The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
December 4, 2017

ISTORYA SA LIKOD NG KAMATAYAN NI ISNILON HAPILON

Maraming pinagdaraanang personal ang ating mga sundalo na hindi natin alam. Kung paano naging mas matamis ang tagumpay sa Marawi City, ito ang aming ibabahagi sa inyo sa aming palatuntunang pang television, “Kasangga Mo Ang Langit” na napapanood tuwing Biyernes sa PTV4, alas diyes (10 pm) ng gabi. Aming isinakatuparan ang pananaliksik upang maihatid sa inyo ang kakaibang istorya ng isang sundalo na nakihamok sa mga kalaban sa Marawi, habang kasabayang nahaharap rin sa panganib ang kanyang anak dahil sa malubhang karamdaman.

NARRATIVE

Kinapanayam ng Kasangga team si Capt. Monroe Bongyad na isang miyembro 7th Scout Ranger Company. Dito naranasan niya ang hirap sa giyera sa Marawi at hirap ng kalooban dahil sa naiwan nyang pamilya, lalo na ang kasisilang na anak. Habang nakikipag palitan ng putok sa Marawi, hindi maalis sa isip ni Captain Bongyad ang kalagayan ng anak na tatlong taon din nilang inantay mag asawa bago dumating sa kanilang buhay. Kilalanin natin ang isa sa mga bayani ng Marawi siege at ang kanyang kuwento.

Capt. Monroe: Nag-aagaw buhay yung baby ko, pero dahil ako ay nasa Marawi during operation, wala ako dun sa tabi ng baby ko. Isa pa hong karangalan sa amin na nakakataba ng puso na mag trabaho. Karamihan po sa amin ay may mga personal problems din. Pero dahil sa tawag ng tungkulin, ay nandoon kami sa Marawi.

CONCEALMENT

JR Langit: Hindi na nyo pinaalam sa inyong Mrs. na naroon kayo sa frontline ng bakbakan.

Capt. Monroe: Hindi ko na po pinaalam. Pagkaalam nya ay nasa Basilan ako. Kada hapon kasi pinu-pull out kami sa likod formation planning at saka briefing ng battalion commander namin. So lahat ng CO nandun kami sa likod. Hindi mo masyado marinig kung may pumuputok dun

JR Langit: Tuwing anong oras yung tawag nyo sa kanya.

Capt. Monroe: Nakakatawag ako. Pag tumatawag naman sya, paminsan sa umaga, o kung minsan hapon na at on going yung operation namin. Masakit man sa loob ko eh papatayin ko yung tawag. Itetext ko nalang siya na busy pa ako at may conference. Masakit man sa loob hindi mag sabi ng totoo pero kailangan eh. Ayokong mahati yung atensyon ng wife ko sa bata. Ang nakaka alam lang po ay yung sister nya. Siya lang yung pinaalaman ko lagi.

At dahil ubos na rin lahat ng kanilang ipon, naglakas loob na si Captain Bongyad na dumulog sa PCSO. Dahil sa pangangailangan pinilit, niyang maabot ang Phil Charity Sweepstakes Office sa pamamagitan ng Facebook messenger. Sadyang hinanap niya si GM Balutan na isa ring dating opisyal ng Sandataang Lakas ng Pilipinas.

REMINISCENCE

Capt. Monroe: Siya yung assistant commandant namin sa PMA noong kadete pa kami. Kilala ko man yung personality nya. Mabait, so hindi na ako nag hesitate na mag message. Kinuha nya yung details at pinapunta nya yung wife ko. So yun hiningan ako ng instruction ni Sir Alex na papuntahin yung wife ko sa office, at siya ang bahala. At that time nasa marawi ako. On-going yung operation so tinawagan ko ang wife ko. Hindi ko en-expect na yung buong expenses pala ng namin sa ospital ay sasagutin na ng PCSO. Laki ng tuwa ko noon, medyo maluha na rin kahit paano dahil hindi ako makauwi pero nandun yung PCSO para alalayan yung family ko.

JR Langit: Ano po ba ang naging karamdaman ng bata?

Capt. Monroe: May problema siya sa internal organs nya, intestinal malrotation. Parang buhul-buhol yung bituka nya at barado ang paglabas. Bawal siyang mag take ng milk so dumaan siya sa dextrose. Kailangan siya ma-operahan.

LIFE AND DEATH DILEMMA

JR Langit: So noong hindi na makaya sa probinsiya doon na kayo nag decide na dalhin sa Manila.

Capt. Monroe: Nag decide kami na dalhin sa Manila kasi mas maraming espesyalista sa Maynila. Dahil sa pinagdaanan namin nag stop po yung wife ko ng 5 months sa trabaho as dentist. Wala po syang income. Lahat ng ipon ko naibuhos ko na po sa operation. Nakapag loan na rin ako at yun ang naging problema namin financially.

Naging mabilis naman ang pagkilos ng PCSO sa kaso ni Captain Bongyad. Tiniyak ni GM Balutan na walang pinipiling kulay o pulitika ang PCSO pagdating sa pagtulong sa mga nangangailangan. Para kay PCSO General Manager Alexander Balutan, binigyan nya ng ispesyal na atensyon ang kaso ni Captain Bongyad matapos mapag alamang kasalukuyan itong nakikipag laban sa Marawi City.

Kinapanayam namin si PCSO General Manager Alexander Balutan.

DIVINE INTERVENTION

JR Langit: GM paki kwento po samin kung papaano nyo po nakilala si Captain Monroe Bongyad?

GM Balutan: JR, sa katunayan nahagip ko lang yan sa messenger ng Facebook. Alanganin na ng oras ng gabi habang namamahinga ako ay nabuksan ko yung messenger ko at merong napakahabang message sa akin. I know na pagkita ko palang ay emergency ito.

Hindi nag atubili si GM Balutan na sagutin ng PCSO ang lahat ng gastos sa operasyon ng anak ni Captain Bongyad ng malaman niya ang situwasyon.

JR Langit: Maluha-luha po siya noong kinikwento nya sa amin yung pagtulong po ninyo at ng PCSO. At hindi nya ine-expect po na sasagutin po lahat ng PCSO ang naging operation po ng anak po nya.

PROVIDENTIAL

GM Balutan: Ang maganda pong istorya nito ay habang nagpapalitan kami ng kwento sa Facebook, ina-asure ko siya na tutulungan namin sya. Na dapat magfocus na muna siya sa front line. Malungkot dyan at pati yung mga kasamahan madadamay because of a lack of concentration and focus. I’ve been in Mindanao for 20 years I’ve been in Marawi for 2 years. I know the feeling of a father-soldier. Kung mawala siya, pati yung bata, I cannot imagine the trauma ng balita dun sa asawa. Ang nawalan ng mister at ng anak – hindi ko kayang konsensyahin yun so bilang dati nyang instructor, as assistant commandant sa PMA, siguro naging palagay yung loob nya na lumapit sa akin bilang isang senior officer ng Armed forces sa PMA.

Ang pagbabakasakali ni Capt. Bongyad ay hindi niya akalain na magbubunga ng maganda.

FRUIT OF GOOD SPIRIT

GM Balutan: Lahat ng tao tinutulungan natin. Ang pag tulong sa ating mga kababayan ay walang kulay, walang dilaw, walang asul, walang pula, walang itim, basta Pilipino kayom tutulungan kayo ng PCSO. Wala ring mayaman at mahirap dahil pagkatinamaan ka ng matinding sakit, lalo na yung tintawag natin na cancer, kahit mayaman ka ay made-drain ka sa pondo. Meron kaming kina-classify from A to F. A ay medyo 40-50% ang makukuha, kung category F ka eh indigent ka at maaaring 100% ang maibigay na tulong sa iyo ng PCSO. Ang fund generation naman namin ay lumawak na rin. Noong inabutan namin last year, ang PCSO ay kumikita lamang ng 37.4 billion. Lahat ng earnings nya mula lotto, sweepstakes and STL. When we were appointed by the President last 13th ng September, napaakyat agad namin at na isara namin yung kita ng PCSO last year 2016 ng 41B. Now we are targeting 50 billion pesos by the end of 2017.

Hindi naman naiwasan ni Captain Bongyad ang maging emosyonal habang nagpapasalamat sa mga nakatulong sa kanila.

EXPRESSION OF GRATITUDE

Capt. Monroe: Unang-una nagpapasalamat ako na natapos yung Marawi, buhay ako at naging matagumpay yung aming misyon. Nagpapasalamat din ako at buhay ang anak ko. Papasalamat ako na marami palang tao na tutulong sa iyo sa gitna ng mga problema – tulad ni Sir Balutan, si Ma’am Josephine Rodilla, Mayor ng Lamitan, mga nakikilala ko lang, nakakasama sa trabaho, mga officers, mga upper class ko sa PMA, yung commander namin, at yung battalion commander namin. Naging magaan yung problema kasi nandyan sila.


STORY BEHIND ISNILON HAPILON’S DEATH

Nung tanungin ni Captain Bongyad si GM Balutan kung paano ito makakaganti ng utang na loob, sinabi ni GM na ulo ni Maute leader Isnilon Hapilon ang nais nyang regalo.

Sineryoso ito ni Captain Monroe Bongyad at makaraan lamang ang ilang araw, isang larawan ng Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon ang ipinadala ni Captain Bongyad. Ipinakita sa amin ni GM Balutan ang text message na ito ni Captain Bongyad at ang larawan ng patay, na naka handusay na si Isnilon Hapilon at mga katagang “Sir, mission accomplished!”

SUMMATION

Kasabay ng tagumpay sa giyera sa Marawi ang tagumpay ring nararamdaman ng pamilya Bongyad sa maganda nang kalagayan ng kanilang anak. Kaakibat ng pagiging isang sundalo ang panganib sa kanyang trabaho kayat tanggap na nila ito kapag sumasabak sa giyera.

Sa kanilang pakikipag laban, hindi lamang ang sarili nilang buhay ang kanilang itinataya. Kaya naman suporta at hindi panghuhusga ang pinakamainam nating magagawa para sa kanila na nahaharap sa ganitong mga pag subok.

Abangan at panoorin ang Part 1 ng istorya at aksyon sa Marawi ni Capt. Monroe Bongyad sa Biyernes ng alas diyes ng gabi sa PTV ang “KASANGGA MO ANG LANGIT”

Facebook Comments
Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial