The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
April 14, 2019

COMMITMENT & ADVOCACY

Atin ipagdiwang ang buhay at ala- ala sa pamamagitan ng ating taunang gift giving ng Kasangga mo ang Langit foundation. Ako si Pareng Rey Langit. Samahan ninyo po kami sa pagpapatuloy at pagpapalaganap ng adbokasiyang makatulong. Ako naman ang ininyong Kasangga JR Langit.

Ang episode nating “ADVOCACY ng FOUNDATION” ay napanood sa ating Programang pang telebisyon, na “KASANGGA MO ANG LANGIT” na ininyong palagiang sinusubaybayan tuwing Biyernes ng gabi ng alas diyes y medya (10:30pm) sa PTV4.

GOOD-NATURED

Likas na matulungin si Reyster. Kaya naman kahit hindi na natin sya kapiling ngayon, tinitiyak ng Kasangga mo ang langit foundation na maipagpapatuloy ang kanyang mga pangarap at adbokasiya para sa ating mga kababayan. Isang magandang pagkakataon rin ang panahong ito upang ipagpasalamat ang mga biyayang kaloob sa ating isa pang kasangga si JR langit na nagdiwang naman ng kanyang kaarawan.

Sa Huninyo ang ika labing apat na taong anibersaryo ng pagkamatay ng ating kasanggang si Reyster Langit. Mula nuon, isinasagawa natin ang gift giving bilang simbolo ng pagpapatuloy ng kanyang adbokasiyang makatulong.

ETERNAL LIFE

JR Langit: “You promise a paradise there repentantly bring brother Reyster the Joyce of heaven we pray to the Lord.”

Priest: Lord have mercy

JR Langit: “Comfort us in our sorrow at the death of brother Reyster death are faith consolation and eternal life are hope we pray to the lord.”

Priest: Lord have mercy

All: Lord have mercy

Priest: We pray also to the Langit Family

Isang misa ang alay namin sa araw na ito para sa Kaarawan ni Jr Langit, sa pagunita kay Kasanggang Reyster, at para sa aming alay na gift giving event.

Sa Huninyo ang ika labing apat na taong anibersaryo ng pagkamatay ng ating kasanggang si Reyster Langit. Kada taon mula nuon, isinasagawa natin ang gift giving bilang pag alala sa kanya at simbolo ng pagpapatuloy ng kanyang adbokasiyang makatulong.

Pangunahing benepisyaryo ng taunang pamamahagi ng regalo ng kasangga mo ang Langit foundation ang mga nangangalaga ng mga puntod sa manila memorial park kung saan nakahimlay si Reyster.

COMMITMENT and ADVOCACY

Sa nagdaang labing apat na taon, naging regular na tanawin sa mga ganitong panahon ang pagbibigay pugay sa ala ala ni Reyster kasama ang kanyang pamilya, mga kaibigan at ang kasangga mo ang langit foundation.

Maria: Ako po si Maria Vanessa Ferreria, 40 years old nakatira po dyan sa ipil site langka street so dito rin po kami nagtratrabaho sa manila memorial park. Ahh nag papasalamt po kami ng marami sa Langit Family, hindi po sila nakakalimot taon-taon na tumulong sa aming mahihirap, sa aming mga trabahador dito sa manila memorial park maski papano naiisip nila po kami taon-taon. Maraming marami salamat po sa tulong niyo Mr. Rey Langit & Family sana po hindi po kayo mag sawa na tumulong sa amin at sana po bigyan pa ho kayo ng masaganang pamumuhay at ng marami pa kayong matulungan.
Maraming marami salamat po.

Likas na matulungin si Reyster. Kaya naman kahit hindi na natin sya kapiling ngayon, tinitiyak ng Kasangga mo ang langit foundation na maipagpapatuloy ang kanyang mga pangarap at adbokasiya para sa ating mga kababayan. Kung ininyo pong matatandaan ang kagustuhan nyang makatulong sa mga katutubo sa Singnapan Rizal Palawan ang naging mitsa ng kanyang buhay nang dapuan sya ng Malaria sampu nang kanyang mga kasamahan na sya nyang ikinamatay at dalawa pa niyang kasama. nininyo

BENEFICIARY

Juliet: Ako po si Juliet Gravilio, caretaker po ako dito sa Manila Memorial nag papasalamat po ako sa foundation po ni sir Langit. Lahat po kami, sampu ng aking pamilya. Salamat po talaga yun lang po sir ang masasabi ko, thank you po.

Hindi mailalarawan ng mga simpleng salita ang saya na nararamdaman kapag nakikita natin ang ngiti sa labi ng ating mga nabibiyayaan ng tulong.

Mga tao: Happy birthday sir JR.

JR Langit: Nagcelebrate na po kami nung pamilya ko kahapon, ngayon naman po eh extended po yung aking birthday celebration kapiling naman po kayong lahat dito.

Mga tao: Thank you po.

JR Langit: Thank you, thank you ren po sa ininyong lahat.

PARTNERS IN PUBLIC SERVICE

Kasama natin sa pamamahagi ng mga regalo ang ating mga kaibigan tulad ni Ms. Marissa Dames ng DTC promos Inc., Ever bilena, San Miguel corporation, Globe telecoms at Land bank of the Philippines.

Noriel: Kassanga mo ang Langit foundation the best, the best kasi non organizational sila, though ganun yung pamamaraan nila malaking tulong pa rin saming mga caretaker syempre kahit ano pa yan, grocery, pagkain basta nangaling sa kanila at bukal sa puso nila , malaking tulong na yun samin

FRIEND OF REYSTER

Samantala naanyayahan kami ni SAP Christopher Bong Go sa Binondo church kahapon (April 14, 2019) Palm Sunday. Pinaunlakan namin ni Kasanggang Jr Langit ang invitation na ito at tulad ng inaasahan dinumog ng mga taga Maynila si SAP Bong Go.

Dati ko nang naibahagi sa ininyo ang naging magandang pagkakaibigan nang aking Anak na si Reyster at SAP Christopher Bong Go. Ang pagiging magka-klase nina Reyster at Sap Bong Go mula grade school hangang high school sa LaSale Greenhills ang isa sa naging daan upang mapalapit si Reyster kay Mayor Digong at siya rin ang naging tulay upang mapalapit ang aming Pamilya kay Mayor Digong Duterte ng Davao.

MAYOR DIGONG’S DESTINY

Noon pa ay wala namang balak na pumasok sa national politics si Mayor Duterte, ngunit na-predict na ni Reyster na magiging Pangulo ng Bansa ang isang Mayor Rodrigo Roa Duterte ng Davao.

Maka ilang beses na na-share sa amin ito ni Reyster nang nabubuhay pa ito, maging sa nakababata niyang kapatid na si Jr Langit. Kaya nga takang taka si Mayor Duterte sa naging prediction ni Reyster, at si Mayor na rin ang nasabi sa isa sa kanyang mga naging talumpati na ang prediction sa kanya ni Reyster ay isang DESTINY.

Naalala ko pa at naibahagi ko ito sa aking mensahe sa isang pagtitipon sa Davao, habang nakikinig ang Pangulong Duterte.

Naibahagi ko sa aking mensahe sa pagtitipong ito kung papaano pinadama ni Mayor Digong ang kanyang pagiging isang tunay na kaibigan, siya ang unang government official na dumating sa Manila Memorial mula Davao upang maki-isa sa aming kalungkutan sa pagkawala ni Reyster.

Pres. Duterte: “Rey please don’t mind me, entertain your visitors, I will just stay in that corner, I will reflect and pray for Reyster.”

SUMMATION

Hindi lamang simpleng adbokasiya ang pamamahagi ng tulong ng Kasangga mo ang Langit foundation. Tila naging bahagi na ito ng normal na ikot ng buhay ng aming pamilya na lingunin ang mga taong nangangailangan ng tulong. Bahagi rin ito ng pagnanais nilang maibalik sa ilan nating kababayan ang biyayang kaloob ng Panginoon sa aming pamilya.

Kada taon, pinagsisikapan po ng Kasangga mo ang Langit na gawing makabuluhan ang gift giving natin sa anibersaryo ng pagkawala sa atin ni Reyster Langit at kaarawan ng ating Kasanggang si JR Langit.

Umasa po kayo na hindi lamang ito pagpapatuloy ng adbokasiya ng ating Kasanggang si Reyster kundi mapalaganap rin ang pamamahagi natin ng tulong.

Marami pang pangarap ang Kasangga mo ang Langit foundation na inaasahan nating maisakatuparan sa mga susunod na panahon.

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial