The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
July 4, 2018

BLOCKCHAIN PWEDENG GAMITIN NG OFW PARA SA REMITTANCE – BSP

Hindi cash pero naipambibili. Kilala ngayon ang bitcoin na ginagamit sa kalakalan sa internet. Pasukin natin ang mundo ng makabagong salapi.

Ang Bitcoin ang sinasabing kauna-unahang cryptocurrency. Nasa porma ng electronic cash. Ito raw ang unang decentralized digital currency, na hindi na kinakailangan ng tagapamahala o kahit na isang administrador.

Ang Bitcoin ay naimbento ng hindi kilalang tao na gumamit ng alias na Satoshi Nakamoto. Kaniyang ini-release ang open source software taong 2009.

Gumawa kami ng pananaliksik upang higit nating maunawaan kung ano ba talaga ito.

Ito ang aming ginawang episode sa palatuntunang pang telebisyon sa PTV na “Kasangga Mo Ang Langit” sumasahimpapawid tuwing Biyernes ng 10:00 PM ng gabi. Isinakatuparan namin ng ating Kasanggang si JR Langit ang pananaliksik na ang layunin ay upang higit na maunawaan ang ibig pagkahulugan ng Bitcoin, upang ma-educate natin ang madla at makaiwas din sa panloloko ng ibang mapagsamantala.

VIRTUAL CURRENCY O CRYPTOCURRENCY

Pasukin natin ang mundo ng makabagong salapi. Alamin natin ang mga pasikot sikot ng Bitcoin at iba pang virtual currency o cryptocurrency. Ang Bitcoin ay isa lamang sa maraming uri ngayon ng virtual currency o cryptocurrency na pwedeng gamiting pambili, saan ka man naroroon, basta may internet.

Kinapanayam namin si Ginoong Diwa C. Guinigundo, ang Deputy Governor ng Banko Sentral ng Pilipinas.

DEPUTY GOV. DIWA: Malakas at mabilis ang pag-unlad ng teknolohiya kaya yung pag unlad ng teknolohiya naisip na rin itong pagpapabilis ng pagbabayad, there is also a great amount of decentralization.

Halimbawa, umutang ako dito sa kaibigan natin dito. Pwede kong padalhan siya ng bayad sa pamamagitan ng cryptocurrency. Tapos ima-“mine” niya iyon sa sarili niyang computer. Yun ang mangyayari na pagse-settle. Mas mabilis.

Sa cryptocurrency kasi may tinatawag tayong electronic wallet. Di ba kung tayo may wallet, doon mo nilagay ang pera mo, i.e. P500, P1000 … ganoon din sa cryptocurrency o sa virtual currency. Meron ding electronic wallet. Ang electronic wallet naman dun sa virtual currency, iyan ay ginagawa sa mga computer; so kung ikaw ay may computer at ang iba nating kasama dito ay may computer, gagawa sila ng kani-kanilang electronic wallet using the same technology.

Ngayon, papano magkakaron ka ng value? Magkakaroon ka ng value o ng pera kung pupunta ka sa tinatawag na virtual exchange. Ibig sabihin, ieexchange mo yung fiat money o yung P500 on P1000 pesos sa equivalent nito na cryptocurrency. Pagkatapos, yung electronic wallet mo ngayon, tayo tayo lang ang magpapalitan. Kasi tayo lang ang may computer, tayo lang ang may software, tayo lang ang may electronic wallet so tayo lang ang magpapalitan.

Ang inaasahan ng mga gumawa ng cryptocurrency o ng Bitcoin, higit na maraming tao pa yung magsususcribe sa idea ng cryptocurrency dahil kung lahat ng tao sa buong mundo gumagamit ng cryptocurrency then you can leverage on the technology na mas mabilis mag settle ng mga bayarin.

Hindi ginto pero namimina, alamin natin ang mga pasikot-sikot ng Bitcoin at iba pang virtual currency o cryptocurrency. At walang pagpipilian ang mamamayan kundi sumunod sa agos upang hindi mapagiwanan. At hindi lamang Bitcoin ang cryptocurrency na nakikilala ngayon.

BITCOIN: HINDI LEGAL, HINDI DIN ILLEGAL

Isang app sa mobile phone ang nagsisilbing electronic wallet kung saan itinatago ang pera online para magamit kahit saan ka man naroon, basta may internet.

JR LANGIT: Sir ito po ba ay legal or illegal?

DEPUTY GOV. DIWA: Hindi mo masasabing legal o illegal kasi sa ngayon, wala tayong batas tungkol jan sa cryptocurrency. It’s a private transaction among you. So kung kayo-kayo mismo, kayong mga subscribers sa cryptocurrency ay nagkasundo na itong unit na ito ng cryptocurrency is worth one thousand dollars among you players, okay.

Pero noong March 2014, naglabas ng Advisory ang BSP. Kinlarify ng BSP kung ano ang Bitcoin, kung ano ang cryptocurrency, etc. Pagkatapos, last year, February 2017, nagkaroon ng Circular 944 kung saan na nagbigay ng pahintulot ang Bangko Sentral sa tinatawag na virtual exchanges. Ito yung pagpapalit ng fiat money dun sa Bitcoin o cryptocurrency. Yun kasi ang magpapasimula nun; kasi kung may cryptocurrency, saan manggagaling ang value nun? Doon din sa fiat money. So base doon sa February 2017 Circular,  pwede kang pumunta doon sa virtual exchange, ipapalit mo yung fiat money mo, lets say P50,000 naipalit mo ng so many units ng cryptocurrency, iyon ngayon ang gagamitin mo sa pag-trade, i.e., yung electronic wallet ko, babayaran kita, so mababawasan yung electronic wallet ko, mapupunta sa iyo, ikaw naman nagbayad ka sa kabila, mababawasan yung electronic wallet mo, madadagdagan naman yung kabila. It’s a private ecosystem, so to speak. Nagkakasundo kayo, bawa’t isa sa inyo. May computer, you’re using the same technology, you know your own language.

JR LANGIT: Mayroon ho bang eksatong halaga ang Bitcoin?

DEPUTY GOV. DIWA: Hindi katulad ng flat money, ang Bitcoin ay walang eksaktong halaga dahil depende ito sa itinatakda ng mga players.

IBA ANG HALAGA NG CRYPTOCURRENCY SA TOTOONG CURRENCY

JR LANGIT: Sir with the changing times, do you think peso can take shape dito sa cryptocurrency or online…

DEPUTY GOV. DIWA: Cryptocurrencies are issued by the private sector. May ibang nagsuggest, bakit hindi mag issue din ng kani- kanilang cryptocurrency ang mga Central Bank around the region or around the world. Pero maraming issue. Halimbawa, papaano ime- measure ang kanilang merkado; isasama mo ba ang cryptocurrency as a part of the currency in circulation? Yung currency circulation, pag sinabi mong P500, (pwedeng) bukas P200, the following day P700 … paano mo ngayon mapangangasiwaan ang sistema ng pananalapi kung hindi mo alam ang total volume of liquidity or money supply sa merkado? Iyan ang isang component ng money supply; akyat-baba ang value.

MGA KOREANO, BILIB SA BLOCKCHAIN TECHNOLOGY

Ang paglaganap ng cyrptocurrency na sumikat sa Korea, ating alamin. Aming kapanayam si Hee Seong Lim, Director ng isang kumpaniya na 17 years nang No. 1 network sa South Korea.

JR LANGIT: What is this block trade internet business?

DIR. LIM: There are various ways (of transferring cryptocurrency): mobile to mobile, software to software. There are some credit card companies, some ATMs who allow (for conversion of cryptocurrency to actual currency). In the Philippines, we have Project I to I: Island to Island and Institution to Institution or Individual to Individual. I see the Philippines has great potential to be develop because of the new technology in the Philippines.

Ang Cryptocurrency ay pinatatakbo ng teknolohiya na kung tawagin ay Blockchain o isang accounting system sa mundo ng kalakalan na ang gamit ay cryptocurrency. Amin ring kinapanayam si Justin Jung, Vice Chairman, Sapphire Technology Co. sa tulong ng kanyang interpreter na si Ryan Kim.

JR LANGIT: How will you guarantee the safety of this kind of business using the Blockchain technology?

RYAN: (Mr Jung) can guarantee that Blockchain technology is 100% safe if (customers) are using the proper Blockchain system. Every customer has to authorize for the authentication when they are making transactions so it’s 100% (safe).

Kabisado rin ng mga nagnanais na pumapasok na Korean companies sa bansa ang mga OFW’s na nagpapadala ng pera sa kanilang pamilya dito sa Pilipinas.

JR LANGIT: If ever, how can it help the Filipino people, the Bitcoin, ah the blockchain technology how can it help the Filipinos?

RYAN: (Blockchain technology for crytocurrency can) provide Filipinos with the proper platform, the safest way to transfer money to to their families. We know that that so many (pawnshops and other remittance centers) get commission; the blockchain system would help. There is cheaper commission, faster and safer. Mr Sung also wants to emphasize that those remitting funds should know that they are not buying a scam coin. If (Filipinos) have the right knowledge, they will appreciate Blockchain.

ADVANTAGES vs DISADVANTAGES NG BLOCKCHAIN

Bagamat mabilis ang transaksyon kapag gumamit ng mga cryptocurrency, may paalala pa rin ang Bangko Sentral ng Pilipinas hingil dito.

JR LANGIT: Ano naman po yung nakikita niyong advantages or disadvantages ng Bitcoin?

DEPUTY GOV. DIWA: Ang advantages nila, dahil sa mataas na antas ng teknolohiya, magagamit natin yan sa remittance. Sa payments mas mabilis iyan. Sa katunayan, sa ibang bansa, na ba-bypass na nga ng cryptocurrency ang banking system kasi ang prinsipyo nyan ay decentralization. Ibig sabihin, tayo-tayo mismo magpapalitan ng value; tayo na mismo ang nagse-settle. Kasi, pag involved ang mga bangko, ang mga bangko ang magse-settle (ng mga transaction) at the end of the day through their deposit with the Central Bank kaya it takes time. Pero sa cryptocurrency system, pwede nang magbayaran (agad sa pamamagitan ng) distributed ledger technology … para itong maliit na bangko where you can settle all payments among yourselves.

SUMMATION

Hindi nga ginto pero namimina. Ang virtual currency o cryptocurrency ay makabago sa pandinig nang nakararaming Filipino pero wala nang makapipigil sa pag-unlad ng teknolohiyang ito sa buong mundo. Bagamat bagong teknolohiya, makabagong platform, at mabilis na transaksyon kapag gumamit ng Bitcoin, may babala pa rin ang Bangko Sentral ng Pilipinas tungkol dito:

“Ang dapat nating tandaan, pag aralan ang anumang bagay na ating pinapasok at pag ingatan ang perang pinaghirapan.”

Facebook Comments
Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial