The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
June 23, 2019

GILAS PILIPINAS WOMEN’S TEAM

Mas agresibo at puro ang talento!

“That they are more aggressive and more willing to sacrifice everything and siguro yung talent nila talagang nanjan pa I mean on their prime and I think I feel that the they can represent our country well this coming tournaments.” Pahayag ni Coach Patrick Aquino

NATIONAL GAME NA MAITUTURING

Silipin natin ang pakikibaka ng mga babae sa mundo ng basketball. Ako si Pareng Rey Langit.

Ang kwento ng mga pambatong players ng Gilas Pilipinas Women’s Basketball team, ating alamin. Ako naman ang inyong Kasangga, JR Langit.

Ang episode nating ito ay napanood sa ating Programang pang telebisyon, na “KASANGGA MO ANG LANGIT” na inyong palagiang sinusubaybayan tuwing Biyernes ng gabi ng alas diyes y medya (10:30pm) sa PTV4.

Siksik ang schedule ng ating Gilas Pilipinas Women’s Basketball team ngayong taon. Nakalinya na sila para Jones cup sa Hulyo, FIBA Asia sa Setyembre, ang pre qualifying tournament ng FIBA para sa Olympics sa Nobiyembre at ang Southeast Asian game sa Disyembre. Sa line up pa lamang ng mga bansang makakaharap ng ating gilas women’s team, malalaman nang magiging pukpukan ang labanan. Ang mga larong alay sa bayan, Kinapanayam ni Kasangga -JR Langit si Coach Patrick aquino.

JR Langit: At ano po yung mga bansa na makakalaban po ng team Pilipinas?

JONES CUP

Coach Patrick: Sa coming Jones cup will be play against Chinese Taipei 2 chinese Taipei team 1 Japan team 1 from Korea and the national team of a New Zealand and then sa FIBA asia naman po ang makakalaban natin are the best of asia which we are in level 1 it’s a premiere group which we have China, Japan, Austrlia, New Zealand, South Korea. Chinese Taipei tayo at saka India so medyo malakas lakas yung FIBA asia and then sa SEA Games South East Asian we’ll see the Thailand, Indonesia, Vietnam, Singapore and Sri Lanka yata kasama siya kasama ba si Sri Lanka I don’t think so sorry yung mga teams nayan, so Vietnam, Cambodia, Thailand, Indonesia, Singpore yun yung mga teams na makakalaban natin sa South East Asian game.

Sa harap ng mahabang linya ng mga torneo, buo ang tiwala ni Coach Patrick Aquino sa kanyang team.

JR Langit: Ano naman po yung masasabi niyong advantage ng ating team laban sa ibang bansa na makakalahok?

ADVANTAGE

Coach Patrick: siguro yung masasabi kong advantage is we love basketball and these girls know how to play basketball if you can see them play regularly you could feel na talagang wow magaling din palang mag laro ng basketball ang mga babae that’s siguro the thing is now we can represent our country well in international competition but again there’t is advantage also we lack of fight but when we say we lack of fight di naman tayo nawawala sa puso I think their proven that in every tournament that we play na talagang todo tayo mag laro as in laban kung laban talagang matatawag natin silang Gilas Pilipinas Women’s.

PUSO AT TALENTO

“Yung samin po syempre hindi masyadong physical sa mga lalake talaga katawan yung ginagamit pero sa mga babae bihira lang yung katawan utak talaga yung utak ang ginagawamit ng mga babae ngayon then yung mga katulad naming na kahit di mabilis pero kailangan marunong kang gumamit ng diskarte mo sa lalake, kasi palakasan ng katawan kaya ayun yun yung tingin kong pinaka kakaiba sa babae at sa lalake.” Ayon kay Janine pontejos women’s Gilas Pilipinas player.

Ganito naman ang naging paliwanag ni Jack Danielle Animam Women’s Gilas Pilipinas player.

THE DIFFERENCE

Jack: Yung kayang gawin ng lalake, honestly speaking mas better na nagagawa pa ng babae so there’s no different and ngayon kung panonoorin niyo kung legit of national team mas mas may thrill pang panoorin yung babae kesa sa lalake kasi hindi mo ma imagine na babae kami pero kung gumalaw parang alam mo yun parang lalake na den pero babae pa din kami diba.

Dati ring player ng basketball sa college at sa PBL si Coach Patrick bago napunta sa pag co-coach. Kaya naman kitang kita nya ang pagkakaiba ng mga lalake at babaeng baskeball player pagdating sa talento ng paglalaro ng basketball.

COACH PERSPECTIVE

Coach: Well siguro yung masasabi kong difference yung lalake meron silang talent na siguro masasabi nating inner talent and the physicality and yung sabihing natin yung pagka pagka Pilipino ano natin ng basketball nakuha na nila etong mga babae talagang they willing to learn and siguro mas masasabi kong mas satisfying sa isang coach na mag turo sa babae kasi kapag nakita mo kung ano yung tinuro mo sa kanila at makita mo and then nagging successful ka medyo full feeling on my part so masasabi ko mas maganda mag turo ng babae.

Maaaring naunang nakilala ang basketball bilang laro ng mga lalake. Pero para kay coach Patrick, walang masyadong pagkakaiba ang paglalaro ng lalake at babae pagdating sa paboritong sport ng mga Pinoy.

SHOOTING and DRIBBLING

Coach: Here in the women side of basketball it is finest with talent na talagang magaling silang mag shoot magaling silang mag shoot magaling silang mag dribble, we also play defense and as far I’m concern yung grace nila as a girl to play basketball is so nice to see them to play you know and yun yung pinaka importante yung puso mo na kung gusto mo yung magagawa nila kaya nilang gawin din.

Kilalanin natin ang dalawa sa ipinagmamalaking players ng Gilas Pilipinas women’s basketball team sa special na episode ng Kasangga Mo Ang Langit.

Ayon kay Janine Pontejos Women’s Gilas Pilipinas player:

“Sinasabi nila ang payat payat ko bakit ba na nasali ako jan nasali yan sa Gilas Pilipinas eh ganyan yang katawan mo syempre hindi ko pinapansin yun kasi kung athlete ka kailangan handa ka sa lahat ng sasabihin ng mga tao sayo.”

Ganito naman ang paliwanag ni Jack Danielle Animam Women’s Gilas Pilipinas player:

“Wala ring established na liga para sa babae kaya ganun yung tingin ng mga tao so ako mas ginagawa ko siyang parang motivation para pagbutihan yung pagbabasketball one day makikilala din nila yung women’s basketball.”

FILIPINA NIGERIAN

Dating badminton player nuong High School si Jack Danielle Animam, ang sentro ng Gilas Pilipinas women’s basketball team. Pero dahil sa kanyang height na 6’2 hinikayat sya ng kanilang principal na sumama na lang sa kanilang basketball team. Hindi naman kataka taka ang magandang height ni Jack dahil Nigerian ang kanyang ama.

Aminado si Jack na pang lalakeng sport, ang tingin nya nuon sa basketball at tomboy naman kapag naglaro ng basketball ang babae.

JR Langit: Buti mabilis kang naka adjust sa larong basketball, at instantly nagustuhan mo naman ka agad.

Jack: Oo eventually I learned to love the sport na embrace ko na siya.

JR Langit: Ano yung pinaka hindi mo makakalimutan sa larong basketball?

UNFORGETTABLE EXPERIENCE

Jack: Siguro nung nag history kami sa FIBA asia kasi nasa level 2 lang yung nasa level 2 lang yung Philippines tapos nung 2015 for the first time in the Philippine history naangat naming yung history ng basketball women sa level 1 so parang sakin yun yung unforgettable experienced.

Ang magandang samahan sa team, ang kanyang pamilya at ang matinding paghahangad na makapagbigay ng karangalan sa bansa ang nagtutulak kay jack na pagbutihin ang paglalaro para sa gilas.

Jack: Talagang alam mo yun parang talagang binibigay nila kung ano yung matutulong nila sa amin para lang ma achieve naming sabay sabay yung goal namin

JR Langit: Ano naman yung masasabi mong naitulong sayo ng larong basketball sa iyong pagkatao tsaka sa lahat ng bagay?

LEARNING IS NOT ATTAINED BY CHANCE

Jack: Kasi yung basketball hindi lang isang sports eh kumbaga yung basketball this is who I am I mean sobrang dami mong matutunan sa basketball na hindi mo kayang matutunan sa loob ng apat na sulok ng classroom and yung basketball thought me to be a top person to be a responsible and how to manage your time wisely kasi syempre sa umaga aral and then minsan may klase kapa so kailangan mong talaga maging balance yung lahat and then yung magkaroon ka ng inter relationship with others team work hard work and yung pakikibagay mo.

Shoot guard naman sa Gilas si Janine Pontejos, dating varsity sa Centro escolar university. Isa sa hindi malilimutan ni Janine ay nang manalo sya sa FIBA world cup 3 point shoot out contest nuong june 2018.

JR Langit: Papaano mo napanalo yung 3 point contest sige nga paki kwento sa amin?

3 POINT CHAMPION

Janine: Una po kasi hindi ko expected na mananalo ako dun kasi parang pinapractice naming is 3 on 3 talaga so yung shooting ko lang parang binigyan lang ako ng kumpyansa ng mga ka teammates ko, ni coach pat then lahat ng mga nanonood kasi syempre ano natin eh home court ba naten dito sa Pilipinas. So nakaka boost ng energy ng ano confidence napakita ko yung talent ko tas yun nag bunga naman so nanalo ako ng ano ng 3 point champion.

JR Langit: at malamang ito ang hinding hindi mo makakalimutan na experience mo sa paglalaro ng basketball?

Janine: Opo kasi ako yung unang babae na nanalo ng 3 pointer shoot out dito sa Pilipinas then hindi ka expected na makakagawa ka ng history sa larangan ng shoot out then.

At upang maging magaling na baskebolista, may payo si Janine sa mga nangangarap na makapasok sa team.

Janine: Yung advice ko sa kanila kailangan matuto silang sumunod sa pinapagawa ng coaches matuto silang maging kondisyon sa sarili maging disiplinado sa sarili yun yung kauna unahan matutunan nila disiplina sa sarili then matuto si lang maisama sa lahat ng tao lalo na sa teammates mo and coaches.

SUMMATION

Hindi mauubos ang talento ng mga Pinoy sa kahit anong larangan.

Ang kailangan lamang para maabot natin ang minimithing tropeo sa mga pandaigdigang torneo ay maayos na paggabay sa ating mga atleta. Suporta ng pamahalaan, ng ating mga kababayan, ng pamilya at tuloy tuloy na pagdarasal.

ADVISORY:

Coach: Rule ng FIBA na you have to be naturalized kung saan mo gustong mag laro before the age of 16, so kung nakakuha ka na ng passport before the age of 16 puwede ka ng maging regular Pilipina kahit na dun kapa sa amerika, pero pag lumampas kana ang magiging tawag sayo is naturalized Pilipina. Sa rule ng FIBA asia isa lang ang puwede maglaro for that, so all of them are locals na but in South Asian game I think puwede basta may Philippine passport ka.
I suggest kung may mga Filams dyan or mga pinanganak sa amerika na mga mahihilig sa basketball try to get dual citizenship, pumunta lang po kayo sa embahada ng Pilpinas sa Amerika at mag inquire kung paano makakakuha nang dual citizenship and I think we can be part of of the team.

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial