The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
March 24, 2019

DRIVE VS. ILLEGAL ONLINE GAMBLING

Ang PAGCOR at apat na iba pang ahensya ng gobyerno ay nagsanib-pwersa para paigtingin ang kampanya kontra illegal online gambling.

COMBINE STRENGTHS

Wawakasan na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR ang illegal online gaming matapos na pumasok sa Mutual Cooperation Agreement sa pagitan ng Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Bureau of Immigration at Office of Cybercrime sa ilalim ng Department of Justice. Ang pagbuo ng Inter Agency Council ay bilang pagtugon sa Executive Order no. 13 Series 2017 na ipinalabas ni pangulong Rodrigo Duterte noong Febuary 2, 2017 para sa pagpapaigting ng paglaban sa illegal online gaming.

Sa ilalim ng naturang EO ang PAGCOR ang mayroong kapangyarihan para pamahalaan lahat ng klaseng game of chance kabilang ang online gaming. Trabaho rin ng Inter Agency Council na magpapatupad ng kanilang sariling pamamaraan ng imbestigasyon kabilang ang digital forensic examination,gaming license validation,visa certifications at filling of appropriate criminal and administrative charges laban sa online gambling operators.

TAX LOSS

Sa ginanap na press conference, na-formalize ang commitment nang mga partner-agencies sa campaign na ito ng PAGCOR. Nagpahayag ng pagtitiwala si Chairman at CEO Andrea Domingo na hindi na muling mapag nanakawan ng Billion-billiong halaga ng Tax ang Gobyerno sa mga online Gambling Operations.

“We’ve been doing this for the last two years together with the investigative and enforcement arms of the government like the NBI and the PNP. We provide them with the information as well as certification kung sino ang mga online gaming na mayroong lisensya from PAGCOR at kung sino ang wala, sine-certify namin na wala,” bahayag ni PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo.

Kanya pang pahayag na ang PAGCOR ay kumikita lamang dati ng average na P56 million annually mula sa online gaming operations. “When the current management strengthened PAGCOR’s regulatory authority over Philippine offshore gaming operators (POGO), we immediately saw its significant contributions to PAGCOR’s overall revenues. In 2016, POGO operations generated P657 million followed by P3.924 billion in 2017 and P7.365 billion in 2018,” pahayag pa ni Chairman Domingo.

(From left) PNP-NCRPO Director Guillermo Eleazar, Bureau of Immigration Commissioner Jaime H. Morente, PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo, Office of the President Undersecretary Jesus Melchor Quitain, Office of Cybercrime’s Officer-in-Charge Charito Zamora and NBI Director Dante Gierran sign the Mutual
Cooperation Agreement that will intensify the government’s crackdown of illegal online gambling activities.

LAW ENFORCEMENT

Samantala ibinahagi rin ni Director Guillermo Eleazar ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang karanasan sa nakalipas nilang mga operations against unlicensed online gambling operators. Ayon sa kanya ang mga information na kanilang natanggap mula sa PAGCOR ay napakahalaga sa naging success nang kanilang previous operations laban sa unlicensed online gambling operators.

“Lahat ng illegal gambling operators na-certify ng PAGCOR na walang permit nahuli namin. Kung may mga nag-iisip na may pumuprotekta sa mga ito (illegal gambling operators), dapat pag-raid namin, wala kaming aabutan. All our operations against illegal gambling turned out positive. So we appeal to the public to help us by giving us information and other leads,” pahayag pa ni Director Eleazar.

SHARING OF INFORMATION

Ang inter-agency council – sa mandate na pinagkaloob ng member-agency — Shall be responsible for gathering and sharing of intelligence information on illegal online gambling; exchange information on the developments in their activities; report and centralize data and information gathered on illegal gambling activities; provide manpower for intelligence operations, surveillance, raids, arrest and prosecution.

Ang Council ay naatasan rin na mag- implement nang kanilang sariling investigation procedures kasama na ang digital forensic examination, gaming license validation, visa certifications at filing ng appropriate criminal at administrative charges laban sa online gambling
operators.

IN ACCORDANCE WITH ITS CHARTER

Ang PAGCOR bilang central processing agency ay responsable sa mga nakukuhang data upang e-exercise ang operational control sa council at kanyang member-agencies. Ang state-run gaming firm na PAGCOR ay duty-bound na pondohan ang proyekto ng council at member-agencies, at ibahagi ang nararapat na assistance na naaayon sa kanilang charter.

Samantala ang Father and Son Team-Up, ay all out support sa Advocacia ni Chairman and CEO Andrea Domingo at PAGCOR. Ang mag-KASANGGA ay regular na napapanood sa Programang pang telebisyon, na “KASANGGA MO ANG LANGIT” tuwing Biyernes ng alas diyes y medya (10:30pm) sa PTV4.

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial