The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
July 17, 2017

EASTERN VISAYAS EARTHQUAKE

Ang Pangulong Duterte ay personal na nakiramay sa pamilya nang namatayan sa Ormoc at namahagi nang financial na tulong sa mga pamilya ng lindol. Ayon kay Mayor Richard Gomez balak ngayon ng Ormoc City government na e-relocate ang may 1,500 na pamilya na direktang naapektuhan ng magnitude 6.5 earthquake.

Ang city government ay bibili nang lupa upang tayuaan ng permanent housing site, na aabot sa halagang P70 million, at dito ililipat ang mga pamilya na nawalan nang tahanan bago magtapos ang Taon.

Ang mga pamilyang ito ay nagmula sa Gaas, Cabaonan, Dolores, Tongonan, at Lake Danao na sinasabing high-risk areas sa Ormoc makalipas ng lindol.

Ang aking pakikipanayam kay Ormoc City Mayor Richard Gomez ay ating ibinahagi ng live sa ating tagapakinig ng “KASANGGA MO ANG LANGIT” radio Program na napapakingan araw-araw ng LUNES hangang BIYERNES, 10-11am sa DZRJ 810khz at simulcast live sa:\

  • Explore TV Channel 17,
  • Fil Products Cable, Butuan City
  • Idol FM Legazpi City
  • DyMe Masbate
  • 107.1 POWER FM Puerto Princesa Palawan.
  • 97.1 WOW FM Roxas Northern Palawan.

Pinaabot ng Department of Energy (DOE) sa pamamagitan ni Undersecretary Felix William Fuentebella ang frustration nang ahensiya dahil hindi nakayanang maibalik ang kuryente sa inaasahang sampung (10) araw na palugit na unang naipangako.

Rey: Ano ba ang edad ng gusali ninyo dito sa Ormoc mayor?

Richard: Itong bldg natin dito sa Ormoc City, bago pa to 2010. Its a 7 year old building and upon inspection this morning dineclare na safe yung building. Although may mga hairline cracks, pero usable pa yung building walang problema.

Rey: Intensity 6.5 nga ba ang na tumama sa Ormoc City mayor?

Richard: 6.9 ang umabot sa amin.

Rey: Malakas yan, doon sa landslide na may bahay na natabunan at ginang na namatay, gaano kalayo ito sa pinaka centro ng Ormoc?

Richard: About 25 kilometers away from Ormoc , mountain barangay itong affected sa amin. Dito about 5 mountain baranggays, apat sa baranggay na yun ang nagka-landslide. At meron pa kaming pinaka malayo na di pa namin napasok.

Rey: Yung bahay na natabunan , nasa gilid ba siya ng bundok?

Richard: Nasa gilid ng bundok yung nag landslide, natabunan yung buong bahay namatay yung nanay na 18 years old at meron siyang anak na 5 yearsold na-extract nabuhay yung bata.

Rey: Yung misis po, hindi ba agad na-extract?

Richard: Ang report sa amin namatay yong ina dahil
maraming lupa ang tumabon sa kanya.

Rey: Yung mister wala sa tahanan nila ng mga sandaling yun ng lindol?

Richard: Wala kaming balita sa mister niya pero yung bata iniwan sa mga kamag anak nung babae.

Rey: Maliban dito mayroon pa bang iba?, o iisa lang bale ang fatality rito sa Ormoc?

Richard: Yes rey, although yung pinasok namin sa hospital since last night umabot na sa 138. Tinitreat sila for minor injuries. Merong isa pinutol na yung paa. Karamihan nakalabas na sa ospital. Patuloy lang ang monitoring namin dito.

Rey: Dun sa more than hundred na yan mayor, halo-halo na ito galing sa city at sa cite ng land slide?

Richard: Oo hal0 halo na ito, merong nahilo, merong nahisteria, merong mga nasugatan, merong kailangang gamutin dahil sa minor surgery.

Rey: Gaano karami yong galing sa kabundukan na natabunan ang mga bahay?

Richard: Yung sa kabundukan dun na sila tinreat, yung nailabas sa bundok, dinala dito sa ospital. Maraming hospitals dito sa Ormoc, merong about 5 ospital dito na tumanggap ng mga pasyente. Yun yung count namin.

Rey: Ano ang mga need nyo sa mga panahong ito?

Richard: Ang imediate need namin basic shelter, tubig at pagkain and dahil wala kaming tubig dito , kailangan namin ng power generators para mapatakbo yung mga power generators, para mapatakbo yung gutter tank. Kase yung service water. Yung water source namin dito , nagkaroon ng landslide dun sa tubig. Kaya naging maputik yung tubig di namin maoperate yung water system.

Base sa naging ulat ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP), mahigit sa 100 megawatts (MW) mula Cebu, Luzon at ang geothermal plants ng Energy Development Corp. (EDC) ay hindi kayang mag supply sa lalawigan na tinamaan ng Lindol dahil sa transformer problem sa Ormoc City substation.

Upang pansamantalang mapunan ang kakulangan sa supply nang kuryente, ang DOE ay nakipag ugnayan na sa Regional Development Council ng Region 8 at local government unit sa Bohol upang pansamantalang kumuha muna ng kuryente sa power barges ng Phinma Energy Corp.

At nakipag ugnayan na rin sila sa Department of National Defense upang mailipat ang power barges sa tatlong mga lalawigan. Ang Phinma Energy ay mayroong tatlong power barges mula sa gobierno. Bawat isang barge ay may 32-MW barge-mounted bunker-fired diesel generating power station na may walong (8) MW identical Hitachi-Sulzer diesel generator.

Rey: Kumusta ang mga roads papunta at palabas sa inyo?

Richard: Tatlo sa mga main road namin nagkaroon ng rupture although passable parin siya pero kailangan talagang mahina yung takbo ng sasakyan lalo na yung mga truck tsaka yung mga bus. Nagkaroon din ng yung mga rupture runway namin dito, yung airport is unoperational except helicopters pwede dila mag landing, meron din mga tulay na nag crack at yung pinakamalaki naming footbridge dito na metal foot bridge nag letter “s” sa lakas ng lindol.

Rey: Naideklara na ba ito ng state of calamity? Upang mapabilis ang rehabilitation at para ang national ay makaalalay immediately?

Richard: Hinihintay namin yung declaration ng disaster reduction management office namin. Para we can declare it na state of calamity. Umapila na rin ang mga local officials nang Eastern Visayas sa Pangulong Rodrigo Duterte na idiklara nang state of calamity ang region.

Rey: Yong mga aftershocks na inyong naranasan at tsaka tremor?

Richard: Yesterday, 200 mahigit na ang recorded aftershocks dito sa Ormoc.

Rey: Sa city ba mayroon ding injured?

Richard: Sa syudad, puro mga minor injury.

Rey: Nai-restore na ba ang kuryente ninyo sa Ormoc?

Richard: Yun yung problema natin wala tayong kuryente dito although yung ngcp nandito pa naka base pero affected din yung power generators nila. Yung sabi nila it will take four days o higit pa bago marestore ang power dito sa Ormoc, ang problema natin, yun yun ang cause ng walang tubig. Mayroong mga deep well pero di maoperate kase walang kuryente.

Rey: Kamusta naman ang mga eskwelahan ?

Richard: We declared na walang klase sa eskwelahan, until all buildings, all school buildings are checked for saftey and integrity. Only such time na papabalikin natin sila sa eskwelahan.

SUMMATION

Mula nang mangyari ang malakas na Lindol noong July 6, 2017, na 6.5 magnitude earthquake na tumama sa Leyte, hanga ngayon Linggo – July 16, 2017 ay hindi pa rin naibabalik sa maraming lugar ng Eastern Visayas ang inaasam asam na supply ng kuryente. Ito ngayon seryosong problema na kina haharap ng Leyte, ang kawalan nang kuryente. Sa takbo nang mga pangyayari ay mukhang matatagalan pa bago maibalik ang normal na supply ng kuryente.

Bagamat may mangilan-ngilan na mayroon nang Power na nagmula pa sa Cebu, Ayon sa NGCP naibalik na ang sa Babatngon-Tacloban, Paranas, Calbayog, Maasin, Bohol, Pasar and Biliran. Ang problem ay nasa transmission lines. Ang transformers 1 hangang 6 sa Ormoc substation ay sinira nang husto ng magnitude 6.5 na earthquake.

Ayon sa NEDA (National Economic and Development Authority) tinatayang P300 million hangang P500 million ang nawawala araw-araw sa lalawigan dahil sa kawalan ng kuryente, tigil ang mga negosyo. Tinatayang tatlong million katao sa Region 8 at Bohol ang mag ihintay pa bago maibalik ng tuluyan ang supply ng kuryente sa iba pang mga tinamaan ng earthquake.

Facebook Comments
Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial