The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
March 11, 2019

DAN DE CANADA

Sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino, minsan pa’y samahan niyo kaming bisitahin sila, ito po si Pareng Rey. Itampok natin ngayon ang isang brand manager ng isa sa pinaka-malaking kumpanya sa Pilipinas, subalit pagdating sa Canada- “From a general manager of one of the largest companies in the Philipines to- a waiter ang naging trabaho ko sa Canada.” Ayon kay Dan!

Ang episode ng tinawag nating “DAN DE CANADA” ay napanood noong isang Biyernes sa aming Programang pang telebisyon, na “BIYAHENG LANGIT” na inyong palagiang sinusubaybayan tuwing Biyernes ng gabi ng alas diyes y medya (10:30pm) sa PTV4.

PINOY BRODKASTER SA CANADA

Maayos na buhay sa Pilipinas kanyang tinalikuran, upang sa Canada naman subukan ang kapalaran. Alamin natin ang kwento ng sikat na Pinoy brodkaster sa Canada na si Dan De Castro.

Dan: I have 6 siblings life is not easy- sa dami naming mag kakapatid we were competing to very small resources. I took my college degree at the University East, I wanted to be a Journalist but instead of getting into Journalism I got involve on sales dahil mas kailangan ng pamilya ko yung income immediately. Kesa mag bubuild ka pa ng career mo sa Journalism so i become a sales rep for a German Company.

Hindi nagtagal na promote din siya bilang national sales manager ng kumpanya.

COSMOS GENERAL MANAGER

Dan: 1990 I was Brand General Manager in Cosmos Philippines

JR Langit: Ano po yung nag tulak po sa inyo para po mag abroad at mag trabaho po sa Canada ?

Dan: Accidental lang, you know like we were having lunch at green belt after the lunch isa sa mga tauhan ko sabi niya Boss open yung Canadian Embassy- sabi niya punta tayo doon, malapit lang yun so we went there filled the application and true enough it was too easy after about six months we were able to go.

Undecided pa siya noong una na tuluyang manirahan sa Canada, aniya, mas inisip nya na makasama ang pamilya kaya naman nagdesisyon siyang doon na permanenteng mag trabaho. Ang kanyang pakikipagsapalaran sa Canada ay hindi naging madali, ganun pa man hindi siya tumigil magsumikap, upang makamtan ang minimithing magandang kinabukasan.

NO VACANCY!

Mahirap ang naging buhay niya noong una sa Canada, ayon pa sa kanya, ilang trabaho din ang kanyang pinasukan.

Dan: Kahit na gasoline boy hindi ako tanggapin, you know ang sabi sakin nung manager or supervisor dun sa gasoline station, you don’t have a local experience, sabi ko wow! So nag tiyaga ako, una kong naging trabaho dun i was a host for one of the popular restaurant in Ottawa yung bang sumasalubong sa mga guest then you’ll get them sitted, yan ang unang trabaho ko. From a general manager fom one of the largest companies in the Philipines to a waiter, a host yun ang unang naging trabaho ko and then meron akong side line di lang iyon ang trabaho ko we were preparing for the inflight foods for Air Canada, so naka apron ka na ka sombrero ka at nag peprepare ka ng food, yung kinakain natin pag ka may flight, yun ang isa sa mga naging trabaho ko.

At dahil nakapag-aral at nakapagtapos naman siya ng kurso sa Pilipinas, nagdesisyon siyang maghanap ng iba pang mapapasukan.

Dan: i got so tired of that sabi ko Hmm.. palagay ko naman meron akong capabilities other than this, so ah.. I look for something else to do and luckily landed a financial advisers role with sunlight of Canada so for six years I did that.

BACK TO SCHOOL

Dahil sa kagustuhang umangat sa buhay, nagsumikap siyang muling mag-aral, at di nagtagal nakakita ng mas magandang hanapbuhay.

Dan: Yung course ko 1 year it was Computer Technology course enough for you to learn. Work on a computer, how to do some trouble shooting- so pag graduate ko immediately meron ka agad trabaho yung lang kagandahan sa Canada.
You can always ask for assistance from the government meron silang tinatawag na Education Program babayaran mo rin pero at a very friendly terms you can pay it pay it up in 10 years or 20 years. If you want to, so kumuha ako ng I.T course and i did that job for like 15 years

Ang kanyang pakikipagsapalaran sa Canada ay hindi naging madali, ganun pa man hindi siya tumigil magsumikap, upang makamtan ang minimithing magandang kinabukasan.

TINIG PINOY

At habang lumalaki ang kanilang bilang, unti-unti na rin silang nagkakaroon ng boses ukol sa iba’t-ibang isyu na kinahaharap ng bansa. At pagdating sa himpapawid, isang tinig ang maririnig. Siya si Dan De Castro ang Pinoy brodkaster sa likod ng Programan Tinig Pinoy. May ari ng web-radio at broadkaster din ng programang Tinig Pinoy sa radyo. Sa loob ng mahigit dalawang dekada niya sa serbisyo, ano nga ba ang sikreto ni Dan De Castro? Talentong Pinoy, ipinapakita at ibinabahagi niya, hindi lamang sa mga lokal na Canadian, kundi maging sa ibang karatig-bayan. Ngayon, siya ang nagsisilbing boses ng mga kababayan natin sa Canada. Bukod sa nakakatulong na, naghahatid rin siya ng aliw at saya…

Dan: Sabi ko ano kaya magagawa ko dito na magiging productive para saken and by then I was already also an officer of a community association so sabi ko siguro maganda mag launched ako ng radio program.

JR Langit: So ito ang simula ninyo sa Broadcasting?

Dan: Yes, I launched a radio program a Pilipino radio program. I was ah..broadcaster networker. So I launched.. Tinig Pinoy Radio.

JR Langit: So bumalik kayo sa first love niyo- which is Journalism?

Dan: Yes that’s true, so from then on- that was like 26 or going on now in its 27th year. So till the Tinig Pinoy flourished because of the support of the community and then yung sinasabi nila na I owned the station yung web radio yan.

PUBLIC SERVICE, NEWS, OPM

Dahil sa kanyang Tinig Pinoy Radio, nabigyan ng boses ang mga kababayan nating Pilipino na naninirahan ngayon sa Canada. Bukod sa naipakikilala nila ang talento ng mga Pinoy, nagkakaroon din sila ng boses ukol sa mga usaping pang gobyerno.

Talentong Pinoy, ipinapakita at ibinabahagi niya, hindi lamang sa mga lokal na Canadian, kundi maging sa ibang karatig-bayan…

Dan: Dinadala ko sakanila yung mga balita nagpapatugtog ako ng mga opm I’ve never played any any foreign songs it could be a foreign song but performed by Filipino artist. Kahit mag request yung mga tao ng mga ibang awitin, no Pilipino lang po tayo.

Ang Pinoy broadkaster sa likod ng programang Tinig Pinoy sa Canada, ating kilalanin- Umaabot sa isang milyon ang bilang ng mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa Canada ngayon. At habang lumalaki ang kanilang bilang, unti-unti na rin silang nagkakaroon ng boses ukol sa iba’t-ibang isyu na kinahaharap ng bansa. At pagdating sa himpapawid, isang tinig ang maririnig. Siya si Dan De Castro ang Pinoy brodkaster sa likod ng Programan Tinig Pinoy.

KABALEN

Tubong Pampanga si Dan, aniya, bata palamang siya nangarap na siyang maging isang journalist. Subalit dahil sa hirap ng buhay, sa ibang linya siya napunta.

JR Langit: So papano naman po nag simula yung career ninyo sa Canada?

Dan: Jr napakahirap ng trabaho sa Canada kung bago ka. Nung nag apply ako for immigration sa Canada yung councillor told me at my age and with my career here sabi niya hindi ka mahihirapan, sabi niya indemand ang mga katulad mo sa Canada, that’s was a lie pag dating ko ng Canada ni hindi ako matangap kahit na gasoline boy.

JR Langit: Paano ninyo sinimulan ang inyong paglilingkod sa Radyo?

Dan: I launched a radio program a Pilipino radio program. I was ah..broadcaster networker. So I launched Tinig Pinoy Radio. Napaka iksi ng oras binigay saken I had 15 minutes then naging 30 minutes, kasi tinitignan nila kung viable yung program diba so tinetape muna namen pagkatapos ineedit, but after about 3 months they realize tinig pinoy has a potential and we had lots of listeners there were callers so they decided okay let’s give dan a full hour show and that’s it.

DAN DE CANADA

JR Langit: Then nag tuloy tuloy na ho kayo?

Dan: yeah, tuloy tuloy na yon.

May ari ng web-radio at broadkaster din ng programang Tinig Pinoy sa radyo. Sa loob ng mahigit dalawang dekada niya sa serbisyo, ano nga ba ang sikreto ni Dan De Castro.

Sa loob ng mahigit dalawampung taon hanggang ngayon namamayagpag sa web radio ang Tinig Pinoy, isang programang binuo ng kababayan nating brodkaster sa Canada na si Dan.

JR Langit: Ano po yung konsepto po ng tinig pinoy bakit po siya tinawag na tinig pinoy?

Dan: Simple lang ang ano ko- parang ako yung pinaka boses ng mga Pilipino sa himpapawid yun lang ang masasabi ko I will offer you. The things wala tayong access kasi noon wala pa tayong internet eh. Dinadala ko sa kanila yung mga balita, nagpapatugtog ako ng mga opm I’ve never played any any foreign songs it could be a foreign song but performed by Filipino artist sa akin opm pa rin. kahit mag request yung mga tao ng mga ibang awitin no Pilipino lang po tayo.

Wala man siya sa Pilipinas, pinangatawanan niya ang pagiging isang Pilipino. Ipinagmamalaki niya ang kanyang lahi sa pamamagitan ng kanyang programa sa radyo.

JR Langit: Ok, paano ho yung inyong intro sa radyo, ano po yung- sample nga po ?

Dan: Nung umalis ako ng pilipinas I was an executive of RFM Corp. inintroduce ni joey concepcion noon yung tunog pinoy, si francis magadola ang umawit- yung rap niya, yung introduction na yon until now yun pa ren yung introduction ng tinig pinoy sa radio everytime magso-show ako.

MGA KABABAYAN KO!

JR Langit: “Mga mga kababayan-.“

Dan: “Mga kababayan, mga kababayan yann..ko, tsa tsa tapos pasok na ngayon ng Intro. ng announcer. “

Bukod sa Tinig Pinoy Radio, abala rin si Dan sa Filipino-Canadian Association kung saan tumatayo siya bilang officer ng organisasyon.

Dan: I became a board member of the Philippines centre Canada whose mandate was to a have its own building and service the community. I was also a board member of fcov and 14 years ago itinatag ko den yung kaisa isang papers sa Ottawa, serving the Filipino Canadian community.

JR Langit: Ano po kaya yung sekreto ng inyong tagumpay?

Dan: I think its just facing challenges, don’t give up yun lang. Work hard and a little bit of intelligence, a llitle bit of street smartness don’t fall just working like a dog, because dogs don’t think like humans right.

ADVICE

JR Langit: Okay, ano pong advice ang pwede niyong ibigay sa mga Pilipino, sa ating mga televiewers na gusto rin pong sumubok ng kanilang career sa Canada?

Dan: Ang masasabi ko jan based from my own personally experience is that when you go there hope for the best but prepare for the worst, because when the worst hits you and the one easily gives up all is lost, sayang naman yung pagpapaguran mo nakarating ka na ron. Marami rin istorya, they get there and they see what I saw. The first time they came in Canada you know umaatras sila they went back they don’t like the cold weather, they don’t like the fact that they are not in their own country, yung mga ibang lahe, feeling nila inferior. You are never inferior in Canada, very tolerant ang mga Canadians.

SUMMATION

Si Dan De Castro ang naging boses ng mga kababayan nating nangangaylangan sa Canada. Dahil sa kanyang programa, nagkakaroon ng mga ngiti sa labi ang kanyang mga taga-pakinig.

Bagamat ang kanyang pakikipagsapalaran sa Canada ay hindi naging madali, ganun pa man hindi siya tumigil magsumikap, upang makamtan ang minimithing magandang kinabukasan. Na ibahagi rin sa amin ni Dan nang una niyang makaharap ang babae sa kanyang buhay, ang unang sinabi sa kanya ay ito.

“Alam mo bang kaya gustong gusto kitang pinakikinggan sa Radyo ay dahil ka-boses mo Rey Langit.”

Hanggang sa susunod na pag iikot natin sa iba’t ibang bahagi ng mundo siguradong hindi tayo mauubusan ng kwentong Pinoy sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino. Minsan pa ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pakikipaglakbay sa aming Biyaheng Langit.

Facebook Comments
Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial