The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
February 13, 2017

HUGOT CAFE

Wala ka bang ka date ngayong Valentines day? O nagpapagaling ka ba ng sugat sa iyong puso…ito ang coffee shop para sa iyo. Kailangan mo bang ilabas ang laman ng iyong puso at isipan..Hugot cafe’ ang sagot dyan. Kaya sa mga singles na may “hugot” ngayong Valentines day, may inihahandang gimik para sa inyo ang Hugot café’ Aming na-feature ang kakaibang Coffee shop na ito, may kakaibang format at Gimmick sa aming TV Program ni JR Langit, sa KASANGGA MO ANG LANGIT na napapanood tuwing Linggo ng 10:30pm sa PTV4. Samahan nyo kaming tuklasin ang sikreto kung bakit dinarayo ang kakaibang coffee shop na Hugot cafe’

Kinapanayam ng KASANGGA MO ANG LANGIT team sa pangunguna ni JR LANGIT si Cristobal Tria, Manager Parañaque ng Hugot Café:

“Halimbawa, may pinagdadaanan kayo, kapag pumunta po kayo dito, ‘yung ambiance saka kung paano kayo huhugutan, parang nakakagaan ng loob. Parang pang move-on na rin.”

IDEAL FOR VALENTINES

Tunay na isang bagong karanasan ang kumain sa Hugot Café’

Isa sa dinarayo sa Hugot café’ ang kanilang poetry night tuwing araw ng Linggo. Yung poetry night po namin, tuwing Sunday po tapos 8pm. Tuwing 8pm po nagsisimula na po yun. May mga nagvo-volunteers po dito tapos tinatanong naming yung crowd kung gusto po nilang tumula din or kumanta. Kaya naman patuloy silang bumubuo ng mga bagong gimik para masulit ng customers ang kanilang pagtungo sa Hugot café’

COMPLICATED…

Coffee mixed w/ HUGOT LINES

Samahan nyo kaming isa isahin ang mga pagkain at inuming may hugot sa Hugot café’….

JR: Ito yung kanilang “Corn dog na it’s complicated.

Subalit may kakaibang cafe’ o kainan na ang specialty ay hindi lamang ang kanilang masarap na pagkain at inumin dahil may kasama itong hugot lines.

JR: sino ba nakakaisip ng mga hugot lines na ‘to? Papano niyo ginagawa ‘yun?

Cristoval: ‘yung mga hugot po naming dito talagang kumbaga kapag nag order ‘yung customer namin dito, binest-friend. May crew po kami dito na siya na ang bahala kung sino ang huhugot. Kung paano niya gagawin. Hindi na po naming sila tinuturuan.

CHEATER CARBONARA

JR: Sa bawat klase ng pagkain, meron siyang specific na hugot line?

Cristoval: meron po talaga

JR: kunwari sa carbonara, anong tawag dun?

Cristoval: Cheater carbonara. Tapos binestfriend po, cheese fries then ldr, beef nachos po

JR: ano yung ldr?

Cristoval: long distance relationship pero kapag hinuhugot naming ‘yun, Lalandi raw muna pabebe, pafall. Mga ganun po

Sa pangalan pa lamang ng mga pagkain sa Menu ng Hugot café’ ay puede nang maka relate ang mga customers na may pinagdaraanan.

JR: Okay cris, meron tayong carbonara, sausage, hungurian sausage atsaka corndog. Ano bang tawag dito?

Cristoval: yung carbonara naming ang tawag po sa kanya is cheater, cheater carbonara po. Tapos yung sausage po namin, ito pong spicy Hungarian ang tawag po dito is “assuming”. Tapos ‘yung pag nine (9) pieces po na corndog yung in-order niyo ang tawag na sa kanya “it’s complicated”

JR: lahat may hugot lines?

Cristoval: opo bawat , bawat ano food may kanya kanyang hugot line.

INEXPENSIVE HUGOT FOOD

JR: Magkano naman to, tong … very affordable ba?

Cristoval: affordable naman po. Ito pong carbonara namin 105 lang po siya may kasama na po siyang garlic bread tapos dito pa assuming namin, may kasama na po siyang fries and mac and cheese tapos pwede po kayong mad-add ng 15 may kasama na po siyang “closure” o ‘yung lemonade po namin. Tapos eto pong “it’s complicated” namin, P90 lang po siya.

Bawat pagkain at inumin sa menu ay may may katapat na hugot line mula sa kanilang friendly crew.

Crew: For dimple, “yung tao ngayon parang panahon. kumukulimlim lang pero hindi naman umuulan parang pinapaasa ka lang pero hindi ka naman mamahalin na kahit anong pag papa ka stick to one mo sa kanya sa iba pala sya nakatingin.” Ito na ma’am.

PInakamabisang Hugot line para sa mga sawi ating alamin.

HEARTBROKEN

Customer 1: Sa buhay hindi dapat tayo nagpapa-apekto. Kung alam naman natin na hindi kayo.

Customer 2: Pinaka masakit na feeling pala, akala mo mahal ka niya pero hindi pala.

Hindi rin naman nagpahuli ang ating Kasanggang Jr Langit:

JR: Hangga’t nagmamahal ka masasaktan at masasaktan ka. ganun kasi talaga kaya dapat handa ka. Kaya kumain nalang tayo.

Sa mga singles na may “hugot” ngayong Valentines day, may inihahandang gimik para sa inyo ang Hugot café’

BLIND DATES

JR: Sa mga espesyal na okasyon katulad ng valentines, may mga hinanda ba kayong pasabog o surpresa para sa mga customer?

Cristoval: Meron naman po. Ngayon ang pinaka event naming, dating game. Kumbaga, papa-register ka lang tapos may makaka-date ka kung sino man na nagpa-register din dito. Sila po, pinagmi-meet namin.

Araw araw mula alas tres ng hapon hanggang alas dose ng hatinggabi dinarayo ang hugot café’ hindi lamang ng mga kabataang may “hugot” kundi ng mga kabataan at pamilya na gustong mag enjoy habang kumakain.

Di man hanap dito ang mapapang asawa, Ito’y pahagi lang ng pampagana. Higop ng Kape may Hugot Lines ka pa. Total entertainment para syo, ikakasa.

EXTENDED HOSPITALITY

JR: Masasabi mo ba na ang mga nagpupunta dito, talagang may pinagdadaanan?

Cristoval: Meron po kasi ‘yung iba po kapag nagpupunta dito, nagrere-act talaga. Yung iba tatawanan nalang, yung iba talagang damang dama, nalulungkot pa rin. Pero kapag mga nagmu-move on, dito po talaga

JR: kumbaga merong effect?

Cristoval: meron po talaga. Saka kumbaga kung paano makipag usap yung mga crew naming, parang kilala na po talaga agad. Kaya gumagaan yung loob nila. Nagiging at home na rin po.

POETRY NIGHT

Isa sa dinarayo sa Hugot café’ ang kanilang poetry night tuwing araw ng Linggo.

Sa isang bahagi ng Hugot café’ makikita ang likhang tula ni Juan Miguel Severo na nag viral sa facebook

JR: Ano ba itong nasa wall natin ngayon?

Cristoval: isa po itong tula na gawa ni juan Miguel severo. Tungkol po siya sa isang babae na pilit na kumapit pero wala na talaga. So ginawa niyo ito para pinaka farewell niya. Patawad kasi hindi siya bumitaw agad. Nagpapatawad siya sa mga ginawa niya pero yung paraan ng pagpapatawad niya, kumbaga nilaban niya kasi pero ayaw na talaga ng isa. Sinulat niya ito at nagpapaalam na siya na ito na ang huli. Hindi na siya manggugulo.

JR: Meron bang makaka-relate dito?

Cristoval: Meron po. Baka isa na ako dun.

Sinubukan rin naming magtungo sa poetry night ng Hugot café’ at duon naming nakilala sina Jhay Fernandez at Arturo Mendoza na kapwa spoken word artists.

SPOKEN WORD ARTISTS

Kina usap ni Jr Langit ang spoken word artist na si Jhay Fernandez:

JR: Napakaganda ng binitawan mong tula. Parang galing talaga sa puso mo. Kwento mo nga sa amin, ano ba ito? Para kanino ito?

Jhay: ang tula na ginawa ko ay created by memories na parang unti-unti pong nawawala. Kaya tinitle ko siya as “KUPAS NA” kasi bawat ala-ala ng part ng sa amin dati is nawawala na. then, 8 years from now, I’m still waiting and hoping na babalik siya. Meaning to say, kahit nawala ka na, nag-aantay pa rin so yun yung pinaka pinagkukuhanan ko sa kupas na title ng tula ko.

Si Arturo Mendoza, ay isa ring spoken word artist:

JR: Mukhang napakalalim din ng pinagdaanan mo. Paki kwento sa amin kung paano mo ito nabuo?

Arturo: ini-impromptu ko lang po siya dati. Pero patagal nang patagal, naniniwala ako na ang isang piece ay hindi lang siya magtatagal bilang isang piece. Bawat magagawa mong piece, may madadagdag, may mawawala. Based in relationship ko rin po kaya nagawa ko yun

At dahil kakaiba talaga ang Hugot café’ hindi maiiwasang marami ang nai-intriga dito.

IMPRESSION

Sina Lynzee Oquendo at Rolemar Hapa ay mga customers.

JR: Anong pinaka nagustuhan niyo rito?

Lynzee: Hindi siya typical shop na about sa mga hugot na masyadong common saka hindi siya trying hard. Natural, normal, masarap. Okay yung ambiance

Rolemar: Una palang po, naintriga na po kami dito, nakikita naming sa facebook. Okay yung lugar, hindi masyadong matamis yung milkshake, sakto lang. magugustuhan ng tao.

MENU NG HUGOT LINES

At siyempre, hindi nagpahuli ang grupo ng Kasangga para ma experience ang hugot lines na katapat ng aming inorder na pagkain.

JR: Pwedeng umorder ng hugot milk shake? Isang walang tayo at isang cheater carbonara na rin.

Crew: Samahan niyo na rin ng it’s complicated

JR: Isang it’s complicated na rin. Meron ka bang pabebe?

Crew: Anong flavour po?

JR: Vanilla.

Crew: for sir JR

JR: yes?

Crew: sir JR, yung feeling na stick-to-one naman siya. Binigay niya naman lahat ng pagmamahal sa iyo kaso nga lang nagpabebe ka. Konti na nga lang kaming loyal, sinasayang niyo pa.

JR: Thank you. Tikman natin ito. Ano ito?

Crew: Stick to one

JR: Anong mixture to?

Crew: Chocolate powder po at may sprinkles po

Crew: sir JR, hindi ba dapat na palayain na kung masyadong kumplikado na. maghanap ka nalang ng iba kung alam mo naman na cheater siya. Assuming ka kasi masyado sa pagmamahal niya. Eh closure nga hindi niya maibigay sa iyo. Pag-ibig pa kaya?

SUMMATION

Tunay na isang bagong karanasan ang kumain sa Hugot Café’ Kaya naman patuloy silang bumubuo ng mga bagong gimik para masulit ng customers ang kanilang pagtungo sa Hugot café’. Isa na namang patunay na sa kahit anong larangan, hindi matatawaran ang pagiging malikhain ng Pinoy.

Kapag damdaming Pinoy ang iyong nasapul, may halong luha’t hagulgul. Umaalingaw ngaw mula Norte hangang Bicol, Araw at gabi ang iyu-ukol.

Dapat siguro ang Valentine’s Day, Araw ng mga Puso, gawing everyday. Upang excitement laging Holiday, may regalo kahit di mo Birthday!

Ito nga po si Paring Rey ng DzRJ, Napapakingan 10am sa Radio every day. Manilaspeak.com nababasa on Monday. Napapanood sa PTV 4 ng Wednesday & Sunday.

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial