sa dami naming makapatid hindi talaga kami kayang tustusan magaral. Kaya nauna samin yung kabuhayan, pang araw araw naming sa buhay para kami makaraos sa araw araw namin.

STREET WARRIOR SI TATAY

Si Tatay Jaime ang Street warrior! Sya si Jaime Dagami o Tatay Jaime para sa mga nakaka kilala sa kanya.

Tatay Dagami: Gigising ako ng alas tres mga alas tres y medya aano na ako dun sa kalsada nagdadahan dahan pag ano para nag umpisa na ako mga alas kwatro nagwawalis nako ng kalsada. Dahil wala pa, kulang pa ang sasakyan wala pang sagabal pag dating ng ano edi tapos nako nyan mga bago mag alas otso.

Hindi mawawala ang mga kwentong adventure at sports tulad ng rc racing, arnis at syempre mga kakaibang alaga tulad ng exotic pets.

Maliit, mabilis at nakaka aliw.

RC RACER NI KUYA

Rains: So you test your car, you test the wait trans, then you make up the adjustment to make it faster. That’s the thing that got me hook in the hobby.

 

MUNDO NG ARNIS

Kumpletong Martial Arts

Grandmaster Dagooc: Ang arnis ay complete martial art kasi dyan na yung pwede ka gumamit ng pamalo ‘yung arnis nga, gumamit ng siko, gumamit ng tuhod, gumamit ng knife, even the scrambler. Scrambler means, indonesian martial arts. Pero tayo may mga crambet din tayo.

BULLBULLIES

Si Joms Gallano ay member ng BullBullies, nag aalaga ng American Bully.

Joms: Agresibo sa tingin ang BullBullies pero mabait at masarap kasama. Matatakot ka talaga i-approach or hawakan pero magugulat ka once na hawakan mo siya or maalagaan mo sila, ‘yung ikaw mismo ‘yung maka-experience, sobrang ano eh, sobrang ganda ng temperament nila. Talagang companion.

EXOTIC

Exotic Pambihirang alaga, tapat na mga alaga.

Kerwin: Ang madaling alagaan is ball python. Kasi ang ball python, kumpara sa mga sawa, at mga Burmese, maliit lang siya tapos sa Africa nakatira sila sa behrouz. So kapag nai-stress sila, compared sa mga sawa na nag-i-strike, sila, nagbobola lang sila.

SUMMATION

Iba’t ibang mukha, mga personalidad at mga kamangha manghang kwento ang inihatid ng Kasangga mo ang langit nitong 2017.

Kumpletos rekados ang isang taong handog sa inyo ng “Kasangga mo ang Langit” na napapanood tuwing biernes ng alas diyes ng gabi (10pm) sa Ptv4. At naririnig araw-araw ng alas diyes ng umaga (10am) sa radyo, sa DZRJ 810khz.

Asahan nyo ang mas magaganda pa at makabuluhang mga kwento sa 2018. At muli nyo kaming samahan ni JR Langit sa mga susunod pang mga taon ng Kasangga Mo Ang Langit. Hangad ko para sa ating lahat ang higit pang MANIGONG BAGONG TAON buhat sa inyong mga KASANGGA!

Facebook Comments
Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial