The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
February 24, 2019

ENRICH OUR DEMOCRACY

Ngayong araw na ito, February 25, 2019 ay sine-celebrate ang 33rd EDSA People Power Anniversary. Kaugnay nito ang mensahe ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mamamayang Filipinos ay pagyamanin ang ating Demokrasya, “enrich our democracy” by empowering the citizens and defending their rights.

Kanyang inihikayat ang sambayanang Filipino na tulungang patatagin ang Institution na nangalaga at pumoprotekta sa ating kalayaan o freedom. Hayaan ninyong balikan natin sumandali ang ating naging karanasan sa nakalipas na apat napu’t pitong (47) taon, bilang isang mamamahayag.

MY RECOLLECTION

September 21, 1972 nang lagdaan ni dating President Ferdinand E. Marcos ang Proclamation 1081 at diniklara ang batas militar o “martial law,” ang dahilan ay “communist threats” sa ating Bansa.

Ako ay isa sa mga mamahayag noon ng ABS-CBN Radyo Patrol.
Kami ang tinaguriang 1st generation, ang unang batch ng mga field reporters ng himpilang DZAQ ng ABS CBN. Ang aming himpilan ang kauna-unahang AM Radio Station na nagsa sahimpapawid ng 24 hour Broadcast.

Bago naidiklara ang martial law, sinuspend na muna ang “privilege of the writ of habeas corpus.” Ang suspension ay naganap makalipas ng madugong August 1971 Plaza Miranda bombing, kung saan ang aming grupong Radyo Patrol ang nag sahimpapawid ng ditalyadong kaganapang ito.

BATANG MAMAMAHAYAG

Isa akong batang field reporter na na-assign sa Plaza Miranda upang i-cover ang Political Rally ng maganap ang malagim na pagsabog.
Isang ganap na Chaos ang buong kaganapan, nasaksihan namin ang madugo at magulong pangyayari. Ganon pa man pinilit pa rin ng aming grupo na ihatid sa mga taga pakinig ang mga pangyayari sa Plaza Miranda sa harap ng kalituhan. Kami ang nanguna sa makasaysayan, o historical event na ito bilang Radyo Patrol reporter.

THE WRIT OF HABEAS CORPUS

Ang suspension of the privilege of the writ of habeas corpus ang naging daan upang isa-isahin ang mga mamamahayag o Philippine journalists.

Ang aming grupo na Radyo Patrol ang isa sa mga napag initan at sabihang mag-report sa Camp Crame. Nag mistulang crackdown sa mga mamamahayag ang suspension of the privilege of the writ of habeas corpus.

Ang mga naanyayahan sa Kampo Krame noon ay hindi na nakalabas, tulad nang mga naging kasamahan naming Journalists na si Louie Beltran at Max Soliven. Ito ang dahilan kung kaya karamihan sa amin ay pansamantalang nagtago sa pangunguna ng aming team leader noon na si Orly Mercado.

ABS-CBN RADYO PATROL

Ang ABS-CBN ang isa sa kauna unahang Broadcast Network na ipinasara ng Marcos regime. At bilang isa sa aktibong ABS-CBN Radyo Patrol member, hindi naging madali para sa akin ang makakita ng bagong mapapasukan. Naging restricted ang aming mga galaw at ang dating kalayaan sa pamamahayag ay nawala. Ang karapatang pang tao o human rights ay klarong nabaliwala.

Bagamat marami kaming naririnig na masamang balita, hindi na namin ma-validate, wala na kaming paraan para ma-verify ang mga ito, restricted na ang aming mga galaw, wala na kaming access sa himpapawid.

May mangilan ngilan pang himpilan ang hindi isinara, ngunit ipinag bawal na ang ano mang uri ng media coverage, news reporting, wala na ang scoop at live interviews sa panahon ng Martial Law.


METRO MANILA BANAT

Kasagsagan ng Martial Law taong 1974, sarado pa rin ang ABS-CBN, ako’y naanyayahan ng Manila Broadcasting Company (MBC) upang maging News Director ng himpilang DZRH.

At dito ko nabuo ang naging pamosong Programang “Metro Manila Banat.”
Isang commentary program na may dalawang anchors, si Paring Rey at si Paring Caloy. Ang synergy naming dalawa ni Caloy Castro ay naging susi upang umani ito nang tagumpay. Pinagkaloob ng mga taga pakinig ang tuloy-tuloy na suporta at pagtitiwala sa kaisa-isang commentary program sa panahon ng Martial Law.

THE ASSASSINATION

August 1983, ang tinig ng inyong lingkod ang umalingaw-ngaw ng maganap ang assassination ni Senator Benigno Aquino sa tarmac ng Manila International Airport (MIA).

Araw noon nang Linggo alas dose nang tangahali. Day off ng mga news and program anchors ng mga himpilan ng Radyo. Ako ang nasa himpapawid, at sa aking palatuntunan lamang narinig ang buong kaganapan ng pagpaslang kay Senator Ninoy Aquino.

Exclusive Live coverage ang aking ginawa sa DZRH, bagamat ito’y mahigpit na pinagbabawal sa panahon ng Martial Law. Nakipag tulungan sa akin ang mga reporters ng DzRH na sina Jim Ferrer, Manny Bal, at Aya Yupangco. Ito ang tinawag kong “real-time account of the one of the most historically significant days in Philippine history.”

Lalung nagtumibay ang pagtitiwala ng mga mamamayan sa aming palatuntunan. At sa himpilang ito ng DZRH isinilang ang radio program na nagbigay ng napakahalagang contribution sa Philippine history.

THE BEGINNING

Martial Law noon, Lunes hangang Sabado umaalingangaw ang aking tinig sa DZRH at naririnig tuwing umaga ang mga katagang, “ito ang Palatuntunang walang kinatatakutan, sapagkat ang pangngahas nito ay kapangyarihan ng mamamayan People Power!”

Mid 70’s nang aking simulan ang Programang ito. Ang naging pagmamalabis ng nasa kapangyarihan noon ang nagsilbing daan upang lalong mabaling ang suporta nang mamamayan sa palatuntunan. Lalung lumaki ang pagtitiwala ng mga taga pakinig. Panahon ng Batas Militar, maraming babala at bantang ipapasara ang aming himpilan , wala nang nakapigil pa sa umaalingawngaw naming tinig. Wala nang naging takot ang programa, dahil ang naging lakas at kapangyarihan nito ay nagmumula na sa mamamayan People Power!

Pagsapit ng ika- 22 ng Pebrero 1986, ang mga katagang “People Power” na unang namutawi sa aking bibig na napakingan sa DZRH, ang umalingawngaw, naging hudyat at instrumento upang magsama-sama ang mga mamamayan sa lansangan, at nagpatalsik sa rehiming Marcos. Malaki ang naging bahagi ng yumaong Jaime Cardinal Sin, Archbishop ng Manila sa kanyang naging panawagan sa mga mamamayan na makiisa sa People Power.

Ang People Power Revolution ay naganap February 22-25 1986. Nagpasimula ang serye ng mga demonstrasyon sa Pilipinas taong 1983 na umabot hangang Pebrero 1986. Ang walang humpay na demonstrasyon o civil resistance laban sa nakalipas na rehimen ay nagsimula makalipas maganap ang assassination ni Senator Benigno Ninoy Aquino. Nasundan pa ng electoral fraud at ang non-violent revolution ay nag resulta sa paglisan ng yumaong Pangulong Fedinand Marcos patungong Honolulu Hawaii.


RADYO BANDIDO

Hindi mai kakaila ang naging role ng himpilang DZRJ, ang tinaguriang “Radyo Bandido” na pagmamay-ari ni Presidential adviser on Economic Affairs at Information Technology na si Sec. Ramon Jacinto.

Sa ngayon ay dito sa DZRJ natin ipinagpapatuloy ang ating advocacy, ang ating commitment sa bayan at pagsa sahimpapawid ng programang “KASANGGA MO ANG LANGIT,” Lunes hangang Biyernes, 10-11am. At napapanood tuwing Biyernes ng alas dies y medya (10:30pm) ng gabi kasama ang ating Kasangga JR Langit.

UMALINGAWNGAW SA BUONG DAIGDIG

Ang triumph ng peaceful “People Power” Revolution ang nagluklok kay Corazon Aquino bilang 11th President ng Republica ng Pilipinas.

Ito ay tinuring na victory sa mga mamayang Filipino makalipas ng dalawampung taong authoritarian. Ang revolution na naging surpresa sa buong Mundo. Ang phrase na “People Power” ay lumaganap na parang wildfire hindi lamang sa buong kapuluan, narinig ito ng buong daigdig.

Gamit ang People Power na nagpatalsik rin sa diktador na si Slobadan Milosevic ng Yugoslavia. People Power na nagpabago sa buhay ng mga mamamayan ng Nepal, Myanmar, Romania, Czech Republic, Korea, Germany, at Egypt. Bagamat namayapa na ang aking partner sa programa na si Paring Caloy, ang mumunting contribution namin sa National at global history ay hindi na malilimutan kaylanman.

Nawa’y magsilbi itong dagdag na kaalaman laluna sa ating kabataan, sa mga millennial na hindi nasaksihan ang mga pangyayaring bahagi nang makulay na kahapon.

AWARDS OF EXCELLENCE

Ito rin ang naging daan upang isa-isa kong tangapin ang pinakamataas na karangalan at pagkilala mula sa mga prestigious na Award giving bodies:

*KBP – Golden Dove Awards,
Hall of Fame
*CMMA – Catholic Mass Media Awards, Hall of Fame Award
*ROTARY CLUB of Manila
Journalism Awards – Hall of Fame
*PMPC – Philippine Movie Press Club, Award of Excellence/Hall of Fame
*United Nations World Radio Day 2019 ipinagkaloob ang “Living Legend Of Philippine Radio Award.”

Our legacy of People Power remains and the rest is history!

Facebook Comments
Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial