The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
July 21, 2019

KASANGGA SA ULTIMATE MISSION

Isang modernong Hukbong pang-himpapawid, “yung vision na yun na kami ang maging more credible more capable organization that is responsive to national security, national development ay ma aatain naten especially in terms of a serving our Filipino,” pahayag ni PAF Col. Gerardo Zamudio, Jr.

Mga Kasangga sa paglilingkod sa bayan, “yung experience namin together with mr. rey langit na talagang aksyon na aksyon talagang nagsisigawan nga kami sa taas sa chopper kanan kanan kaliwa kaliwa,” Salaysay ni Col. Antonio Francisco.

PHILIPPINE AIR FORCE MODERNIZATION

Alamin ang planong modernisasyon ng ating Hukbong himpapawid ng Pilipinas at ang benepisyo nito sa ating bansa. Ako Si Pareng Rey Langit Ang pagkilala ng Airforce sa kanilang mga katuwang sa pagtulong sa bayan, kabilang ang ating Kasanggang Rey Langit, ating tunghayan. Ako naman ang inyong Kasangga JR Langit.

Ang episode na ito ay hango sa aming Kasangga Mo Ang Langit TV Program ni JR Langit sa PTV4 na napapanood ganap na 10:30 tuwing Biyernes ng gabi. Ang weekly public affairs at public service program na ito ay nasa kanyang 21th year na napapanood sa national television.

Ginawarang Best Public Service for Television ng Catholic Mass Media Awards at kinilala bilang Best Public Affairs Television Program ng KBP Golden Dove Awards.

Makabuluhang 21 taong na paglilingkod sa bayan. Ang tunay na Public Service ay naihahatid ng Kasangga Mo Ang Langit at Biyaheng Langit na siyang nagbibigay nang pag-asa sa tao, na ultimate mission namin para sa inyo.

The DARING RESCUE MISSION together with the PAF team

FIGHTER AIRCRAFT PROCUREMENT

Isa ang Philippine Airforce sa mga sangay ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na hindi nabigyan ng sapat na atensyon sa mga nagdaang panahon. Pero sa ilalim ng modernisasyon ng AFP, isang bagong pwersang pang himpapawid ang ating makikita sa darating na hinaharap.

Pagsapit ng 2028, isang hukbong panghimpapawid ang makikita nating may kapabilidad na idepensa ang ating himpapawid laban sa panganib.

Kinapanayam ni JR Langit si Col Gerry Zamudio.

JR Langit: Meron pa ho bang mga pagbabago na isinasagawa na bahagi ng modernization ng Philippine air force?

Col. Zamudio: Meron, sa modernization ay gusto natin siyang magkaroon ng achieve us yung ground base defends system at yan ay approved na at for delivery na yan. Meron tayong darating na helicopter galing sa Russia at marami tayong mga platforms na darating yung black hawk darating na rin siya 16 yan and at the same time meron tayong darating na isr, ito ay importante sapagkat marami itong pwedeng iperform specially in terms of internal security operation. At yung ating west Philippine sea requirements and at the same time yung ating HEDR.

TO BEEF UP ITS DEFENSE AND SURVEILLANCE CAPABILITIES

Ang Flight plan 2028 ay labing apat na taong modernisasyon ng hukbong pang himpapawid ng bansa na inilunsad nuong 2015. Kabilang sa mga naunang resulta nito ang mga FA-50 light fighters mula sa South Korea na nagamit sa pagsugpo sa mga terorista sa Marawi siege.

Col. Zamudio: Ang plano namin ay sundan namin ang aming flight plan 2028 may mga miles stone yan so sinusundan namin yan para sa ganun ang ating modernization ay ating maipatupad. Kinakailangan lang po namin sa ating mga kababayan ay suporta. Patuloy po nating suportahan yung ating Philippine air force, yung ating modernization program.

Sa pagtupad ng kanilang tungkulin at sa modernisasyon, mayroong mga Kasangga ang Phil Airforce. Maliban kasi sa pagdepensa sa ating himpapawid, malaking tulong rin ang airforce pagdating sa mga sakuna at kalamidad.

AWARD OF GRATITUDE

Sa kanilang Stakeholders Awards night ay ibinigay nila ang pag papahalaga at pag kilala sa mga kaagapay ng Philippine Air Force. Kasabayan ng kanilang flight plan for the 2028 ay inilunsad ang Stakeholders Awards Night na naaayon sa kanilang flight plan for the 2028. Hangad nilang lalung maging responsive ang ating mga kababayan sa national security at national development kaagapay ang mga stakeholders sa mga engagement na ito at pag tugon sa mga ninanasang mga pag babago ng PAF. Inaasam rin ng Philippine Air Force na lalupang mapag buti ang kanilang capabilities pagdating sa pagtulong sa mamamayan sa panahon ng disaster at calamities.

Kaya ngayong taong ito 2019, inilunsad ng Airforce ang ikalawang Stakeholders Awards night kung saan kinikilala ang mga Kasangga nila sa serbisyo at napasama dyan ang inyong lingkod. Isa ang ating Kasanggang si Rey Langit sa mga kinilala ng Phil Airforce sa kanilang stakeholders awards. Sa loob ng maraming taon nya bilang mamamahayag, naging katuwang ng airforce si Rey Langit sa pagtugon sa mga kalamidad at rescue operations.

SYMBOL OF GRATEFUL RECOGNITION

Ang naging pahayag ng Commanding General ng PAF na si Lt. Gen Rozzano D. Briguez AFP:

“Pagpapasalamat sa lahat ng 
ating mga stakeholders, 
stakeholders sa media, stakeholders sa gobyerno, stakeholders sa business, stakeholders sa medical. 
Kasi napakalaki po ang tulong ninyo lalo na kayo sir Rey Langit sa lahat ng mga adbokasiya ng Philippine air force sa pagtulong ninyo sa mission and accomplishment ng Philippine air force para sa humanitary assistance, disaster response specially sa mga panahon ng sakuna at tsaka sa pagbibigay narin ng tulong na support on national development. 
Kaya minabuti po namin na talagang hindi na namin palalagpasin ang 
aming anibersaryo without giving honor and recognition sa inyo na aming mga Stakeholders. Ito po ay aming taos pusong handog sa lahat ng aming mga Kasangga, kayo na aming kasangga. Kasangga ninyo, Kasangga nating lahat para sa pagseserbisyo sa bayan, kaya Sir Rey marami pong salamat.”

Magbalik tanaw tayo sa mga naging karanasan ng inyong lingkod habang nagseserbisyo publiko, sakay ng helicopter ng Airforce.

Col. Francisco: Actually yun yung isa sa mga masasabi ko na nating one of the most and unforgettable experience yung na experience namin ni mr. rey langit that was very, very dangerous! Something that I cannot forget, up to now na nanariwa pa rin sa isipan ko. It happened around 25 years ago.

EXTREMELY DANGEROUS EXPERIENCES

At sa mga mapanganib na insidente tulad ng pagpasok sa teritoryo ng Abu sayyaf, mapapatunayan ang kakayahan ng ating mga piloto.

Rey Langit: doon sa ilan sa mga land mark and achievement ko po sa aking career in partnership with PAF na hindi ko malilimutan. Noon sa Sipadan Kidnapping incident, sinakay po ako ng PAF helicopter kasama si former AFP chief of staff General Deomedio Villanueva pinagbabaril po kami ng mga Abu Sayaff, sa galing po ng aming piloto mabilis kaming naka iwas sa tiyak na kapahamakan.

Ganon din nang retrieval ng body ni BIR Commissioner Matic na ibinaon makalipas kidnapin sa Santo Tomas Batangas. Nagtungo kami upang e-exhume ang kanyang katawan na ibinaon. Pinaputukan kami ng grenade launcher ng pangkat ni Hector Mabilangan ang Commander ng NPA sa Southern Command. Historical dahil kasama ko noon sina Sen. Ping Lacson hepe pa siya ng PAOCTF at si Erap Estrada Vice President noon. With the help ng Airforce helicopter nabugaw sila. PAF saved our lives.

MOUNT PINATUBO ERUPTION

JR Langit: Isa rin marahil sa mahirap kalimutan ay ang karanasan ng ating Kasangga Pareng Rey Langit kasama ng Airforce ay nang sumama sya sa rescue operations nang pumutok ang Mount Pinatubo, dumaloy ang lahar at sinagip ang mga taong tinangay ng lahar dahil sa pagbagsak ng tulay dulot ng rampaging lahar.

Rey Langit: Isang magaling na Piloto ang may hawak sa aming sinasakyang Helicopter, nong panahong yon ay isa palamang syang Lieutenant. Narito si Col. Antonio Francisco sa kanyang pag sasalarawan ng aming karanasan:

DARING RESCUE MISSION

That time talagang nagbabaha ng lahar nun talagang rampanging, matatabunan ang mga tao. Sa town of Sismoan ito, sa Pampanga at that time kakainin na sila ng lahar so yung mga tao tumatawid sa make ship bridge sinira naman ng lahar yon tulay it was rampanging talagang malaki ang agos. It happen nung pagka landing namin yung ship bridge biglang nag collapsed, so yung mga tao biglang nahulog lahat sa lahar, yung mga tumatawid by foot so those were able to make it immediately up, makikita mo duguan, yung mata duguan na, yung tenga because of the pressure of the lahar and at that time one of the victims non is yung asawa ni Judge David yung mag asawa actually si Judge David immediately namatay nung nahulog pero yung asawa niya si Dra. David ang nasagip namin. Siguro sabihin na natin na from north edsa Sm to a mega mall ganun kalayo yung hinabol namin nakita naming siya because she was able to float nakakapit sa log so lumulutang siya together with the lahar, nakakapit siya dun. Wala na puro buhangin na mata niya tenga, ilong, lungs. Pag naririnig niya yung chopper kumakaway siya kumakaway that’s why doon namin siya nakita together with Mr Rey Langit.

JR Langit: Mga hero po pala kayo nun.

Col. Francisco: Talagang bumababa kami doon sa in between the dikes hinahabol namin siya, can you just imagine yung putek na umaano, because of the rotor wash natatakpan na yung shield namin ng puro putik na wala na kaming makita. Sa bubbles nalang kami nakatingin doon nalang kami nag rerefer and fortunately walang nangyaring masama samin.

SUMMATION

Mayroon pa rin tayong mga buhay na bayani, tulad ng Piloto namin na si Lt. Tony na ngayon ay isa nang ganap na PAF Colonel Antonio Francisco CRSAFP. Laang itaya ang buhay magampanan lamang ang kahandaang makatulong sa kapwa.

Mabilis ang aksyon kapag tulong-tulong. Hindi kakayaning mag isa ng gobyerno ang tumugon sa ating pangangailangan kung wala tayong kooperasyon.

Ang bigkis ng pagkakaisa para maabot ang misyon ang ipinakita ng Phil Airforce sa kanilang Stakeholders awards night.

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial